Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
-Final testing at sealing ng mga ACM na gagamitin sa eleksyon sa May 12, sinimulan na ng COMELEC/COMELEC: Hanggang May 7 lang ang final testing and sealing para may sapat na panahong tumugon sakaling may makikitang problema






-66 na kandidata sa Miss Universe Ph 2025, rumampa suot ang kanilang national costume






-Kampo ni FPRRD, hiniling ang agaran niyang paglaya kasunod ng paghamon nila sa jurisdiction ng ICC






-Librong tumatalakay sa kasaysayan ng Philippine Business Institutions, inilunsad ng CCPI






-INTERVIEW: JOSE LUIS YULO JR., PRESIDENT, CHAMBER OF COMMERCE OF THE PHILIPPINE ISLANDS






-Rambol sa karinderya sa Brgy. Buhang Taft North, huli-cam; away-magkapatid, ugat ng gulo, ayon sa pulisya






-"Biyaheng Totoo: Sana sa Eleksyon 2025" Part 2, mapapanood bukas, 9:30pm sa GMA






-VP Sara Duterte, kinumpirmang dadalo siya sa preliminary investigation ng NBI kaugnay sa reklamong inciting to sedition at grave threats






-Pagpapa-vasectomy ni Drew Arellano, umani ng paghanga at respeto sa publiko/Commission on Population and Development: Matagal nang isinusulong ng pamahalaan ang vasectomy para sa family planning/Drew Arellano sa pagpapa-vasectomy: I follow medical data






-Alagang dachshund, kasamang nagmartsa sa elementary graduation ng kanyang fur dad


