Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
24 Oras: (Part 3) PNP: Walang makitang iba pang ebidensiya para iugnay sa krimen ang anak ng negosyanteng si Anson Tan; Babae mula Cagayan, tila naging bottle opener ang bibig sa isang wedding reception; Pagpapa-vasectomy ni Drew Arellano, umani ng papuri at respeto; Jillian Ward, mapapanood sa "Mga Batang Riles," atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Walang makitang iba pang ebidensya ang PNP para iugnay ang anak ng negosyanteng si Anson Tan sa pagdukot at pagpatay rito at kanyang driver.
00:10Nilinaw din ang polisya na hindi sila ang naglabas ng extrajudicial confession ng isang suspect na nagdawit sa anak.
00:19Nakatutok si June Veneracion.
00:20Matapos i-rekomenda ng PNP sa Department of Justice na imbistigahan ang anak ng kinidnap at pinaslang ng negosyanteng si Anson Tan.
00:32Sinabi ngayon ng PNP na wala silang makitang ibang ebidensya para iugnay sa krimen si Alvin Ke.
00:38Based po dito sa naging case build up at investigation po ng PNP po ay wala pong direktang ebidensya na maglilik po kay ginoong Alvin Ke dito po sa nangyaring pangingidnap mo sa kanyang ama po.
00:55Si Alvin Ke idinawit ng sospek na si David Tan Liao sa isang extrajudicial confession.
01:01Pero nakulangan daw ang PNP sa pahayag ni Liao dahil wala raw siyang maiharap na ebidensya.
01:06Sa sinumpang salaysay rin ang dalawang arestadong sospek na sina Richardo Austria at Raymart Katekista na ibinigay sa GMI Integrated News sa isang source.
01:17Wala silang nabanggit na nakausap na Alvin Ke.
01:20Maliban sa mga claim ni Alvin Tan Liao, hindi naman niya maback-upan yun.
01:24Yung sinasabi niya, ang restoran na pinuntahan nila, may mga tawag sila between him and Alvin Ke. Wala siyang maipatunayan doon.
01:31Nag-alit daw si PNP Chief Romel Marbil sa paglilik ng extrajudicial confession ni Liao.
01:37Iginit ng PNP, hindi sila ang naglabas ito.
01:40We are not stupid enough para ilabas po ito.
01:43Kasudad ng sinasabi po nila, medyo masakit na sabihin incompetent ang AKG.
01:48Bukas ay maghahain daw ng mosyon ng PNP Anti-Kidnapping Group sa Department of Justice
01:52para maalis si Alvin Ke sa listahan ng mga respondents sa pagdukot at mapatay sa kanyang ama at sa driver nito.
01:59Sa isang pahayag ng abogado ni Alvin Ke na si Atty. Kit Belmonte,
02:05sinabi nitong nabigla sila sa ulat na isinasangkot siya sa krimen.
02:09Nakikipag-cooperate daw siya at ang pamilya niya sa pulisya
02:12at ibinibigay ang anumang pwedeng makatulong sa investigasyon
02:15para malaman kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa ama.
02:19Sinusubukan pa ng GMA News na makuha ang panig ng pamilya ni Tan.
02:23Para sa GMA Integrated News,
02:25June Veneraciona Katutok, 24 Horas.
02:30Isa sa pinakamahalagan dokumento ang birth certificate o katunayan ng kapanganakan.
02:35Pero wala niyan ang limang anak ng nanay na dumulog po sa aming tanggapan
02:40dahil ayaw umunong makipagtulungan ng tatay ng mga ito.
02:44Tinulungan siya ng team ng inyong Kapuso Action Man!
02:47Problemado ang inang si Sarah.
02:56Di niya tunay na pangalan sa 6 kasinaanak niya.
02:59Ang panganay lang niya ang may birth certificate.
03:03Ayaw umunong pirmahan ng ama ang late registration of birth ng limang anak.
03:07Ito'y dahil hindi raw sumangayon si Sarah na magpalit ng reliyon noong nagsasama pa sila.
03:14Hiwalay na sila ngayon at hindi pa rin kasal.
03:15Pero ang problema, ayaw pa rin daw nitong magbigay ng Affidavit of Admission of Paternity.
03:22Malaking dagok ito sa mag-iina.
03:25Lalo't isa ang birth certificate sa mga inakanap na dokumento para makapag-aral sa kolehyo.
