Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Martes, April 29, 2025


- 3rd nominee ng ABP Partylist, patay sa pamamaril; rumespondeng pulis, sugatan


- Police major at 2 iba pang pulis, arestado dahil sa paniningil umano sa mga dumadalaw na kaanak ng mga preso


- Sen. marcos: May plano ang PBBM admin na pabagsakin ang mga Duterte bago mag-2028


- PBBM, 'Di sang-ayon sa sinabi ni Sen. Marcos napolitically-motivated ang pag-aresto kay FPRRD


- Ibebentang P20/kg na bigas sa Visayas simula May 1, ipinakita ng DA; sinaing at pinatikim din


- Mga kardinal, naka-limang "general congregation” o pulong na bago ang Conclave sa May 7


- Truck na may kargang helicopter, nagdulot ng traffic dahil di kasya sa ilalim ng tulay


- Comelec, hawak na ang video kung saan pinuna ni Sen. Binay ang posters ng bayaw na si Rep. Campos


- Sunog sa landfill sa Rizal na nagdulot ng usok na umabot hanggang Cubao, naapula na


- Michael and Emilio, nagulat sa fan support; umaasang magkatrabaho together soon


- Hukom na may hawak sa "Manila Arena case, "nag-inhibit dahil sa hiling ng prosec


- Trust at performance ratings ni Pangulong Bongbong Marcos, bahagyang bumaba sa pinakahuling survey ng OCTA Research


- Thunderstorms, nagpa-ulan sa ilang lugar sa bansa; Easterlies at ITCZ, posbileng magpa-ulan bukas


- Mga nagsuot ng uniporme ng pulis para umano magnakaw sa jewelry shop, arestado


- Lalaki, sugatan matapos sakmalin ng buwaya sa isang public park


- DOJ Sec. Remulla, 'di takot sa Senate Comm. recommendation na Ombudsman probe


- Ilang senatorial candidates, patuloy sa paglatag ng mga plataporma


- Anak ng kinidnap at pinatay na si Anson TAn, inirekomendang sumailalim sa imbestigasyon


- "Not guilty" plea, inihain ni Archie Alemania kaugnay ng reklamo sa kanya ni Rita Daniela


