Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Miyerkules, May 7, 2025.
- 1AM (PHL TIme) posibleng maglabas ng usok para malaman kung may Santo Papa na
- Babaeng nasa likod umano ng "fuel investment trading," arestado
- PUV consolidation, binuksan sa mga rutang wala pang 60% ang nagko-consolidate
- OCTA Research, inilabas ang resulta ng kanilang Tugon ng Masa April 2025 Pre-Election Survey
- Mga abogado ng mga vlogger at content provider na pina-subpoena ukol sa fake news, humarap sa NBI
- Mulat sa mga nagaganap sa lipunan at kayang magsilbing gabay sa gitna ng kaguluhan, ilan sa katangiang hinahanap sa susunod na Santo Papa
- Karagdagang 139 na ebidensiya, isinumite ng prosekyusyon vs FPRRD
- Kilalang psychologist na naabuso noon ng isang pari, naging katuwang ni Pope Francis vs. church abuses
- Ilang senatorial candidate, tuloy sa paglatag ng mga plataporma at adbokasiya
- Senatorial candidate, atbp. pinapadiskwalipika kaugnay ng maling campaign materials
- LPA na nakaapekto sa bansa mula noong weekend, nawala na
- Nasunog na bahay na nakitaan ng sim, text blaster, chinese passports, hinihinalang guerrilla POGO
- Mga inireklamo sa Ombudsman kaugnay ng pagkakaaresto kay FPRRD, binigyan ng 10 araw para magsumite ng counter-affidavit
- Nagpakilalang kasama ng 3 nagpanggap na taga-COMELEC, sumuko at nagsuko ng gadgets
- Bilang ng Pilipinong may trabaho nitong Marso, bahagyang bumaba ayon sa PSA
- Lalaki, sinuntok ng kapwa-menor de edad
- 2 pulis na rumaket umano bilang bodyguard ni Rep. Duterte, nabisto
- Pagiging house guest ni David Licauco sa "PBB," suportado ni Barbie Forteza
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
#24Oras #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- 1AM (PHL TIme) posibleng maglabas ng usok para malaman kung may Santo Papa na
- Babaeng nasa likod umano ng "fuel investment trading," arestado
- PUV consolidation, binuksan sa mga rutang wala pang 60% ang nagko-consolidate
- OCTA Research, inilabas ang resulta ng kanilang Tugon ng Masa April 2025 Pre-Election Survey
- Mga abogado ng mga vlogger at content provider na pina-subpoena ukol sa fake news, humarap sa NBI
- Mulat sa mga nagaganap sa lipunan at kayang magsilbing gabay sa gitna ng kaguluhan, ilan sa katangiang hinahanap sa susunod na Santo Papa
- Karagdagang 139 na ebidensiya, isinumite ng prosekyusyon vs FPRRD
- Kilalang psychologist na naabuso noon ng isang pari, naging katuwang ni Pope Francis vs. church abuses
- Ilang senatorial candidate, tuloy sa paglatag ng mga plataporma at adbokasiya
- Senatorial candidate, atbp. pinapadiskwalipika kaugnay ng maling campaign materials
- LPA na nakaapekto sa bansa mula noong weekend, nawala na
- Nasunog na bahay na nakitaan ng sim, text blaster, chinese passports, hinihinalang guerrilla POGO
- Mga inireklamo sa Ombudsman kaugnay ng pagkakaaresto kay FPRRD, binigyan ng 10 araw para magsumite ng counter-affidavit
- Nagpakilalang kasama ng 3 nagpanggap na taga-COMELEC, sumuko at nagsuko ng gadgets
- Bilang ng Pilipinong may trabaho nitong Marso, bahagyang bumaba ayon sa PSA
- Lalaki, sinuntok ng kapwa-menor de edad
- 2 pulis na rumaket umano bilang bodyguard ni Rep. Duterte, nabisto
- Pagiging house guest ni David Licauco sa "PBB," suportado ni Barbie Forteza
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
#24Oras #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00This is Philippine Goldberg.
00:07Live mula sa GMA Network Center, ito ang 24 Horas.
00:23Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:27Ilang oras na lang ay magsisimula na ang Papal Conclave o ang pagpili sa magiging susunod na Santo Papa.
00:35Kung walang magbabago ay posibleng maganap ang unang butohan ngayong magdamag.
00:40Ibig satihin posibleng magkaalaman na mamaya kung meron ng bagong Santo Papa.
00:45At live mula sa Vatican City, nakatutok si Connie Sison.
00:49Connie!
00:49Mel, Emil at Vicky, katatapos-tapos lamang nitong Pro Elijendo Pontefice o Votive Mass kung tawagin.
01:01Na dedicated para sa ating mga Cardinal Electors para magabayan sila ng banal na Santo Espiritu.
01:08At inaasahan natin by now ay nakabalik na sila sa Casa Santa Marta para doon ay makapagpahinga muna sandali bago muling magtipon.
01:16Around 4.30 oras dito sa Roma at 10.30pm naman dyan sa Maynila para sa doon sa Pauline Chapel sila magkikita-kita at maghahanda sila sa isang prosesyon patungo naman ng Sistine Chapel.
01:30Alinsunod po yan sa nagiging tradisyon tuwing may conclave.
01:34At once nandoon na sila sa Sistine Chapel ay inaasahan naman na magsisimula na ang butohan.
01:40Isang beses lamang magkakaroon ng butohan ngayong araw na ito.
01:44At posible by 7pm oras dito sa Roma at 1am naman dyan sa Maynila ay maaari na tayong makakita ng unang usok na manggagaling sa bubong o chiminea ng Sistine Chapel.
02:00Kung ito ay itim na nagsisimbolong na wala pang nabotong bagong Santo Papa o puti na nagsisimbolong may bago na tayong Santo Papa, yan ang ating aabangan.
02:13Alas 4 ng hapon, oras sa Pilipinas na magbisa sa St. Peter's Basilica.
02:19Kasunod niyan ang pagtungo sa Pauline Chapel pasado alas 10 ng gabi, oras sa Pilipinas para sa Litany of the Saints.