03:30Gumulog ang inyong Kapuso Action Man sa Philippine Statistics Authority o PSA
03:34para maiparegistro ang kapanganakan ng anak kung walang Affidavit of Admission of Paternity.
03:41Yung option po dito dahil hindi po kasal yung magulang,
03:44mag-a-apply ng late registration under the surname po ng nanay.
03:50So ang mangyayari dahil wala pong recognition,
03:52magiging unknown yung pangalan ng tatay sa kanyang birth certificate noong limang kanyang anak.
04:00Hindi na rin daw kailangan bumalik sa lugar ng kapanganakan para magparegistro.
04:05Makipag-coordinate lang sila sa local civil registry office for the late registration.
04:12May tinatawag tayo na out-of-town delayed registration.
04:16Ipapa-assess din daw ng PSA ang pamilya ni Sarah
04:19kung maaari silang maipasok sa birth registration assistance program ng ahensya.
04:25Ang late registration kasi, pan-compliance ng mga requirements,
04:29magkakaroon pa ng 10-day na posting.
04:32So ipopost pa yan ng ating local civil registry office
04:36and then after that, pag wala naman pong na-receive na complaint,
04:41doon pa lang po i-re-register yung birth certificate.
04:46Nagpapasalamat naman si Sarah sa tulong ng PSA.
05:16Magandang gabi mga kapuso!
05:18Ako po ang inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod mga trending na balita.
05:22Marami ang napangiti at napangyui sa talento ng isang babae mula kagayan.
05:26Kaya kasi niya magbukas ng bote ng soft drinks gamit ang kanyang bibig.
05:31Isang paalala, huwag na huwag gagayahin ang inyong mapapanood.
05:35Ang babae ito, nagpakitang gila sa isang wedding reception sa Balesteros, Cagayan.
05:44Hindi siya kumanta o sumayaw, kundi...
05:49Nagbukas ng mga bote ng soft drinks gamit ang kanyang bibig.
05:55Battle opener yan?
05:57Wow!
05:58Ang babae sa final video, si Ronaldine.
06:00Mga opener namin nasira kasi.
06:02Kasi pinapabukas nila.
06:04Eh, di binuksan pa naman, sir.
06:07Ilang bote ng soft drinks nang nabuksan niya nung araw na yun.
06:10Hindi ko pumabi lang, sir, kasi ang dami naman sila.
06:13Ang pagbukas ng bote ng soft drinks gamit ang bibig.
06:16Matagal na ron talit ni Roderine.
06:17At ang pinagpapasalamat niya.
06:19Okay naman yung ipin ko.
06:21Buo naman.
06:22Wala naman na, sir.
06:23Eh, mapangiti kaya niya mga dentista sa papapakitang gilas niya nito?
06:27Kuya Kim, ano na?
06:31Alam niyo ba ng pinakabatigas na bahagi ng ating katawan makikita sa ating bibig?
06:35Ito ang enamel o yung panlabas na bahagi ng ating ipin.
06:38Mas matigas pa ito sa ating mga buto.
06:40Binubuo kasi ito ng mataas na konsentrasyon ng mineral.
06:43Kaya ng hydroxyapatite na isang uri ng calcium phosphate.
06:46Pero kahit na ito ang pinakabatigas na bahagi ng ating katawan.
06:49Tandaan, maari pa rin ito masira o di kaya magka-cavity.
06:52At kapag nangyari ito, hindi na ito kusa nagre-regenerate tulad ng buto.
06:56Napaka-mapanganib nito.
06:59Pag nabali ito, maputol siya.
07:02Hindi na ito maikakabit pa.
07:05Paalala naman ng mga eksperto.
07:06Ang pagbubukas ng buto ng soft drinks gamit ang bibig,
07:09dumang dilikado sa ating ngipin at bibig.
07:11Maari kasing mabali ang ngipin o di kaya'y mabasag ang enamel.
07:14Kapag nabali ang ngipin, papasukan nga yun ng mikrobyo o yung bakteriya.
07:21Magkaka-infeksyo naman yung gilagin.
07:23Tandaan na ang ngipin ay ginagamit lamang sa pagmuya.
07:28Maari ding matanggal o lumuwag ang ating mga ngipin.
07:30At mapinsala ang panga.
07:31Kasi yung force o yung trauma, yung lakas o yung impact ng pagkakagagat,
07:36ay magkakaroon ng efekto dito sa jaw natin.
07:40Mas mainan pa rin gumamit ng wastong pabukas ng mga buti.
