-Nasa 45,000 mananampalataya, inabangan ang unang paglabas ng usok mula sa Sistine Chapel/ Ikalawang paglabas ng usok mula sa Sistine Chapel, inaasahan mamayang 4:30pm o 6pm, oras sa Pilipinas/CBCP: Cardinal-Bishops kung saan kabilang si Cardinal Tagle, mauunang bumoto sa Papal Conclave
-WEATHER: Bahay, nawasak dahil sa landslide/4 na magkakaanak, sugatan sa rockslide
-2 grupo ng menor de edad, sangkot sa rambol sa Brgy. Poblacion
-Lalaki, balik-kulungan matapos tangayin ang cellphone na ibinebenta sa kanya/Suspek, tumangging magbigay ng pahayag
-Lalaki, patay matapos matabunan ng lupa mula sa hinuhukay niyang balon sa Brgy. Fuerte
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-WEATHER: Bahay, nawasak dahil sa landslide/4 na magkakaanak, sugatan sa rockslide
-2 grupo ng menor de edad, sangkot sa rambol sa Brgy. Poblacion
-Lalaki, balik-kulungan matapos tangayin ang cellphone na ibinebenta sa kanya/Suspek, tumangging magbigay ng pahayag
-Lalaki, patay matapos matabunan ng lupa mula sa hinuhukay niyang balon sa Brgy. Fuerte
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Itimang usok na inilabas ng Sistine Chapel, kasunod ng unang butohan para sa susunod na Santo Papa.
00:12Ibig sabihin, wala pang bagong Santo Papa.
00:15Kuha tayo ng update tungkol sa PayPal Conclave at live mula sa Rome, Italy.
00:19Makakasama natin si Connie Sison.
00:21Connie!
00:26Raffi, 5.02 na ng madaling araw ngayon dito sa Roma.
00:30At nandito tayo ngayon sa St. Peter's Square, kung saan napakatahimik at wala halos na makasama tayo dito ngayon.
00:38Except of course for the usual na mga rumuron ng mga polis at ilang mga kasama sa media.
00:43Pero other than that, wala pa tayong namamataan ng mga nag-overnight o kaya ay nanatiling mga turista o deboto dito.
00:51At ito nga, at bago naman din na tayo nagkaroon ng itim na usok as of kagabi, 9pm dito at 3am dyan, ay marami talagang deboto na katoliko ang matyagang nag-abang sa usok.
01:08At may mga nagsasabi nga na talagang mag-aantay pa rin sila mamaya dito.
01:13Ang estimate naman na bilang na mga dumalo ayon sa Vatican Police ay nasa 45,000 at may mga ilan din tayong nakausap sa kanila at hininga natin sila ng reaksyon.
01:27Tingnan natin ito sa aking report.
01:57Marami sa aking nakapanaya, maunang beses lang na-experience ang pagpunta sa conclave.
02:05It's my actually first time watching the smoke. It's a historical event.
02:10Right now, the church has become so universal that even an African Christian would hope that the next pope would be from Africa.
02:20For us, we're grateful to be here with my family in this magical moment.
02:30Masaya dahil nandito kami para sa puntahan si Cardinal Taglin.
02:37Maaga pa lang, bumwesto na ang karamihan sa mga deboto sa St. Peter's Square para siguruhing masisimula nila ang conclave.
02:45Di lang deboto ang maaga, kundi pati na ang mga media na tumutok sa bawat galaw ng mga kardinal.
02:50I've never seen as many journalists and TV crews here on St. Peter's Square as this conclave.
02:59And I think it really shows how much of a spectacle this is on top of like a religious issue.
03:06And I think in the world of social media and online reporting, it's just really clear how powerful.
03:15Habang naghihintay ng usok, ilang beses na pumapalakpak ang mga nag-aabang sa hangarin na marinig sila na mga bumubotong kardinal.
03:28Ang iba, kanya-kanyang diskarte sa pagpapahinga sa St. Peter's Square, kabilang sa kanila ang ilang Pinoy.
03:34Matagal po nag-aabang, pero mag-ITS pa din.
03:38I'm excited. I'm excited. I'm excited po sa hangarin.
03:42Tuloy daw ang paghihintay ng mga deboto ng walang pag-aalinlangan kahit pa napagod at nahirapan.
03:49Importante daw sa kanilang masilayan ang puting usok na sumisimbolo ng pag-asang dala ng palibagong Santo Papa sa kanilang pananampalataya.