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nagsimula na ngayong araw ang final testing and sealing ng Comelec sa automated counting machines para sa eleksyon sa May 12.
00:06May ulap on the spot si Bernadette Reyes.
00:09Bernadette!
00:13Rafi, layo nitong final testing at sealing na ma-familiarize na ang electoral board members sa paggamit ng automated counting machines.
00:22Pagkakataon din ito para malaman kung may problema ba ang mga makina, kung may kulang ba sa mga pinadalang gamit, para kung may pagkukulang ay madali raw itong ma-provide.
00:34Halimbawa, kailangan bang palitan ang makina o ang SD card? May mga nakapreposition na rin daw na gamit ang Comelec.
00:41Isa rin sa pinakaimportante sa ginagawang testing at sealing ang pagkakaroon ng initialization report na nagpapakita na zero o wala pang boto sa lahat ng posisyon.
00:51Itinakda ng Comelec na gawin ng testing at sealing simula ngayong araw hanggang May 7 lang para may sapat pa na panahon na tugunan kung may mga makikitang problema.
01:01Kung hindi raw makapag-transmit halimbawa ang makina sa mismong araw ng eleksyon, ay ang mismong makina raw ang dadalhin sa canvassing center para hindi masabi na nakompromiso ang SD card.
01:12Nakikiusap rin ang Comelec na bumoto ang mga tao sa araw ng eleksyon, lakip ang layunin na ayusin ang lahat.
01:18Sa mga susunod na araw ay patuloy pa rin ang voters' education at hinihikaya rin ang Comelec ang mga kandidato na ingganyuhin ang mga tao na bumoto.
01:28Rafi, ayon sa Comelec ay meron daw mahigit 100 na mga repair hubs sa iba't ibang bahagi ng bansa at meron rin nakastandby na 16,000 na mga automated counting machines
01:39na maaaring gamitin sakaling may makitang problema sa mga makina ngayong final testing and sealing.
01:45Rafi?
01:46Maraming salamat, Bernadette Reyes.
01:48Mga mare, umani ng papuri mula sa netizens ang nagagandahang national costumes ng 66 na kalahok ng Miss Universe Philippines 2025.
02:04Ilan sa mga unique na naging inspiration ng mga kandidata ngayong taon ang mythical creatures mula sa kanika nilang lugar.
02:13Kabilang sa mga rumang pasuot ang national costume ay si sparkle star at 2017 rey na hispano-amerikana Winwin Marquez na isang aswang.
02:23Inspired daw yan mula sa sikat na pelikula ng kanyang nanay.
02:26Hinangaan din ang effort ng ilang kandidata tulad ni Miss Caluocan at Miss Pangasinan na hango sa mythical creatures ang costumes.
02:35Kabilang sa mga dumalo sa event, si GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon Valdez at iba pang opisyal.
02:43Malalaman na kung sino ang susunod na Miss Universe Philippines mamayang gabi sa Pasay.
02:50Mapanood din yan sa GMA Network at GTV sa Linggo, Day 4.
02:56The International Criminal Court is now in session.
03:00Rodrigo Roan Duterte.
03:10Formal na kinwestiyon ng Defense Team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang jurisdiction ng International Criminal Court sa Pilipinas.
03:17Sa inihayin din ng dokumento kahapon, sinabi ng mga abugado ng dating Pangulo na hindi na meet ang preconditions
03:22para matukoy ang jurisdiction ng ICC sa Pilipinas nang buksan ng pre-trial chamber ang investigasyon nito tungkol sa drug war.
03:30Kayaan nila kulang sa legal foundation at dapat in-allify ang kaso laban sa dating Pangulo.
03:36Hiniling din nila ang agarang pagpapalaya sa dating Pangulo.
03:38Wala pang komento riyan ang ICC maging ang prosikusyon.
03:43March 11 nang arestuhin at dalhin sa Dehigna de Lanz ang dating Pangulo dahil sa charges na crimes against humanity
03:49sa ugnayin sa umano ng extrajudicial killings noong kanyang administrasyon.
03:53Isang librong tumatalakay sa pagyabong ng business institutions ng Pilipinas ang inilumsad kamakailan.
04:03Sumasaraming daw sa landmark publication, Chamber of Commerce of the Philippine Islands,
04:07na From Chamber History to Navigating the Future, From Eight Epochs to Ecompie Five,
04:15ang mahigit isang siglong kasaysayan ng Philippine Business Institutions.
04:20Nakalimbag din sa Legacy Book ang kasaysayan ng CCPI bilang pinakamatandang business institution sa bansa
04:29na itinatag noong 1886.
04:32Kabilang sa mga dumalo sa launching ng libro, si Spanish Ambassador Miguel Utrey,
04:37iba pang dignitaries at business leaders.
04:40Inilabas din ng CCPI ang Ecompie Five o Economic Compass Pillars Five
04:46na isa raw guide para muling makamit ng bansa ang dati nitong economic status sa Asia.
04:51Nausapin po natin ngayon ang presidente ng Chamber of Commerce of the Philippine Islands
05:00na isa sa mga eleksyon 2025 partners ng GMA Network,
05:04si CPI President Jose Luis Yulo Jr.
05:07Magandang tanghali at salamat po sa pagpapaunlak ng interview sa amin, sir.
