Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Biyernes, April 11, 2025
- Mayoral candidate Kerwin Espinosa, lumabas na ng ospital;
nangangamba sa kanyang seguridad dahil 7 pulis-Ormoc ang POI
- SUV, nang-araro ng 2 sasakyan at 3 tricycle; driver, galing umano sa gimikan
- Meralco, may dagdag-singil na P0.72/kWh ngayong Abril
- Pagsama ng ilang kandidato sa pamimigay ng ayuda, isinumbong sa COMELEC; election offense ito
- PNP at DOJ, may iba pang sinisilip na anggulo bukod sa kidnap-for-ransom kaugnay sa pagpatay sa negosyanteng Chinese at kanyang driver
- PNP Chief, nakipagdayalogo sa mga lider ng FFCCCII ukol sa sunod-sunod na insidente ng kidnapping
- Resulta ng March 2025 Pre-election Preferences Survey ng Pulse Asia
- Panukalang bigyang ng Filipino citizenship ang Chinese na si Li Duan Wang, vineto ni PBBM
- Memorandum Circular No. 36, pinirmahan ni PBBM; safe conduct pass, inaasahang makahihikayat sa mga rebelde na sumuko
- Matinding init sa mas maraming lugar sa bansa, magpapatuloy ngayong weekend
- Fans mas lalong na-excite nang i-release ang teaser drop ng "Encantadia Chronicles: Sang'gre"
- Camiña Balay Nga Bato, hitik sa kasaysayan at kulturang Ilonggo
- Mga adbokasiya para sa iba't ibang sektor, inilatag ng senatorial candidates
- Virgilio Bote, duda sa integridad ng COMELEC Chairman; dati umano itong abugado ng katunggali
- Perpetual Junior Altas, wagi sa Game 1 ng JR Basketball Finals vs Benilde-LSGH Greenies
- Furparents, proud na ibinida ang kanilang mga alagang aso't pusa online
- David Licuaco, thankful kay Barbie Forteza sa suporta sa "Samahan ng mga Makasalanan" premiere
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
#24Oras #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Mayoral candidate Kerwin Espinosa, lumabas na ng ospital;
nangangamba sa kanyang seguridad dahil 7 pulis-Ormoc ang POI
- SUV, nang-araro ng 2 sasakyan at 3 tricycle; driver, galing umano sa gimikan
- Meralco, may dagdag-singil na P0.72/kWh ngayong Abril
- Pagsama ng ilang kandidato sa pamimigay ng ayuda, isinumbong sa COMELEC; election offense ito
- PNP at DOJ, may iba pang sinisilip na anggulo bukod sa kidnap-for-ransom kaugnay sa pagpatay sa negosyanteng Chinese at kanyang driver
- PNP Chief, nakipagdayalogo sa mga lider ng FFCCCII ukol sa sunod-sunod na insidente ng kidnapping
- Resulta ng March 2025 Pre-election Preferences Survey ng Pulse Asia
- Panukalang bigyang ng Filipino citizenship ang Chinese na si Li Duan Wang, vineto ni PBBM
- Memorandum Circular No. 36, pinirmahan ni PBBM; safe conduct pass, inaasahang makahihikayat sa mga rebelde na sumuko
- Matinding init sa mas maraming lugar sa bansa, magpapatuloy ngayong weekend
- Fans mas lalong na-excite nang i-release ang teaser drop ng "Encantadia Chronicles: Sang'gre"
- Camiña Balay Nga Bato, hitik sa kasaysayan at kulturang Ilonggo
- Mga adbokasiya para sa iba't ibang sektor, inilatag ng senatorial candidates
- Virgilio Bote, duda sa integridad ng COMELEC Chairman; dati umano itong abugado ng katunggali
- Perpetual Junior Altas, wagi sa Game 1 ng JR Basketball Finals vs Benilde-LSGH Greenies
- Furparents, proud na ibinida ang kanilang mga alagang aso't pusa online
- David Licuaco, thankful kay Barbie Forteza sa suporta sa "Samahan ng mga Makasalanan" premiere
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
#24Oras #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:01This is Philippine Gold Club.
00:04Live from GMA Network Center, ito ang 24 Horas.
00:14Magandang gabi in Luzon, Visayas at Menderau.
00:17Nakalabas na ng hospital sa mayoral candidate Kerwin Espinosa,
00:21matapos ang paumarilis sa kanya, sa gitna ng kampanya sa Albuera Leyte kahapon.
00:26Aminado si Espinosa na nangangamba siya para sa kanyang seguridad,
00:29lalot pitong polis or MOC, ang itinturing na persons of interest ng PNP.
00:34At sa gitna po niyan, may nilinaw rin si Espinosa sa mga naghihinalang ambush me ang nangyari.
00:39Nakatutokla si Ian Cruz.
00:42Ian?
00:45Emil Pia, mahirap daw makompromiso ang kaligtasan, kaya naman kahit hindi pa nga naigagalaw,
00:50yung kanyang kanambisig ay minabuti ng lumabas ng ospital
00:54ang binaril na mayoral candidate ng Albuera Leyte na si Kerwin Espinosa.
01:04Sa kuha ng CCTV ng barangay tinagaan sa Albuera Leyte kahapon,
01:08kita nang biglang magkagulo sa gitna ng kampanya ng partido ni mayoral candidate Kerwin Espinosa.
01:14Meron kasing bumaril kay Espinosa.
01:17Maya-maya, makitang inilayo na si Espinosa na tinamaan ng bala sa balikat.
01:22Sugatan din at nasa gilid na lang ng poste ng court ang kapatid niyang si RR.
01:26Mabilis silang dinala sa ospital sa Ormoc City.
01:29Pero wala pang 24 oras mula ng mabaril si Espinosa na abutan naming lumabas ng ospital
01:38para umuwi sa kanyang bayan sa Albuera.
01:41Nangambaraw siya sa kanyang siguridad dahil ayon sa PNP,
01:457 polis or Moc ang person of interest sa pagbaril.
01:48Dahil sa rason ng siguridad ko, kasi ang involved na mga person of interest,
01:56nawalan ako ng tiwala sa mga kapulisan sa Ormoc maliban sa mga matino.
02:02Ayon sa PNP, itinuturing na persons of interest ang 7 polis na nasa kustudiyana ng polisya.
02:08Kinumpis ka rin ang kanilang mga armas.
02:11Naka-assign po sila lahat sa Ormoc City Police Station po.
02:14So ang ininvestigahan po natin ngayon ay kung ano ang kinalaman po nila dito.
02:19Iniintay po yung result po ng ballistic examination
02:22kung meron po dito sa mga narecover na baril na recently naiputok.
02:28Yung ating buong pwersa ng Leyte Police Provincial Office
02:31ay patuloy na nagkakandak ng in-depth investigation para mahuli na po ang gumawa nito.
02:40Pag yung biktima po ay isang kandidato o supporter,
02:46it is classified as suspected election-related incident.
