Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Walang makitang iba pang ebidensiya ang PNP para iugnay ang anak ng negosyanteng si Anson Tan sa pagdukot at pagpatay rito at kaniyang driver. Nilinaw din ng pulisya na hindi sila ang naglabas ng extrajudicial confession ng isang suspek na nagdawit sa anak.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Walang makitang iba pang ebidensya ang PNP para iugnay ang anak ng negosyanteng si Anson Tan sa pagdukot at pagpatay rito at kanyang driver.
00:10Nilinaw din ang polisya na hindi sila ang naglabas ng extrajudicial confession ng isang suspect na nagdawit sa anak.
00:19Nakatutok si June Veneracion.
00:20Matapos i-rekomenda ng PNP sa Department of Justice na imbistigahan ang anak ng kinidnap at pinaslang ng negosyanteng si Anson Tan.
00:32Sinabi ngayon ng PNP na wala silang makitang ibang ebidensya para iugnay sa krimen si Alvin Ke.
00:38Based po dito sa naging case build up at investigation po ng PNP po ay wala pong direktang ebidensya na maglilik po kay ginoong Alvin Ke dito po sa nangyaring pangingidnap mo sa kanyang ama po.
00:55Si Alvin Ke idinawit ng sospek na si David Tan Liao sa isang extrajudicial confession.
01:01Pero nakulangan daw ang PNP sa pahayag ni Liao dahil wala raw siyang maiharap na ebidensya.
01:06Sa sinumpang salaysay rin ang dalawang arestadong sospek na sina Richardo Austria at Raymart Katekista na ibinigay sa GMI Integrated News sa isang source.
01:17Wala silang nabanggit na nakausap na Alvin Ke.
01:20Maliban sa mga claim ni Alvin Tan Liao, hindi naman niya maback-upan yun.
01:24Yung sinasabi niya, ang restoran na pinuntahan nila, may mga tawag sila between him and Alvin Ke. Wala siyang maipatunayan doon.
01:31Nag-alit daw si PNP Chief Romel Marbil sa paglilik ng extrajudicial confession ni Liao.
01:37Iginit ng PNP, hindi sila ang naglabas ito.
01:40We are not stupid enough para ilabas po ito.
01:43Kasudad ng sinasabi po nila, medyo masakit na sabihin incompetent ang AKG.
01:48Bukas ay maghahain daw ng mosyon ng PNP Anti-Kidnapping Group sa Department of Justice
01:52para maalis si Alvin Ke sa listahan ng mga respondents sa pagdukot at mapatay sa kanyang ama at sa driver nito.
01:59Sa isang pahayag ng abogado ni Alvin Ke na si Atty. Kit Belmonte,
02:05sinabi nitong nabigla sila sa ulat na isinasangkot siya sa krimen.
02:09Nakikipag-cooperate daw siya at ang pamilya niya sa pulisya
02:12at ibinibigay ang anumang pwedeng makatulong sa investigasyon
02:15para malaman kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa ama.
02:19Sinusubukan pa ng GMA News na makuha ang panig ng pamilya ni Tan.
02:23Para sa GMA Integrated News,
02:25June Van Arasyona Katutok, 24 Horas.
02:29PNP Anti-Kidnapping Group sa Department of Justice

Recommended