02:25Bagong opisyal na pagsasara sa kapilya o simula ng conclave, dahil sikreto ang sagradong tradisyon ng pagpili,
02:32kinakailangan pang lagyan ng film ang mga bintana ng Sistine Chapel at kabita ng mga jamming device para tiyak na hindi makakasagap ng cellphone signal.
02:42Bago isinara ay nasilip ang paghahanda sa kapilyang itinayupa noong 1473.
02:47Doon ay tila tatanglaw sa mga kardinal ang mga obra ni Michelangelo na nagtatampok sa ilang tagpo sa Biblia,
02:54kabilang ang pamosong The Creation of Adam na nasa gitna ng kisame ng Sistine Chapel.
03:00Ang obra ang sumisimbolo sa paglikha ng Panginoon sa unang tao.
03:05Tila sumasalamin din sa bagong yugdo ng pagpili sa susunod na lider na mahigit isang bilyong katoliko sa buong mundo.
03:12Inihanda rin ang mga mahahabang lames at upuan na gagamitin ng mga kardinal.
03:17Nakapatong sa lamesa ang pangalan ng mga lalahok sa botohan at mga gagamitin nila sa pagboto.
03:23Nasa bandang gitna naman ang isang makapal na libro para sa panunumpa ng mga kardinal
03:28na hindi maglalabas ang anumang detalye sa kahit kanino tungkol sa isasagawang conclave.
03:34Sa ibang bahagi, makikita rin ang mga wooden ball na may numero at gagamitin sa bilangan ng boto.
03:39Handa na rin daw ang maliit na kwartong didiretsuhan ng mapipiling Santo Papa ng two-thirds o mahigit pang kardinal elector na kung tawagin ay room of tears
03:50dahil sa dami ng mga naluhang dating Santo Papa sa gitna ng pagninilay-nilay nila sa mabigat na responsibilidad na iaatang sa kanya.
03:58Dito na rin niya isusuot ang papal kasok o kasuotan bilang pinakabagong Santo Papa na inihanda na rin.
04:08Bago ang mga ito ay tinalakay ng mga kardinal sa ikalabing dalawa at huling kongregasyon nila
04:13ang mga reformang ginawa ni Pope Francis at dapat ipagpatuloy.
04:17Kabilang dyan ang legislation on abuse, economic issues, the Roman Curia,
04:22synodality, work for peace at care for creation.
04:25Nanawagan din ang College of Cardinals ng kapayapaan at permanenting ceasefire
04:30sa gitna ng diumuusad na panawagang kapayapaan sa Ukraine, Middle East at iba pang panig ng mundo.
04:36Kaya binigyang diin nila ang katangian ng susunod na Pope na dapat ay magdadala ng pag-asa sa panahon ng digmaan at karahasan.
04:49Vicky?
04:51Yes, Connie. Nako, excited na kami rito.
04:54Talagang aabangan namin yung susunod na mga kaganapan dyan, Connie.
05:00Maraming salamat sa iyo, Connie Cesar.
05:03Sa ibang balita, nasa Kote, sa Maynila, ang babaeng nasa likod umano ng investment scam
05:07na tumangay ng milyong-milyong piso sa kanyang mga biktima.
05:12Ang kanyang modus na fuel investment trading tunghayan sa aking eksklusibong pagduto.
05:16Hinarang ng San Juan Police ang passenger ban na ito sa Sampaloc, Maynila.
05:26Ang pakay, silbihan ng isang 30 anyos na babaeng sakay nito ng areswaran para sa kasong estafa.
05:32Ayon sa San Juan Police, tinangay niya ang milyong-milyong pisong inilagak ng mga naloko umano sa tinatawag na fuel investment trading.
05:40Nag-hikayat po siya na bumili po ang tao ng gasolina po or fuel.
05:48And for every liter po na mabibili ng tao na maidi-deliver is meron pong porsyento na piso po or liter ang mga investors.
05:57Anila, sa Southern Tagalog daw unang ng biktima hanggang sa umabot na sa Metro Manila.
06:02Karamihan ng mga complainant ay mga pulis at bumbero.
06:05Pero may ilan ding politiko sa Metro Manila, kabilang ang isang natangayan ng 20 milyong piso.
06:10In 2021 po, ay nagsimula po siyang tumanggap ng investment.
06:14Noong una po ay nakapagbigay naman po ng pinangakong return of investment.
06:19Wala pong ipinakita sa kanila ng papel garing from the Securities and Exchange Commission.
06:24Kabilang sa mga tumubo ang investment, noong una ang isang babaeng bumbero.
06:28Kaibigan po kasi siya noong partner ko po noon.
06:31Ang inalok nila sa akin is mag-invest ng 5,000 liters.
06:35Pero nang magtagal, naglaho ang suspect tangay ang kulang 2 milyong piso.
06:40Sobrang masakit po talaga.
06:42Mas yun po eh. Inutang ko din naman po yun. Masakit na po doon. Hindi lang namang pera yung nawala.
06:49Kailangan niyo po talagang pagbayaran yan eh.
06:51Yung stress po na binigay niya sa amin eh.
06:54Ayon naman sa suspect, biktima rin siya dahil tinangayan niya ng isa pang tao ang perang pambayad sana niya sa mga investor.
07:00Pagka hindi ka nagbigay, anong gagawin sa'yo?
07:02Paula lang po ng balay yung bahay namin.
07:05Sagot ng polisya, sa korte na niya ito patunayan. Paalala nila.
07:09I-check po natin mabuti yung kanilang papel. Siguro din po natin na lisensyado po ito sa Securities and Exchange Commission.
07:16Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil. Nakatutok 24 oras.
07:22Kanya-kanyang alma ang iba-ibang grupo sa bagong utos ng DOTR na makapagpakonsolidate ang mga pampublikong sasakyan sa mga ruta na hindi pa consolidated ang 60% ng mga bumabiyahe.
07:39Nakatutok si Joseph Moro.
07:40Muling binuksan ng Transportation Department ng aplikasyon para makapagconsolidate ang ilang traditional na jeepney.
07:51Yan ay kung bumabiyahe sila sa mga ruta na walang 60% ang nagkukonsolidate.
07:55Effective na po ito next week, May 14, and then wala ko itong deadline.