02:51Sa press conference ngayong hapon ay pinakitan ni Espinosa
02:54ang tinamong tama sa dibdib na lumabas sa balikat.
02:57Bukod kay Espinosa at kanyang kapatid,
02:59isang minor de edad din ang nasugatan sa pamamaril.
03:03Sabi ni Espinosa, sa isang bahay malapis sa covered court,
03:06pinaniniwala ang nagkubli ang sniper.
03:09Pinalibutan daw ang lugar ng kanyang mga taga-suporta
03:12at natuntun doon ang ilang pulis Ormoc na walang horisdiksyon sa bayan ng Albuera.
03:17Kaya tanong niya.
03:18Sila ay naka-assign sa Ormoc City.
03:23Isang malaking tanghaga na may taong nag-uuto sa kanila na mataas na politisyan din.
03:40Ang ano ko ay sana mabigyan ito ng pansin ni Mayor Lossi
03:50kasi siya ang ngayon ang alkalde ng Ormoc City.
03:55Kung bakit napunta yung mga pulis mo sa aming lugar, sa Albuera.
04:03Sa lalong-lalo ka na Congressman Richard Gomez, sana mabigyan mo ito ng pansin na parang hindi tama.
04:17Wala akong binibintangan kung sino.
04:20Sinusubukan pa ng Gemma Integrated News sa makuha ang panig ng mag-asawang Gomez.
04:26Matatanda ang naging kontrobersyal si Espinosa noong administrasyon yung dating Pangulong Duterte
04:30ng isang kutsya sa kalakalan ng droga.
04:33Pero binasuran ng korte ang ilan sa mga kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya.
04:38Ang kanyang amang si dating Albuera Mayor Rolande Espinosa Sr.
04:42Nakasama rin noon sa Duterte Drugs Watch List.
04:45Napatay naman sa isang manong shootout habang nasa loob ng kulungan.
04:48Sa kanyang press conference, sinagot ni Espinosa ang mga naghihinalang ambush me ang nangyari.
04:55Sino naman mag-escripted na dito sa dibdib ko ang tama at double action pa ang bala.
05:04Nakita nyo naman na malaking butas ang aking braso.
05:14Bata mag-escripted.
05:18Yes, Pia. Tinanong din si Espinosa kung handa ba siyang tumistigo sa International Criminal Court
05:25kaugnay nga sa kanyang mga nalalaman sa war on drugs na nagdaang administrasyon.
05:30Sabi niya dahil nga sa nangyaring pamamaril sa kanya at naalala pa rin daw niya
05:33yung pagpaslang sa kanyang ama doon sa loob ng kulungan.
05:38Ngayon daw ay mas handa na siyang tumistigo sa ICC.
05:41Naaawa naman daw siya sa pagkakaaresto sa dating Pangulong Duterte dahil nga daw sa edad nito
05:47pero kinakailangan pa rin daw harapin ng dating Pangulo ang reklamo sa kanya.
05:51Yan muna ang latest mula rito sa Albuera Leyte. Balik sa iyo, Pia.
05:56Maraming salamat, Ian Cruz.
05:59Inararo ng isang SUV ang dalawang sasakyan at tatlong tricycle sa lunso ng San Juan
06:04galing umano sa gimikan ng driver na nakatulog habang nagmamaneho.
06:09Narito ang aking pagtutok.
06:15Rush hour.
06:16Ganap na pasado alas 7 ng umaga kanina na mangyari ang disgrasyang ito
06:20sa kaba ng Endomingo Street, San Juan City.
06:27Nasa lugar pa ng pinangyarihan ng mga biktima ng banggaan.
06:30Kabilang ang tricycle driver na ito na bukod sa naku ng duguan ay na-dislocate din ang braso.
06:36Mga pulis na ang sumaklolo katuwang ang rescue team ng city government.
06:41Isinugod nila ang mga sugatan sa kalapit na San Juan Medical Center.
06:45Mayroon po tayong reported na sampung minor injuries
06:48at mayroon pong isang kritikal na itinakbo po sa San Juan Medical Center.
06:57Ayon sa inisyal na investigasyon, patungo raw ng pinaglabanan shrine ang kulay puting SUV na ito
07:02nang biglang pumihit at banggain ang kulay marun na sedan.
07:06Pagkatapos, inararo naman ito ang tatlong tricycle bago banggain muli ang isang papasayarong jeep.
07:13Sumuko ang driver ng SUV na nasa 20 anyos lang ang edad.
07:17Lumalabas na galing sa gamikan umano ang SUV driver.
07:20Ayon po sa ating investigasyon po, ito pong driver niya ni Santera ay galing po sa pagpupupuyat.
07:30So hindi po siya masyado nakapagpahinga at nakatulog po siya habang nagmamaliho.
07:35Dire-direcho po ang takbo niya at nagising na lang po siya nung nabangga niya na po yung mga sasakyan.
07:42Dumating na rin daw ang pamilya ng nakadisgrasya at nangakong sasagutin ang lahat ng gastusin.
07:46Nagkaroon na po ng pagkakasunduan sa mga ibang biktima na willing po ang nakabangga na gastusin po lahat ng danyos.
07:57Paalala ng pulisya lalot maraming bibiyake ngayong Semana Santa.
08:01Kapag tayo po ay pagod at kulang po ang ating tulog ay huwag na po tayong magmaneho.
08:05Siguraduhin po natin na pag nagmamaneho tayo, healthy po tayo, attentive.
08:10Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil, Nakatutok 24 Horas.
08:16Sabay naman sa patuloy na pag-init ng panahon, ang pagtaas ng singil sa kuryente ng Meralco ngayong Abril.
08:23Kumagkano? Alamin sa pagtutok ni Bernadette Reyes.
08:26Kung kailan pa naman lumalakas ang konsumo sa kuryente dahil sa umiinit na panahon,
08:35saka pa malaki ang dagdag singil sa kuryente ng Meralco.
08:3972 centavos per kilowatt-hour yan o katumbas ng 145 pesos na dagdag bayarin sa karaniwang bahay na kumukonsumo ng 200 kilowatt-hour kada buwan.
08:48Ang pangunahing sanhi o dahilan ay ang pagtaas mula sa wholesale electricity spot market,
08:59bunsod ng mas manipis na supply ng kuryente sa Luzon Grid noong Marso.
09:06Kaya si Carmen hindi malaman kung saan pakukuha ng dagdag budget.
09:10Baka nga sa electric pan lang dahil magdamag na kabukas.
09:13Ayon sa Meralco, umaabot na sa 13,200 megawatts ang peak demand o pangangailangan sa kuryente dito sa Luzon.
09:22Habang tumataas ang konsumo, tataas din daw ang buwan ng bayarin sa kuryente.
09:26Tuwag ng mga negosyo kagaya nito na gumagamit ng mga cooling devices.
09:31Mga dogs, maano po yung mga buhok, makapal, kaya kailangan may aircon po talaga.
09:37Wala naman tayong magawa kasi kailangan talaga nila ng aircon po.
09:41Para sa ilang grupo, maanumal yung kontrata ng Meralco sa mga ilang binibilhan nito ng kuryente na kanila rin umanong pag-aari.
09:49May-ari yung Meralco sa mga dalawang planta na ito.
09:52Mataas yung conflict of interest na tinatawag natin.
09:56Paano nila may-insure na yung binibenta nila na kuryente sa mga ordinaryong Pilipino ay fair and just?
10:05Kapag fully i-implement yung dalawang kontrata ng Meralco na pag-aari niya rin ay magre-resulta sa mas mataas na presyo ng kuryente na pasan-pasan po nating mga electric consumers.
10:18Kung hindi po papapakinggan ang mga electric consumers ng ERC, kami po ay mauobliga na sampahan ng kaso ang Energy Regulatory Commission.
10:29Handa ang Energy Regulatory Commission sa anumang pagsisiyasa. Pero sabi nito,
10:34Yung batas hindi niya pinagbawal absolutely na kumuha sa isang affiliate company. Meron lang po siyang limitasyon.
10:42Hanggang 50% ng pangangailangan ng limitasyon ayon sa batas.
10:46Sabi ng Meralco, walang pag-aaral na nagsasabing sumobra sila dyan.
10:51Yung transaction dun sa power plants na yun ay inaprobahan ng, nideview at inaprobahan ng Philippine Competition Commission.
11:00Ang tanging makakapagsabi kung meron talagang kamalian sa panig namin ay ang nagre-regulate sa amin.
11:13Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatutok 24 Oras.
11:21Umabot na sa 36 na sumbong ng vote buying ang natatanggap ng COMELEC.
11:32May sumbong na rin kaugnay ng pagsama ng mga kandidato sa pamimigay ng ayuda ng DSWD na ayon po sa COMELEC ay election offense.
11:41Nakatutok si Maki Pulido.
11:42Para sa eleksyon 2025, exempted o pinayagang ituloy ang pamamahagi ng labindalawang programa ng DSWD tulad ng ACAP at AIX.
11:56Pero may mga sumbong sa COMELEC na nagagamit ito sa pangangampanya.
11:59Ayon sa COMELEC Resolution 11104, election offense ito bilang abuse of state resources o paggamit ng pondo, programa, gamit at empleyado ng gobyerno sa pangangampanya.
12:11Kaya dapat walang politiko o campaign material habang ipinapamahagi ang ayuda ng DSWD.
12:17Hindi pa pwedeng meron, hindi pa pwedeng naan dyan sila, hindi naman nila pera yan eh.
12:21At the same time, kinakailangan yung listahan, hindi galing sa politiko lang.
12:26Babala ng COMELEC, pag napatunayang inaabuso ang mga programa ng DSWD, maaring ipatigil ang pamamahagi nito sa lugar.
12:34Unfair doon sa mga mabibiyayaan dapat ng ayuda dahil sa presensya nyo na wala pa yung exemption.
12:4036 na kaso naman na ng vote buying ang natanggap ng COMELEC.
12:44Karamihan ay sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon.
12:48Pangunahin is money.
12:51Pangalawa ang rice, goods, groceries.
12:54Inisuhan na ng show cost order si Palawan congressional candidate Abraham Mitra dahil may alukumanong libreng movie ticket sa kanyang official Facebook page.
13:03Sinampahan naman ang paglabag sa omnibus election code, kaugnay ng vote buying si San Fernando Pampanga Mayor Vilma Caluwag at kanyang asawang si dating barangay chairman Melcher Caluwag.
13:13Kaugnay yan ang pamamahagi umano ng pera para sa kanilang sanitation program noong 2023 barangay elections.
13:20Git ni Caluwag, politically motivated ang reklamo.
13:24Sa COMELEC Resolution 11104, vote buying ang turing hindi lang sa pera at grocery items, kundi pati ang mga pabingo, talent show, medical mission, legal aid service, feeding program o mga katulad na aktibidad.
13:38Vote buying din pati paghakot ng botante para bumoto at pagkuhan ng higit sa dalawang poll watcher.
13:45Diyan sa may bandang aklan, may namimigay dyan ng gas coupon.
13:49Dito sa Paranaque area, may mga tao ang pinapapasok sa iisang bahay paglalabas may mga dalang plastic na may mga goods.
13:56It's warning ito sa kanila. We are watching you.
13:59Ikaw man ang namili, nagbenta o nagayos ng bentahan ng boto, pareho ang parusa.
14:05Isa rito ang pagkakakulong ng hindi bababa sa isang taon pero hindi hihigit sa anim na taon.
14:11Aminado ang COMELEC na lumalala ang vote buying dahil wala sa mga namili at nagbenta noon ang napanagot.
14:17Pero umaaksyo na raw ang COMELEC.
14:19Tama, pwede kang kumita sa mga politiko sa isang araw na yan.
14:23Tatlong taon ang kapalit, anim na taon saan kukuhanin yung ipinambili nila ng boto.
14:29Hindi ba babawiin nila yan?
14:31Para sa GMA Integrated News, Maki Pulido Nakatutok, 24 Oras.
14:36Tukoy na ng polisya mga suspects sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Chinese at ang kanyang driver.
14:42Pero hindi paan nila inaaresto para mapunterya ang mastermind.
14:47Sinusuyod din ang mga kuha ng CCTV sa mga bigdama bago sila natagpo ang patay sa Rodriguez Rizal.
14:54Panuorin ang mga yan sa Pagtutok ni Mark Salazar.
14:57Mag-aalas 8 ng gabi noong March 29, nang makuna ng CCTV camera ang van na ito na mula sa EDSA ay pumasok sa Seminary Road sa Barangay Bahay Toro, Project 8, Quezon City.
15:14Pumarada roon ang van at maya-mayay may bumaba mula sa passenger side.
15:19Nang bumukas ang pinto sa driver side, tila may sinilip ang driver.
15:24Ilang saglit pa, muling umusad ang sasakyan.
15:27Hanggang sa bumaba ang driver nito.
15:30Naglakad lang palayo ang dalawa.
15:33Umaga nitong April 8, may nag-report sa pulisya tungkol sa inabando ng van.
15:38Nakalaunay na pag-alaman ng pulisya na ito raw ang huling sinakyan ng Chinese businessman na si Anson Ke o Anson Tan at kanyang driver na si Armani Pabillo.
15:48Huli silang nakitang buhay noong March 29 ng hapon habang papaali sa opisina ni Ke sa Valenzuela.
15:55At kinabukasan ni report sa pulis na nawawala hanggang sa natagpuan silang patay sa Rodriguez Rizal nitong April 9.
16:04Sabi ng PNP, nawawala pa lang si Natan at Pabillo, lumalabas na sa investigasyon na hindi ito kaso lang ng kidnap for ransom.
16:13More than that, we're sharing notes of what happened and sabi ko nga may malaki kasi yung twist eh.
16:21So hanggang doon lang po ako.
16:23We had an idea about this. We were talking to each other already prior to this since last week.