03:58At Rafi, makalipas nga na makita na yung itim na usok sa chimney ng Sistine Chapel,
04:08kagabi dito sa Roma, ay mabilis din na nag-uwian na yung mga deboto.
04:14At inaasahan natin, ayon na rin sa ilan sa mga nakausap natin na sila'y babalik din mamaya
04:19para sa pag-antabay sa mga susunod naman na paglabas ng usok sa chimney ng Sistine Chapel.
04:26Rafi?
04:27Kung ano yung oras babalik yung mga Cardinal Elector dyan sa Sistine Chapel
04:30at ano oras na tinaasahan yung susunod na paglabas ng usok?
04:37Yes, Rafi dalawa ang round ng butuhan ngayong araw na ito.
04:41Isa sa umaga at isa naman sa hapon.
04:45At sabi sa atin ay maaari na maglabas ng usok ng 10.30am dito
04:52at dyan ay 4.30pm naman sa inyo.
04:56At sa susunod naman yan ay 12 noon dito sa Roma, 6pm dyan sa Maynila.
05:02At sa bandang hapon, maaari din nga maglabas naman ng usok ng 5.30pm dito
05:08at 11.30pm dyan sa inyo at 7pm dito at 1am na dyan sa inyo.
05:15So, antabayanan natin kung at 10.30pm pa lamang ay may lumabas na na puting usok.
05:27Ibig sabihin, syempre, wala nang magaganap na pangalawa.
05:31Otherwise, kung itim pa rin ang lumabas ng 10.30pm or wala pa rin napili,
05:37sa 12 na sila, 12 noon dito maglalabas ng usok at 6pm naman dyan.
05:43At Connie, kung sakaling merong puting usok, gano'ng kahaba yung kailangan hintayin
05:48para makita na yung bagong Santo Papa doon sa balkonahin ng St. Peter Basilica?
05:52Yes, alam mo, ang sabi sa atin, pag once nakakita na tayo ng puting usok,
06:00kailangan na lang natin mag-untime between 40 minutes to an hour
06:04bago lumabas ang bagong Santo Papa dyan sa central balcony sa aking likuran
06:10nitong St. Peter's Basilica.
06:13Rafi?
06:14Kaya yun talaga inaabangan, kaya talagang punong-puno yung St. Peter's Square.
06:17May pagkakasunod-sunod ba, Connie, kung sino yung mga unang bumoto doon sa PayPal Conclave?
06:26Yes, meron talaga ayon sa CBCP, meron tinatawag na Order of Presidents.
06:31So sa loob ng Sistine Chapel, kasi nakagrupo na yung ating mga Cardinal Electors
06:36at mauuna siyempre yung mga Cardinal Bishop tulad na lamang ni Cardinal Bishop Luis Antonio Cardinal Tagle
06:43at susunod sa kanila siyempre, ito na yung pagkakasunod.
06:46Ito na may mga Cardinal Priest sign tinatawag, tapos huli, yung Cardinal Deacons.
06:51Sina Cardinal David at Cardinal Advincula,
06:54e kabilang doon sa grupo ng mga Cardinal Priest,
06:57ng mga arsobispo at ubismo sa mundo.
07:00Rafi?
07:01Maraming salamat sa iyo, Connie Sison.
07:04Nawasa ka isang bahay sa bagong bayan, Sultan Sudarat, dahil sa landslide.
07:15Nakatayo sa gilid ng kalsada ang nasa aming bahay.
07:18Nangyari ang paghuhunang lupa mula sa katabing mundo kasunod ng malakas na ulan.
07:22Ang landslide nagdulot din ng pansamantalang pagkaputol ng supply ng kuryente sa lugar.
07:27Apat na magkakaanak naman sa Brooks Point, Palawan,
07:30ang nasaktan matapos tamaan ng mga nagbagsakang bato mula sa bundok habang naliligo sa isang dam.
07:36Dalawa sa mga biktima, minor de edad.
07:38Pusibling ang pagulan sa nasa aming lugar,
07:40ang sanhinang rock slide ayon sa mga otoridad.
07:43Uulanin pa rin ang halos buong bansa ngayong Huwebes.
07:46Pusibling ang heavy to intense rains na maaari magdulot ng baha o landslide.
07:50May tiyansa rin ng ulan dito sa Metro Manila base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
07:55Mga panandili ang ulan o kaya thunderstorm na dulot ng Easter Least
07:59ang inaasahan sa ilang bahagi ng bansa.