08:02Kasunod yan ang pakiusap ng mga di pa consolidated.
08:05Kit Transportation Secretary Vince Lison, nabigyan pa rin sila ng provisional authority o karapatang bumabiyahe kahit hindi nagkonsolidate.
08:13Isang taon ang extension ng kanilang provisional authority ayon sa department order pero may kondisyon.
08:19Only if they join the program. Hindi naman pwedeng pupunta ka rito, sasabihin mo akin na yung provisional authority.
08:27Dapat meron kang existing route na ipapakita sa amin.
08:31Pero ayon sa grupong PISO ng hiling nila ay payagan lahat na mga hindi consolidated ang mga jeepney na mag-operate pa rin.
08:39Ibalik ang limang taong prangkisa at ibasura na ang programa.
08:42Sabi naman ang grupong Manibela, malayo ito sa hiling nila na makapagparehistro kahit hindi sila consolidated at maibalik ang prangkisa o ang provisional authority.
08:52Para naman sa mga grupong nag-consolidate na dapat may deadline pa rin para hindi makalito.
08:57Samantala, kaugnay ng karambola sa SCTECS na ikinasawi ng sampung tao, kinumpirma ng abogado ng kumpanyang may-ari ng sangkot na bus na inantok ang driver nito.
09:07Inamin niya sa inyo, inamin din niya sa akin na yung panahon na yun apparently na nakainlip siya.
09:14Dahil aniya yan sa maintenance medicine ng driver para sa alta presyon, bagaman ininom ito noong gabi bago ang aksidente, hindi pa rin aniya ito alam ng kumpanya.
09:23Dahil din sa maintenance medicine, kung kaya tumanggi magpa-drug test noong una ang driver, bagaman nag-negatibo naman kinalauna ng pumayag na.
09:31Ayon sa abogado, hindi nakadalo sa pagdinig ang driver dahil nakaditin na ito sa Tarlac.
09:36Gayon din ang konduktor na aniya ay may pilay sa paa.
09:39Ayon sa ATFRB, hindi naman daw bawal na magmaneho na mga pampublikong sasakyan yung mga driver na nagme-maintenance medicine.
09:47Dapat may protokol ang kumpanya niya tungkol dito.
09:50Dapat nalaman nila yan because that is the health of their driver.
09:54Either way, we think the management has to answer for the negligence of the driver.
09:59Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
10:06Inilabas ng Okta Research ang resulta ng kanilang tugon ng masa April 2025 pre-election survey.
10:20At nakatutok si Ivan Mayrina.
10:21Labing walong kandidato ang may statistical chance sa Manalo kung gagawin ng eleksyon sa panahong isinagawa ang voting preferences survey ng Okta Research para sa 2025 senatorial elections.
10:35Yan ay sina Sen. Bonggo, Congressman Erwin Tulfo, dating Sen. President Tito Soto, Sen. Bato de la Rosa, broadcaster Ben Tulfo, incumbent Sen. Spia Cayetano at Ramon Bong Revilla Jr.,
10:47Makati Mayor Abi Binay, Sen. Lito Lapid, dating Sen. Ping Lakson, Congresswoman Camille Villar, dating Sen. Bam Aquino, TV host Willie Revillame, dating Sen. Manny Pacquiao,
10:59Sen. Aimee Marcos, dating DILG Sekretary Benjur Abalos, Congressman Rodante Marcoleta at dating Sen. Kiko Pangilinan,
11:08ang survey ay non-commissioned at isinagawa noong April 20 hanggang 24, 2025 sa pamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents,
11:17edad labing walang pataas at mga rehistradong butante.
11:19Meron itong plus minus 3% na margin of error at confidence level na 95%.
11:25Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrin na nakatutok 24 oras.
11:31Humarap sa NBI ang mga abogado ng mga vlogger at content provider na ipinatawag kaugnay.
11:36Sa pagkalat ng fake news, nakatutok si John Konsulta.
11:40Nagtungo kanilang umaga sa tanggapan ng NBI ang limang abogado ng mga vloggers at content provider na pinusupinan ng bureau.
11:52Ayon kay NBI Director Jaime Sanchago, pinadalahan sila ng supina para magkaroon ng pag-uusap kaugnay sa pagkalat ng fake news.
11:59Sinugtina namin about 40 vloggers, content creators, not really to charge them, kundi magkaroon ng dialogue.
12:11Because sinasabi ko nga, I'm a former judge and I respect freedom of speech, freedom of expression.
12:18Maaaring yung iba sa kanila na liliis lamang ng landas, hindi alam na lumalampas na sila sa parameter ng batas.
12:26Nilinaw ni Director Sanchago, labagamat nilerespeto ng NBI ang karapatan ng paglalabas ng opinion at malayang pamamahayag, hindi raw maaaring labagin ang probisyon ng batas.
12:37Halimbawa, nagko-comment, oh, bakit ngayon lang nagbenta ng 20 pesos na bigas, porkit malapit na election?
12:45That's it's okay. Kine-question mo, opinion mo yan, pati nilalabas mo, ang binibenta naman nilang bigas, ito, inuud, ah, that is fake news already.
12:54Dahil hindi naman magbebenta ang gobyerno ng gano'n.
12:59Gita man ang ilang abogadong humarap, importanteng mabalansin ng maigi ang pangangalaga sa karapatan ng pamamahayag at pagbabantay sa pagkalat ng fake news.
13:08This is part of discussions, this is part of commentary, this is covered by free speech.
13:14Sabi niya, wala namang problema with commentary, huwag naman daw yung fake.
13:18He also reminded him that there is a Supreme Court decision where even if the commentary should be based on something that later on proves to be erroneous, it's still protected speech.
13:29Paalala ng NBI, sasay lalim sa investigasyon ang mga hawak nilang mga ebidensya para matukoy kung alin ang iaakyat nila para may reklamo sa DOJ.
13:39Yung iba, ipapaila lang namin, ayaw nilang makipag-cooperate dito, yung iba, ipapaila lang namin.
13:46And then, sa DOJ na silang magpaliwanag, due process pa rin.
13:51Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok, 24 oras.
14:05Kaakibat ng pamumuno sa mahigit isang bilyong katoliko sa buong mundo,
14:11ang iba't ibang problema at hamon sa loob at labas ng simbahan.