07:44Pero alam niyo ba kung kailan naimbento ang mga bottle opener?
07:50Noong 1892, inimbento ng Amerikano si William Painter
07:54ang Crown Cork Bottle Cap o mas kilala natin na mga Pinoy bilang Tansan.
07:59Kasabay nito, ginawa rin ang unang bottle opener upang mabuksan ang mga Crown Cork Bottle Cap.
08:04Ang disenyo ni Painter, tinatawag na Church Key Bottle Opener.
08:07Para susi, hindi po ba?
08:08Na ginagamit pa rin magpahanga ngayon.
08:13Yun.
08:16Sa matala, para malaman ng trivia, sa likod ng Paralabalita ay post or comment lang.
08:20Hashtag Kuya Kim, ano na?
08:22Laging tandaan, kimportante ang mayalam.
08:25Ako po si Kuya Kim, at sagot ko kayo, 24 horas.
08:32Gaya ng pangalan ng pista, kalipay o talagang masaya ang pagdiriwang ng kinalipay sa Isabela?
08:38Sa Negros Occidental.
08:40Pinaningning yan ang Kapuso Stars na nagdala ng fun at kilig.
08:44May report si Aileen Pedreso ng GMA Regional TV.
08:47Bilang pagpapasalamat sa mga natanggap na biyaya, lalo na ang masaganang ani, ipinagdiriwang ang kinalipay sa Isabela sa Negros Occidental.
09:00Sa parada, kasabay ng pagbubukas ng pagdiriwang, present na Kapuso Stars.
09:04Gaya ni na Christopher Martin at Aaron Villena, na marami raw natutunan sa kasaysayan ng bayan.
09:11Ang tawag sa bayang ito ay manakop.
09:13Ngunit noong 1861, pinalitan ng unang parish priest ang pangalan ng bayan at ginawang Isabela para ngay Queen Isabela II ng Espanya.
09:21Proud ang mga taga Isabela dahil dalawang beses nang nabigyan ang bayan ng Seal of Good Local Governance or SGLG mula sa DILG.
09:30Si Juancho Trevino, tinikman ng Sarisa Chips.
09:34Mga Kapuso, maraming masarap na produktong maipagmamalaki ang Isabela. Ilan lang dito ang Sarisa Chips.
09:42Hinarana din ang taklo mga taga Isabela sa Kapuso Fiesta sa Municipal Public Plaza.
09:51Kasama rin nila ang Kapuso Host na si Pepita Curtis.
09:55Ganun din kami, sobrang sayang nakita sila.
09:57Sobrang appreciative sila, sobrang talaga nakikasabay sila.
09:59Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrating News, Aileen Pedreso, Nakatutok, 24 Horas.
10:07Umani ng papuri at respeto ang mister ni Chica Minute Anchor Ia Arellano na si Drew Arellano
10:14matapos niyang ibahagi sa social media ang pinagdaan ng vasectomy procedure.
10:20Pero ang prosesong yan, bakit tila kinatatakutang subukan ng ilang kalalakihan kahit hindi dapat?
10:26Alamin ang mga maling akala sa pagtutok ni Rafi Tima.
10:36Katatapos lang mga pa-vasectomy ni Drew Arellano sa ospital sa post na ito ng asawa niyang si Chica Minute host Ia Vilanya
10:42na nang ishare ng GMA Integrated News ay umani lang libu-libong likes.
10:46Ang vasectomy ay isang minor surgical procedure at uri ng male birth control
10:50kung saan puputulin ang daluyan ng sperm para hindi na lumaba sa katawan ng lalaki.
10:55Sa caption ng hiwalay na post ni Drew, sinabi niyang advanced Mother's Day gift niya kay Ia ang procedure
10:59na umani ng respeto hindi lang ng mga kaibigan kundi ng publiko
11:03at maging ng Commission on Population and Development.
11:06We're super impressed with what Drew did. Kasi nga 0.1% of males in the Philippines undergo vasectomy.
11:16So it's telling yung data natin pa lang. Kaya to see popular personality doing that,
11:23we laud Drew Arellano for doing that. So may your tribe increase.
11:30Matagal na rin pinopromote ng pamahalaan ng vasectomy bilang isang paraan ng family planning.
11:35Pero wala pang isang porsyento sa mga kalalakiang Pilipino ang gumagawa nito.
11:39Kahit isang beses lang ito gagawin kumpara sa ibang paraan na paulit-ulit at nakasalalay lang sa mga babae.