- Kyline Alcantara, tinawag na "unbothered queen" ng fans

24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
 #24Oras #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00This is Philippine Goat.
00:07Live mula sa GMA Network Center, ito ang 24 Horas.
00:15Magandang gabi po, Luzon Visayas at Mindanao.
00:20Panibagong karahasan, higit isang linggo bago ang eleksyon 2025.
00:25Patay sa pamumaril sa Maynila.
00:27Ang third nominee ng isang party list group.
00:31Sugata naman ang responding isang off-duty na polis
00:34nang makipagbarilan sa mga hindi pa nakikilalang riding in tandem.
00:38Ang nahulikam na krimen sa pagtutok ni Jomera Presto.
00:45Walang habas na pinagbabaril ang lalaking yan sa bahagi ng Piguevara Street sa Sampaloc, Maynila kahapon ng hapon.
00:51Sa isa pangangulo ng CCTV, makikita naman ang lalaking nakaputing t-shirt na nakipagpalitan ng putok sa gunman.
00:58Pero, nabaril din siya ng gunman sa kanyang paa.
01:02Ayon sa polis siya, dating barangay chairman sa lugar ang lalaki na unang pinagbabaril sa video.
01:07Siya si Lenensky Bakud na tumatakbo bilang third nominee ng ambumbero ng Pilipinas o ABP party list,
01:14habang ang lalaking nakaputi off-duty na polis.
01:17Maraming tama yung ating biktima. Nalaman din natin na yung isang nating police from Quezon City
01:22ay nag-react doon sa pangyayari at nakipag-engage din dito sa ating mga suspect.
01:29Naisugod pa sa ospital ang dalawa pero hindi na umabot ng buhay si Bakud habang patuloy na nagpapagaling ang polis.
01:35Ayon sa MPD, hindi pa masasabi sa ngayon kung may kinalaman sa politika ang nangyaring pananambang.
01:41Nagkasan na rin sila ng drug neto operasyon at inalerto ang lahat ng ospital para malaman kung may pasyenteng nagpagamot matapos tamaan ang bala.
01:49Bumuun na rin ang MPD ng Special Investigation Task Group na tututok sa kaso.
01:54Lahat yung gagawin natin sa pingin natin, walang batong hindi itataob sa pag-ibistiga.
01:58Sinusubukan din namin makipag-ugnayan sa barangay at sa kanak ng biktima pero tumanggi muna silang magbigay ng pahayag.
02:03Patuloy ang backtracking ng otoridad para mahuli ang riding in tandem at malaman ang motibo sa pamamaslang.
02:09Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
02:16Inaresto sa kanila mismong himpilan ang tatlong polis kalookan dahil sa umano'y paniningil ng bayad sa mga dumadalaw na kaanap ng mga preso.
02:27Kasabwat pa umano'n nila ang dalawang inmates sa paniningil.
02:31Nakatutok si Marisol Abdurlaman.
02:34Exclusive!
02:35Police!
02:39Kasamang Special Action Force.
02:41Pinasok ng Integrity Monitoring Enforcement Grupo IMEC ang Kaloocan Police Station.
02:46Ang kanilang target, isang polis major at dalawang polis.
02:50Sumbong ng mga kamag-anak ng mga nakakulong sa nasabing polis station.
02:54Pinagbabayad umano sila ng mga polis para lang madalaw ang mga kaanak.
02:57Every time daw po na sila ay bumibisita sa kanilang mga relatives na nasa preso po, na nasa kustudya ng Kaloocan Police Station, ay hinihingan daw po sila ng fee per prisoner po.
03:10Sa nakuhang impormasyon ng IMEC, 200 pesos ang singil para makita ng kanilang kaanak ang preso.
03:16Kung may dalang pagkain ang dalaw, kailangan daw magbayad pa ng 100 pesos.
03:21At kung gagamit ng kubo malapit sa police station, 550 pesos daw ang singil.
03:25May dagdag singil pa rao kung susobra sa oras ng dalaw.
03:30All in all, usually, sabi ng ating complainant, ay nakakapagbigay sila ng 1-5 per visit.
03:35Matagal-tagal na rin daw na nangyayari ito.
03:37Binagawa talaga nila ito sa lahat ng preso?
03:39Yes po, sa lahat po ng preso.
03:41Parang kapag bibisita ka dun, automatic na po, ay yun ang hinihingi sa iyo.
03:46Bukod sa mga polis, sangkot din daw sa nasabing gawain ang dalawang inmates.
03:50Sa kanila rao ipinadadaan ang mga bayad.
03:52Sinusubukan pa namin makuna ng panig ang mga inaakusahan.
03:57Nakakulong na ngayon dito sa IMeg ang mga nasabing polis na sinampahan na ng mga karampatang reklamo,
04:02kabilang narito ang robbery extortion at prohibited transaction.
04:07Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman.
04:11Nakatuto, 24 oras.
04:13Inirekomenda ng Komite ni Senadora Aimee Marcos na imbistigahan ng ombudsman ang ilang opisyal
04:19na sangkot sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
04:24Giniit din niyang may plano ang administrasyong pabagsakit ang mga Duterte bago mag-2028.
04:30Pero sinabi rin, hindi sila nag-away ni Pangulong Bongbong Marcos.
04:34Nakatutok si Mav Gonzalez.
04:35Ang pahayag ni Senadora Aimee Marcos, laban mismo sa administrasyon ng kanyang kapatid.
04:44Ang pag-aresto at pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC ay klarong may motibong politikal.
04:53Maliwanag ang pag-aresto kay dating Pangulo ay bahagi ng malawakang pagsisikap ng gobyerno
05:00na pabagsakin ang mga Duterte bago mag-2028 election pa.
05:06Sabi ng Senadora, yan ang lumabas sa imbestigasyon ng kanyang Senate Committee on Foreign Relations
05:11tukol sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
05:15Ayon pa kay Marcos, bahagi rin ng plano ang naonang pagsulong sa People's Initiative para baguhin ang konstitusyon.
05:21Ang imbestigasyon ng Quadcom ng Kamara sa Duterte Drug War.
05:25Ang imbestigasyon sa Confidential Funds ni Vice President Sara Duterte.
05:28At ang pagpapapasok sa mga kinatawa ng International Criminal Court.
05:32Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source,
05:36naglunsad na ngayon ang administrasyon ng isang communication plan
05:41upang ilihis ang atensyon ng publiko patungo sa mga issue ng West Philippine Sea
