24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00I left!
00:01One, two!
00:04Biglang bumigay ang malaking tent na yan sa isang eskolahan sa Davao del Norte sa gitna ng graduation rehearsal.
00:10Ayon sa school principal, bumuhon sa malakas sa ulan at naipon daw ang tubig sa tent na bigay ng LGU.
00:16Agad pinalikas ang mga estudyante sa paligid kaya walang nasugatan sa pagbagsak ng tent.
00:21Inayos at pinatibay na raw ng LGU ang tent at gagamitin daw ulit ito sa practice sa graduation.
00:30At sa mga magbibisita iglesia kayong Simana Santa, isa sa mga maaaring dayuhin ang Padre Pio Mountain of Healing sa Bulacan.
00:42Ipinatayuraw ito ng mag-asawang nakatanggap ng biyaya sa tulong ni Padre Pio.
00:47Pinutukan niya ni Von Aquino.
00:52Sa San Jose del Monte, Bulacan, maaaring magmilay at magsimana santa sa Padre Pio Mountain of Healing.
01:00Kailangan maakit ang 115 steps ng hagda nito para maakit ang rebulto at kapilya sa taas.
01:08Naging tradisyon na raw ng mga pilgrims dito sa Padre Pio Mountain of Healing na bumili ng dalawang rosaryo.
01:14Yung isa ilalagay nila doon sa paana ng rebulto ni Padre Pio at yung isa naman ay iuwi nila sa bahay.
01:20Habang paakyat, saglit kaming humihinto para manalangin sa Stations of the Cross.
01:27Kahit may mga edad na, hindi nila alintana ang init para sa kanilang pamamanata.
01:33Sa tukto kung nasa ng higanteng rebulto ni St. Padre Pio, nakamamangha ang kabundukan at lunti ang tanawin sa paligid.
01:41Sobrang saya, sobrang saya talaga kasi parang naheel, naheel kami.
01:48Yung fulfillment na mararamdaman.
01:49Yes, God is good all the time.
01:52Si St. Padre Pio ay isang paring Italyano na kilala sa kanyang paiti at charity.
01:59Nagkaroon siya ng stigmata o mga sugat sa mga kamay at paa, nakatulad ng mga sugat ni Yesu Cristo nang siya'y ipaku sa Cruz.
02:08Mismong ang mag-asawang nagpatayo ng Mountain of Healing, nakatanggap daw ng biyaya mula sa Diyos nang humiling sila ng intercession ni St. Padre Pio.
02:17After nilang humiling na masundan yung panganay nila, naging deboto po sila ni Padre Pio.
02:24Naisipan nilang ipatayo ang imahe ni Padre Pio.
02:27Iba't ibang hiling na mga na pumunta rito.
02:32Nanay namin may sakit na hindi siya makakalakan.
02:35Nahiling namin sa kanya sana pagaling niya.
02:37Hindi na mag-struck na rin po ako.
02:39Half na body ko paralyzed.
02:42Kaya pinupuntahan ko talaga itong ganitong mga lugar.
02:47Libo-libong rosaryo ang nakasabit sa paana ng rebulto ni St. Padre Pio.
02:52Sa kapilya sa tuktok, nakalagak ang third-class relic ni St. Padre Pio.
02:58Ipinahid daw ito sa incorrupt heart relic ni St. Padre Pio.
03:02May souvenir shops at mga kainan din sa lugar.
03:06Sa mahal na araw, bukas ang Padre Pio Mountain of Healing, 6am hanggang 5pm.
03:12Para sa GMA Integrated News, Fona Kino Nakatutok, 24 Horas.
03:17Naging intense ang Game 2 ng NCAA Season 100 Juniors Basketball Finals ngayong araw po yan.
03:29Wagipo ang Benil Lasal Green Hills, Quanta Perpetual Health Junior Altas.
03:38Nakahabol sila ilang segundo bago matapos ng fourth quarter ng laro at nanalo sa score na 95-91.
03:44Kaya may tingisang panalo ang Greenies at ang Altas.
03:47Ang magiging kampiyon sa NCAA Season 100 Juniors Basketball, malalaman sa do-or-die game sa April 15.
