24 Oras: (Part 1) Kotseng ilang beses na huminto at humarurot, nakabangga ng mga sasakyan, 2 rider, at 3 empleyado ng brgy.; COMELEC, tiwalang matatapos ang canvassing ngayong araw; ilang bahagi ng Mindanao, inulan at binaha dahil sa ITCZ at thunderstorms, atbp.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00This is Philippine Gold Club.
00:07Live mula sa GMA Network Center, ito ang 24 Horas.
00:15Magandang gabi po, Luzon Visayas at Mindanao.
00:19Nauwi sa aksidente, ang ilang beses na paghinto at pagharurot ng isang kotse sa Cavite.
00:26Na hulikam ang pagbangga nito sa isang bakay, Barangay Hall, ilang sasakyan at nasa limang individual.
00:32Umabot pa sa puntong hinimatay ang mismong driver nang kausapin siya ng mga otoridad.
00:38Nakatutok si Bam Alegre.
00:43Basta ng kotse nito sa CCTV footage nitong Martes ng umaga.
00:47Mabagal ang takmon ng sasakyan na nagdulot pa ng pagsigip ng trapiko sa National Highway sa Barangay San Rafael 3, Noveleta Cavite.
00:53Naisip daw ng mga taga-barangay roon, nakatukin ang kotse dahil baka may nangyayari na sa driver.
00:58Maya-maya pa, nagswerve ang kotse at bumanga sa isang van sa kabilang lane.
01:01Kung nabangga niya po yun, tumigil ulit siya, bigla naman siyang umatras naman.
01:08Hulikam din ang biglang pag-atras ng kotse at pagsalpok sa isang bahay.
01:11Saglit ito huminto at humarurot ulit.
01:13Bumanga naman sa harapan ng multi-purpose hall ng barangay.
01:17Inararo rin ang kotse ang isa pang kotse, dalawang rider ng motorsiklo at tatlong empleyado ng barangay.
01:22Narito pa rin yung bumper ng kotse dahil ito, yung bahay na binangganya nang umatrasya rito.
01:28Andito rin yung pinsalang iniwan dahil hanggang ngayon, nakalaylay pa rin yung yero ng alulod.
01:34Ang driver, umusad ng kaunti matapos makabangga ng mga tao.
01:37Hinarang at pinatigil siya ng ilan pang mga taga-barangay hall.
01:40Ayon sa taga-barangay, habang nakikipag-usap sa mga otoridad,
01:43ang babaeng driver, hinimatay kaya dinala sa ospital.
01:46Walang nasawi sa mga nabangga pero nagtamo sila ng mga sugat at dinala rin sa ospital.
01:50Sa ngayon po, nasa ospital po siya, nagpapagaling.
01:54Kasi po, dun sa aksidente, nagtamo po siya ng fracture sa kanyang hita.
02:00Bali, nadurog po yung buto niya doon.
02:03So, kakailanganin po na lagyan ng bakal at saka sebentuhan.
02:07Sa ngayon po, ay matibay po at buo po ang desisyon po namin na magsampa po ng kaukulang kaso.
02:17Iniimbisigyan na ng pulisya ang insidente at inaalam kung bakit nawalan ng kontrol ang driver ng kotse.
02:22Para sa GMA Integrating News, Bam Alegre, nakatutok 24 oras.
02:26Tiwala ang COMELEC na matatapos ngayong araw ang canvassing ng natitirang 16 na Certificate of Canvas sa gitna ng aberya sa transmission ng ilang COC.
02:43At nakatutok live si Sandra Aguinaldo.
02:46Sandra?
02:47Yes, Vicky. Pasado alas 4 ng hapon ay naglabas ng Canvas Report No. 1 ang COMELEC na nagpapakita po ng partial and official result.
02:59Pero ito po ay nakabase lamang sa 58 na Certificates of Canvas na kanila po nabilang noong unang araw ng canvassing noong May 13.
03:09Hindi po muna namin ito ilalabas dahil po hindi po naglabas ng ranking ang COMELEC.
