Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
SAY ni DOK | Tamang pag-aalaga sa buntis para healthy si mommy at baby

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga ka-RSP, ngayon po ay Safe Motherhood Week.
00:04Kaya naman ngayong umaga, tamang pag-aalaga sa buntis ang ating pag-uusapan.
00:09At ano nga ba ang mga dapat at hindi dapat gawin para manatiling healthy si mommy at si baby?
00:16Alamin natin ang mga tips dyan na mula kay Dr. Camille Ann Abaya, isang OBGYN.
00:22Magandang umaga po, Doc.
00:23Magandang umaga po sa inyo dalawa.
00:25So, ano po ba muna yung ibig sabihin para sa mga ka-RSP natin na hindi po alam?
00:30Yung natal care or prenatal care at bakit po ito mahalaga sa mga buntis?
00:37Prenatal care ang tawag nito.
00:39So, as the name implies, pre bago manganak.
00:42So, ito ay ang pag-alaga sa isang babaeng buntis during the nine months bago siya manganak.
00:49Okay?
00:50Importante ito para mapanatili yung kalusugan ng ina bago siya manganak.
00:56So, meaning, sinucheck natin dito yung kalagayan ng bata, yung weight gain ng nanay, yung blood pressure, and everything else.
01:07So, yun ang ibig sabihin ng prenatal care.
01:10Ito nga, Doc.
01:11Kailan dapat magsimula ang regular na prenatal check-up at gaano ito kadalas na dapat pong gawin?
01:17Okay, magandang tanong yan, no?
01:19So, base sa World Health Organization, ang sinasabi nila dati ay at least four to five check-ups sa buong nine months, no?
01:27Pero sa ngayon, hindi na ito masyadong sinusunod.
01:30Ang gusto nila ay mas marami, tulad ng mga 11 to 15 check-ups.
01:34So, usually, ang unang check-up ay before 12 weeks or bago yung tatlong buwan, no?
01:41Ah, after that, buwan-buwan ang pa-check-up hanggang umabot sa mga seven months.
01:47Pag umabot na tayo sa seven months, every two weeks na tayo magpa-pa-check.
01:51Mas madalas.
01:52O, mas madalas.
01:52Mas madalas.
01:53Tapos, syempre pagkabuan na na, every week na ang pa-check.
01:57So, pagkabinilang natin yun, more or less 11 to 15 times yun.
02:01Kasi parang, Doc, may mga instances na after ilang buwan, biglang parang wala na yung heartbeat yung baby.
02:06Tama. Kaya, mas maganda nga talaga, regular check-up para mabantayan or ma-anticipate kung may magiging problema or hindi.
02:15Ano po ba yung mga pagsusuli or tests po na kailangan po na isinasagawa sa mga prenatal visits?
02:22And paano po ito makakatulong kay baby?
02:24Okay. So, maraming mga tests.
02:26Ang pinakamadami ay dun sa umpisa, dun sa first check-up, no?
02:30So, sa first check-up, may ultrasound tayo.
02:33Syempre, para makumpirma, nabuntis talaga.
02:37Malaman kung may tibok ng puso or buhay ang bata.
02:40Of course, para malaman din kung narinig nyo na yung ectopic pregnancy or yung pagbubuntis sa labas,
02:46yun din ang gusto natin malaman kung ang pagbubuntis ay nasa loob ng matres or nasa labas.
02:51Aside from that, may mga blood tests, sa dugo, sa ihi.
02:55So, yun ang mga basic tests.
02:58After that, mga 5 to 6 months, may iba pang ultrasound, may blood test pa ulit for diabetes, etc.
03:06So, and then on the final, magpapag-final urinalysis and CDC tayo.
03:11So, yun yung mga basic tests.
03:14Eto, Dok, dun naman tayo sa common meat.
03:16Totoo bang merong, ano, yun nga yung paglilihi, diba?
03:18Sabi nga, usually, maasim na mangga.
03:22Oo.
03:22At kung di raw ba nabigay yung cravings, totoo ba na magkakaroon din daw ng manas o kapansanan?
03:27O, yan ang hindi totoo.
03:29While it is true na meron tayong cravings or morning sickness,
03:33dala ito ng pagbabago ng hormones sa isang babae pagbuntis.
03:38Ito yung naduduwal ka, medyo nahihilo.
03:41So, yung panlasa mo, medyo iba.
03:44Kaya may cravings ka, no?
03:46So, hindi mo gusto yung mga typical na gusto mo dati.
03:49Mas malasa sa'yo yung maasim o yung mga strong tastes, no?
03:54Yun yung parang mas gusto.
03:55So, dala ito ng pagbabago ng hormones.
03:58Pero walang katotohanan na kung hindi mapagbigyan ay magmamanas and all this.
04:03Hindi po yung totoo.
04:05Dok, ligtas po ba yung mga pag-exercise, paglalakad-lakad everyday?
04:09Kasi yung iba kasi, like sila, yung mga artista na nakikita ko,
04:14talagang nagpipilotis pa, nag-jijim pa, nagbubuhat pa ng waves.
04:20Yes, oo.
04:21So, safe siya for as long as low risk ang pagbubuntis.
04:25Meaning, hindi humihilab ang chan, hindi dinudugo, hindi mababa ang inuna.
04:30Maraming mga sitwasyon where we could say na baka high risk, no?
04:33But generally speaking, pwede.
04:36Okay, pangalawa, titignan din natin kung ano ba yung lifestyle ng babae bago na buntis.
04:42Kung aktibo or athlete ang isang babae din, lalong pinapayagan namin, no?
04:47Pero kung, kunyari, sedentary ang lifestyle niya, prior, pwede pa rin siya mag-exercise, pero hinay-hinay lang.
04:54So, Dok, ibig sabihin, mas maganda talaga, medyo active talaga?
04:58Oo, maganda.
04:59But, lagi kong sinasabi sa mga pasyente ko, hindi ito panahon para magpapayat or para hindi lumaki.
05:07It's more of para maging malusog or maganda ang daloy ng dugo sa katawan.
05:13More of sa health benefits rather than yung pagpapapayat.
05:16Yung nga, Dok, kanina na-discuss natin yung cravings o yung paglilihe, no?
05:21Kasi nga, dahil nga sa pagbabago ng hormones, mas maraming pagkain, di ba?
05:24Yung kine-crave ang isang nagbubuntis.
05:27May mga dapat bang pagkain or inumin na dapat pong iwasan yung isang nagbubuntis?
05:33So, generally, yung gusto natin, yung mga healthy na pagkain, no?
05:36So, lagi kong sinasabi, bawal ang mga fast food, bawal ang maaalat, bawal ang masyadong matatamis, no?
05:42So, yun ang mga iniiwasan natin, no?
05:46Pero paminsan-minsan pwede naman, no?
05:48So, if you eat generally healthy, then magiging okay ang pagbubuntis.
05:53Ayun, basta healthy.
05:55So, fruits, veggies, yan.
05:57Yes, ayun iwasan yung mga fast food.
05:59Ang mga, may defruits, eh.
06:01Ayan, okay.
06:02Maraming-maraming salamat po, Dok.
06:05At sana po, syempre yung mga ka-RSP natin, especially dun sa mga buntis ngayon,
06:09Sana may mga natutunan po kayo.
06:11Kayo, Dok.
06:13Ayun, maraming-maraming salamat, Dok, kami.
06:15At sa mga tatay, ano, alagaan natin ng tama.
06:18Yes!
06:19O, o, kailangan para't team kasi kayo, eh.
06:22Oo.
06:22Oo.

Recommended