Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Ngayong Semana Santa, samahan si Susan Enriquez sa isang paglalakbay ng pananampalataya sa Divine Mercy Shrine sa Bulacan. Pinaniniwalaang may milagro na hatid ang tubig mula sa kanilang balon. Alamin ang mga kuwentong himala sa video na ito.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Naman, ngayong papalapit na ang Semana Santa.
00:02Isa sa mga pwede niyong puntahan ang sinasabing
00:05mapaghimalang tubig sa balon sa Divine Mercy Shrine
00:09sa Marilaw, Bulacan.
00:11Ang daming dumadayo po dyan sa pag-asam sila ay gumaling.
00:16Yan ang kwento ng pag-asam na aalamin ni Ate Sue.
00:19Hi Ate Sue, good morning.
00:20Hi Sue.
00:25Bukod sa imahe ng Divine Mercy at Station of the Cross
00:29na dinarayo ng ating mga kapuso dito sa National Shrine and Parish
00:32of the Divine Mercy sa Marilaw, Bulacan.
00:35Isa sa pinupuntahan nila dito yung sinasabing bukal o balon
00:37na kung saan ay naniniwala yung iba na ito po ay nakakagaling.
00:42Kaya isa po yan sa mga pinupuntahan.
00:44Actually, makikita niyo nga sa ibang pumunta rito.
00:46May dalas silang mga alalagyan ng tubig.
00:48At may makakausap po tayo dahil siya po ay naniniwala na
00:52ang kanyang karamdaman ay gumaling dahil sa pag-inom niya ng tubig
00:56na nagmula dito sa balon, dito po sa Divine Mercy.
01:00Si Ma'am Corazon, Madrideo.
01:02Ayan.
01:02Actually, kaya ho siya may dalang galon.
01:04Mapapansin niyo hawak.
01:05Dito daw niya inilagay yung tubig na sinalok niya dito.
01:11Mapakikwento nga ho ng ano.
01:12Paano yung sakit niyo?
01:14Nagkaroon kayo ng sakit na?
01:16Galstone po.
01:17Tapos po?
01:18Ito po yung nadetect nung nasa Dubai kami.
01:20Opo.
01:21Sabi sa akin ng doktor, kinakailangang tanggalin kasi dirikado nasa lieg na nung
01:27ay baka po daw mapunta ng atay.
01:31Opo.
01:31So kinakailangan.
01:32So ako naman po, kami po mag-asawa, hindi po kami naniwala na yun lamang.
01:40Ang paniniwala namin, pagkagaling kami ni Divine Mercy kasi talagang diboto po kami
01:46ng Divine Mercy.
01:46Sa punta kayo dito.
01:48Opo.
01:48Mualig po kami dito.
01:49Para every time po kasi lagi po kami nag-serve dito eh.
01:53Three times a week po nag-serve kami mag-asawa.
01:55Okay.
01:56Opo.
01:57Tapos pag kami po yung mag-serve, kukuhapo yung asawa ko ng tubig.
02:00Ito po ang pinapainom talaga sa akin.
02:02Okay.
02:03So yung pag-inom niyo na yun, ano na po, hindi na ako kayo nagpa-opera,
02:07wala na ang biligay sa inyo, ibang mga gamot.
02:09Wala na po.
02:10Naka-apat po akong doktor, pero isa po ang decision nila, opera talaga.
02:13Opo.
02:14Kaya na po, yung pang-apat po, ang hato sa amin, ipa-city scan muna bago ako pa-operahan.
02:21So nung pagka-city scan po yung resulta po noon, ang sabi niyo doktor, wala na daw po yung gallstone ko.
02:27So nung in-advise kami na pumaha kami ng second opinion sa specialist talaga sa bato,
02:34para maliwanagan talaga kung ano talaga yung resulta.
02:36At wala na rin.
02:37Opo.
02:38So pagdating namin doon sa doktor, sabi sa akin, ano pang-aoperahan natin?
02:42Wala ka namang gallstone.
02:43So yan po yung mga kwento, siyepa, yung natibay ho ng ating pananampalataya,
02:48paniniwala, yun humisan talaga nagbibigay sa atin ng paggaling o kaligtasan sa ating mga karamdaman.
02:54So siyepa, lalong tumibay ho ang inyong debosyon sa Divine Mercy.
02:58Kaya naman, kayo ba yung nagtatrabaho pa sa Dubai?
03:01Hindi na po.
03:01Hindi na pa.
03:02Pero tuloy-tuloy na lang kayo dito.
03:04Nag-serve po.
03:05Nag-serve dito ho sa Divine Mercy.
03:07Dahil nga yung sabi nga po niya, talaga ho ni Ma'am Corazon,
03:10napagaling yung kanyang karamdaman nung tubig na lang mula.
03:14Puntahan lang natin dito.
03:15Dito kayo sumalo ako na ma'am.
03:17Opo.
03:18Ito po, balon ito, bukal.
03:20Bukal po ito.
03:22Bukal, ayan, oo.
03:23Ito po, ang gumagawa po talaga nito, yung asawa ko.
03:26Ah, siya ko bukuha.
03:27Opo, every time na maki-serve kami, gumawa ka ka siya ng tubig dito.
03:32Opo, ito ang iniinom nyo.
03:34Opo, ito ang talagang iniinom namin.
03:36Abang ako po, may sakit noon, talagang ito po talaga,
03:40hindi po kami uminom ng ibang tubig,
03:41kundi ito lamang po talaga yung kinukaan namin ng tubig.
03:46Opo, yan.
03:46So, yun nga po, kaya nga po, kasi yung mga kababayan natin na pumupunta rito,
03:50talaga kasama sa kanilang intention na makakuha ng tubig mula dito sa balon.
03:56Opo, dahil yung ilan nga ho natin mga kapuso, yung ating mga kababayan,
04:01lalo na ho yung mga sarado katoliko, yung mga deboto ni Divine Mercy,
04:06naniniwala ho sila na itong tubig na ito talaga may magandang idinudulot sa kanilang katawan.
04:11At gaya nga ni Ma'am Corazon, naniniwala siya na napagaling siya ng tubig na nagmula dito sa balon
04:16o bukal na ito dito po sa National Shrine and Parish of the Divine Mercy dito po sa Marilaw, Bulacan.
04:24Syempre, lalo ho ngayong Semana Santa, marami ho'ng dadating.
04:27Sabi nga talaga ho ang pananampalataya, ang pananalig sa Panginoon,
04:30ang talaga minsan nagpapagaling sa ating mga karamdaman.
04:33Mula po rito sa Divine Mercy sa Marilaw, Bulacan.
04:36Back to studio po tayo.
04:48Wait! Wait, wait, wait, wait!
04:50Huwag mo munang i-close!
04:52Mag-subscribe ka muna sa GMA Public Affairs YouTube channel
04:56para lagi kang una sa mga latest kweto at balita.
04:59At syempre, i-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
05:05Thank you!
05:06Bye-bye!

Recommended