Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Doble-dagok ang dinanas ng ilang residente sa bahagi ng Barangay Obrero sa Quezon City matapos masunugan nitong Abril at mawalan pa ng supply ng kuryente nang halos tatlong linggo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga Kapuso, Doble Dagok ang dinanas ng ilang residente sa bahagi ng Barangay Obrero sa Quezon City.
00:06Matapos masunugan itong Abril at mawalampan ang supply ng kuryente ng halos tatlong linggo,
00:12dumulog sila sa inyong Kapuso Action Man.
00:18Halos isandaang pamilya ang apektado ng sunog na sumiklab sa Macabayan Street sa Barangay Obrero, Quezon City nitong Abril.
00:25Pero hindi lang yan tumupok sa kanilang bahay at iba pang ari-arian,
00:29kundi nanganak din ng iba pang problema.
00:32Bigla pong naputol na po yung supply ng kuryente.
00:37Nataon pa pong napakainit po ng panahon.
00:40Kawawa po yung mga bata dito sa amin at may mga senior citizens pa po kami nakatera dito.
00:46Walong pamilya po ang naapektuhan po at sobra nga po kaming naabalat.
00:52Ilang beses umanong nagpabalik-balik sa Meralco ang mga apektado pero...
00:56Ang sinasabi lang po sa amin ay wala pa daw pong dumarating na job order.
01:00Tapos kinabukasan, babalik po kami.
01:03Ganon pa rin po ang nagiging sagot po nila.
01:06Mga kapuso, makaraan ang halos tatlong linggo nang sumiklab po ang sunog dito sa Barangay Obrero, Quezon City.
01:12Dumulog po ang mga residente sa team ng inyong Kapuso Action Man.
01:15Dahil pawang nawalan ng supply ng kuryente ang lugar na ito.
01:20Agad na umaksyon ang inyong lingkod.
01:22At ininulog natin sa Meralco ang problema ng ating mga kapuso.
01:25I'd like to seek their understanding na hindi naman din kasi talaga po agaran yan.
01:33We have to make sure na safe at magiging maayos yung pagbabalik ng servisyon ng kuryente.
01:40Otherwise, we might be compromising yung safety po ng community.
01:43Nagsagawa na ng kaukulang clearing operation sa lugar ng kumpanya.
01:52At ngayon, balik na po ang kuryente sa lugar na ito.
01:57Maraming maraming salamat po kay Mr. Emil Sumangil.
02:02Natugunan po yung panawagan po namin na magkaroon po ng ulit ng supply ng kuryente dito po sa compound namin.
02:13Mission accomplished tayo mga kapuso.
02:16Para po sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page
02:20o magtungo sa GMA Action Center sa GMA Network Drive, corner sa Maravine, Diliman, Quezon City.
02:25Dahil sa anumang reklamo, pangaabuso o katiwalian.
02:28Tiyak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
02:31شكرا.
02:32Transcription by CastingWords

Recommended