14:15Kung anong mga katangian ng susunod ng Santo Papa ang kailangan ng simbahan, tinatukan ni Maki Pulido.
14:27Napag-usapan sa 10th Congregation ng mga kardinalang ilang katangian hinahanap sa susunod na Santo Papa,
14:34mulat sa mga nagaganap sa lipunan, malapit sa realidad ng buhay ng mga tao.
14:38Kayang magsilbing tulay at gabay ng sangkatauhan na naguguluhanda sa kawalan ng kaayusan sa mundo.
14:46Ayon pa sa Holy See Press Office, napag-usapan din ang mga problema at hamon kinakaharap bilang ng simbahan, kundi ng mundo.
14:54Sa report ng Vatican News, bumaba ng 0.2% ang bilang ng mga nagpapari sa buong mundo noong 2023 kumpara sa sinundang taon.
15:03Pati mga hamon sa labas ng simbahan tulad ng gera, pagkakawatak-watak, pati pagkasira ng kalikasan, napag-usapan din ng mga kardinal sa kongregasyon.
15:14Pusibling iniisip ng mga kardinal, sino kaya, sino kaya sa mga candidates ang makaka-address nito.
15:22Depende kung ano ang nakikita nilang priorities. Kasi maraming pangangailangan. Maraming pangangailangan ng mundo.
15:31Paliwanag ni Father Joseph Zaldivar dahil hindi na uubusan ang mga hamon ng simbahan, sana ang mapiling Santo Papa ay kikilos hindi lang para sa simbahan, kundi para sa mundo.
15:42That is not infidelity to the identity of the Church because that is exactly what Jesus commanded the Church to be.
15:55Pero para kay Father Aris, kabanalan ang pinakamahalagang katangian ng Santo Papa.
16:00The Pope is the vicar of Christ, the representative of Jesus Christ here on earth.
16:06Kapag nakita mo siya, you don't only see a good person, a kind person,
16:17but it is very important for me that when we see the Pope, we see God.
16:27Para sa GMA Integrated News, makipulido na katutok 24 oras.
16:33Mahigit sandaang ebidensya laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte,
16:38ang idinagdag ng prosekusyon sa mga isinumitin nito sa ICC.
16:43Kabilang dyan, ang mga audio-video files at lihibulibong pahin ang dokumento.
16:49Nakatutok si Marie Zumali.
16:51Aabot sa 139 ang karagdagang ebidensyang isinumitin nito lang May 5 ng prosekusyon sa Pre-Trial Chamber 1
17:02laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kinakaharap niyang kasong crimes against humanity sa International Criminal Court.
17:11Ayon kay Prosecutor Karim Khan, nakahati ito sa apat na bahagi.
17:14Kabilang ang contextual elements, modes of liability, murder during Duterte's term as mayor,
17:21at murder under barangay clearance operations during his term as president.
17:25Nauna na ang sinabi ni Prosecutor Khan na inihahanda na nila ang kanilang dalawang testigo,
17:30labing-anim na oras na audio-video files,
17:33at taabot sa siyam na libong pahina ng dokumento para sa confirmation of charges na nakatakda sa September 23.
17:39Ibinasura naman ng ICC Pre-Trial Chamber ang apela ng kampo ni dating Pangulong Duterte
17:45para sa bahagyang pagliban o partial excusal ng dalawang hukom sa pagdinignang usapin kaugnay sa horisdiksyon ng hukoman
17:52na inihahin nila nitong auno ng Mayo.
17:55Hindi kinatigan ang paliwanag ng depensa na dapat lang silang lungiban sa pagdesisyon
17:59dahil sa pinaghihinalaang paghiling na maaaring nagmula sa mga naunan nilang desisyon
18:04sa halos kaparehong issue kaugnay sa sitwasyon sa Pilipinas.
18:07Pero sa desisyong may pechang May 6,
18:11binigyan din ang chamber na isang hukom lang ang maaaring humiling na lungiban sa pagdesisyon at hindi ibang tao.
18:18Kinukuha pa namin ang reaksyon dito ni Defense Lead Council Attorney Nicholas Kaufman.
18:23Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali Nakatutok, 24 Oras.
18:26Sa gitna ng pag-aabang ng marami sa kumsino ang susunod na Santo Papa,
18:40may tahimik na panalangin ang isang kilalang psychologist.
18:43Minsan siyang nakaranas ng pangaabuso ng isang pare,
18:47kaya napili ni Pope Francis na maging katuwang sa paglilinis ng simbahan.
18:51Ang inaasam niya para sa susunod na leader ng mga katoliko sa aking pagtutok.
19:00Kung mala rockstar nitong mga araw na ito,
19:03ang mga kardinal na hinahabol ng mga taga-medya para makasagap ng balita,
19:08itong babaeng nakilala namin ang siya namang hinahabol ng mga kardinal para magpa-picture.
19:14Siya si Dr. Teresa Tolmi-McGrain,
19:16kilalang psychologist sa Norway na naging boses ng mga batang na abuso.
19:21When I went to my first day of school,
19:23I told the teacher that my uncle was doing things to me,
19:26and I was removed from the school and taken straight to the orphanage.
19:30And it was a terrible experience. It was even worse.
19:33Walong taong gulang pa lang siya nang makaranas ng paulit-ulit na sexual abuse
19:37sa kamay ng isang pare isa's Milo Park, isang Catholic orphanage.
19:42A nun walked in when he was abusing me.
19:45I saw it.
19:46She called me over work.
19:47And she pulled me out of his lap.
19:49My left arm is a little bit.
19:51Oh my God.
19:51Threw me against the wall.
19:53I have a scar.
19:54Oh my goodness, yes, I see a scar.
19:56Um, it was awful.
19:58She thought it was my fault.
20:00Tiniis niya ito ng sampung taon.
20:02At para matakasan ang kalbaryo,
20:04patagong nag-aral sa banyo para makatungtong ng kolehyo.
20:08Ngayon, isa ng tanyag na psychologist na tumutulong sa mga batang galito rin ang pinagdaanan.
