Sa Tagbilaran, Bohol, sugatan ang isang babae matapos magkaaberya ang sinakyang ride sa isang perya! Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Alamin sa video na ito.
Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.
Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.
Category
😹
FunTranscript
00:00Dahil vacation na ng karamihan, kabi-kabila ang masasayang bonding at pamamasyal,
00:06kasama na ang pagsakay sa mga ride.
00:08Pero ang kasiyahan sa perya, sana walang abirya.
00:13Sa Tagbilaran Bohol kasi, sugata ng isang babae matapos magka-abirya
00:17ang sinakyang ride sa isang perya.
00:20Kwento ng ilang sumakay, may narinig silang kakaibang tunog sa ibang bahagi ng ride.
00:33Bumigay raw ang frisbee bago ito tuluyang tumigil.
00:37Paliwanag ng operator ng frisbee, nagkaproblema ang gulong ng ride kaya tumabingi.
00:43Ipinatigil na ang operasyon ng naturang ride.
00:46Ano nga bang sinasabi ng batas tungkol dyan?
00:49Ask me, ask, attorney Gabby.
00:58Attorney, hindi na bago yung mga ganitong insidente.
01:01Ano po ba ang habol ng mga sumasakay sa ganitong rides sakaling magka-abirya?
01:07Hindi na nga mga bago pero parang bago ang ride na ito ha, frisbee.
01:12Nung bata kasi ako wala pang frisbee.
01:14Mga octopus, caterpillar at baby roller coaster lang yata at sa mga friendly neighborhood perya lamang.
01:22Pero ganun pa man, pareho pa rin ang gagamitin sa batas natin dyan.
01:27Ito, as usual, ay isang issue pa rin tungkol sa pagpapabaya o negligence.
01:33Ang mga nasisirang mga amusement rides tulad ng frisbee, ang mga nahuhulog na bago ng ferris wheel, at mga lumilipad na octopus arms at iba't iba pang mga naging aksidente.
01:44Hindi naman yan usually nangyayari unless tagkaroon ng kakulangan sa ingat ang mga operator nito para mapigilan sana ang mga ganitong insidente.
01:54Whether ito ay kaso ng kakulangan ng maintenance, hindi paggawa ng repairs, ang hindi paggamit ng maayos ng mga safety gadgets at protocols, ang hindi pag-observe ng mga pag-iingat, kailangan patunayan yan.
02:07So may posibleng liabilidad for a criminal case for negligence at syempre may civil na liabilidad para sa danyos.
02:15Buti na lang mga at walang namatay but of course, makasuhan man ng kriminal o hindi, meron pa rin posibleng kaso for damages.
02:23Of course, ito ang mga usual na mga damages na dapat na nabibigay sa isang tao na saktan dahil sa pagpapabaya na iba.
02:31Unang-una na, syempre pagbayad ng actual expenses ng pagpapagamot at pagpapa-ospital ng nasaktan.
02:38Kasama na rito ang pagre-rehab ng pasyente kung nabalian ito.
02:42Dapat din bayaran ng loss of income in case na nagtatrabaho ang nasaktan at hindi siya nakapasok.
02:48Kung sobrang pabaya ang operator, baka din merong exemplary damages at isama na rin ang mga moral damages para sa pain at suffering ng naging biktima.
02:59Attorney, sakaling hindi man nasaktan ng pisikal, may habol din ba kung halimbawa na trauma sa pagsakay sa pumalyang ride maging yung mga nakasaksi.
03:09Naku, pero baka ito medyo mahirap ang kaso na ito.
03:13Mahirap kasi patunayan ang presence or existence at yung extent ng trauma na yan at ang pagpapatunay na ang trauma na yan ay ang direct result ng pagsaksi sa trauma ng pumalyang ride.
03:25Dapat kasi merong malinaw na link, there's a clear link between the incident at yung trauma na yan.
03:31Mahirap pakita na ang emotional and psychological distress o trauma ay direct result ng isang insidente,
03:38lalo na kung maipapakita na marami pa bang ibang stress factors ang taong involved.
03:44Nakipag-break sa boyfriend or girlfriend, may stress sa pag-aaral, nakihiwalay ang mga magulang,
03:49nabubuli sa paraan, sa paaralan, napakadaming causes.
03:53Baka hindi maipakita ang cause and effect na nagmula sa insidente ng pumalyang ride at masasabing,
03:59naku, spekulasyon lamang ito.
04:02Otherwise, baka abusuhin din kasi ng mga tao, magkaroon bigla ng napakaraming kaso for damages
04:08dahil na traumatize sila sa napanood nila.
04:11Kung tutuusin kasi yung mga moral damages for sleepless nights, anxiety, mental anguish,
04:17usually binibigay yan kung may ibang kaso na napatunayan na may criminal case,
04:23may kaso for negligence na napatunayan, breach of contract, libel, slander, malicious prosecution.
04:30Hindi ito simple yung kaso na, ay, na-traumatize ako, dapat bayaran ako ng danyo.
04:34As if at all, kailangan magpakita ng isang expert witness tulad ng doktor na psychiatrist or psychologist
04:41na ipapakita yung trauma na yan at kung ano, paano naka-apekto.
04:46Otherwise, malamang po, madidismiss ang kaso ninyo.
04:51Ang mga usaping batas, bibigyan po natin dinaw.
04:54Alam nyo na, para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip.
04:59Ask me, ask it again.
05:01Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
05:07Bakit?
05:09Magsubscribe ka na, dali na, para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
05:13I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
05:17Salamat ka puso.
05:18Salamat ka puso.