08:02Apektado pa rin ang low pressure area,
08:03ang Visayas, Calabarzon, Mimaropa Region, Bicol at Sambuanga Peninsula.
08:08Pusibling na mataan ng nasabing LTA 75 kilometers northwest ng San Jose Occidental Mindoro
08:14na nanatili namang mababa ang tiyansa nitong maging bagyo.
08:20Nagtatakbuhan ng mga lalaki niyan sa isang kalsada sa barangay Poblasyon sa Santa Barbara, Iloilo.
08:28Makikita rin ang pagtawid ng isang lalaki sa pedestrian lane na hinabol at sinuntok ng isa pang lalaki.
08:34Ayon sa pulisya, galing sa bayan ng Pavia ang mga minor na edad na sangkot sa Rambol.
08:38Pauwi na sana ang isang grupo ng pagtripan sila ng kabilang grupo.
08:42Inaalam pa ang kanilang pagkakakinanlan at saka ipatatawag ang kanilang magulang.
08:47Isinailalim naman sa medical examination ang sinuntok na minor de edad.
08:53Bukod sa kanya, wala ng ibang naiulat na nasaktan o bagay na nasira dahil sa insidente.
09:00Balikulungan ang isang lalaki matapos tangayin ang cellphone na ibinibenta sa kanya.
09:04Ang suspect hindi raw unang beses ginawa ang modus ayon sa pulisya.
09:08Balitang hati di James Agustin.
09:13Hinabol ng mga pulis ang kotse nito matapos takbuhan umano ng driver ang katransaksyon niyang online seller sa Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City.
09:21Inaresto ang 35 anyo sa lalaking driver ng kotse na positibong itinuro ng seller na tumangay ng ibinibenta niyang cellphone.
09:29Ayon sa pulisya, ipinost ng biktima sa social media ang cellphone at doon niya una nakatransaksyon ng sospek.
09:35Nung nagkita na sila ay agad naman na pinapasok ng ating sospek itong ating biktima sa loob ng kanyang sasakyan.
09:44At doon ay habang sinitsik nito ang ating sospek, yung unit ay sinabihan niya itong ating biktima na kung pwede ay bumaba muna at iparada ng maayos yung kanyang motorsiklo.
09:57Ayon na nang pagbaba ng ating biktima ay bigla nang humarurot itong ating sospek.
10:02Nakahingi nagtulong ang biktima sa mga pulis na nakatalaga sa lugar.
10:06Nakorner ang sospek matapos siyang makabanggan ang isa pang sasakyan.
10:11Wasakang harapan ng kotse na napagalaman ng pulisya na hindi pa bumayari ng sospek.
10:16Nakipag-coordinate na raw sila sa Land Transportation Office at Highway Patrol Group para imbisigahan nito.
10:23Nabawi mula sa sospek ang tinangay na cellphone na nagkakahalaga ng mahigit sa 55,000 pesos.
10:28Sa imbisigasyon, nadiskobre na hindi ito ang unang beses na nang biktima ang sospek.
10:34Meron ng dalawang komplinant na nagsabi na sila ay pupunta dito sa atin at magsasampa rin ng kaukulang reklamo.
10:44Pariyas ng budos.
10:45Pariyas ng budos.
10:47Taong 2019 ang makakulong ang sospek dahil sa kasong car napping.
10:51Kaugnay sa kinakaharap niya ngayong reklamong TEF.
10:53Tumanggi magbigay ng pahayag ang sospek.
10:56Nanahanawagan naman ang pulisya sa iba pang posibleng na biktima na makipag-ugnayan sa kanila.
11:01Pwede po kayong pumunta dito sa aming police station, sa Project 6 Police Station 15,
11:08na nasa Road 3, Corner Road 9, Barangay Project 6, Quezon City, para magsampa ng kaukulang dimanda.
11:18James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:22Ito ang GMA Regional TV News.
11:29Mga initabalita mula sa Luzon, hatid ang GMA Regional TV.
11:33Patay ang isang lalaki matapos matabunan ng lupa sa kawayan Ilocos Sur.
11:38Chris, ano nangyari?
11:39Susan, bigla umunong gubuho ang lupa sa bukana ng balon na kanyang hinuhukay sa Barangay Fuerte.
11:49Nahulog ang biktima sa balon na may lalim na pitong talampakan at natabunan ng lupa.
11:54Kinabot ng mahigit sa dalawang oras bago nakuha ang bangkay ng biktima.
11:58Inebesiga na ang insidente. Walang pahayag ang pamilya ng biktima.