SINO ANG SUSUNOD NA LIDER NG SIMBAHANG KATOLIKA?
Ano nga ba ang Conclave at paano pinipili ang bagong Santo Papa? Alamin ang mga tradisyon, at mga hakbang sa likod ng sagradong prosesong ito sa video na ito.
Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.
Ano nga ba ang Conclave at paano pinipili ang bagong Santo Papa? Alamin ang mga tradisyon, at mga hakbang sa likod ng sagradong prosesong ito sa video na ito.
Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.
Category
😹
FunTranscript
00:00Mga kapuso, inaabangan po ng milyong-milyong Katolikos sa buong mundo
00:03kung sino ang susunod na leader ng Simbahang Katolika.
00:07At ngayon nga po, araw na ito, May 7,
00:09magsisimula na ang PayPal Conclave
00:12o yung pagpili ng Bagong Santo Papa.
00:14Ang proseso ng conclave,
00:15yan po ang pag-uusapan natin sa issue ng bayan.
00:20At mga kasama po natin si Fr. Joseph Don Zaldivar,
00:24professor at formator mula sa San Carlos Seminary.
00:27Good morning po and welcome po sa unang hirit, Fr. Joseph.
00:29Thank you po.
00:30At magandang umaga sa lahat ng tagapanood natin.
00:34Opo. Father, buong mundo po yung nakatutok
00:36sa pagpili ng Bagong Santo Papa ngayon.
00:38At paan po ba dapat tinitignan ng mga Katoliko
00:41itong gagawing eleksyon o pagpili ng Bagong Santo Papa
00:46na hindi lamang siya simpleng eleksyon,
00:48kundi isa siyang gawa ng Espiritu Santo.
00:51Ito po ang botohan na wala talagang kumakandidato
00:55lang nangangampanya.
00:56Yes.
00:57So, ang pinakamagandang paraan siguro
00:59ang pagtingin natin sa conclave
01:01ay bilang isang retreat.
01:03So, sa retreat, di ba yung mga tao,
01:06lumalayo muna sa lahat,
01:08tapos magdadasal ng magdadasal.
01:10At sa loob ng kanilang pagdarasal,
01:12lalabas yung mga,
01:14ano, yung pagbulong, kumbaga,
01:15ng Espiritu Santo sa kanilang puso
01:17pa sa kanilang pagboto.
01:19So, ito pong mangyayari nga po na ngayong araw na ito,
01:25simula ngayong araw na conclave,
01:26ano po ang aasahan natin?
01:28At posibleng nga kayang may Santo Papa na kagad by Friday,
01:31ang sinasabi po ng ilang mga nakausap ni Connie,
01:34posibleng by Friday,
01:36this is going to be one of the fastest,
01:38o magiging mabilis lang daw po?
01:40Hindi natin masabi talaga kung magiging mabilis to,
01:42kasi iba-iba yung dynamics sa kasaysayan.
01:45Pero pagbabasayan yung mga nakaraang conclave,
01:48si Pope Francis lumabas within three days,
01:52ganun din si Pope Benedict,
01:53at si St. John Paul II.
01:56So, napaka-rare nun nangyari na may three years umabot.
02:00Napaka-rare nun.
02:01O, nangyari ngayon, pero rare naman.
02:03Rare naman nangyari.
02:04Ano po yung pagkakaiba?
02:05Ano yung mga circumstances kaya noong panahon na yun,
02:08as compared to now,
02:09bakit ngayon iniisip na posibleng magiging mabilis na lang talaga ito?
02:13Yun nangyari yung three years ng conclave,
02:16actually yun yung dahilan kaya may conclave.
02:18Kasi masyado sila nadadala ng external pressures.
02:23Hindi sila makadeside.
02:24Yung mga kardinal, mga sinuunang panahon pa.
02:28Kaya actually, it's the people who lock them up.
02:31Talaga, kinulong sila ng mga tao.
02:33Para huwag kayo lalabas hanggat wala kayo nagawang papa.
02:36So, dati hindi sila nila lock up?
02:38Noon, no?
02:39Nagsimula ito, 1200s lang eh.
02:41Alright.
02:42Na kinukulong sila.
02:44Okay, so speaking of secrecy, ilalock up.
02:47Paano po hinahanda ang Sistine Chapel at ang Domo Santa Marte,
02:51yung Casa Santa Marta,
02:53para tiyakin ng confidentiality o pagiging closed door
02:56nitong gaganaping conclave?