16:30Sabi rin ang Justice Department kaugnay ng ulat ng isang pahayagan na pinaghigantihan si Tanang isang sindikato sa Pogo dahil sa pagkakautang.
16:39We are aware of this theory or this piece of news and we actually have more information about it but we do not want to diverge everything in media.
16:51We have to operate quietly.
16:55Sabi ng PNP, hindi magtatagal at masusukol na ang mga suspect na itinimbre na sa Bureau of Immigration para hindi makalabas ng bansa.
17:03We can arrest the people right now but we cannot get the mastermind. We want the mastermind.
17:07Sa kabila ng Pogo ban ay buhay pa umano, mapanganib at hindi umalis ang mga sindikato may kinalaman sa Pogo.
17:20You are aware of the videos that came out before, the way people were tortured and the way people were killed noong panahon ng Pogo rito.
17:31Unfortunately, many of these criminal elements are still here.
17:36Sanib pwersa na ang NBI at PNP sa binuong Anti-Kidnapping Task Force na tumututok sa kasong ito, kasong yumanig, lalo sa Filipino-Chinese community.
17:49Binayaran na, binatay pa. Ito ang ayaw namin. So ito ang creating so much apprehension on the business sector.
17:57Nakita niyo sa litrato, bug-bug sarado. Bug-bug sarado. So this kind of crime should not be tolerated.
18:06Don't be alarmed. Nasa ano pa rin kami, nasa taas pa rin kami ng situation with our Secretary of Justice on top.
18:16Sa Chinese community, wag po kayong mag-alala, gagawa po kami ng aksyon.
18:21Ayon kay Rimulya, bago matapos ang Abril, ay isa sa publiko nila ang kompletong risulta ng imbestigasyon.
18:28Unless it's official, we won't say anything about it. Because right now, it's critical that we give our full confidence and trust in the PNP together with AKG at saka pumasok na rin yung NBI.
18:41Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar. Nakatutok 24 oras.
18:47Pusibling mga enforcer ng Pogo Operators na tinaguriang Muscle Group ang nasa likod ng pagdukot at pagpatay sa negosyanting Chinese na si Ansun Kwe at kanyang driver.
18:59Ayon po yan sa Filipinasyo Police. Inilahad yan sa pangikipagdayalogo nila sa Filipino-Chinese community na aminadong nangangamba na sa sunod-sunod na insidente ng kidnapping.
19:09Nakatutok si June Feneration.
19:11Kasunod ng pagpatay ng mga kidnapper sa Chinese businessman na si Ansun Kwe at kanyang driver.
19:20Nakipagdayalogo si PNP Chief Romel Francisco Marbil sa mga leader ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Incorporated.
19:29Nangangamba raw ang Filipino-Chinese community sa sulod-sulod na insidente ng kidnapping.
19:33Aside dun sa assurance sir na iimbestigahang mabuti po ito at sisiguro-siniguro po ng ating chief PNTP na pananagutin po kung sino man po ang individual at grupo behind this series of kidnapping case.
19:47Sabi ng PNP, posibleng isang grupo lang ang dumukot at pumatay kay Ke at sa kanyang driver at sa mga responsable sa isa pang kidnapping nung nakarang taon kung saan isang Chinese at driver din niya ang pinatay.
20:01Ito daw yung grupo na kung tawagin ay muscle group o mga enforcer na mga Pogo operator.
20:06Ito yung mga involved po dati sa Pogo na ang kanilang modus operandi po ay parang sila po ang ginagawang mga tagasingil, di umano, doon sa mga may utang in relation sa mga Pogo operation po.
20:23Istilo raw ng grupo na binubuo ng mga Chinese national ang pagtali sa kamay ng mga biktima, pagbalot ng duct tape sa muka at hindi barilang gamit sa pagpatay na ginawa kay Ke at sa kanyang driver.
20:36Wala pong gunshot wounds, wala pong stab wounds. They use possibly a nylon to strangle the victims. There is a sign of strangulation po. So yun po yung nakikitang possibly cause of death po.
20:51Sa datos ng PNP anti-kidnapping group, 26 ang mga naiulat na kidnapping cases noong 2023. Tumaas sa 32 nung nakalang taon at sa unang apat na buwan ng 2025 ay meron ng 13 kidnapping cases.
21:05Malaki po siya considering na nasa April pa lang po tayo ay 30 na po tayo.
21:10Ang nakikitang dahilan ng PNP sa pagtaas ng mga kidnapping cases sa bansa ay ang pagpapasaran ng gobyerno sa lahat ng Pogo operation.
21:18Nandito po nagsimula yung nakikita natin ng mga Pogo related kidnappings kung saan nagsisingilan na po yung mga individual at mga grupo na involved po na possibly ay nalugi doon sa naging pagsasara po ng Pogo.
21:36So they shifted po dito sa kidnapping to make sure po na makakabawi po siguro sila.
21:41Ang Movement for Restoration of Peace and Order nagmungkahi kung paano mariresolba ang kidnapping challenges.
21:48Kabilang ang pagkakaroon ng task force na nakatoon sa kidnapping cases, sinusubukan naming hinga ng pahayag ang PNP kaugnay nito.
21:55Sa isang pahayag, sinabi ng Chinese Embassy dito sa Pilipinas na itutuloy nila ang pag-udyok sa Pilipinas na paigtingin ang pagresolba sa mga kaso,
22:05palagutin ang mga nasa likod ng krimen at palakasin ang public security.
22:10Para sa GMA Integrated News, June Van Anasyon na Katutok, 24 Horas.
22:15Pinalagan ni Movement for the Restoration of Peace and Order Founding Chair, Teresita Ang Si,
22:20ang pahayag ng PNP na iniimbestigan nila ang posibilidad na may kinalaman sa Pogo ang pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Chinese na si Ansun Kue at kanyang driver.
22:31Sabi ni Ang Si, ginagamit lang daw ang anggolong ito para mabaling ang atensyon mula sa tinawag niyang kabobohan at kawaran ng kakayahan ng mga polis sa pagresolba sa krimen.
22:42Walaan niyang ari-arihan sa bulakan ng pamilya ng biktima.
22:44Wala rin daw silang negosyong may kaugnayan sa Pogo at hindi rin daw kailanman nakatanggap ng pera o deposito mula sa anumang Pogo.
22:52Lumalabas din daw si Kue ng walang bodyguard dahil naniniwala raw itong walang mananakit sa kanya.
22:58Inilabas ng Pulse Asia ang resulta ng kanilang March 2025 ulat ng Bayan Pre-Election Preferences Survey.
23:07Nakatutok si Bernadette Reyes.
23:08Sa first quarter ulat ng Bayan Pre-Election Preferences Survey ng Pulse Asia para sa eleksyon 2025,
23:18labing-anim na senatorial candidates ang may statistical chance na manalo kung ginawa ang eleksyon noong panahong ginawa ang survey.