05:12Magandang tanghali. Thank you very much.
05:14Yes, sir. Very briefly, ano po ba itong Economic Compass Pillars Five
05:18para muling humakamit daw ng Pilipinas ang dati nitong economic status?
05:23Ang Economic Compass Pillars Five po ay nanggaling daw sa history.
05:28Kasi dati, 1960, ang Pilipinas ay pinakamayaman sa Asia at ASEAN,
05:36second lang sa Japan.
05:38Pinakamayaman po tayo.
05:40But from the 1970s hanggang ngayon, naunahan na tayo ng China,
05:45naunahan tayo ng Taiwan, ng Korea, ng Indonesia, Malaysia, pati Vietnam,
05:50naunahan na po tayo.
05:52Nangungulara tayo.
05:54Pero since nanggaling na tayo sa mayaman na bansa,
05:58meron po tayong tamang ginawa nung araw from our independence forward
06:03hanggang American Spanish time, naging mayaman po tayo.
06:07So, ulitin lang po natin yung ginawa natin tama sa limang pillars,
06:12which is the Filipino in education.
06:16The second pillar is industries and businesses were globally competitive.
06:24Pilar 1 ulit, balik ako, the Filipino in education was the best in the world.
06:28Top of the world tayo na pinakamagaling.
06:30Ang atlong pillar po, infrastruktura at saka environment.
06:34Pinakamagaling din tayo.
06:36Ang compass and direction is heaven and earth.
06:39Pinakamagaling.
06:40Pang-apat po, ay ang gobyerno natin.
06:42Nung araw, pinakamagaling din po yan, governance.
06:46Na nasa United Nations po yan.
06:48Number one po tayo sa lahat sa 12 trades.
06:50Ngayon po, kolela tayo.
06:52At pang-lima po, yung the economy natin nung araw was diverse, wealthy.
07:00We were manufacturing things.
07:03We were not consuming things.
07:05We were not exporting people.
07:07We were making wealth in our country.
07:09Yun po ang lima na gusto namin ibalik sa bayan.
07:12Opo, ang sarap pakinggan, sir.
07:14Pero parang ang tagal.
07:16Bago maibalik.
07:17Ano po ang timeline ba natin kung saka-sakali sa limang pillars po na nabanggit ninyo niya yan?
07:23Yung limang pillars po, ang gagawa po niyan ay gobyerno.
07:27Pwede policy lang po yan o pwede patas.
07:32Pero kasama rin po diyan ang private sector, ang private sector.
07:35For example po, pag-senado, nag-approve na yan ang bill na lahat ang raw material ng Pilipinas,
07:45lahat ng mga ating copper ore, iron ore, ay dapat huwag i-export.
07:50Dapat gamitin sa Pilipinas, magtayo ng pabrika para gamitin yung ating mga materiales para gawin ang final product.
08:00Ang ginagawa po natin kasi ngayon, kinukuha natin yung minerals natin,
08:03ine-export natin sa China at sa ibang bansa.
08:07Sila ang gumagawa ng produkto, tapos mag-i-import tayo ng finished product.
08:13So ang ginawala ng ating Pilipino ay pupukbuk, pero wala tayong ginagawa.
08:19Tapos mag-i-import tayo sa ibang bayan na ang added value ay napupunta sa kanila.
08:24Kaya sila yung mayaman, bayan na mumulubi.
08:27Yun ang kailangan gawin.
08:28I see.
08:29At sa gaya ninyong nasa business sector, ano ho ang maipapayo ninyo sa mga butante?
08:33Magdating naman sa pagpili ng kanilang ibuboto.
08:36Ang mga butante po ay dapat kumigilin mga butante na number one, honest, hindi ho magdanakaw.
08:44Pakalawa, gustong magtayo ng pabrika sa Pilipinas.
08:49Para ang kayamanan ay gagawin sa Pilipinas at gagamitin ang ating raw materials para ipatayin sa ating pabrika.
08:57Yun po dapat ang gawin.
09:00Hindi ho pa may sangayon na yung ating kayamanan ay binibigay natin sa ibang bansa.
09:05Yun ho dapat ang piliin ng butante.
09:08So dapat makabayan.
09:09Ano?
09:10Dapat makabayan.
09:12Alright.
09:12Maraming salamat po sa inyo.
09:14Yan po naman si Chamber of Commerce of the Philippine Islands President, Jose Luis Yulo Jr.
09:22Nag-rambulan ang ilang residente sa isang karenderya.
09:32Sinugod at sinuntok ng naka-asul ang lalaking nakaitim matapos magtalo sa isang karenderya sa Iloilo City.
09:40Doon na nagsimula ang gulo at nakisali pa ang dalawang lalaki at isang babae.
09:45Natigil away nang dumating ko ang barangay tanod at mga polis.
09:50Batay sa embesikasyon, away magkapatid ang ugat mga gulo.
09:54Ayon sa babaeng may-ari ng karenderya, kuya niya ang sumugod na lalaki na nooy lashing at naghamon ng away sa kanyang live-in partner.
10:03Matagal na raw silang hinaharas ng kanyang kapatid at pinagbabanta ang papatayin.
10:09Aminado naman ang kuya niya sa mga paratang na gawa niya raw yun nang malamang may ginagawa o manong hindi mabuti ang babae na kapatid sa sarili nitong anak.
10:18Walang pahiyag ang babae kaugnay nito.
10:21Sugatan sa insidente ang mga sangkot at pinaubayanan ng polis siya sa barangay ang insidente.
10:30Bukas, Sabado, mapapanood ng ikalawang bahagi ng biyahing totoo sana sa eleksyon 2025 ng GMA Integrated News.