05:48at diumanong disinformation ng mga tinatawag na China trolls ng kanilang embassy.
05:54Rekomendasyon ng Senadora, imbestigahan ng Ombudsman ang mga sangkot sa tinawag ng Senadora
06:00na invalid administrative arrest sa dating Pangulo.
06:04Kabilang sina Justice Secretary Boying Remulia,
06:07ang kapatid nitong si Interior Secretary John Vic Remulia,
06:10PNP Chief Romel Marbil,
06:12at PNP CIDG Chief Major General Nicolás Torre III.
06:16False testimony at perjury naman ang gustong isampa laban kay Ambassador Marcos Lacanilau.
06:21Hinihinga namin sila ng reaksyon kaugnay nito.
06:23Ayon kay Senadora Marcos, sa umanay Oplan Horus ng Partidong Lakasi
06:28ang di nakaalyado ng administrasyon,
06:31pagtutulungan aniya ng iba't ibang ahensya ang pagsira sa pamilya Duterte.
06:35Nakuha ang kinakailangan boto para sa impeachment ni VP
06:39sa pamamagitan ng paggamit ng tinatawag na soft projects
06:44katulad ng AICS, ACAP at TUPAD.
06:47Tinukong na kailangan pabilisin ang impeachment ni VP Sara
06:51at makakuha ang boto sa Senado sa pamagitan na naman
06:56ng pamimigay ng proyektong 4 Later Release
07:00or yung mahiwagang FLR bilang gantimpala sa tamang bumotong mga senador.
07:06Kinukuhanan pa namin ng tugon ang lakas CMD.
07:10Nang tanungin naman kung nagkausap na sila ng kapatid na si Pangulong Bombong Marcos,
07:14Masamang-masama ang loob ko, ngunit ang akin lamang,
07:19kailanman hindi kami nag-away ng aking kapatid,
07:22yung mga amuyong sa palasyo, yung mga larian, yung mga lulong,
07:28ayun sila, sila po ang ating kaaway.
07:31Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzales nakatuto, 24 oras.
07:37Hindi naman sang-ayon si Pangulong Bongbong Marcos
07:41sa mga pahayag ng kapatid na si Senadora Aymeen Marcos
07:45kaugnayan ng imbisikasyon ng komitya nito
07:47sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
07:51Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
07:56Sa graduation ceremony ng PNP Academy sa Cavite,
08:00nakausap ng media si Pangulong Bongbong Marcos
08:03katatapos lang noon ang mga pahayag ng kanyang kapatid
08:07na si Sen. Aymeen Marcos
08:09na politika ang motibo sa pag-aresto
08:12kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
08:14basa sa pag-iimbestigaan niya ng kanyang komite sa Senado.
08:18Ang maikling sagot ng Pangulo,
08:20may kanya-kanyang opinion
08:21at hindi siya sang-ayon sa opinion ng kapatid.
08:25Everyone's entitled to their opinion.
08:27I disagree.
08:28Nasa PNPA graduation din si Interior and Local Government
08:33Secretary John Vic Remulia
08:35nakabilang sa inire-rekomenda ni Senadora Marcos
08:39na imbestigahan ng ombudsman.
08:41We will have our chance to prove ourselves
08:43pero important is that Sen. Aymeen believes in due process
08:46unlike the people that she follows.
08:49And you're ready to pay, sir?
08:51Of course, anytime. I have nothing to hide.
08:53Si PNP Chief Romel Marbil
08:56na kabilang din sa nais pa imbestigahan
08:58tumangging magkomento.
09:03Sinisika pa namin kunan ng pahayag
09:05ang iba pang nirekomendang imbestigahan
09:07ng ombudsman.
09:08Para sa GMA Integrated News,
09:11Tina Panganiban Perez
09:13nakatutok 24 oras.
09:17Bago ibenta sa Visaya sa Huwebes
09:19ipinakita ng Department of Agriculture
09:21ang mga bigas na mabibili
09:23sa kalagang 20 pesos kada kilo.
09:26Sinaing din yan at tinikman.
09:28Nakatutok si Bernadette Reyes.
09:29Bago simulan sa unang araw ng bayo
09:35ang bentahan ng 20 pesos per kilo na bigas
09:37sa Eastern, Western at Central Visayas,
09:40ipinakita ng Department of Agriculture
09:42o DA ang itsura na bigas na mabibili.
09:45Ito yung itsura na bigas
09:46na ibibenta sa publiko
09:47sa halagang 20 pesos kada kilo.
09:49Lulutuin yan ngayon dito
09:50para malaman natin
09:51kung ano ang itsura na bigas
09:53kapag nasaing na.
09:55Walang amoy, walang kakaibang lasa,
09:57pero may mga kaunting imperfections
09:59gaya ng maaaring hindi nagaanong maputi
10:01at mas maraming basag na butil.
10:03This is basically the 29 and the 33.
10:06So it's the same price.
10:08Kaya nga yung sinasabi nila na pangit ito
10:10kaya ayaw ko nang banggitin yung sinabi
10:13ng ating isang political leader
10:16kasi ayaw ko nang palakihin yung issue.
10:18It's the same price.
10:20Kita naman nyo,
10:21everybody's buying it
10:23and everybody's consuming it.
10:2540 kilos kada buwan ang limit
10:27kada pamilya sa Visayas at mga LGUs.
10:29Bukas rin ito para sa lahat.
10:3130 kilos naman ang limit
10:32bawat pamilya sa kadiwa
10:34para sa vulnerable sectors.
10:36Sa LATO, ibibenta na rin yan
10:38sa mga kadiwa centers sa Metro Manila.
10:40Isusunod ang mga lokal na pamahalaan
10:42pero hinihintay pa ang exemption
10:44sa election ban mula sa Comelec.
10:46Ayon sa DA,
10:47kung hindi kaagad maaaprubahan,
10:49maaaring mausog ang bentahan
10:51pagkatapos ng eleksyon.
10:52Kasama sa pilot testing
10:53ang mga LGU
10:54na sumuporta
10:55sa food security emergency
10:56at magtatagal
10:58hanggang sa katapusan
10:59ng Desyembre 2025.
11:01Subsidize
11:02o pupunan ang halaga ng bigas.
11:04Paghahatian ng LGU
11:05at ng Food Terminal Incorporated
11:06ang 13 pesos na price difference.
11:09Kung hindi namin
11:10mabenta yan
11:11at mabulok yan
11:12sa aming warehouses,
11:14eh walang value yan.
11:153 piso na per kilo yan.
11:17Sinubukan namin
11:18benta ng 33 peso yan,
11:20hindi naman kumagat
11:21dahil bumabaan na rin
11:22yung presyo ng bigas.
11:24Ang tawag dyan
11:25is move out sale.
11:27Bargain,
11:2750% off,
11:29100% off,
11:3030% off.
11:31Para sa GMA Integrated News,
11:33Bernadette Reyes,
11:34nakatutok 24 oras.
11:37Nakakalimang general congregation
11:39o pagtitipo na
11:41ang mga kardinal sa Vatican
11:43ilang araw bago
11:44ang kanilang conclave
11:45o pagkukulong
11:46sa Sistine Chapel
11:48para pumili ng
11:49susunod na Santo Papa.
11:51Nakatutok si Vicky Morales.
11:57Ngayong kasado na ang conclave
11:59sa ikapito ng Mayo,
12:01halos araw-araw
12:02nang nagkikita
12:03ang mga kardinal
12:04sa mga meeting
12:05o general congregation
12:06kung tawagin.
12:08Sinasabing,
12:08mas mahalaga pa nga
12:09ang mga meeting na ito
12:10kesa sa conclave
12:12dahil dito sila
12:13nagkakakilala
12:14at nagkakakilatisan
12:15lalo pat karamihan
12:17sa mga inappoint
12:18na kardinal ni Pope Francis
12:19e galing pa
12:21sa mga malalayong lugar
12:22at wala talagang
12:23pagkakataong makilala
12:24ang mga kasama.
12:26Higitsandaan ng kardinal
12:27ang naririto ngayon
12:29sa Roma
12:29at sa mga susunod na araw
12:31magsisidatingan pa
12:32ang iba.
12:33Merong two parts
12:34ng conclave.
12:35May pre-conclave meetings
12:38at tapos actual conclave.
12:40Yung actual conclave
12:41and it can last
12:42anywhere between
12:43two days,
12:44three days,
12:45four days,
12:45five days,
12:46one week.
12:46Pre-conclave,
12:47ibig sabihin,
12:48ang College of Cardinals
12:50ay nagme-meet,
12:51nagpupulong
12:52at nagdi-discuss.
12:55Nakukwentuhan,
12:56may mga topics kami
12:57for discussion
12:58at opportunity rin yun
13:01para kilatisin namin
13:02ng isa't isa.
13:03Sa tansya
13:04ng mga nakausap namin,
13:06maaring sa loob ng dalawa
13:07hanggang tatlong araw
13:08tatagal ang conclave.
13:09Noong panahon
13:13ni na Pope Benedict XVI
13:14at Pope Francis,
13:16natapos ito
13:16sa loob ng dalawang araw
13:18at hindi lumampas
13:19sa limang botohan.
13:21Narito po tayo ngayon
13:22sa harap ng
13:22St. Peter's Basilica
13:24at dito po
13:25sa taas nitong
13:25Sistine Chapel,
13:27dun mismo
13:28sa maliit na chimney na yan,
13:29lalabas doon
13:30yung usok.
13:31Kung itim
13:32ang kulay ng usok,
13:33ibig sabihin,
13:34hindi pa na-achieve
13:35ang two-thirds na boto
13:36na kinakailangan
13:37ng isang bagong
13:38Santo Papa.
13:39Kung puti naman
13:40ang usok,
13:41senyales na may bago
13:43ng nahalal
13:43na Santo Papa.
13:47Sa ngayon,
13:48ang mga kardinal naman
13:50ang nangangailangan
13:51ng ating dasal.
13:53Dasal na mabigyan sila
13:54ng tamang gabay
13:55sa napakahalagang
13:57mission na ito.
14:00Mula po rito sa Rome,
14:01Italy,
14:02ako po si Vicky Morales,
14:03nakatutok,
14:0424 oras.
14:07Nagulat ang mga motorista
14:08sa bahagi ng EDSA
14:09dahil sa pahirapang
14:10pagdaan sana
14:11ng isang truck
14:12na may kargang
14:13helikopter.
14:14Sa kuhang ito
14:24ng US Cooper,
14:24madaling araw
14:25nitong linggo,
14:26makikita ang helicopter
14:27na mas mataas
14:28sa clearance
14:29ng tulay
14:29sa EDSA
14:30balintawak.
14:31Hindi tuloy
14:32makalusot
14:32ang truck
14:33na may karga nito
14:34na papuntasan
14:35ng EDSA
14:36Munoz.
14:37Ilang beses
14:38nagmaniobra
14:38ang driver
14:39pero hindi pa rin
14:40nakalusot
14:41ang epekto.
14:42Eh, bigat na traffic.
14:43Ayon sa US Cooper,
14:44umatras na lamang
14:45ang trailer truck
14:46at humanap
14:47ng ibang daan.
14:48Pinuna ni Senadora Nancy Binay
15:01ang campaign posters
15:03ng kanyang bayaw
15:04at kalaban
15:05sa Makati Mayoral Race
15:07na si Congressman
15:08Luis Campos.
15:10Ang video
15:10ng pagsita niya
15:12ibinigay na
15:12ng Comelec
15:13sa isa nitong komite.
15:15Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
15:18Nakarating na
15:21sa Commission on Elections
15:22o Comelec
15:23ang video
15:24na ibinahagi
15:24sa Facebook
15:25ni Senadora Nancy Binay,
15:27kandidato
15:28sa pagka-mayor
15:29ng Makati City.
15:30Dito ay nireklamo niya
15:32ang mga campaign poster
15:33sa Barangay Hall
15:34sa Barangay Pinagkaisahan.
15:36Ang mga poster
15:37ay kay Makati
15:38Rep. Luis Campos,
15:40bayaw niya
15:40at kalaban
15:41sa pagka-alkalde.
15:42Bakit nandunod ito?
15:44Hindi nandunod ito.
15:45Kahit na,
15:45barangay nandunod ito.
15:46Bakit dito lang
15:47pwede rin ako
15:49magpagsak dito?
15:50Opo,
15:51kaya nandunod.
15:52Hindi ko gagawin yun,
15:53nagbawal yun eh,
15:54Barangay Hall.
15:55Sagot ni Campos
15:56sa isang Facebook post,
15:58hindi naman nakakabit
15:59sa anumang bahagi
15:59ng Barangay Hall
16:00ang mga poster.
16:02Nakatupi
16:02at nakasalansan daw ito
16:04ng maayos
16:05sa ibabaw ng mesa
16:06para pwedeng kumuha
16:07ang mga residente
16:08upang ikabit
16:10sa kanila mga bahay.
16:11Kayaan niya,
16:12kailangan pa itong
16:13bulat-latin ni Binay.
16:14Sa video ni Binay,
16:16may babala rin ito
16:17sa mga taga-Barangay Hall.
16:19Pasensyahan na tayo
16:20kung kailangan may kasuhan kami
16:22dahil sa mali.
16:23Sorry na lang.
16:25Katwira naman ni Campos,
16:26hindi pinagbabawal
16:27ng Civil Service Commission
16:29ang barangay officials
16:30sa pakikibahagi
16:31sa partisan political activities.
16:33At may laya raw
16:34ang barangay officials
16:36na suportahan
16:37ang napupusuan nilang kandidato.
16:39Si Campos
16:40ay asawa ni Makati Mayor Abidinay
16:42na kapatid ni Senadora Nancy.
16:45Sabi naman ni
16:45Comelec Chairman
16:46George Irwin Garcia,
16:48nirefer na niya
16:48ang issue
16:49sa Comelec Committee
16:50on Kontrabigay.
16:51Sa ngayon,
16:52nasa 213 na
16:54ang hawak na kaso
16:55ng komite.
16:56Number one among the complaints
16:57is still the misuse
16:59of the ayuda,
17:00use of posters
17:01in state-owned facilities,
17:03vehicles,
17:04and other properties
17:06and equipments.
17:07Samantala,
17:08naghain na ng petition
17:09for disqualification