20:15Ilang dekada niya itong kinimkim, hanggang sa sumingaw ang mga sekreto sa isang dokumentaryo at ikinulong ang mga nang abuso.
20:23They are not representative of the church.
20:26There are many good people in the church and I met them as an adult.
20:30Just because, you know, a few people were nasty, that doesn't mean that I cannot still be afflicted and forgive the people.
20:38Noong 2018, personal siyang tinawag ni Pope Francis para hikayating sumali sa binubuo niyang task force sa Vatican.
20:45Kung dati, pilit ikinukubli ang mga reklamo ng pang-aabuso, nang umupo si Pope Francis, iniba niya ang lahat ng ito.
20:54Tumulong si Dr. Teresa sa pag-draft ng mga guideline para wakasan ang kultura ng pananahimik sa loob ng simbahan.
21:15Ngayong nag-aabang ang buong mundo sa susunod na Santo Papa, may tahimik siyang panalangin.
21:24A Pope who will continue Francis' work. A Pope who will dare to be different and progressive. And who will include everyone.
21:32At kung meron man daw siyang napupusuan.
21:35I love, you know, Cardinal Tagli. I think he's super, I think he's Francis 2.0. And he's one of my favorites to be on the board.
21:43Vicky Morales Nakatutok, 24 Oras
21:47Patuloy sa pagbabahagi ng plataforma at advokasiya ang mga kandidato sa pagkasenador.
22:00Lalo ngayong may tatlong araw na lamang para mga kampanya.
22:03Nakatutok si Tina Pangaliban Perez.
22:05Relokasyon sa mga nakatira sa disaster-prone areas ang nais ni Mayor Abibinay.
22:14Si Ping Lakson, paglaban sa korupsyon sa Senado ang binigyan diin.
22:20Suporta sa budget para sa climate resilience projects ang inihayag ni Tito Soto.
22:25Nais ni Congressman Irwin Tulfo na maripaso ang rice tarification law.
22:29Nangako si Congressman Bonifacio Bosita na prioridad niya ang transportasyon at agrikultura.
22:36Suportado ni David De Ancelo ang streamers at content creators.
22:41Magna Carta para sa barangay officials ang isinusulong ni Atty. Angelo de Alban.
22:46Factory workers sa Paranaque ang binisita ni Atty. Luque Espiritu.
22:51Suporta sa local industriyang idiniin ni Senator Bongo sa Marikina kasama niya si Philip Salvador.
22:56Nag-motor case sa Nueva Ecija si Atty. Raul Lambino.
23:02Pagpapanatili ng traditional jeepney ang idiniin ni Senator Lito Lapid.
23:08Naisolusyonan ni Congressman Rodante Marcoleta ang pagtaas ng presyo ng bilihin.
23:13Nagikot si Dr. Richard Mata sa Antipolo at Muntin Lupa.
23:18Tutol si Manny Pacquiao sa privatization ng mga pangunahing serbisyo.
23:21Pagpapabuti ng seguridad sa pagkain ng tinalaki ni Kiko Pangilinan sa Cebu.
23:29Inihayag ni Ariel Kerubin ang halaga ng pagpotekta sa boto.
23:35Sa Butuan City ng Ampanya si Pam Aquino.
23:38Patuloy namin sinusundan ang kampanya ng mga tumatakbong senador sa eleksyon 2025.
23:45Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez.
23:50Nakatutok 24 oras.
23:52Mahigit tatlumpong kandidato ang sinampahan ng Petition for Disqualification sa huling Mierkules bagong eleksyon 2025.
24:08Tinutugunan din ang Comilec ang iba pang aberya kabilang ang mga palyadong makina sa ilang lugar at nasunog pa-aralan sa Abra.
24:17Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
24:18Inaalam kong sadya ang pagkasunog sa Dangdala Elementary School sa Bangged Abra kaninang madaling araw.
24:28May natira pa namang dalawang gusali doon.
24:31Kaya sinsikapin ang Comilec na ituloy ang butohan doon sa lunes.
24:34Pwede rin anilang magtayo ng pansamantala o makeshift voting center.
24:39Hindi-hindi po namin ililipat ang falling place.
24:41Mga kababayan po natin dyan, huwag po kayo mag-alala dyan pa rin po kayo boboto.
24:45Sabi naman ang hepe ng Philippine National Police, posibleng may managot sa mga pulis na bantay sa eskwelahan.
24:52We'll make sure na these people will be accountable. Paano nangyari yan?
24:55E ang rami na nga natin pulisan. In fact, we are already augmented with the military.
25:00Dalawa lang po yan. Gross incompetence and gross negligence at trabaho po nila.
25:05And this is dismissible doon sa PNP po natin.
25:09Sa Zamboanga, Sibugay naman, naantala ang pagde-deliver ng mga makinang gagamitin sa eleksyon dahil sa labanan ng mga sundalo at armadong grupo.
25:17Yung pagdala ng machine para sa final testing and sealing ay medyo pinahinto po muna natin.
25:24Pinahold po muna natin kahit yung pagkukonduct ng final testing and sealing.
25:29Habang sa Taracal, Lanol, Dalsur, hindi gumana sa final testing and sealing ang isang makinang gagamitin sa eleksyon.
25:36Pero sabi ng Comelec, meron namang reserbang makina na maaaring ipalit.
25:40Pinabulaan na naman ng Comelec ang puna ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting sa Davao City
25:47na may balota sa isang mock elections na binilang kahit may sobra umanong voto.
25:53Git ng Comelec kasabay ng pagdemo kanina, hindi masasabing overvote ang barkang katulad ng ipinakita ng PPCRV Davao.
26:02Nasa labas kasi ng bilog ang marka.
26:04Naglagay po ng square outside ng bilog. Yan po ba ay voto?
26:09Sagot, hindi po voto yan. Bakit hindi po voto?
26:13Kasi wala po ang pag-shade sa loob. Wala pong tumama sa loob.
26:18Ayon sa National Office ng PPCRV, gusto lang subukan ng kinatawa nila
26:22ang performance ng makina sa Baypuri sa PPCRV Davao sa vigilance nito.
26:28Paalala naman ng Comelec sa publiko,
26:30Pag bubo voto tayo, dapat shading. Hindi linya, hindi drawing, hindi square.