11:44Female-centric methods pa rin are the most popular method in the Philippines.
11:48So mga women pa rin may increase in family planning usage sa Pilipinas pero sa mga kababaihan.
11:57Si Drew nagulat sa naging reaksyon ng mga tao sa kanyang pagpapabasectomy na noong nakarang taon sana niya ito gagawin.
12:16Nag-research din daw si Drew kaya alam niyang hindi totoo ang mga haka-haka tungkol sa vasectomy.
12:21If there's already medical data, then ako I follow medical data and I believe that when the data shows itself that it's okay, then it's okay.
12:32Ang midwife na si Trinida, batid kung gaano kahirap ipromote ang vasectomy sa mga lalaki dahil sa mga maling akala.
12:39Pangunahin dito na mababawasan ang pagkalalaki ng sasa ilalim dito na hindi anya totoo.
12:44Kapag nagpa-vasectomy, is pinuputol lang po yung anurang kunlay.
12:50Kung baga, hindi naman po yan, hindi po siya nakaka-apekto doon sa gana sa sex.
12:57Yung fear nila kaya ayaw nila. So hindi po totoo yun.
13:02Dito sa Quezon City, 242 lamang ang kalalaki ang sumailalim sa vasectomy ngayong taon
13:07kumpara sa 26,648 na kababaihang nagpa-bilateral chuba ligation ngayong taon.
13:13Sana raw, matanggal na ang stigma ng family planning, nakasalalay lang sa mga kababaihan.
13:20Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
13:26Very excited na si Jillian Ward dahil mapapanood na rin siya soon sa mga batang riles.
13:31Looking forward na nga ang riles boys na makatrabaho si Jillian.
13:35E ano naman kaya ang reaction ng dating siniship sa kanya na si Raheel?
13:40Makitsika kay Larsen Tsiago.
13:44After ng back-to-back success ng abot-kamay na pangarap at may Ilongo Girl,
13:51magbakasyon at magpahinga muna ang original plan ni Jillian Ward.
13:57Pero ibang klaseng excitement anya ang feels ng bagong offer sa kanya,
14:02kaya di natanggihan.
14:05May isang role sa high-rating GMA Prime Series na mga batang riles.
14:19Dumalaw na siya sa set ng action drama series at nakaharap na ang riles boys na si Miguel Can Felix,
14:27Cocoy De Santos, Raheel Birria, at Anton Vinzon.
14:33Sa role kong ito gusto kong mag-experiment.
14:36Gusto kong mag-try ng something new sa style.
14:40Isa na akong batang riles.
14:42I'm excited to work with her dahil sobrang tagal na namin magkakilala.
14:48Sabay kami lumaki sa showbiz, pero ngayon pala kami magkakatrabaho.
14:51Excited akong may matutunan kay Jillian at sana may matutunan din siya sa amin.
14:55Overwhelmed ako sa nangyari ngayon sa mga batang riles.
14:58Nag-look forward ulit kasi na-miss ko rin po yung mga iksana namin sa abot kamay.
15:04Pinaulan na naman ang tukso ng Riles Boy si Raheel na dating sine-shape ng fans kay Jillian.
15:11Kay Hick, masaya ka ba or disappointed ka?
15:14Saya. Sobrang saya.
15:17Masaya din sila o. Tanong mo rin sila, masaya ba kayo?
15:19Masaya ako para sa kaibigan ko.
15:21Masaya ka ba?
15:25Oo naman, siyempre.
15:27Excited ako sa kaibigan ko.
15:29Bilis ang tibok ng puso ko. Sobra.
15:31Masaya po ako para sa sarili ko.
15:32At para sa amin lahat.
15:36Lars Santiago updated sa showbiz happening.
15:43And that's my chika this Thursday night.
15:45Ako po si Ia Arelliano.
15:46Miss Mel, Miss Vicky, Emil.
15:49Nice, Ia.
15:50Congrats, Ia.
15:51Wala nang baby number 6.
15:54At 7 at 8 na ito.
15:57Pero congrats.
15:57At iyan ang mga balita ngayong Huwebes.
16:00Ako po si Mel Canco.
16:01Ako naman po si Vicky Morales para sa mas malaking misyon.
16:04Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
16:06Ako po si Emil Sumangio.
16:08Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
16:12Nakatuto kami 24 oras.
16:20Mt.
16:34Video dari Thespodak.
16:35Mula sa GMA Zap justice.

Recommended