23:25Eto ay sina Sen. Bonggo, Congressman Irwin Tulfo, Sen. Bato de la Rosa, dating Sen. Tito Soto, Sen. Spia Cayetanot Bong-Revilla,
23:36dating Sen. Ping Lakson, Willie Revillame, Ben Tulfo, Makati Mayor Abi Binay, Sen. Lito Lapid,
23:43dating Sen. Manny Pacquiao, Philip Salvador, Congresswoman Camille Villar, dating Sen. Bam Aquino,
23:49at Congressman Rodante Marcoleta.
23:51Isinagawa ang non-commissioned nationwide survey mula March 23 hanggang 29, 2025
23:57sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 2,400 respondents na edad 18 pataas.
24:03Meron itong plus minus 2% na margin of error at 95% confidence level.
24:09Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
24:14Kinumpirma ng palasyo na binito ni Pangulong Bongbong Marcos ang panukalang bigyan ng Filipino citizenship
24:20ang Chinese businessman na si Li Duan Wang.
24:24Si Li Duan Wang, na kilala rin bilang si Mark Ong, ay nagledegosyo na sa Pilipinas simula pa na 1991,
24:31Enero, nang lumusot ang panukala sa Kamara at Senado.
24:34Sa kabila ng pagtutol ni Sen. Ariza Ontiveros dahil saan niya ay mga red flag,
24:38kabilang na ang pagkakasangkot umanon ni Li sa mga iligal na pogo operasyon
24:43at sa isang grupong konektado umanon sa Chinese Communist Party.
24:47Ayon sa palasyo, sinabi ng Pangulo sa kanyang veto message na
24:50hindi niya pwedeng ipagsawalang bahala ang mga babala mula sa iba't ibang ahensya
24:55laban sa karakter at impluensya ni Li.
24:58Dagdag pa ng Pangulo, ang paggawad ng Filipino citizenship
25:01ay isang pribilehyo na hindi dapat basta-basta ipinamimigay,
25:05hindi rin anya ito dapat gawing kasangkapan para isulong ang mga interes na kaduda-duda.
25:13Inakasaan ang gobyerno na mas maraming rebelde ang susuko at titigil sa armadong pakikibakas
25:18sa tulong ng safe conduct task na pwedeng i-issue sa kanila
25:21sa pinirmahang memorandum circular ni Pangulong Bombo Marcos.
25:25Sa visa po nito, may dagdag proteksyon ang mga rebelde na nagbabalik loob sa pamahalaan.
25:31Nakatutok si Rafi Tima.
25:36Paanyaya para ihinto ang armadong pakikibaka.
25:39Ganyan isinalarawan ni Pangulong Bombo Marcos
25:41ang pinirmahang memorandum circular No. 36
25:43sa kanyang pagbisita sa Maguindanao kaninang umaga.
25:46Ang circular, nagbibigay otorisasyon sa National Amnesty Commission
25:49para magbigay ng safe conduct pass sa mga rebelde
25:52may mga kinakaharap na kaso pero gusto mag-apply ng amnestya.
25:56Ang mga safe conduct passes na ito ay hindi lamang magbibigay ng proteksyon sa mga aplikante ng amnestya
26:03laban sa pagkaaresto, pagkakulong at pag-uusig.
26:07Higit sa lahat, ito ay isang paanyaya sa lahat ng rebelde na ihinto ang armadong pakikibaka.
26:15Ayon sa Presidential Advisor in Peace, Reconciliation and Unity
26:18libo-libo na ang nais mag-apply ng amnestya
26:21at dahil sa safe conduct pass, asahan pa rao na marami ang mayainggan yung sumuko.
26:26Sa CPPNP, more than 30,000 na tayo.
26:29And then, yung in-expect natin, with this ceremonial signing ng Mahal na Presidente
26:37we can assure na marami pang mag-susurrenda.
26:40Every day, marami pang susurrenda.
26:42Pinirmahan ng Pangulong circular sa harap ng ilang lokal na leader ng Central Mindanao
26:45kasama na ang ilang opisyal ng BARM, MNLF at MILF.
26:49Matapos ang ceremonial signing, personal na in-inspeksyon ng Pangulo
26:52ang mahigit isang libong matataas na kalibre ng baril na nakumpiska, isinuko
26:56at nahuli mula 2024 hanggang ngayong buwan sa mga lugar na nasasakupan
27:01ng 6th Infantry Division ng Philippine Army.
27:04Kinausap din ang Pangulo ang mga sundalo ng 6th ID na naka-assign sa Central Mindanao,
27:08isa sa mga lugar na binabantay ng COMELEG ngayong papalapit na eleksyon.
27:12Ang pinirmahan circular na magbibigay ng amnestya
27:14para sa mga nais na ibaba ang kanilang armas,
27:17isang malaking hakbang daw ng pamahalaan para sa pangmatagalang kapayapaan,
27:21lalo na sa baging ito ng bansa na dekat-dekada ng saksi
27:25sa karahasan ng mga Pilipino laban sa kapwa Pilipino.
27:29Bula rito sa Maguindanao, para sa GMA Integrated News,
27:33Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
27:36Mga Kapuso, ramdam na ang tumitinding init sa mas maraming lugar sa bansa
27:43at magpapatuloy yan ngayong weekend.
27:46Papalo sa 45 degrees Celsius,
27:48ang heat index sa sangling point sa Kabite ngayong Sabon at Linggo.
27:5244 degrees Celsius naman sa Nagupan, Pagasinan.
27:55Matinding init din ang pagandaan sa iba pang lugar gaya sa Ambulong, Batangas,
27:58Iloilo City, Rocas Capis, Kamiling sa Tarlac at Dipolog, Zambuanga del Norte.
28:04Sa Pasay at Quezon City naman, maglalaro sa pagitan ng 41 at 42 degrees Celsius,
28:08ang heat index.
28:10Ayon sa pag-asa, ang 43 degrees Celsius kakapon sa Raiya,
28:14ang pinakamataas na temperaturang na itala sa Metro Manila
28:16mula nang pumasok ang tag-init noong March 26.
28:20Ang natitirang bahagi ng bansa,
28:22magiging malinsagan din dahil sa pag-ihip ng Easterlies.
28:25Pero ang napaka-init na panahon, posibleng sundan na mga pag-ulan,
28:29lalo na po sa Kapon.
28:30Base sa datos ng Metro Weather,
28:32mataas ang tiyansa ng ulan sa Mimaropa, Bicol Region, Visayas,
28:35lalo na sa western portions, pati sa halos buong Mindanao.
28:39May malalakas na ulan na pwedeng magpabaha o magdulot ng landslide.
28:42Posible rin ang kalat-kalat na ulan sa Northern Luzon.
28:45Halos ganito rin ang mararanasan pagsapit ng linggo.
28:49May tiyansa rin ng thunderstorm sa Metro Manila ngayong weekend,
28:52lalo na sa Linggo ng Kapon.
28:55Avisala, mga kapuso!
29:01Sabay-sabay na nating mapapanood ang full trailer
29:04ng upcoming series na Encantadia Chronicles Sangre.