26:37Shading ng bilog sa loob. Ang gusto nga po natin, dapat po kumpleto ang pag-shade sa loob ng bilog na yan.
26:45Samantala, sinampahan ang Comelec Task Force Baklas ng Petition for Disqualification si Senatorial Candidate Eric Martinez.
26:54Gayun din ang dalawang gubernatorial, dalawang mayoral at apat na vice mayoral candidates.
26:59Pati na kandidato sa pagkabukal at labing apat na pagkakonsihal.
27:04Para yan sa mga campaign posters sa maling lugar o lampas sa wastong sukat.
27:09Inisyo ha naman ang show cause order kaugnay ng vote buying and abuse of state resources
27:14si Marikina Congressional Candidate Marcelino Teodoro at Marikina Mayoral Candidate Marjorie Ann Teodoro.
27:21Sa isang joint statement, sinabi ng mga Teodoro na walang katotohanan ang aligasyon,
27:26politically motivated umano ito at may isang taong konektado sa kanilang kalaban.
27:32Para rin sa parehong aligasyon, ang show cause order laban kina Laguna Gobernatorial Candidate Ruth Hernandez
27:38at Laguna Congressional Candidate Ramil Hernandez.
27:42Kinukuha pa namin ang kanilang reaksyon.
27:44Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok, 24 Oras.
27:53Mga kapuso, update naman sa mga low pressure area.
27:57Sa Philippine Area of Responsibility kahapon,
28:00nag-dissipate o nawala ng unang LPA na naka-affecto sa bansa mula po noong weekend.
28:05Ngayon, isang sama ng panahon na lamang ang magpapaulan.
28:08Huli itong namataan sa coastal waters ng Sipalay Negros Occidental.
28:12Sabi ng pag-asa, mababa na ang chansa nitong maging bagyo at posibleng mawala sa mga susunod na araw.
28:17Pero habang buo pa ang LPA, magpapatuloy ang masamang panahon sa ilang lugar,
28:22kasabay ng thunderstorms na isa rin sa efekto ng Easter Lease base sa datos ng metro weather.
28:27Halos bungbansa ang ulanin bukas, lalo na bandang hapon at gabi.
28:31May malalakas na ulan na posibleng magpapapao magdulot ng landslide, kaya maging alerto.
28:36Kakit sa Metro Manila, mataasan chansa ng ulan kaya magdala ng payong kung may lakad.
28:42Sa kabila ng malaking posibilidad ng ulan, maaari pa rin maramdaman ng init at alinsangan sa ilang bahagi ng bansa.
28:48Labing-anim na lugar ang makararanas ng danger level na init bukas at ang pinakamataas.
28:53Aabot hanggang 44 degrees Celsius.
28:56Libo-libong mga SIM card, text blaster at Chinese passport ang nadiskubre mula sa nasulog na bahay sa Quezon City.
29:07Hinala ng polisya, naging pugad ito ng guerilla operation ng Pugo.
29:12Nakatutok si Marisol Abdurama.
29:13Kahapon na madaling araw, nang gisingin ang naglarlagabdab na apoy ang mga residente ng Batasan Hills sa Quezon City.
29:24Pero nang maapula ang sunog, may nadiskubre ang mga otoridad sa bahay na ito.
29:31Merong mga computer, libu-libong SIM cards at iba pang gamit.
29:35May nakuha rin passport ng isang Chinese national.
29:38Doon ang QCPD, isa itong Pogo Guerilla Operation.
29:41Baka isa lang siya doon sa natanggal sa isang company, tapos nag-guerilla operation.
29:51Or may grupo rin pero hindi naman po naka-base dito.
29:56Doon po tayo nag-evaluate ngayon at nakikipag-coordinate sa Bureau of Immigration.
30:02And makikipag-coordinate din po tayo sa PAOK para tingnan natin kung may derogatory record ba itong isang Chinese national.
30:12Bukod sa mga SIM card, na-recover din ang QCPD, itong mga text blasters.
30:16So Divi, how does this work po?
30:18Apo, bali, magme-message po yung isang person dito po sa CPU niya.
30:27Tapos dadaan po rito yung message niya sa text blaster.
30:32So multiple lang sending niyan kung lahat niyan may SIM card.
30:36So isang message lang yun.
30:37May nakuha rin daw ang QCPD na notebook na naglalaman ng telescript sa scamming.
30:43Parang training ang modus ng pag-text na itong paggamit nila.
30:52Parang may template po na statement doon pag tinext na.
30:57More on social media training.
30:59Itong mga equipment na ito nakalagay just to send messages, ito yung mga fraudulent messages na magdi-deceive ng kanilang target ng mga victims.
31:09Magpopropagate lang sila ng messages, magre-receive din sila ng replies, and then maybe somebody else will process kung sino yung potential victims.
31:18Pinaghanap na ng QCPD ang nasabing Chinese national na maharap sa iba't ibang reklamo, kabilang na ang misuse of device.
31:27Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduramani, nakatuto 24 oras.
31:34Binigyan ng sampung araw ng ombudsman na mga inreklamo opisyal ng pamahalaan, kaugnay ng pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
31:44Ang isa sa kanila, kinwestiyon kung nasunod ang proseso.
31:49Nakatutok si Salima Refra.
31:51Pinagpapaliwanag ng Office of the Ombudsman ang pamahalaan, kaugnay ng pag-aresto at pagdadala sa International Criminal Court kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
32:05Kabilang sa pinagsusumiti ng kontra sa leysay sa loob ng sampung araw,
32:08Sina Justice Secretary Jesus Crispin Rimulia, Interior Secretary John Vic Rimulia, at PNP Chief General Romel Marbil.
32:17Bunso ng reklamo sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations.
32:22Ayon sa chairman nitong si Senator Aimee Marcos, sangkot kumanuh ang mga opisyal sa graft, grave misconduct, usurpation of judicial functions, at arbitrary detensyo.
32:33Si Justice Secretary Rimulia, sasagot sa mga reklamo. Pero may mga tanong siya sa naging proseso ng ombudsman.
32:41Parang hindi mali lang ang procedure kasi dati meron fact-finding yan, may rules na published yan.