10:38Napukudan ang aking report, magandang trabaho at kabuhayan.
10:42Tatalakayan po ang hinaharap na pagsubok ng mga OFW at iba pang isyo sa trabaho sa bansa.
10:47Kasama ko sa episode si Ivan Mayrina na tatalakay naman ang mga problema at isyong hinaharap ng mga magsasaka at manging isda.
10:55Para naman sa gustong balikan ng part 1, mapapanood na sa GMA Integrated News YouTube channel ang mga ulat ni na Sandra Aguinaldo at Joseph Moro.
11:03Moro
11:03Dadalurao si Vice President Sara Duterte sa preliminary investigation ng DOJ kaugnay sa reklamong inciting to sedition at grave threats laban sa kanya.
11:17Ayon sa BC Presidente, kailangan niyang pumunta para manumpa.
11:21Inag-uusapan na rin daw nila ang kanyang abugado ang panghahe ng counter affidavit.
11:25Itong Martes, nang kumpirmahin ang bisin na nakatanggap siya ng summons mula sa Office of the Prosecutor ng DOJ kaugnay sa isinampang reklamo laban sa kanya nitong Pebrero.
11:35Dahil sa pahayag niya noong Nobyembre na may nakausap na siyang papatay kina Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Lisa Marcos at House Speaker Martin Romaldes kapag pinatay siya.
11:45Ayon sa Prosecutor General, sa May 9 at 16 na katakdang preliminary investigation kaugnay rito.
11:50Dahil maraming haka-haka na naliksik daw muna tungkol sa vasectomy si Drew Arellano bago sumailalim sa nasabing procedure.
12:02Ang pamahalaan, matagal na ro'y itong isinusulong bilang isang paraan ng family planning.
12:07Narito po ang aking report.
12:11Happy vasectomy!
12:14Katatapos lang magpabasectomy ni Drew Arellano sa ospital sa post na ito ng asawa niyang si Chica Minute host Ia Vilania
12:19na nang i-share ng GMA Integrated News ay umani lang libu-libong likes.
12:24Ang vasectomy ay isang minor surgical procedure at uri ng male birth control kung saan puputulin ang daluyan ng sperm para hindi na lumaba sa katawan ng lalaki.
12:33Sa caption ng hiwalay na post ni Drew, sinabi niyang advanced Mother's Day gift niya kay Ia ang procedure
12:37na umani ng respeto hindi lang ng mga kaibigan kundi ng publiko at maging ng Commission on Population and Development.
12:44We're super impressed with what Drew did. Kasi nga 0.1% of males in the Philippines undergo vasectomy.
12:54So it's telling yung data natin pa lang. Kaya to see popular personality doing that, we laud Drew Arellano for doing that.
13:05So may your tribe increase.
13:07Matagal na rin pinopromote ng pamahalaan ng vasectomy bilang isang paraan ng family planning.
13:12Pero wala pang isang porsyento sa mga kalalakiang Pilipino ang gumagawa nito.
13:16Kahit isang beses lang ito gagawin kumpara sa ibang paraan na paulit-ulit at nakasalalay lang sa mga babae.
13:22Female-centric methods pa rin are the most popular method in the Philippines.
13:26So mga women pa rin may increase in family planning usage sa Pilipinas.
13:32Pero sa mga kababaihan.
13:34Si Drew nagulat sa naging reaksyon ng mga tao sa kanyang pagpapabasectomy na noong nakarang taon sana niya ito gagawin.
13:40Hindi lang natuloy, kaya nagkaroon ng panglima.
13:44So nalaman ko na lang din na may mga kaibigan ako nag-vasectomy after I did it.
13:51Because nga they reached out to parang, oh, welcome to the V-club.
13:54Nag-research din daw si Drew kaya alam niyang hindi totoo ang mga haka-haka tungkol sa vasectomy.
13:58If there's already medical data, then ako I follow medical data and I believe that when the data shows itself that it's okay, then it's okay.
14:09Kapag nagpabasectomy, is pinuputol lang po yung anurang punlay.
14:15Kung baga, hindi naman po yan, hindi po siya nakaka-apekto doon sa gana sa sex.
14:22Yung fear nila kaya ayaw nila. So hindi po totoo yun.
14:26Dito sa Quezon City, 242 lamang ang kalalakiang sumailalim sa vasectomy ngayong taon,
14:32kumpara sa 26,648 na kababaihang nagpabilateral tubal ligation ngayong taon.
14:38Sana raw, matanggal na ang stigma ng family planning, nakasalalay lang sa mga kababaihan.
14:44Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:48May pambaong good vibes po kami ngayon. This is for the weekend, di ba?
14:56Proud ang parents sa anumang achievement ng mga anak nila.
14:59Pero sa masbate, meron daw ibang umiksena sa pagkatapos ng isang estudyante.
15:06Naman! Kaya congratulations kay Jessie Alicante Jr. kabilang sa grade 6 graduates ng famosa Integrated School.
15:14Pero nang magmarcha, meron daw agaw eksena, o?
15:17Hindi lang kasi ang tatay ang kasama niyang umakit sa stage.
15:20Umaligid din ang alagang aso nila na si Sawa.
15:25Tila anino raw talaga ni Jessie ang aso, kaya pati ang graduation, no exemption.
15:30Viral online yan with more than 300,000 views.
15:34Trending!
15:36Congratulations, Doggy Sawa.
15:38Adi!

Recommended