17:10ng Comelec Task Force SAFE
17:12laban kay
17:13Mesamis Oriental
17:14Re-electionist Governor
17:15Peter Unabia
17:16dahil sa pahayag na
17:17dapat magaganda
17:19ang nabibigyan
17:20ng nursing scholarship.
17:22Tinagbasihan din
17:23ang pahayag ni Unabia
17:24na naguugnay umano
17:25sa mga Muslim
17:26sa karasan
17:27at terorismo.
17:29Hiniling ng task force
17:30na isuspend
17:31ang proklamasyon nito
17:32kung manalo
17:33sa eleksyon.
17:34Sa isang pahayag,
17:36kinumpirma ni Unabia
17:37ang petisyon
17:37pero sinabing
17:38mananatili siyang
17:39gubernatorial candidate.
17:42Para sa GMA Integrated News,
17:44Sandra Aguinaldo
17:45nakatutok 24 oras.
17:48Tuluyan ang naapula
17:49ang sunog
17:50sa isang landfill
17:51sa Rodriguez Rizal
17:52pero mapanganib pa rin
17:53ang usok nitong umabot
17:54hanggang Cubao,
17:55Quezon City.
17:56Delikado pa rin
17:57ang kalidad ng hangin
17:58para sa ilang residente
17:59ng tatlong lugar.
18:00Alamin kung saan-saan
18:02sa pagtutok ni
18:03Ian Cruz.
18:04Ganito kalawak ang sunog
18:09sa Rizal Provincial
18:10Sanitary Landfill
18:11sa Rodriguez Rizal
18:13na nagsimula
18:14linggo ng hapon.
18:15Mahigit 24 oras
18:17ang lumipas
18:17bago idiniklarang fire out
18:19ang nagarap na sunog
18:20dito sa Sanitary Landfill
18:22sa Rodriguez Rizal
18:23pero ngayon po
18:24pasado alas 4 na ng hapon
18:26makikita natin
18:27patuloy pa rin
18:28ang usok
18:28mula sa landfill.
18:30Kaya hindi tumigil
18:31ang pagtabo ng lupa
18:32ng mga dump truck
18:33ayon sa BFP Rodriguez
18:3590% na
18:36ng umuusok na bahagi
18:38ng landfill
18:38ang natabunan ng lupa.
18:40Sa gitna niyan
18:41tuloy-tuloy rin
18:42ang pagpasok
18:43ng garbage truck.
18:45Kaya naman
18:45ang mga nangangalakal
18:46tulad ng mag-asawang
18:47Orlando at Dolores
18:49pumalik na rin
18:50sa trabaho.
18:51Sa ngayon
18:51wala na ako kami
18:52mula nung mulan
18:53kahapon
18:54kasi nawala na yung usok.
18:56Kaya nga
18:56pumakit na ako kami
18:57naramdam namin
18:58na wala nang usok
18:58kaya nga
18:59dito na kami natulog.
19:00Sana nga po
19:00hindi na maulit po
19:02matanggal na po
19:02yung usok
19:03na may amoy
19:05mabaho.
19:06Karamihan din
19:07sa 43 pamilyang
19:08inilikas kahapon
19:09nagsibalika na
19:11sa kanilang bahay
19:12na sa 6 na pamilya
19:14o 25 individual
19:15naman
19:16ang nananatili
19:17sa evacuation center
19:18hanggang kaninang umaga.
19:20Sabi ng LGU
19:20natugunan naman daw
19:22ang lahat
19:22ng kanilang pangailangan.
19:24Nakipag-usap na rin daw sila
19:25sa pribadong kumpanya
19:27na may hawak ng landfill
19:28at tinukoy
19:29na sa itaas
19:30na bahagi ng landfill
19:31nagsimula ang apoy.
19:32Ito po'y
19:33outside grass fire
19:34na naka-apekto
19:35dun sa ating mga
19:36basura
19:38or dun sa ating landfill.
19:40And because of it
19:40dahil nga sa init na rin
19:41ang panahon
19:42kaya na-apektoan
19:43yung lugar
19:43nag-escalate
19:45itong apoy na ito.
19:47Bunsod ng alinsangan
19:48ng panahon
19:49at inilalabas
19:50ng methane gas
19:51ng tambak
19:52ng basura
19:52kaya lumawak ang apoy
19:54at umabot
19:55sa lower portion
19:55ng landfill.
19:56Meron pa rin tayong
19:57risk na magkaroon
19:59ng rekindling
20:00ng flames
20:01kaya yun
20:01ang iniiwasan natin
20:02kaya mayat-maya din
20:03ay nagkatabon tayo
20:05ng lupa
20:05doon sa mga
20:06umuusok pa
20:06ng mga area
20:07at nagbubuga pa rin
20:08tayo ng tubig.
20:09Umabot hanggang
20:10Quezon City
20:11ang usok
20:11dulot ng sunog kahapon
20:13kaya pinayuhan
20:14ang publiko
20:14na mag-mask
20:15dahil sa very unhealthy
20:17na air quality index
20:19sa ilang lugar.
20:20Bagaman,
20:20mas gumanda ang kalidad
20:21ng hangin
20:22sa malaking bahagi
20:22ng lungsod
20:23ngayong araw,
20:24tatlong lugar pa rin
20:25ang naitalang
20:26may hanging
20:27unhealthy
20:28for sensitive groups
20:29kabilang dyan
20:30ng payatas
20:31San Isidro
20:32at Cubaw.
20:33Para sa GMA Integrated News,
20:34Ian Cruz
20:35nakatutok 24 oras.
20:40Good evening mga kapuso!
20:42All smiles
20:43si Michael Sager
20:44sa surprise
20:44ng kanyang Sparkle family
20:46matapos lumabas
20:46sa bahay ni Kuya.
20:48Kasami na rin
20:49ang recent
20:49nakaduong
20:50si Emilio Dias
20:51na tulad niya
20:52ay shook pa rin
20:53sa pagmamahal
20:54ng kanilang fans.
20:55Makitsika
20:56kay Aubrey Carampel.
21:03Sa kanilang pagbabalik
21:05sa outside world,
21:06double dose
21:07of kilig agad
21:08ang isinalubong
21:10ni Michael Sager
21:11at Emilio Dias
21:12sa pagkasa nilang dalawa
21:14sa Kim Sonotren
21:15sa TikTok.
21:17Good vibes din
21:18ang TikTok video na ito
21:20ng Tim Melly.
21:21Welcome home,
21:23Michael!
21:26Ngayong araw,
21:27masaya at mainit
21:28naman ang pag-welcome
21:29ng Sparkle
21:30GMA Artist Center
21:31kay Michael.
21:33Nag-a-adjust
21:33pa rao si Michael
21:34sa outside world
21:35matapos manatili
21:37ng 48 days
21:38sa PBB House.
21:40I had lots of catching
21:41up to do
21:42but of course
21:42the love
21:43that the people
21:43gave me
21:44was very overwhelming
21:45and I'm so thankful
21:45for it.
21:46Tapos ngayon,
21:47I'm able to come
21:47back home
21:48sa Sparkle
21:48and I'm happy.
21:50Dito ako sa
21:50aking tahanan
21:52talaga
21:52dito sa GMA.
21:53Si Emilio naman
21:54na nakababatang kapatid
21:55ng kapuso actor
21:56na si Michael
21:57Daez.
21:58Idinaan sa kanyang IG
21:59ang pasasalamat
22:00sa anyay
22:01magandang desisyon
22:02na kanyang ginawa
22:03para ipursue
22:04ang kanyang pangarap.
22:06Malaki raw
22:07ang pasasalamat
22:08ni Emilio
22:08sa kanyang kuya
22:09at sister-in-law.
22:11Mega aming.
22:12Grabe,
22:13never ending
22:14yung support nila.