32:46Yung ngayon, parang hindi na dumaan sa fact-finding. Basta dire-diretso kagad sa amin.
32:50So, we'll see. I will not insinuate anything. I'm just saying, yung rules na tinitignan namin, parang hindi na sunod.
33:00May pahaging rin siya kay Senator Marcos.
33:03Pagtapos na eleksyon, tama na yun. Kasi parang in-aid lang niya man. Parang gusto lang talaga makakuha ng publicity tungkol sa eleksyon.
33:12Wala tayo magagawa.
33:14Hinihinga namin ang reaksyon dito ang Senadora, pati ang iba pang pinasasagot ng ombudsman.
33:19Iginate naman ang Malacanang na sunod ang batas sa pagkakaaresto sa dating Pangulo.
33:24Sa napakabilis pong pag-aksyon ng ombudsman sa reklamo pong ito ni Sen. Amy Marcos, tayo naman po ay tutugon.
33:31Ang mga nasabing mga opisyal ay tutugon po at sila po ay magsasubmit ng kanilang mga counter affidavits.
33:39At muli, sasabihin natin, ang kanilang mga ginawa ay naaayon sa batas.
33:44Para sa GMA Integrated News, Salimarafra, nakatutok 24 oras.
33:52Nang tanungin namin si Senadora Marcos sa pahayag ni Remulia, inulit lang niya ang aligasyong binanggit sa reklamo sa ombudsman at sinabing hindi pa tapos ang imbistikasyon.
34:04Hinihingan din namin ang reaksyon ng ombudsman.
34:07Sumuko sa pulisya ang isang lalaking nagpakilalang kasama ng tatlong nahuling nagpapanggap na taga-Kobelec.
34:12Nirekrut o man na sila ng isang politiko at may mga pinagagawa gamit ang ilang gadget.
34:18Nakatutok si John Consulta, exclusive.
34:27Matapos mahuli ang tatlong lalaking nagpanggap na taga-Kobelec at kumuha ng mga literato ng mga makinang gagamitin sa eleksyon sa isang paaralan sa Santa Cruz, Laguna.
34:36Sumuko sa PNP ang 21 taong gulang na lalaking nagpakilalang kasama nila.
34:40Itinuro ni Alias June, di niya tunay na pangalan, ang hotel room na kanila umanong nirentahan.
34:46Isinuko rin niya sa mga pulis ang isang drone, isang DSLR camera at iba pang gadget na dala na kanilang grupo.
34:53Ani niya, nirekrut siya sa QC at inalok ng trabaho sa loob ng dalawang minggo na tatagal hanggang sa mismong araw ng eleksyon.
35:00Nasa 2,000 plus po, kada isang araw, para po sumama din sa trabaho.
35:06May mga binigay din po uniforms, ID, saka sticker po na para sa sasakyan.
35:11May mga t-shirt po kasi na end cap na uniform po na may logi po na common like.
35:16Tapos sa ID rin po. Then pinagdala po kami ng picture para po ilagay sa ID.
35:22Dahil tubong Laguna, may espesyal na tasking na binigay anya sa kanya ang grupo.
35:27Labing dalawa anya silang nakasakay sa tatlong sasakyan.
35:31Naging navigator ako since alam ko yung pasikot-sikot dito sa lugar.
35:35So sa akin pinapatandaan yung mga pwedeng location na pupuntahan namin if ever may tawag.
35:42Ito nga yung mga sinuko ng tao na lumapit sa PNP, mga logo ng COMELEC na nakalagay dito sa mga magnetic,
35:51material. Ito raw ay ninalagay sa kanilang mga sasakyan kapag sila'y lumalakad na.
35:57Para nga sila ay magpanggap na mga membro o tauhan ng COMELEC para ma-achieve ang kanilang misyon.
36:05Pag kumpisal pa ni Alias June, isang politiko ang kumuha ng kanilang servisyo.
36:11Hindi niya sinabi sa amin kung sino, pero nang tanungin kung ano ang pinapagawa sa kanila.
36:16Kailangan namin mambulabog ng mga nagkakabijayan o nagbubutbay.
36:21Ang PNP, inaalam na kung may pa pangpakay ang nabistong grupo at kung may kasama pa silang nag-ooperate sa ibang bahagi ng bansa.
36:34Well, titignan natin yung mga ebidensya na nakuha natin.
36:39And meron nga tayong nakuhang drone and meron din tayong nakuhang mga kamera.
36:44And we will subject that to forensic digital examination para malaman natin kung ano yung mga laman ng mga ito.
36:52Well, initially, ang magiging kaso nila is usurpation of authority and malamang na matatagdagan yan.
36:59Depende na rin dun sa kalalabasan ng mga examination ng ebidensya na nakuha natin dito sa mga suspect natin na ito.
37:08Nag-iimbisigan na rin ang Comunic Laguna sa nabistong modus ng grupo.
37:12Para sa GMA Integrated News, John Consulta, nakatutok 24 aras.
37:17Bahagyang bumaba ang bilang ng Pilipinong may trabaho nitong Marso, ayon po yan sa Philippine Statistics Authority.
37:25Pagkaman pareho ang porsyento ng mga Pilipinong may trabaho noong March 2025 at 2024,
37:33bumaba ng mahigit isang milyon ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho nitong March 2025
37:39kumpara sa parehong buwan ng nakaraang taon.
37:42Mas mababa rin ang bilang ng mahigit 48 milyon na may trabaho noong Marso
37:47kumpara sa mahigit 49 milyon noong Pebrero.
37:52Nauwi sa gulo ang panununtok sa isang lalaki ng kapwa niya, minor de edad sa Iloilo.
37:57Ang nakulikap na tagpo tinutuko ni Kim Salinas ng GMA Original TV.
38:06Makikitang nagdakbuhan ang grupo ng mga lalaking ito sa kuha ng CCTV
38:10sa Poblasyon Santa Barbara, Iloilo, May 4 ng madaling araw.
38:14Isang lalaki ang patawid na sana sa pedestrian lane nang hinabol ng isa pang lalaki sa kasinuntok.
38:20Ayon sa Santa Barbara Police, bagamat nakatanggap sila ng report sa insidente,
38:25hindi raw ito na ipablutter.