29:07Pero bago yan, may ilang pasilip muna ang cast
29:10sa kanilang pagbabalik sa mundo ng paborito nating telefantasha.
29:14Makichika kay Lars Santiago.
29:15Mga likod pa lang, pero giving nostalgia vibes na
29:24ang nakaiintrigang teaser drop ng Encantadia Chronicles Sangre.
29:30At lalong na-excite ang fans ng telefantasha
29:33dahil sa behind the scenes na confirm ang reunion
29:37ng magkakapatid na Amihan, Danaya, Alena, at Pirena.
29:43Marami pa yan. Tutok lang.
29:46Simula pa lang yan. Pasilip lang yan. As in teaser lang.
29:49Tila excited na rin si Solen Yousaf sa pagbabalik ng kanyang karakter na si Casio Phea.
29:56Phea, hindi nun ek siya, Akoria!
29:59Ang kanyang iconic karakter tila chinannel ni Solen sa isang IG post.
30:04Pati ang kanyang evil twin sa series na si Mitena, played by Rian Ramos
30:10ay may nirepost naman na artwork ng kanyang karakter.
30:15Ever since the first few taping days pa lang that I've had for this,
30:20nawawaw na ako sa mga materials.
30:23Kwento pa ni Rian, kahit newbie siya sa Encantadia,
30:27ay damanan niya ang love ng fans.
30:30Pero ang excitement na yan, dodoble pa.
30:34Ah, dahil mga kapuso, the long wait is over.
30:38Mapapanood na natin ngayong gabi ang full trailer ng serye.
30:44O.R. Santiago updated sa showbiz happening.
30:49Mula sa heritage sites hanggang sa nagsasarapang mga delicacies,
31:05imposible ang hindi po kayo ma-in-love.
31:07Sa Tineguri ang City of Love ng Pilipinas.
31:10At dyan po ang next stop ng aning Summer Past Shalan.
31:15At mga kasama natin magbalikbayan si Kim Salinas na JMA Regional TV.
31:20Kumusta mga palangga?
31:32Karina ka sa City of Love.
31:35Kung saan hindi lang ang lambing ng mga ilonggo ang nakakain-love?
31:40Pagkain, kultura, at syempre, mapagbahal ng mga ilonggo.
31:49Tara na't magbalikbayan sa Iloilo.
31:52Dito, ang mga nasa past, okay lang balik-balikan.
31:59Tulad ng Kamiña Balay Nga Bato sa Arevalo District sa Iloilo City.
32:04Ang ancestral house na mag-asawang Don Fernando Avancenia at Lulalia Abaha noong 1860s.
32:11Nakilala namin si Maria Luisa Caminia,
32:14na bahagi ng ikaapat na henerasyon ng mga orihinal na nagmamayari ng bahay.
32:19Welcome to Balay Nga Bato.
32:22This has been marked, of course, by the National Museum in December 23, 2015
32:27as an important cultural property, meaning to say we possess, of course, cultural significance.
32:36Hanggang ngayon, nananatili ang antique na mga gamit dito sa bahay.
32:40Gaya na lamang ng mga lumang larawan, muebles,
32:43nagpapatunay ng pagpapahalaga ng pamilya sa mga lumang kagamitan.
32:47Sa bahaging ito ng bahay, isinasagawa ang paghablon o paghahabi.
32:54Itong hablon weaving, ang isa sa mga sinaunang kabuhayan sa Western Visayas
32:58bago pa man dumating ang mga Kastila.
33:00This house came from weaving.
33:03We used to sell, of course, all our fabric, all our hablon in Avenida.
33:07We were called the textile capital of the Philippines.
33:11All weavers would be normally along the river
33:14because we used the natural dye.
33:19Escalera de Principal,
33:20ang tawag sa main staircase sa mga lumang bahay tulad nito.
33:23Ladies should walk sideways.
33:25They carry their saya with them.
33:27And then, of course, you have to use the handrail.
33:33Nasa ikalawang palapag ng bahay,
33:35ang isang heritage restaurant,
33:36kung saan titikman naman ang mga sikat na pagkain ilonggo.
33:39Ang authentic pancitmolo.
33:45The bread of pancitmolo is in your broth.
33:48You add jamon and then parts,
33:51the bonny parts of the chicken.
33:53And you saute it with garlic.
33:55And you add the chives.
33:57We add evaporated milk.
34:01Sarap.
34:02May isa pa tayo dito, no?
34:03Yung signature drink of the house.
34:07Chocolate butter roll with ugoy-ugoy,
34:10isang uri ng Pinoy biscuit.
34:13So, ilustrado way, dapat,
34:15nakapinkie up.
34:16Then you dip it.
34:17Ugoy-ugoy.
34:20Perfect combination.
34:21Isang ilo-ilo sa mga unang Spanish settlement noong 1500s.
34:27Maraming simpahan ang itinayo rito ng mga Kastila
34:30para mapalaganap ang Kristyanismo.
34:33First up natin,
34:35ang makasaysayang simpahan ng San Joaquin.
34:38Isang national cultural treasure
34:40at national historical landmark.
34:43Mga kapuso,
34:44itong San Joaquin Church ay binuopa noong 1869
34:47at isang magandang ehemplo ng Spanish colonial architecture.
34:52Binuo ito ng mga sikat na manlililok,
34:54mason at mintor mula pa sa Mexico at Spain.
34:59Tulad ng mga simpahan ginawa ng panahon iyon,
35:02gawa rin ito sa coral stones at limestones
35:04at binuo gamit ang egg whites.
35:07Ang nagpa-espesyal,
35:09ang intricate stone carving sa harap ng simpahan.
35:12Featured here is the historical event that happened
35:15during the war between the Spanish Kingdom
35:19and the Moroccans.
35:22The event took place at Tituan in Morocco.
35:26Ito naman,
35:28Santo Tomas de Villanueva Parish Church
35:30o ang Miagaw Church.
35:32Isa sa best examples ng Baroque churches sa Pilipinas.
35:38Barreliefs din o stone carvings
35:40ang makikita sa fasad niya.
35:43May mga native trees din sa paligid
35:44gaya ng papaya at guava trees.
35:48At syempre,
35:49hindi mawawala ang kanilang patron
35:50na si St. Thomas o Villanueva.
35:541786 binuo ang Miagaw Church.
35:57Makakapal ang stone walls nito
35:58at mayroong dalawang bell towers
36:01na dinisenyo bilang proteksyon sa mga moro.
36:04It is also designed for earthquake.
36:07The small niches are designed for the mga kanyon.
36:11National historical landmark.
36:14National cultural treasure ang Miagaw Church.
36:16At isa rin UNESCO World Heritage Site.
36:19Kailangan ko talaga na mag-undergo ng mga training
36:22at ma-identify kung ano yung mga chemicals
36:25ang pwede naming gamitin
36:27para maglinis kang stones ng church.
