Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Sa viral video, isang itim na SUV ang biglang umabante papunta sa entrance ng terminal. 2 ang nasawi sa nasabing insidente. Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Alamin ‘yan sa video na ito.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Sa mga nanonood po ngayon,
00:03sensitive po ang video na mapapanood ninyo.
00:06Sa viral video,
00:07isang itim na SUV
00:08ang biglang umabante
00:09patungo sa isang entrance ng terminal.
00:13Kung nabanggan ito
00:14ang mga taong nag-iintay sa labas,
00:17dalawa ang nasawi,
00:19kabilangan limang taong gulang
00:20na anak ng isang OFW.
00:27Tatlo namang ang sugatan
00:29na dinala sa
00:30Ayan sa Land Transportation Office, lumalabas na nag-panic ang driver ng SUV.
00:36Imbis na preno, si Linyador Umano ang natapakan ng driver.
00:41Paalis rao siya noon ng may dumaang sasakyan sa harapan.
00:45Pero kung babalikan ang CCTV, nako, walang sasakyan na dumaan sa harap ng SUV bago ang insidente.
00:53Nasa kustodiyan na ng pulisya ang driver na sasailalim Umano sa mandatory drug testing.
01:00Sinuspindi na rin ang LTO ang kanyang lisensya.
01:04Pag-usapan natin ang mga tanong ninyo sa insidente ito.
01:08Ask me, ask Attorney Gavin.
01:14Kung napakarami ng insidente ang ating napag-uusapan na ganito dito sa atin.
01:20At ito nga ang tanong, attorney, base sa paunang investigasyon,
01:24hindi intensyon ng driver namang araro doon sa mga tao.
01:28Kapag ganun po ba, anong mangyayari sa kaso?
01:31Well, tulad po ng palagi nating sinasabi, kahit walang intensyon na makapatay o makasakit ng kapwa,
01:38kung ang isang pangyayari ay masasabing resulta ng pagpapabaya,
01:42ang pagpapabaya na yan ay masasabing nagiging criminal na in nature at nagiging kasong criminal pa rin.
01:49Ang madalas nating naririnig na reckless imprudence resulting in physical injuries at homicide ang magiging kaso.
01:58Ang hindi pagiging mapagmatyag habang nagmamaneho ay maaaring makasuhan ng reckless imprudence,
02:04lalo na nga kung ito ay dahil gumagamit kayo ng telepono,
02:07naglalaro ng games,
02:09nagte-text habang nagmamaneho,
02:11kahit nakapanandali ang nakastop ang kotse.
02:14Meron po tayong Republic Act 10913 o ang Anti-Distracted Driving Act
02:19na ipinagbabawal ang paggamit ng mga device
02:22dahil nga napakadaling malingat kahit na one second lang
02:26na maaaring magresulta sa injury o death sa malas na biktima.
02:30Of course, lalong bawal ang mga nagmamaneho na driving pala
02:34under the influence of drugs o alcohol.
02:37Naiiba talaga ang perception na isang tao na nakainom o nakatira ng droga.
02:42Kaya't actually sa ilalim ng Anti-Drunk and Drug Driving Act of 2013,
02:47lahat ng mga drivers na mga sasakyan na involved sa mga aksidente
02:51na may nasaktan o namatay
02:53ay dapat talagang maipas sa ilalim ng drug screening test
02:56para mapatunayan kung meron nga bang alcohol o droga sa sistema.
03:01Pag tumangge, maaaring magresulta sa suspension o revocation
03:04ng driver's license at iba pang penalties.
03:08Tandaan po, ang isang kotse ay considered as a killing machine.
03:13Walang panangga ang kawawang biktima kung mahagip,
03:16masagasaan o mabundol ng isang kotse
03:19or even worse, yung van o yung mga truck.
03:21Kaya't palaging dapat maging mapagmatiag habang nagmamaneho.
03:28Attying sa mga gritong aksidente o disgrasya,
03:30ang daming nag-video at ina-upload agad sa social media.
03:34Pwede nga po ba yun?
03:36Nako, actually, hindi naman natin ito talaga
03:38irerekomenda lalo na kung makikita ang mukha ng mga tao,
03:42meron mga identifying marks or information,
03:45tulad ng mga plate number halimbawa ng kotse.
03:48Ito ay lalabag sa basic right to privacy ng mga tao,
03:52whether buhay o patay.
03:54At maaaring lumabag sa Data Privacy Act
03:56na maaaring magresulta sa mga fines and penalties.
03:59Kung ang pagpapost ay makakasira sa reputasyon na isang tao,
04:03baka magkaroon ng posibleng kaso for cyber libel.
04:07But of course, importante ito kasi nagiging ebidensya yan
04:10tulad ng mga CCTV at mga video na maaaring gamitin sa kaso.
04:14Pero kailangan po natin palaging isipin,
04:17ito naman ay basic na pagbibigay respeto at dignidad sa mga tao,
04:21whether ito ay ang mga biktima o ang mga naiwang pamilya.
04:25Kung ilalagay ninyo ang mga sarili ninyo sa kalagayan ng mga taong involved,
04:29gusto nyo ba na nakapost tayo o mga pamilya ninyo
04:32habang yung biktima ay nasa isang napakasaklap na sitwasyon?
04:37Dapat lang na irespeto ang privacy at dignidad ng mga tao
04:41at hindi rin maayos ito para sa mga nakakakita,
04:44nakaka-trigger ng anxiety at stress sa mga makakakita ng mga video na ito.
04:49Sa napakaraming mga insidente na nangyayari recently,
04:53mag-ingat po tayong lahat at lalo na sa mga nagmamaneho,
04:56kung inaantok, ipara muna at umidlip.
04:59Pag kayo ay nakainom, ay nako, tumahawag na lang ng taxi.
05:03Ayaw natin na magkaroon pa ng mga ulila
05:06o mga magulang na nawawala ng kanilang mga anak.
05:10Sa mga usaping batas, bibigyan po nating linaw
05:13para po sa kapayapaan ng pag-iisip,
05:16Huwag magdalawang isip, ask me, ask atin ni Gabby.
05:22Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMI Public Affairs YouTube channel?
05:26Bakit? Pagsubscribe ka na dali na
05:29para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
05:32I-follow mo na rin ang official social media pages ng Unang Hirit.
05:36Salamat ka puso!

Recommended