03:55Halos abot-tuhod ang baha sa National Highway sa Sharif Aguac, Maguindanao del Sur dahil sa lakas ang ulan.
04:06Pahirapan ang pagtawid ng mga sasakyan habang sinuon ng mga residente ang baha.
04:11Pinasok na rin ang tubig ang maraming asablisimiento at bahay.
04:13Bansalan, Davao del Sur, nagkalat ang mga putik at bato sa isang kalsada.
04:20Dahil yan, sa naging landslide matapos ang malakas sa buhos ng ulan, may mga nabual na puno at poste.
04:26Agad nagsagawa ng clearing operations ang mga otoridad.
04:30Ayon po sa pag-asa, iserlisa nagpapaulan sa Zamboanga Peninsula, Barm at Palawan.
04:36Nagdadala kayong araw na maulap na panahon na may kasamang pagulan sa Batanes at Mabuyan Islands ang frontal systems.
04:42Yan din ang nakaapekto sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa.
04:47Sa rainfall forecast ng Metro Weather, posibleng makaranas bukas ng light to moderate rains
04:52sa Mountain Province, Isabela, Ifugao at ilang lugar sa Palawan.
04:57Light to intense rains naman ang posibleng maranasan bukas sa malaking bahagi ng Mindanao.
05:02Mataas din ang tsansa ng pagulan bukas sa Metro Manila.
05:07Matapos mahuli sa Malaysia, nasa Pilipinas na ang itinuturang mastermind
05:12sa pagpatay sa isang negosyante sa Olonga po noong 2018.
05:16Patutunayan niya raw sa korte na hindi siya ang nagpapatay sa sariling kapatid.
05:21Nakatutok si Jomer Apresto.
05:23Naibalik na sa bansa ang 51 anyos na si Alan Dennis Setin,
05:30ang itinuturong mastermind sa pagpatay sa kanyang kapatid na presidente
05:34at founder ng United Auctioneers Incorporated na si Dominic Setin oong 2018.
05:39Kabilang sa mga sumundo sa Naya Terminal 3,
05:42si Police Brigadier General Jean Fajardo,
05:44ang hepe ng Police Regional Office 3 at tagapagsalita ng PNP.
05:48Ayon kay Fajardo, napagalaman nilang nagtatago siya sa Malaysia
05:51at gumagamit pa ng iba't ibang pangalan.
05:54Agada niya silang nakipag-ugnayan sa Police Attaché doon
05:56at sa Royal Malaysia Police, kaya nahuli si Setin noong March 22.
06:00Meron pong violation po ng immigration laws po ng Malaysia.
06:04So he has to pass through the normal channel po.
06:08And tinulungan po tayo ng ating embahada sa Malaysia
06:11para bigyan po siya ng travel documents
06:13kasi wala po siyang passport kasi kinansel na po natin.
06:17Sabi pa ni Fajardo, iniimbestigahan na ng PNP
06:20kung paano nakalabas ng bansa noon si Setin.
06:22Una nang naaresto ang gunman sa krimena si Edgardo Luib
06:25na itinuro ang nakababatang Setin bilang mastermind sa krimen.
06:30March 22 nang mahuli si Adrian Rementilla
06:32na tumatayong middleman at kasabwat.
06:35Well, ang kwento ng gunman, pati na rin itong middleman,
06:39di umano, allegedly, ay may kinikim-kim
06:42nagalit di umano itong si Dennis Setin sa kanyang kuya
06:46na doon sa kumpanya nila.
06:47Itinangginis si Setin ang krimen.
06:50Huwag patunahin namin sa trial.
06:53Pakapatunahin namin.
06:54Sa trial, kung gusto niyo malaman, pumunta ko kayo.
06:57Umiiwas naman si Setin sa tanong kung paano siya nakalabas ng bansa noon.
07:01Dinala sa Camp Oliva sa Pampanga si Setin
07:03habang hinihintay ang commitment order ng Korte
07:06na nag-issue ng arrest warrant para sa kanyang kasong murder.
07:09Nakatakda rin siyang ipresenta sa Campo Crame sa dunes.
07:12Ito po ang pagpapatunay na sa kabila ng mahabang pagtatago
07:16ay mahahanap at mahahanap po po sila.
07:18Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.