36:30Ito naman ang St. John of Sahagun Parish
36:34o Tigbawan Church
36:35na itinayo noong 1575.
36:38Isa sa mga pinakamatandang simbahan
36:40na nakatayo pa rin sa bansa.
36:42Ito ang unang Jesuit boarding school for boys sa Pilipinas.
36:45Ang Tigbawan Church
36:46ang isa sa ilang simbahan dito sa atin
36:49na may Chirigarisk style
36:51na nauso sa Spain
36:52noon pang 17th century.
36:55Mas detalyadong stone carvings.
36:58May disenyong cupolas at cruz
36:59ang bell towers.
37:00The oldest existing facade
37:02in Iloilo and in Panay.
37:05Maraming makukulay na mosaics
37:07na sumasalamin sa iba't ibang biblical scenes.
37:11Gaya ng Stations of the Cross,
37:12mayroon ding napakalaking dome
37:14na may interpretation ng Italian poet
37:16na si Dante Alighieri ng Heaven at Hell.
37:19Ginuhitin lang muna daw
37:21sa isang malaking tiles
37:24tapos they break it into mosaic parts
37:28in isa-isa na nilagay dito.
37:32Mga kapuso,
37:34sa pagusbong na maraming pagbabago sa lipunan,
37:37mahalaga pa rin
37:37na patuloy ang ating pagduklas
37:39ng mga bagay-bagay
37:40na kahit matagal na panahon
37:42nang nangyari,
37:44bahagi pa rin
37:45ang ating ipinagmamalaking lahi.
37:48Kaya tara't balikan ang nakaraan
37:49at silipin ang kasaysayan.
37:52Kim Salinas,
37:53para sa Balikbayan,
37:55The GMA Integrated News,
37:56Summer Past, Shalan.
37:58Nakatutok, 24 oras.
38:01Tatlongput isang araw bago ang eleksyon 2025,
38:13Advocacya para sa Agrikultura,
38:16Edukasyon at Transportasyon,
38:18ang ilan sa mga isinusulong
38:19na mga senatorial candidates
38:20sa patuloy nilang pangangampanya.
38:23Nakatutok si Darlene Caire.
38:24Transportasyon ng Sentro ng Kampanya
38:31ni Rep. Bonifacio Bosita.
38:34Programang pangkalusugan at edukasyon
38:36ng ibinida ni Senador Pia Cayetano.
38:40Si David D'Angelo,
38:41kahandaan sa climate change
38:43ang tututukan.
38:46Sa pampanga,
38:47nag-ikot si Atty. Angelo de Alban.
38:50Si Sen. Bongo,
38:51paglapit ng servisyo sa mga tao
38:53ang prioridad. Naroon din si Philip Salvador.
38:56Bantay budget
38:57ang isa sa mga plataporma
38:58ni Ping Lakson.
39:02Gusto raw pakinggan ni Tito Soto
39:03ang boses ng taong bayan.
39:06Tututukan daw ni
39:07Congressman Rodante Marcoleta
39:09ang pagbaba ng presyo ng bilihin.
39:12Pagpapaunlad ng agrikultura
39:13ang isinulong ni Sen. Amy Marcos.
39:17Tututukan ni Kiko Pangilinan
39:18ang kapakanan ng mga magsasaka.
39:23Paglaban sa korupsyon
39:24ang tututukan ni Ariel Cherubin.
39:28Si Benher Abalos
39:29isusulong ang purgeso
39:30ng gitnang Luzon.
39:33Sisiguraduhin daw ni
39:34Bam Aquino
39:35na palalawakin
39:36ng libreng kolehyo.
39:38Pagbibigay ng libreng gamot
39:40ang isa sa mga advokasya
39:41ni Mayor Abbey Binay.
39:43Patuloy naming sinusunda
39:44ng kampanya
39:45ng mga tumatakbong senador
39:46sa eleksyon 2025
39:48para sa GMA Integrated News.
39:51Darlene Kay
39:51nakatutok 24 oras.
39:54Kinoestiyon ni Nueve Ecija
39:56gobernadorial candidate
39:57Virgilio Bote
39:58ang pag-issue
39:59ng show cost order
40:00sa kanya ng Comelec.
40:01Kasunod po yan
40:02na pahayag niya
40:03tungkol sa sakit
40:04ng isang kandidato.
40:05Sabi pa niya
40:06kaduda-duda
40:07ang integridad
40:08ni Comelec chairman
40:09George Garcia
40:10na dating abogado
40:11umano
40:11ng kanyang katunggali
40:12sa pagkagobernador.
40:14Anya,
40:15natanong lang din umano
40:16sa isang forum
40:17ang kalagayan ng Alcalde
40:18ng General Tino
40:19na umano'y
40:206 na buwan
40:21ng may sakit.
40:23May tatlong araw
40:23si Bote
40:24para sagutin
40:24ang show cost order
40:25ng Comelec
40:26na anya'y
40:27sasagutin na niya
40:28ngayong araw.
40:29Sinisikap pa namin
40:30puna ng reaksyon
40:31si Garcia
40:32kaugnay sa pagduda
40:34ni Bote.
40:36Wagie ang
40:37perpetual
40:37junior altas
40:39contra Benilde
40:40Lasal Greenhills Greenies
40:41sa game 1
40:42ng juniors basketball finals
40:44sa NCAA
40:45Season 100.
40:46First quarter pa lamang
40:48lumamang na
40:49ang junior altas
40:50pero nakuha ng greenies
40:51ang second quarter.
40:53Tila naglihab naman
40:54ang pusong palaban
40:55ng altas
40:55sa third quarter
40:56at muling pinataob
40:57ang greenies.
40:58Nakahabol man
40:59ang greenies sa fourth quarter
41:00hindi nagpadaig
41:02ang junior altas
41:02at sinelyo ka na ang laban
41:04para makuha
41:04ang game 1
41:05sa final score
41:06100-96.
41:08Kaganapin
41:09ang game 2
41:09ng juniors basketball finals
41:11sa linggo
41:11April 13
41:12alas 2.30
41:14ng hapon.
41:14Kasabay ng pagdiriwang
41:17ng pet day
41:18ngayong April 11
41:19kanya-kanyang flex
41:20ang ating magkapuso
41:21ng kanila mga
41:22charming pets
41:23at gaya po nila
41:25pwede rin yukong
41:26ishare
41:27bilang isa
41:28sa aming newscooper
41:29ang inyong mga larawan.
41:30Nakatutok
41:31si JP Soriano.
41:36Super behaved
41:38sa kanilang
41:38possum
41:39family photo
41:40ang pamilya Balbods
41:41na bumabati
41:42ng
41:42Happy Pet Day.
41:45Summer vibes
41:45with sunglasses
41:46naman
41:47ang fur bibing yan
41:48na may pa-shout out
41:50sa mga
41:50kachimken.
