Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Kinilala bilang "The People's Pope", napamahal sa maraming Katoliko ang tubong Argentina na si Pope Francis o Jorge Mario Cardinal Bergoglio sa tunay na buhay. Balikan natin ang kaniyang buhay at pamumuno sa report na ito.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kinilala bilang the People's Pope.
00:02Napamahal sa maraming Katoliko ang tubong Argentina na si Pope Francis o Jorge Mario Cardinal Bergoglio.
00:09Malikan natin ang kanyang buhay at pamumuno sa report na ito.
00:22March 13, 2013.
00:24Isang araw matapos ang Papal Conclave, inihalal na ikadalawang daan at 66 na Santo Papa ng Simbahang Katolika si Jorge Mario Cardinal Bergoglio, ang Archbishop ng Buenos Aires, Argentina.
00:38Siya ang kauna-unahang Santo Papa mula sa Amerikas, unang po na hindi taga-Europa sa loob ng mahigit isang milenyo at unang pinuno ng mahigit isang bilyong Katoliko mula sa Jesuit Order.
00:50Makasaysayan din ang pagpili niya ng itatawag sa kanya bilang Santo Papa.
00:56Wala pang nakagagamit ng Francis, nahalaw kay St. Francis of Assisi.
01:01Inspirasyon daw ni Francis ang payak na pamumuhay ng katukayong santo.
01:05Tinawag siyang The People's Pope, mapagmahal sa mga bata, may hirap at may kapansanan.
01:14Ang kanyang karisma bakas din sa kanyang bukas na pakikitungo sa ibang pananampalataya at sa mga miyembro ng LGBTQIA plus community.
01:23Progresibo ang pananaw niya sa ilang isyo gaya ng diborsyo.
01:28Tinuligsa ang mga walang saisay na pagpatay sa iba't ibang gyera gaya sa Ukraine at Gaza
01:33habang binabalansi ang mga katuruan at di natitinag na pagtutol ng simbahan sa abortion at death penalty.
01:42Sa gitna ng mga revelasyon ng mga pangaabusong sangkot ang mga pari,
01:46si Pope Francis mismo ang humingi ng tawad sa mga biktima
01:48at kinastigo ang mga napatunayang nagkasala.
01:52Ilang bansa na rin ang inigot ni Pope Francis.
02:14At noong Enero 2015, si Pope Francis ang naging ikatlong santupapang nagpunta sa Pilipinas.
02:21Sa Tacloban, Leyte, na winasak ng Superbagiong Yolanda noong 2013,
02:26inihatid niya ang mensahe ng paghilom at pag-asa.
02:29I'm here to be with you.
02:37Un poco tarde, me dirán, es verdad.
02:40A little bit late, I have to say.
02:43Pero estoy.
02:44But I'm here.
02:45Tantos de ustedes
02:47perdido parte de la familia.
02:52Some of you have lost part of your families.
02:57Solamente
02:58guardo silencio.
03:01All I can do is keep silence.
03:03Y los acompañan con mi corazón en silencio.
03:10And I walk with you all with my silent heart.
03:15Ang misa niya sa Quirino Grandstand,
03:19bagamat inulan,
03:20sinuong at ipinagdiwang ng hanggang 7 milyong deboto.
03:24Pinakamalaking people gathering ito sa buong mundo
03:27mula sa pinakamalaking katolikong bansa sa Asia.
03:30Hindi lang leader ng simbahang katoliko si Pope Francis.
03:36Pinuno rin siya ng Holy See of Vatican,
03:39ang pinakamaliit na estado sa mundo.
03:41Pasan niya ang mga tungkuling ito
03:42nang maluklok sa edad na 76.
03:46At dala na rin ng edad,
03:48naging hamon ng kanyang kalusugan.
03:50Sa edad na 21,
03:52may tinanggal na bahagi ng kanyang kanang baga
03:54dahil sa severe pneumonia.
03:56May pananakit din sa kanyang likod at binti.
04:00Noong 2021 na 2023,
04:03naoperahan siya sa Chan.
04:07At noong February 14,
04:09naospital siya dahil sa bronchitis
04:11na lumala bilang double pneumonia.
04:14Nagkaproblema na rin ang bato niya.
04:16Ang mga katoliko sa buong mundo,
04:19time team na idinalangin ang kanyang paggaling.
04:30Outro
04:37Outro

Recommended