22:15Win or lose.
22:16Kahit bago pa
22:17pumasok ng industriya,
22:19todo na po
22:19yung support nila.
22:21And I love them
22:22very much.
22:22At kahit na evict,
22:24ang mahalaga
22:25ay nagpakatotoo
22:26raw sila
22:27at marami silang
22:28natutunan.
22:29Masarap din daw
22:30sa feeling
22:31ang naramdaman nilang
22:32pagmamahal
22:33ng kanilang fans.
22:34Grabe po yung
22:35surprise ko
22:37and nagulap po talaga
22:38sa pagmamahal
22:39ng tao sa akin.
22:39Siguro,
22:40the Lord has been
22:41guiding me na
22:42nung paglabas,
22:43we were embraced
22:44with so much love,
22:45Ms. Aubrey.
22:45Nung paglabas namin,
22:46ang dami namin nakita.
22:48Doon talaga naiya
22:48kasi sumisigaw sila,
22:50may malaking sign na Millie
22:51and every in my wildest dreams
22:52na maimagine ko
22:53yung gabi na yun
22:54and it was
22:55so heartwarming.
22:56Si Michael
22:57sumalang agad
22:58as hostmate
22:59sa unang hirit.
23:01May nakatakda
23:02na rin daw
23:02gawing project
23:03si Emilio
23:04at hiling daw nilang
23:05makatrabaho
23:06ang isa't isa.
23:08I really hope
23:09that we get to work together
23:10as a host.
23:11An acting,
23:12hosting gig
23:13with Michael
23:14or dancing,
23:15whatever,
23:15singing.
23:16Siyempre,
23:17ang team Millie
23:17hindi po magpapawis.
23:19Aubrey Carampel,
23:20updated
23:21showbiz
23:22happenings.
23:23Nag-inhibit
23:24o bumitaw na
23:25ang hukom
23:26na kumakawak
23:27sa kaso
23:27ng mga sabongerong
23:28na wawala
23:28sa Manila Arena.
23:30Alinsunod dyan
23:31sa hiling ng prosekusyon
23:32dahil sa aligasyong
23:33pinapaboran
23:34ng korte
23:35ang mga akusado.
23:36Gayunman,
23:37nilinaw na korte
23:38na haka-haka
23:39lamang
23:39ang pinangkakawakan
23:40ng prosekusyon.
23:41Gayunman,
23:42kahit walaan niyang merito
23:43ang aligasyon
23:43ng prosekusyon
23:44ay pinagbigyan na sila
23:46ng hukom
23:47dahil malinaw na
23:48niyang wala nang tiwala
23:49sa korte
23:50ang prosekusyon.
23:50Samantala,
23:51pinayaga naman
23:52ng Laguna
23:52Regional Trial Court
23:53Branch 29
23:54na makapagbiansa
23:56ang tatlong pulis
23:57na akusado
23:58sa kaso
23:58ng mga nawawalang
23:59sabongero
23:59sa Laguna.
24:01Binigyan ng dalawampung araw
24:02ang prosekusyon
24:03para makapagpresenta
24:04ng ebidensya
24:05at may sampung araw
24:06naman
24:07ang depensa
24:07para makapagkomento.
24:19Bahagyang bumaba
24:20ang trust
24:21at performance ratings
24:22ni Pangulong Bongbong Marcos
24:24sa pinakahuling survey
24:26ng Okta Research.
24:28Nakatutok si Ivan Mayrina.
24:29Nasa mayorya pa rin
24:34ang nagtitiwala
24:35at nasisiyahan
24:36sa performance
24:37si Pangulong Bongbong Marcos
24:38sa pinakahuling tugon
24:39ng masa survey
24:40ng grupong Okta Research
24:41ngayong Abril.
24:42Pero mas mababa ito
24:43kumpara nung nakaraang survey.
24:45Bawa ba sa 60%
24:47ang trust rating
24:47ni Pangulong Bongbong Marcos
24:49itong Abril
24:49mula sa 65%
24:51noong Nobyembre.
24:52Bawa ba rin sa 59%
24:54ang mga nasisiyahan
24:55sa pagganap
24:55sa tungkulin ni Marcos
24:56mula sa 64%.
24:58Baga man buwaba
24:59sinabi ng Pangulo
25:00na inspirasyon sa kanya
25:01ang survey results.
25:02Well,
25:03it just validates
25:05that what we are doing
25:06that people
25:08are beginning to understand
25:09what we have been
25:12trying to do
25:13for the last
25:13two and a half
25:14almost three years.
25:15So,
25:16it continues to inspire me
25:18because
25:19it shows
25:21that
25:21we are making progress
25:23and that's always
25:24good to know.
25:27Sa limang pinakamataas
25:28sa opisyal ng bansa,
25:29tanging si Vice President
25:30Sara Duterte lamang
25:32at tumakas ang trust
25:32and performance ratings
25:33itong Abril.
25:35Tumakas sa 58%
25:36ang nagsabing
25:37nagtitiwala sila
25:37sa BSE
25:38mula sa 49%
25:40itong Nobyembre.
25:41Pagdating sa performance rating,
25:43tumakas sa 56%
25:44si Duterte
25:45mula sa 48%.
25:46Kapwa buwaba naman
25:48ang trust rating
25:48si na Senate President
25:49Francis Escudero
25:50sa 55%
25:51at House Speaker
25:52Martin Romualde
25:53sa 54%.
25:55Nasa 5%
25:56ang trust rating
25:57ni Chief Justice
25:58Alexander Guismundo.
25:59Ang mga nagsabing
26:00nasisiyan sila
26:01sa pagganap
26:01sa tungkulin ni Escudero
26:02buwaba sa 53%
26:04habang buwaba rin
26:05sa 55%
26:06at 5%
26:07ang performance ratings
26:09si na Romualde
26:10at Guismundo.
26:11Wala nagpakomisyon
26:12sa survey
26:12na ginawa nitong
26:13April 2 hanggang 5
26:14sa 1,200 Filipino adults
26:17na respondents.
26:18May margin of error ito
26:19na plus or minus 3%.
26:22Para sa GMATing Rating News,
26:24Ivan Mayrina Nakatutok,
26:2524 Horas.
26:31Makakapuso
26:32naging makulimlim
26:33at maulan
26:33sa ilang lugar kanina
26:34gaya ng naranasan
26:36sa Metro Manila.
26:37Bantang hapon
26:37nang bumugos ang ulan
26:38sa ilang lusod.
26:40Ayon sa pag-asa,
26:41dulot niya ng thunderstorms
26:42na nangyayari talaga
26:43kahit taginip.
26:45Ang thunderstorms,
26:46posibleng magdulot
26:47ng pag-ulan
26:48ng hail
26:49o maliliit
26:50na butin lang yelo
26:50gaya ng naranasan
26:51sa Laikavite kahapon.
26:53Posibleng may pag-ulan
26:54din bukas
26:54dahil sa patuloy
26:55na pag-ira
26:56ng Easterlies
26:57at Intertropical Convergence Zone.
26:59Base sa datos
27:00ng Metro Weather,
27:01may mga pag-ulan
27:02sa ilang bahagi
27:02ng Luzon
27:03pero mas maraming
27:04uulanin sa Visayas
27:05at halos buong Mindanao.
27:07Posibleng pa rin
27:07ang malalakas na ulan
27:09na posibleng magpabaha
27:09o magdulot
27:10ng Ladsline
27:11sa Metro Manila.
27:12May chance na pa rin
27:13ang thunderstorms bukas
27:14kaya magdala ng payong
