Isang bata ang nakuryente sa live wire at binawian nang buhay! Ayon sa may-ari ng bahay, may live wire siya para hindi manakawan! Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Alamin sa video na ito.
Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.
Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.
Category
😹
FunTranscript
00:00Isang siyam na taong gulang na bata na kuryente sa bakod na isang machine shop sa Jensan.
00:18Ang bakod kasi, may live wire pala.
00:22Dead on arrival sa ospital ng bata na hinihinalang umakyat sa bakod para sana maglaro.
00:28Ayon sa may-ari ng shop, ang live wire ay depensa raw niya sa mga magnanakaw.
00:34Pero bawal ito ayon sa barangay.
00:37Ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol sa ganitong mga insidente?
00:41Ask me, ask Attorney Gabby.
00:49Attorney, maraming naglalagay sa mga bahay o establishment ng barbed wire o dito nga sa insidente ito.
00:56Live wire para hindi umanupasukin o manakawan.
01:00Ano bang sinasabi ng batas tungkol dito?
01:03Well, actually, sa alam ko, wala naman tayong batas na siyang nagsasabi na bawal ang mga electric fence.
01:09And of course, hindi naman bawal ang maglagay ng barbed wire o yung mga basag na bote sa tas na mga pader
01:14para mapigilan o maging hadlang sa mga magnanakaw at masasamang loob.
01:19Pero mag-check muna kayo at baka may mga ordinansa o mga rules.
01:24Ang Homeowners Association ninyo, bago kayo mag-isip na maglagay ng mga ito,
01:29lalo na nga ang electric fence dahil nga ang mga ito nakamamatay.
01:34Maaaring magkaroon ng liabilidad, both criminal and civil,
01:38ang taong hindi maayos na maglalagay ng electric fence.
01:41Unang-una, gaano kalakas ba ang electricity charge na tumatakbo rito?
01:45Hindi naman sana sobrang malakas at makapapatay nga agad ng tao.
01:50Sabi nga natin, dapat ay makakapigil o makakahadang lamang ang electric fence na ito.
01:57Hindi naman para patayin agad ang makahawak o magkaroon ng kontak dito.
02:01Pangalawa, dapat ay hindi ito masyadong mababa
02:04dahil nga baka maabot ng mga hindi target ng electric fence.
02:08Gusto natin na hindi makapasok ang mga kawatan at mga magnanakaw.
02:13Naku, parang sa Senado at Kongreso lamang.
02:16Pero ayaw naman natin na tulad sa nangyaring ito ay madaling maaabot ng mga bata.
02:21At pangatlo, dapat ay may mga malalaking warning sign.
02:26At hindi nga basta-basta warning sign, dapat malaki at madaling mabasa.
02:31Sinabi na ito ng Korte Suprema sa isang kaso,
02:34meron namang sign kasi nga meron ding namatay.
02:37Merong-merong sign ng pader nagsasabing danger electric fence,
02:41pero 2 inches lang daw ang mga letra at mga 18 inches lamang ang haba nung sign na ito at 6 feet above the ground.
02:50Sabi ng Korte, hindi naman madaling mabasa ang mga letra ng mga dumadaan.
02:57Lalo na nga, yung magnanakaw na sa kasong to,
03:00alas 4 ng umaga umakyat ng bakod, di niya nabasa.
03:04Dahil sa electric fence na nakapatay na isang magnanakaw,
03:08nahatulan at kinumpirma ng Korte Suprema ang ruling ng bababang korte
03:12ng reckless imprudence o matinding pagpapabaya,
03:16resulting in homicide na may kasamang pagbayad ng danyos.
03:21Yung automatic liability pag nakapatay, ito yung mga danyos na binabayaran.
03:26Automatic liability sa pagkamatay, danyos sa pagpapalibing,
03:30damages dahil sa nawalang earning capacity o income ng namatay,
03:34at may moral damages pa para sa dalamhati at paghihirap ng mga naiwan.
03:40And of course, nagkaroon din ng kulong dahil meron paling criminal liability ang pagpapabaya.
03:46Kaya't dahan-dahan po, hindi depensa na hindi naman dapat umaakyat ng bakod
03:51ang magnanakaw kaya't kasalanan niya.
03:53Kailangan pa rin magingat at baka makasakit o makapatay tayo ng hindi inaasahan.
04:00Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw
04:03para sa kapayapaan ng pag-iisip,
04:06huwag magdalawang isip,
04:08Ask Me, Ask Attorney Gabby.
04:10Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMI Public Affairs YouTube channel?
04:16Bakit?
04:16Pagsubscribe ka na, dali na,
04:18para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
04:22I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
04:26Salamat ka puso!
04:26Altyazı M.K.
04:27Altyazı M.K.
04:27Altyazı M.K.
04:28Altyazı M.K.