Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Huli kam sa Maynila, patay matapos saksakyan ng nakaaway na dating katrabaho ang isang lalaki sa Sampaloc.
00:07Ang nakaligtas na kapatid ng biktima, pinagbantaan pa umano ng sospek.
00:12Balita natin ni Jomar Apresto.
00:18Nakaupo ang magkapatid na sina alias Rod at alias Mike sa bahagi ng Marsan Street sa Sampaloc, Maynila,
00:23pasado alas 9 ng umaga kahapon.
00:25Maya-maya, isang lalaki ang biglang lumapit at hinataw ng speaker ang 46 anyos na si alias Rod.
00:32Tinadyakan niya pa ito bago dumukot ng patalim sa kanyang bewang, kaya agad na napatayo ang magkapatid.
00:38Ilang beses niyang inambaan ng saksak ang biktima, hanggang sa tuluyan na niyang pinagsasaksak si alias Rod.
00:45Sinubukan pang lumaban ang biktima pero tila hindi nakontento ang sospek at itinarak sa ulo ng biktima ang patalim.
00:52Dead on the spot ang biktima.
00:54Habang napatakbo naman ang kapatid na si alias Mike.
01:00Kinagabihan, nahuli ang kapatid ng biktima na si alias Mike matapos umanong mag-amok sa tapat ng barangay at tangkaing saksaki ng isa sa mga kagawad.
01:09Bigla niyang inugot, hinabul ako. Siyempre tumakbo ako. Nakakita ko ng kahoy. O sige, sumugod ka.
01:19Iyon na nga, may dumating na ng polis. O nakikita po nila, dalawang kutsilyo ang nakuha ng polis natin.
01:26Ay kung madamay.
01:27Ayon kay alias Mike, pang self-defense niya ang mga dalang patalim matapos siyang makatanggap umano ng pagbabanta mula sa sumaksak sa kanyang kapatid.
01:36Sa isang text message, humingi ng pasensya ang sospek sa kanyang nagawa.
01:40Pero karugtong nito ang babala na iisa-isahin daw ng sospek ang pamilya ng biktima sa oras na gumanti sila.
01:47Yung kutili po, galing sa bahay ko yan. Kung baga po, bimila ko ng pagkain ko, send defense.
01:53Kinilala ni alias Mike ang sospek sa pagpatay sa kanyang kapatid.
01:56Nakatrabaho raw siya ng biktima nang magkamit sila ng poster ng mga kandidato para sa eleksyon.
02:02Pinatira pa raw ng biktimang si alias Rod ang sospek sa kanyang bahay sa loob ng isang buwan.
02:07Pero nagkaroon daw sila ng samaan ng loob matapos niyang palayasin ang sospek.
02:12Pinapalayas na nga siya kasi may dalay siyang bato, sisim, pinapakit.
02:16Hindi naman natuloy ang kinulong si alias Mike matapos mapakiusapan ng mga kaanak ang kagawad.
02:22Patuloy ang backtracking ng motoridad para mahuli ang sospek sa pananaksak.
02:26Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended