Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Nakalatag na ang mga plano sa funeral ni Pope Francis.
Bukas ay dadalhin ang kanyang labi sa St. Peter's Basilica.
At ang inihabilin niyang libing sa simbahan sa labas ng Vatican,
isasagawa sa Sabado.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00A Resort Julecom Dewey
00:13Sunod sa kanyang huling habilin, nakalagak na ang labi ni Pope Francis sa isang bukas na kabaong, payak at gawa sa kahoy.
00:22Kaiba sa mga naunang santo pa pang gawa ang kabaong sa cypress, lead at oak.
00:26Unang sulyap ito sa katawan ng Santo Papa na magdamag muna sa kapilya ng Casa Santa Marta ang kanyang tahanan sa Vatican sa loob ng labindalawang taon.
00:38Ang pagkumpirma sa kanyang pagpanaw, pagbibihis at paglalagay sa kabaong bahagi ng tradisyonal na right of the assertinement of death and deposition in the coffin.
00:49Stroke, coma at irreversible cardiovascular collapse ang kanyang cause of death batay sa medical report.
00:56Sunod din sa tradisyon ang pagkandado sa kanyang suite sa Casa Santa Marta, pagsira sa kanyang fisherman's ring at lead seal para di na maggamit ng iba.
01:10Simbolismo rin ito ng sede vacante o walang pinuno ang estado ng Holy See.
01:15Sa panahon ito, ang Camerlengo o Chamberlain na si Cardinal Kevin Farrell ang magpapatakbo muna sa Vatican at Simbahang Katolika, isang komisyon na binubuo ng tatlong kardinal ang tutulong sa kanya.
01:27Bukas, alas 9 ng umaga oras sa Vatican o alas 3 ng hapon sa Pilipinas, ililipat ang labi ni Pope Francis sa St. Peter's Basilica para masilayan ng publiko.
01:39Mangunguna sa seremonya ang Camerlengo.
01:42Mula ka sa Santa Marta, ipoprosisyon ng labi.
01:45Idaraan ito sa St. Peter's Square at ipapasok sa central door ng St. Peter's Basilica.
01:50Ang funeral, itinakda sa Sabado, April 26, alas 10 ng umaga sa Vatican o alas 4 ng hapon sa Pilipinas.
01:59Ilang world leader ang inaasahang dadalo.
02:05Matapos ang funeral mass na pangungunahan ang dean ng College of Cardinals,
02:10ililipat ang labi ni Pope Francis sa Basilica of St. Mary Major sa Roma, kung saan inihabili niyang mahimlay.
02:15Pagkalibing mag-uumpisang November diales o siyam na araw na pagluluksa.
02:22Mariz Umali nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended