Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naka-code white ngayon ng Department of Health bilang alerto sa mga emergency sa Semana Santa.
00:06May mga biyahero na rin sa Manila Northport para sa mahal na araw at sa eleksyon.
00:11Mula sa Maynila, nakatutoklay si Jamie Santos.
00:16Jamie?
00:20Pia, may mang ilan-ilan na tayong kababayan ang nagtungo rito ngayong linggo ng Palaspas dito sa Manila Northport.
00:27At kahit mainit ang panahon, hindi nila ito alintana, makauwi lang sa kanika nilang probinsya.
00:33Ngayong Semana Santa, bukas, luna santo, inaasahan ng unti-unti ang dagsa ng mga pasahero.
00:39Kaya naman naka-high alert na ang lahat ng transportation facility sa bansa.
00:47Sunod-sunod na ang dating ng mga pasaherong pauwi ng Dumaguete, Dipolog at Zambuanga ngayong hapon.
00:53Ilan sa kanila, piniling mauna kaysa sumabay sa dagsa ng mga pasahero sa Mierkoles Santo.
00:58Bakasyon sa mga baapo, iwas sa gulo.
01:02Bagaman mamayang gabi pa ang biyahe ng barko, maagang pumunta ang mga biyahero sa port para iwas hasel.
01:08May ilan March pa lang bumili na ng tiket.
01:11Susuniti na raw nila ang pag-uwi sa probinsya para sa Semana Santa at bakasyon at eleksyon.
01:17Sama-sama, Hollywood at saka bubuto po doon. Fiesta rin po.
01:20Todo bantay ang security officials sa palibot ng port.
01:24Panay din ang ikot ng kawali ng Philippine Coast Guard.
01:27Gamit ang canine, may at maya ang ikot at inspeksyon sa mga dalang bagahe ng mga pasahero.
01:33May nakaantabay ding ambulansya.
01:35May apat na shipping lines na hindi pinahintulutan ng marina bumiyaheng ngayong Semana Santa
01:40dahil sa ilang paglabag tulad ng walang life jacket at mga sirang sirena ng barko.
01:45Patuloy ding minomonitor ang mga kolorum.
01:47Kaya pakiusap ni DOT or secretary sa publiko.
01:50Sana, huwag na natin gawin yun.
01:53Kasi ano yan, very risky yung ganyan.
01:57At your own risk po yan sa mga kababayan natin.
02:01Sinusugol nila ang buhay nila.
02:03Kasi syempre, unang-una, pagka kolorum, huwag ang insurance yan.
02:08Huwag ang makukuha kahit anong ano kung may mangyari.
02:11Mas istrikto rin ang pagtsucheck sa mga barko para maiwasan ng overloading.
02:16Paalala naman sa mga pasahero ng ilang ferry operator.
02:19I-check ang inyong tiket at dumating ng maaga o apat na oras bago ang departure time sa port
02:25para sa maayos na boarding process.
02:28Ang cut-off time daw ay isang oras bago ang biyahe.
02:31No physical ticket, no entry.
02:33Samantala, ang Department of Health nagdeklara ngayong araw ng Code White Alert
02:38para sa Semana Santa bilang paghahanda sa mga posibleng insidente na maaring mangyari
02:43habang marami ang bumibyahe.
02:49Pia, tuloy-tuloy din naman ang operasyon dito sa Manila Northport ngayong Semana Santa.
02:54Maliba na lamang sa Biernes Santo na may temporary suspension sa yard, gate and vessel operation.
03:00Pero tuloy-tuloy ang operasyon ng disembarkation and embarkation ng mga pasehero.
03:05Balik ang kanilang 24 oras na operasyon sa Easter Sunday.
03:09At yan ang latest mula rito sa Manila Northport. Balik sa Iupia.
03:14Maraming salamat, Jamie Santos.

Recommended