41:51Marami
41:53sa ating
41:54friends
41:55talagang
41:55all smiles
41:56ngayong
41:56Friday
41:57Pet Day
41:58gaya ni Kevin
41:59Miracle
42:00at
42:01Chippy
42:01hetot may
42:03nagpapa-burger
42:03pa nga sa tuwa
42:04just chillin
42:06naman
42:06ang peg
42:07ng pudal
42:08na ito
42:08parang
42:09si Bimby lang
42:10na nagpapa-press
42:11ko with his
42:11white sandal
42:13pati ni Kit Kat
42:14and
42:15Lala Loves
42:16sitting
42:18fretty
42:18and
42:19cutesy
42:20rin
42:20si
42:20Nanatella
42:21Skippy
42:22and
42:22Peanut
42:23may version
42:24din yan
42:25si
42:25Nanami
42:26Cookie
42:26and
42:27Bumi
42:28ang ilan
42:29naman
42:30parang
42:31ang lalim
42:32yata
42:32ng iniisip
42:33ano man
42:34ang mood
42:35at
42:35ganaps
42:36ng
42:36yung
42:36fur babies
42:37ngayong
42:37pet day
42:38deserve
42:38nila
42:39ng love
42:40and care
42:40everyday
42:41mga kapuso
42:43pwede ka rin
42:44maging isa
42:44sa aming
42:45mga
42:45YouScooper
42:46para sa inyong
42:47kwentong
42:47totoo
42:48kwentong
42:49kapuso
42:49sumali na
42:50sa YouScoop
42:51plus
42:52facebook group
42:52at
42:53ishare
42:53ang inyong
42:54mga
42:54larawan
42:55at
42:55video
42:56maaaring
42:57ma-feature
42:58ang inyong
42:58storya
42:59sa aming
42:59newscast
43:00gamitin
43:01lang ang
43:01hashtag
43:02YouScoop
43:02sa inyong
43:03mga
43:03post
43:03para sa
43:04GMA
43:05Integrated
43:06News
43:06ako po
43:07si
43:07JP
43:07Soriano
43:08nakatutok
43:0924
43:10oras
43:11All out
43:15ang support
43:16ni Barbie
43:16Forteza
43:17para sa
43:17other half
43:17ng barda
43:18na si
43:18David
43:19Licauco
43:19mula
43:20sa pagdalo
43:20sa premiere
43:21night
43:21ng pelikulang
43:22samahan
43:22ng mga
43:22makasalanan
43:23kung saan
43:24bida si
43:24David
43:25na meet
43:26pa niya
43:26ang mga
43:26kapatid
43:27ng aktor
43:28makichika
43:29kay
43:29Lorz
43:29Santiago
43:29Nagtili
43:35ang sakilig
43:36ang fans
43:37na nagpunta
43:37sa premiere
43:38night
43:38ng kapuso
43:39comedy film
43:40na samahan
43:41ng mga
43:41makasalanan
43:42nang dumating
43:43at rumampa
43:44sa red carpet
43:45si Barbie
43:46Forteza
43:47Sobrang pasasalamat
43:49ni David
43:50Licauco
43:50sa pagdating
43:51ni Barbie
43:52at pagbibigay
43:53ng support
43:54sa kanya
43:55at sa pinagbibidahan
43:56niyang pelikula
43:57For her to come here
43:59for her to come here
43:59to support me
44:01made time
44:03for me
44:04says a lot
44:06about
44:06her character
44:07and
44:08nothing but
44:09gratitude
44:10Inunivide
44:11inunivide
44:11inunivide
44:11nga ako
44:12dito
44:12and
44:13so
44:13I'm
44:13very
44:13happy
44:14to be
44:14here
44:15tonight
44:15I'm
44:15so
44:15excited
44:16for him
44:16I'm
44:16so
44:17proud
44:17of him
44:18at
44:19alam ko
44:19na pinaghirapan
44:20niya to
44:21lagi niya
44:21sinasabi
44:22sa akin
44:22na
44:22this is
44:23something new
44:23for him
44:24yung story
44:24yung script
44:25yung character
44:26niya
44:26so
44:26nouna
44:27medyo
44:27nangangapapa
44:28siya
44:28pero he
44:29was just
44:29so excited
44:30to work
44:30with
44:30everyone
44:31Dumalo rin
44:32ang dalawang
44:33kapatid
44:33ni David
44:34na si Ellen
44:35at James
44:36at mismong
44:37si Barbie
44:37pa
44:38ang magiliw
44:39na bumati
44:39at may
44:40pa-photo-op
44:41sa kanila
44:42Ayon kay David
44:43hindi lang
44:44basta comedy
44:45ang film
44:46dahil maraming
44:47aral
44:48na mapupulot
44:49ang mga
44:49manunood
44:50Tamang-tama
44:51ang araw
44:52na magsisimula
44:53itong ipalabas
44:54sa mga sinihan
44:54sa buong bansa
44:56sa Sabado
44:57de Gloria
44:57April 19
44:59It's never too late
45:00to change
45:01if you did something
45:03wrong in the past
45:04it's up to you
45:05how you will
45:06rise above it
45:08Speaking of Holy Week
45:10ano kaya
45:11ang plans
45:11ng Team Barda
45:12Spend time
45:14with the family
45:14rest
45:15out of town
45:16probably go to the beach
45:17Maybe Boracay
45:19I'm still
45:20deciding
45:20where to go
45:21actually
45:22Actually magsushoot
45:23ako ngayong Holy Week
45:24and then
45:25isang araw
45:26ng Holy Week
45:26magsushoot ako
45:27and then
45:27the rest of the week
45:28I will spend time
45:29with my family
45:30Bukod kina Barbie
45:31at David
45:32present din
45:33sa Premier Night
45:34ang cast ng pelikula
45:36tulad ni
45:37na Lizelle Lopez
45:38Buboy Villar
45:39Shanti Videla
45:41Jade Texon
45:42Jay Ortega
45:43Joel Torre
45:45at Solomon Cruz
45:46Dumalo rin
45:48si GMA Pictures
45:49Executive Vice President
45:50and GMA Public Affairs
45:52Senior Vice President
45:54Nessa Valdeleon
45:55at iba pang
45:56opisyal
45:57ng GMA
45:58O.R.
46:00Santiago
46:00updated
46:02sa showbiz
46:03happening
46:03And that ends
46:07our week-long
46:07chikahan
46:08Ako po si
46:08Ia Araliano
46:09Happy weekend
46:10mga kapuso
46:11Yes
46:12Miss Pia
46:13Sir Emile
46:14Happy weekend
46:17Thanks Ia
46:19At yan
46:20ang mga balitan
46:21ngayong biyernes
46:21Ako po si
46:22Emile
46:22Sumangil
46:23para sa
46:23mas malaking misyon
46:24para sa mas malawak
46:26na paglilingkod
46:26sa bayan
46:27Ako po si
46:28Pia Arcanghel
46:29Mula sa
46:29GMA Integrated News
46:31Ang News Authority
46:32ng Pilipino
46:32Nakatuto kami
46:3324 Horas
46:35Nasa Valdeleon
46:37As
46:48GMA
46:48You