Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hey! Oh my gosh! Oh my gosh! There's a lot! Oh my gosh!
00:08Ang masayang street festival ng mga Pilipino sa Vancouver, Canada na uwi sa bangungot.
00:14Sa gitna ng street party sa Sunset on Fraser community sa Vancouver para sa pagdiriwang ng Lapu-Lapu Day,
00:20isang SUV ang dumating at bigla silang inararo.
00:23Sa videong ito, makikitang nagkalat ang mga nakabulagtang katawan sa kalsadang kabi-kabila ang mga food truck.
00:31Agad namang nakatugun doon ang mga emergency responder.
00:35Kita ang ilan na yakap-yakap ang mga nasaktan.
00:38Ang mga bata naman, walang nagawa kundi mag-iyakan.
00:41Ayon sa Vancouver Police, nangyari ang insidente pasado alas 8 ng gabi ng Sabado o alas 11 ng umaga ng linggo sa Pilipinas.
00:58May mga nasawi at nasaktan ayon sa mga otoridad pero wala pang eksaktong bilang.
01:26It would be unfair for me to speculate on exact numbers as the victims were taken to multiple hospitals in the region.
01:36Bago nito, may mga kantahan at sayawan pang nakunan ang mga dumalong Pilipino.
01:41Ayon sa Vancouver Police, nasa custody na nila ang 30-year-old na lalaking driver ng SUV.
01:47Inaalam pa kung aksidente ito o isang pag-atake na may motibo.
01:51Nagpaabot ng pakikiramay ang Philippine Consulate General sa Vancouver sa mga biktima ng karimari-marim na insidente.
01:59Habang naghihintay ng karagdagang impormasyon, sana raw ay maging matatag at magbayanihan ang mga Pilipino.
02:06Nakiramay rin si Canadian Prime Minister Mark Carney sa mga mahal sa buhay ng mga namatay at nasaktan sa Filipino community at sa lahat ng mga taga-Vancouver.
02:15Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.

Recommended