38:26At sa impormasyong natanggap nila, pawang minor de edad daw ang mga sangkot
38:30na posibleng nagugat umano sa Pantitreplang.
38:33Hindi sila sa pamilya, may nagampang, kuna sila dito sa dark.
38:37At pagpuli nila sa isang kaagahod, nagkaun sila.
38:42Dito sila nakita na isang sapyak mga grupo, bila natripan lang.
38:47Hindi man sila kilala na isang sapyak mga grupo.
38:50Easy na ilalim na sa medical examination ang minor de edad na siruntok.
38:54Pero maliban sa kanya, wala ng ibang napaulat na nasugatan o napinsala.
38:58Hindi nato maklaruhan, bala sa CCTV.
39:01So, ang naging napakandakan pa natin sa anonymous ng follow-up na investigation
39:05as to the identity sa mga grupo at sa piyak.
39:08Kapag natukoy, plano raw ipatawag ng pulisya ang kanilang mga magulang.
39:13Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News,
39:17Kim Salinas, Nakatutok, 24 Horas.
39:21Dalawang pulis ang nabisto ng PNP na rumarakit bilang bodyguard
39:26ni Davao City First District Representative Paolo Duterte.
39:30Sabi ni PNP Chief Romel Marbil na kilala sila sa viral video sa isang bar
39:35kung saan ayon sa isang complainant, e nananakit si Congressman Duterte.
39:40Nag-awol na ang dalawang pulis matapos isuko ang kanilang mga baril at ID.
39:45Ayon sa PNP Chief, madi-discharge ang dalawang pulis
39:48at mananagot pati ang kanilang mga commander.
39:51Sinusubukan namin kuhana na pahayag si Duterte.
39:56All out ang support ni Barbie Forteza para kay David Licauco
40:02na house guest ngayon sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
40:05At sa gitna yan ng pagiging abala sa iba't ibang commitment
40:09kabilang ang upcoming movie niyang P77.
40:13May chika si Larson Chavo.
40:14Kahit sobrang busy,
40:20naglaan ng oras si Barbie Forteza para sa Cine Expo
40:25ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines
40:28para ipresent ang bagong pelikula niyang P77
40:33sa ilalim ng GMA Pictures.
40:35Nasa event si na GMA Network Senior Vice President
40:41and GMA Pictures President,
40:43Attorney Annette Gozon Valdez,
40:46GMA Public Affairs Senior Vice President,
40:49Nessa Valdelion,
40:50at iba pang creative heads ng GMA Pictures.
40:53Bukod sa P77,
40:56pinakita rin ang isa pang pelikulang handog ng GMA Pictures
41:00na ipapalabas din ngayong taon.
41:03Yan ang KMJS Gabi ng Lagim,
41:06the movie.
41:07I'm very happy na we have events like this
41:11na magkatulungan ang producers sa mga cinema owners
41:14and cinema distributors,
41:16film distributors para sa ating Philippine movie industry.
41:20Ako naman, bilang actor,
41:22ang ganda na ma-expose ako sa ganitong klaseng field
41:26kasi kumbaga I get to be on the inside eh.
41:30Hindi lang yung basta gawa,
41:31kasama lang ako sa gumagawa ng content,
41:33ng pelikula.
41:34Nakikita ko rin yung technicalities
41:36and yung logistics ba, kumbaga.
41:39Sa Cine Expo,
41:41binigyang parangal din
41:42ang natatanging achievements
41:43ng pelikulang Hello, Love Again
41:46mula sa ABS-CBN Film Productions Incorporated.
41:50at GMA Pictures.
41:52Kinilala ito bilang top-grossing movie of 2024.
41:58Box office king and queen
41:59si Alden Richards at Katrin Bernardo.
42:03I'm very grateful po,
42:04most especially to Cia
42:05for recognizing Hello, Love Again.
42:07Throughout this lifetime,
42:08that for once in our lives,
42:10we were able to create a film
42:12that made the mark
42:13in the lives of the people who have watched it.
42:15Sa darating na linggo,
42:17pangungunahan naman ni Alden
42:18ang lights, camera, run
42:20ng Mowell Fund,
42:22kung saan siya't natatakbo si Barbie.
42:24Ang galing kasi lahat tayo
42:26natutulong-tulong din talaga
42:28para may angat natin
42:29ang industriya ng pelikula
42:32dito sa Pilipinas.
42:33Sa darating na Sunday,
42:35aalis din si Barbie
42:37para sa taping
42:38ng upcoming series
42:40na Beauty Empire sa Korea.
42:43Hindi raw niya alam
42:44kung magkikita pa sila
42:45ng other half ng barda
42:47na si David Licawco
42:49bago siya umalis.
42:51House guest kasi sa bahay ni Kuya
42:53sa Pinoy Big Brother
42:55Celebrity Colab Edition
42:57si David.
42:58I'm just really, really proud of him.
43:00Ako, to be honest,
43:01parang wala akong ganung level
43:04ng lakasang loob
43:05para pumasok sa loob
43:06ng bahay ni Kuya.
43:08Ginusto niyang pumasok
43:09and ginusto niyang makilala
43:10yung mga housemates
43:12and si David kasi yung
43:14tipo ng tao na ano eh.
43:16Marami ka rin talagang
43:17makukuha sa kanya
43:19in terms of
43:20outlook sa buhay.
43:23Or Santiago
43:26updated
43:27sa showbiz
43:28happening.
43:31And that's my chika
43:32this Wednesday night.
43:33Ako po si Ia Adaliano.
43:34Miss Mel, Miss Vicky Emile.
43:37Salamat sa'yo, Ia.
43:38Thanks, Ia.
43:39At yan ang mga balita
43:40ngayong Merkoles.
43:41Ako po si Mel Tianco.
43:42Ako naman po si Vicky Morales
43:44para sa mas malaking mission.
43:45Para sa mas malawak
43:46na paglilingkod sa bayan.
43:47Ako po si Emile Sumangin.
43:49Mula sa GMA Integrated News.
43:51A news authority
43:52ng Pilipino.
43:53Nakatutu Kami.
43:5424 Horas.