27:15kung may lakad.
27:16Bago,
27:17ang mga pag-ulan,
27:18posibleng umabot muna
27:19sa danger level.
27:20Ang init sa ilang lugar,
27:21pinakamataas
27:22ang 46
27:22hanggang 47 degrees Celsius
27:24hanggang 42 degrees Celsius
27:26sa Metro Manila.
27:27Samantala,
27:28update naman
27:28sa low pressure area
27:29sabi na pag-asa,
27:30panandalian itong
27:31lumabas ng para
27:32pero posibleng pumasok ulit
27:34sa mga susunod na oras.
27:35Patuloy pong umantabay
27:37sa updates.
27:40Bistado ang pakay umano
27:42ng isang dating polis
27:43at dalawang iba pa
27:44sa isang jewelry shop.
27:47Nagsuit sila
27:48ng uniformeng pampulis
27:50para umano
27:51mag-nakang.
27:52Nakatutok si Oscar Oida.
27:58Pina-check sa mga tauha
27:59ng Binondo Police
28:00ang sumbong
28:01na may kahinahinalang
28:02sakyan daw
28:03na paikot-ikot sa lugar.
28:05Ang nadatna nila
28:06mga nakasuot
28:08pampulis din
28:09kaya nakipagkumustahan
28:11pa muna sila.
28:12Pero nagduda na
28:13ang mga pulis
28:14nang iba-iba na raw
28:15ang sinasabi nila
28:17at nang mapansin
28:18ang mga suot nilang
28:19uniforme.
28:20Kasi parehas po silang
28:22bautista.
28:23Bira pong mangyari yun
28:24at saka nasa
28:25QCPD po sila.
28:27May protocols po kasi tayo
28:29pag ibang unit ka
28:30dapat may coordination ka
28:32dito sa Manila Police District.
28:33These things prompted
28:35our police officers
28:36na talagang
28:37pagdudahan po sila.
28:39Nang isearch,
28:40nabawi ang iba't ibang baril,
28:43isang granada
28:43at mga bala.
28:45Base sa inisyal
28:46na pagsiyasad,
28:47nag-beast
28:48polis daw ang mga ito
28:49para di masita
28:50sa kanilang tunay
28:51na pakay sa lugar.
28:53May bibirahin sila
28:55na jewelry shop
28:56at saka yung may-ari
28:58sa
28:58parang
29:00kukuni nila.
29:01Actually,
29:02kompleto na yung
29:02casing nila
29:03at nakuna na nila
29:04ng mga picture
29:05at lahat-lahat
29:06may mga
29:07drawing-drawing pa nila
29:08kung paano nila
29:09sa gawa yung
29:10posibleng gawin
29:12sana nila
29:12yung binondo.
29:14Isa sa mga suspect
29:15dating polis
29:17na na-dismiss
29:18noong
29:182022.
29:19Ang grupo nito
29:20nasa likod rin
29:22umano
29:22ng iba't ibang
29:23krimen.
29:24May talagang
29:25may organisasyon po sila.
29:26May mga kasama po silang
29:28hindi natin nahuli
29:31kasi nga
29:32ang nasita po lang
29:33natin
29:33ay isang sasakyan
29:34and it turned out
29:36during investigation
29:37dalawang sasakyan po pala yun.
29:39Yung isang
29:39dismissed na polis dyan
29:41is meron ng warrant
29:42for murder case
29:43for murder case
29:44nangyari sa
29:45Bulacan.
29:47They are involved
29:47dun sa
29:48murder cases
29:49dun sa
29:51kidnapping
29:52gun for
29:52high robbery
29:53okay
29:54sa illegal drugs.
29:56Sinabungan namin
29:57kunan ng payag
29:58ang mga suspect
29:59pero
30:00naaharap ang mga suspect
30:03sa reklamang
30:04usurpation of authority
30:05illegal use of uniform
30:07or insignia
30:08paglabag
30:09sa comprehensive law
30:10on firearms
30:11and ammunition
30:12at illegal possession
30:13of explosives
30:14in relation to
30:16omnibus election code
30:17of the Philippines.
30:19Para sa GMA Integrated News
30:21Oscar Oida
30:22nakatutok
30:2324 oras
30:25Makakapuso
30:26sensitibo
30:27ang video
30:28na susunod
30:29ninyong mapapanood.
30:30Sinagib sa CIA
30:31Zamboanga
30:32Sibugay
30:32ang isang lalaki
30:33na sinakmal po
30:34ng buhaya.
30:44Namimilipit
30:45sa sakit
30:46ang lalaki
30:47niya
30:47na habang
30:47kagat ng buhaya
30:48sa isang public park
30:49ilang beses
30:50din siyang
30:51kinaladkad
30:51at
30:52iwinasiwas
30:53ng buhaya.
30:54Kumawala
30:54lamang
30:55sa kagat
30:55ang buhaya
30:56ng patunugin
30:57ng may-ari
30:57ng parke
30:58ang bakal
30:58lakarang.
30:59Agad
30:59nandirescue
31:00ang biktima
31:00at nilapatan
31:01ng first aid
31:02ang sugat
31:02niya
31:02sa binti
31:03at braso.
31:04Agad din siyang
31:04dinala
31:04sa ospital.
31:06Sa investigasyon
31:06ng pulisya
31:07na pag-alaman
31:07sa kaanak
31:08ng biktima
31:08na may
31:08sakit
31:09ito
31:09sa pag-iisip.
31:11Nangako
31:11ang may-ari
31:12ng parke
31:12na sasagutin
31:13ang gastos
31:14sa pagpapagamot
31:15ng biktima.
31:23Justice Secretary
31:23Jesus Crispin
31:24Remulia
31:25sa rekomendasyong
31:25imbestigaan sila
31:26ng ombudsman
31:27kauglay ng pag-aresto
31:28kay dating Pangulong
31:29Rodrigo Duterte.
31:31Sabi ng kaligim,
31:32hindi siya natatakot
31:33sa rekomendasyon
31:34ng kumite
31:34ni Senadora
31:35Aimee Marcos.
31:36Gayet pa niya,
31:38ginawa nila
31:38ang nararapat.
31:42So,
31:43welcome development.
31:45Hindi naman tayo
31:46natatakot dyan.
31:47Ginawa namin
31:47yung dapat gawin
31:48at ito
31:49is for the best
31:50to our best judgment.
31:53What's good
31:54for the country
31:54is what we did.
31:56Anak
31:57ang umano'y
31:58nag-utos
31:58na kidnapin
31:59at patayin
32:00ang negosyanteng
32:00si Anson Tan
32:01o mas kilalang
32:02Anson Ke
32:03at kanyang driver.
32:05Ayon po yan
32:05sa sinumpaang
32:06sa Laisay
32:06ng isa sa mga
32:07suspects sa krimid.
32:09Nakatutok si Salima Refran.
32:14Sa isinumiting
32:15referral
32:16ng PNP
32:16Anti-Kidnapping Group
32:18sa Department of Justice
32:19noong April 19,
32:20may anim na pangalan
32:21silang inirekomenda
32:22para sa preliminary investigation.
32:24Kaugnay sa pagkidnap
32:26at pagpatay
32:26sa businessman
32:27na si Anson Tan
32:29na kilala rin
32:30sa pangalang
32:30Anson Ke
32:31at sa kanyang driver.
32:33Kabilang sa kanila
32:34ang isang
32:34Rongshan Gao
32:35o Alvin Ke
32:37na 42 taong gulang
32:39na ayon sa isang
32:40source sa PNP