02:59Una sa lahat, so yung rules ay,
03:00yung mga kardinal,
03:02nasurrender na nila lahat ng communication means nila,
03:05lahat ng gadgets nila, iniwan na nila sa mga opisyalis.
03:11At alam ko, naglagay ang security ng Vatica,
03:14ng mga signal gag, ganyan.
03:16Oh, jammer.
03:17Jammer.
03:18Oo, para na talagang umabot na external pressure sa ating mga kardinal.
03:23So, yung boto po na kailangan para madeklara ang isang Santo Papa,
03:28ay two-thirds, no?
03:30That's 89 out of the 133.
03:34Kasi 88.6 eh.
03:36So, kailangan i-round off.
03:38So, paano po ba kung sakaling may tie, na boto,
03:41ano po ba ang mangyayari rito?
03:43Basta ang mahalaga maka two-thirds, no?
03:45Pag hindi pa naka two-thirds, may sabihin, wala pang papa.
03:50At pag nangyari yun, yung mga balota, susunugin,
03:55maglalagay sila ng mga chemical,
03:57at ang lalabas sa tambutyo na usok ay itim.
04:00Itim.
04:00Para sabihin sa mga nasa labas na wala pang papa.
04:04Alright.
04:04Pag umabot sa two-thirds, papuputiin nila ulit ng mga chemicals,
04:09itong mga usok ng balota,
04:11at lalabas ang puting usok sa tambutyo sa ibabaw ng chapel,
04:16kakalembang, no?
04:17So, this time, may bell na talaga to determine,
04:22to make sure na talagang puti at may santo papa na.
04:26Isa rin po sa tinatawag na papabili ay si Cardinal Tagle po, no?
04:31Kung sakaling nga po bang si Cardinal Tagle magiging santo papa,
04:34ano po bang magiging efekto nito para sa ating mga Pilipino
04:38at sa simbahang katolika na first Asian po, di ba?
04:42At kung sakasakali yung Pilipino,
04:44marami mga Pilipino ang umaasa, nagdarosan, no?
04:46Pero, of course, it's still the work of the Holy Spirit.
04:49Yes, oo.
04:50Una, hindi natin talaga sure yan.
04:52Oo, hindi tayo sure.
04:52Kasi wala naman talagang frontrunners.
04:53Even si Cardinal Tagle,
04:55nung nakausap ko siya before, August 19, last year,
04:58talagang hindi, oo, ayaw niya yan pag-usapan.
05:00But let me correct you a bit, no?
05:02Oh, yes. Go ahead, Father.
05:03If Middle East is part of Asia,
05:06Okay, okay.
05:07St. Peter is the first Asian pope.
05:09Ah!
05:10Oo.
05:11Okay.
05:11So, first ever successor na Asian, kung sakasakali.
05:16So, the first pope is actually Asian.
05:18So, una pa lang, no?
05:20Huwag natin maliitin ang pagiging Asyano
05:21sa pagiging Kristiyano.
05:23And even Jesus is Asian, no?
05:26Okay.
05:26And, um, unang Pilipino kung sakali na.
05:30Kung sakali.
05:32Sa akin, ito ay pagkilala
05:34sa napakalaking ambag ng mga Pilipino
05:37sa pangkalahatang simbahan ngayon.
05:39Maging papa man ang isang Pilipino o hindi,
05:43ang mga Pilipino, lalo mga kapatid nating OFW,
05:46ang bumubuhay sa simbahan, sa buong mundo,
05:49sa ngayon, sa maraming parte ng mundo.
05:52At ito'y pagkilala palagay ko
05:54sa napakalaking mission ng mga Pilipino ngayon.
05:58All right.
05:59Napakaganda naman po na binanggit niyo, no?
06:01At maraming maraming salamat po,
06:03Father Joseph Don Zaldivar,
06:05sa informasyong binigay niyo po sa amin
06:06and, of course, sa panahon po na binigay niyo po sa amin.
06:10At isa-isa natin nga hihimayin,
06:11tatalakayin,
06:12at sasagutin nga ang mga issue ng bayan.
06:15Thank you po, thank you.
06:16Thank you, thank you.
06:17Thank you, Father.
06:20Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe
06:22sa GME Public Affairs YouTube channel?
06:25Bakit?
06:25Mag-subscribe ka na, dali na,
06:27para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
06:30I-follow mo na rin ang official social media pages
06:33ng unang hirit.
06:34Salamat ka, puso.