32:41ay kaisa-isang
32:42anak na lalaki
32:44ni Tan.
32:45Habang nasa kamay
32:46ng kidnapper
32:46si Anson Tan,
32:48ang anak na si Alvin
32:49ang nagsilbing
32:49negotiator
32:50ng pamilya.
32:51Ayon pa sa police report,
32:53si Alvin
32:53ang nagbayad
32:54ng ransom
32:55sa mga kidnapper.
32:56Sampung milyong piso
32:57ang unang inilagak
32:58sa isang cryptocurrency
32:59account
33:00noong March 31,
33:01dalawang araw
33:02matapos
33:03makidnap si Tan.
33:04At dagdag na
33:05tatlong milyong piso
33:06noong April 2
33:07sa parehong account.
33:08Pero kahit bayad na,
33:10natagpo
33:10ang paring patay
33:11si Tan
33:12at kanyang driver
33:13noong April 9
33:13sa Rodriguez Rizal.
33:15Kasama sa isinumite
33:16ng PNP
33:17sa Department of Justice,
33:18ang affidavit
33:19ng suspect
33:20na si David Tan Liao,
33:2148 taong gulang
33:23na tumong
33:23Fukien, China.
33:25Si Liao
33:26ay sumuko
33:26sa polisya
33:27matapos may maarest
33:28ng dalawang suspect
33:29sa Palawan
33:30noong mahal na araw.
33:32Sa affidavit
33:33ni Liao,
33:33sinabi niyang kilala niya
33:34ang mag-amang
33:35Anson at Alvin.
33:37January
33:37ng taong ito
33:38anya
33:38nang tawagan siya
33:39ni Alvin
33:40at sabihin
33:40may ibibigay
33:41sa kanyang trabaho.
33:43February naman
33:44ang mag-offer
33:44sa kanya si Alvin
33:45ng 100 million pesos
33:47para dukuti
33:49ng amang si Anson.
33:50Ayon kay Liao,
33:51kasama niya
33:52sa pagpaplano
33:52ang mga suspect
33:53na inaresto sa Palawan
33:54na si Richard Austria
33:56alias Richard Tan Garcia
33:58at Raymart Katequista.
34:00May babay rin siyang
34:01nabanggit
34:02na kasama Anya
34:03sa pagdukot
34:03at paghingi
34:04ng ranso.
34:05Si Alvin Anya
34:07ang nagbigay
34:07ng ghost signal
34:08na patayin si Tan
34:09at ang driver.
34:11Ayaw magbigay
34:12ng pahayag
34:12ng pamilya
34:13tansa ngayon.
34:14Sa preliminary investigation
34:15kahapon,
34:16sinabi ng abogado nila
34:17na gusto na lang
34:18maimbestigahang
34:19mabuti ang kaso.
34:21Meron sila kasing
34:22iniimplicate
34:22na ibang tao
34:23na request namin
34:28i-pursue.
34:31Kung hindi man totoo,
34:31i-clear yung pangalan.
34:33Kung totoo man,
34:37dapat malaman
34:37yung totoo.
34:38Patuloy na kinukuha
34:39ng GMA Integrated News
34:40ang panig
34:41ni Alvin Ke.
34:42Ayon naman
34:43sa Department of Justice,
34:44kailangan pa nila
34:45ng kaunting panahon
34:46para matukoy
34:47ang mastermind
34:49at ang motibo
34:50ng krimil.
34:51Give us around
34:5120-25 days.
34:53It will be done.
34:54It might pull off
34:56a surprise.
34:57Baka
34:57baka kagulat-gulat
34:59ang lumabas.
34:59Para sa GMA
35:00Integrated News,
35:02Sanima Refrain,
35:02Ekatutok,
35:0324 oras.
35:04Not guilty plea
35:10ang inihay
35:10ng actor
35:11na si Archie Alemania
35:12kaugnay
35:12ng kasong
35:13acts of lasciviousness
35:14na isinampalaban
35:15sa kanya
35:15ni Rita Daniela.
35:17Pinagbigyan din
35:18ng korte
35:18ang hiling
35:19na gag order
35:20ng kampo
35:20ni Archie
35:21na huwag
35:22pag-usapan
35:22ng merito
35:23ng kaso.
35:24Tumangging
35:24magbigay
35:25ng pahayag
35:25ang kanyang kampo
35:26matapos ang hearing.
35:28Sabi naman ni Rita
35:29na nakaharap
35:29ng aktor
35:30sa arraignment.
35:34I feel bad.
35:35I mean,
35:36ano,
35:37ako,
35:38I know my truth
35:40and I know God
35:41is with me.
35:43And,
35:44kahit anong mangyari,
35:45kahit gano'ng
35:46baka tagal
35:46alabas
35:47at alabas
35:47yung totoo.
35:50Samantala,
35:50giving unbothered
35:51queen energy.
35:52Yan ang comment
35:53ng netizen
35:53sa latest post
35:54ni Kylene Alcantara
35:55sa gitna ng issue
35:57ng hiwalayan nila
35:57ni Kobe Paras.
35:59Naglabas na rin
36:00ng pahayag
36:00ang Sparkle GMA
36:01Artist Center
36:02tungkol dito.
36:03Makichika
36:04kay Aubrey Carampel.
36:08Unbothered queen
36:09si Kylene.
36:10Ganyan isinalarawan
36:12ng ilang netizen
36:13si Sparkle star
36:14Kylene Alcantara
36:15nang makita
36:16ang recent post niya
36:17sa Instagram
36:18na may caption na
36:20Happy 4.9 million followers.
36:23Ang post,
36:24pinusuan ng kanyang
36:25mga kaibigan
36:26at netizens
36:27at hindi raw
36:28maaaninag
36:29ang pinagdaraanan
36:31ng dalaga.
36:32Kahit kagagaling lang
36:33sa breakup
36:34sa kanyang kasintahang
36:35basketball player
36:36na si Kobe Paras.
36:37Wala pang
36:38direktang sagot
36:39si Kylene
36:39sa issue
36:40pati sa mga
36:41binitiwang pahayag
36:43ng ina ni Kobe
36:44ang dating aktres
36:45na si Jackie Forster.
36:47Sa video
36:48na ini-upload
36:48ni Jackie,
36:49binatikos niya
36:50ang aktres
36:51at dinepensahan
36:52ang kanyang anak.
36:54Ang mga fans
36:55nagpaabot
36:56ng suporta
36:56kay Kylene.
36:57Sa pahayag
36:58na inilabas naman
36:59ang Sparkle
37:00GMA Artist Center
37:01sinabi nitong
37:02nais na raw
37:03ni Kylene
37:04na mag-move on
37:05na sa issue.
37:07Pinili raw
37:07ng aktres
37:08na panatilihin
37:09ang kanyang peace
37:10and respect
37:11sa mga taong
37:12naging parte
37:13ng kanyang buhay.
37:14Umaasa raw
37:15si Kylene
37:15na makamove on
37:16na rin
37:16ang lahat
37:17at tapusin
37:18na ang issue.
37:19Aubrey Carampel
37:20updated
37:21tergis showbiz
37:22sa Apine.
37:25And that's my chica
37:26this Tuesday night.
37:27Ako po si Ia Araliano.
37:28Miss Mel,
37:29Emile.
37:31Salamat sa iyo Ia.
37:33At yan ang mga balita.
37:34Ngayong martes
37:35ako po si Mel Tianco
37:36para sa mas malaking
37:38misyon.
37:39Para sa mas malawak
37:40na paglilingkod sa bayan.
37:41Ako po si Emile Suwangin.
37:43Mula sa GMA Integrated News,
37:45ang News Authority
37:45ng Pilipino.
37:46Nakatuto kami
37:4724 oras.
37:51Mula sa GMA

Recommended