03:16Pero kanina ay kinailangan po maghintay ng COMELEC sa ilang Certificates of Canvas mula sa ibang bansa sa pagpapatuloy po ng canvassing ngayong araw.
03:25Sa ikatlong araw ng canvassing, 16 na Certificate of Canvas na lang ang kailangang bilangin ng National Board of Canvassers.
03:37Pero may mga COC mula sa ibang bansa na nagkaproblema ang transmission, gaya ng mula sa Russia, Iran at Poland.
03:44Kaya dadalhin pa sila sa pinakamalapit na embahada o konsulado sa ibang bansa.
03:49Russia, ang nearest post na pwede mag-transmit is Qatar.
03:53So go to Qatar rather than going to the Philippines.
03:56For example, yung Iran, kaysa pa-uwiin sa Pilipinas na pahahanap ka ng ticket, etc.
04:04So wait na lang kasi pwedeng land travel eh.
04:07Sa COMELEC Warehouse sa Binyan Laguna naman, kinanvas ang mga COC mula Portugal, South Africa at Pakistan.
04:14Ang makinang pang-transmit kasi para sa mga nasabing lugar na harang sa customs ng mga nasabing bansa.
04:21Ang kagandahan nga po na tayo po ay naka-internet voting sa mga bansa na yan, part ng contingency po natin dito ay mag-configure ng kaparehong-kaparehong consolidation ng canvassing system.
04:33Hihintayin pa rin ang COMELEC ngayong araw ang mga delayed na COC at tiwala ang COMELEC na matatapos ngayong araw ang canvassing.
04:40Sa Sabado na raw ang proklamasyon ng labindalawang winning senators.
04:44Sa lunes naman ang sa party list.
04:47Ayon sa COMELEC, umabot sa 81.65% ang voter turnout nitong nagdaang eleksyon, pinakamalaki sa kasaysayan ng midterm elections.
04:57Basis sa inisyal natin pagtingin, talagang dumagsa ang kabataan.
05:01Yung boses nila gusto nila talagang gusto ng sambayanan na mapakinggan.
05:05Vicky, yung inireport ko ngayon-ngayon lamang na mga delay sa transmission mula sa ibang bansa.
05:16Nitong hapon, finally sinabi po ng COMELEC na naitransmit na at nakapasok na po dito yung COC ng mga yan.
05:24At yan nga po yung kasalukuyang binibilang pinoproseso dito sa aking likuran.
05:29Yan po yung mga National Board of Canvassers nakaupo po sa harapan.
05:32So yan muna, Vicky, ang pinakahuling ulat mula dito sa Canvassing Center ng National Board of Canvassers.
05:38Vicky?
05:39Maraming salamat sa iyo, Sandra Aguinaldo.
05:43Binaha ang ilang lugar sa Mindanao dahil sa malakas na buhos ng ulan.
05:48Stranded naman ang ilang residente at merong pang muntik matangay ng malakas na agos ng tubig.
05:55Nakatutok si Maris Umali.
05:56Gumamit na ng lubid ang mga rescuer para masagip ang tatlong residenteng stranded sa Panghi River sa Maitom, Sarangani.
06:08Ayon sa Sarangani Police, pauwi na ang mga ito at tinatawid ang ilog nang bigla na lang umanong tumaas ang tubig.
06:15Pahirapan ang pagsagip, lalo't malakas ang agos.
06:18Dati parang umuulan sa taas sa mga balubundukin natin, several hours ago, nung kanilang nakakahakinang daan na yon ay biglang sumas yung tubig at umuting na silang madali dun sa flashback.
06:30Mistulang ilog naman ang highway na binabagtas ng ilang sasakyang yan sa bahagi ng Dato Abdullah Sanki, Maguindanao del Sur.
06:37Nalubog sa baha ang kalsada kasunod ng malakas na buhos ng ulan kagabi.
06:41May ilang bahagi rin ang bayan kung saan mas mataas at malawak ka ng pagbaha.
06:46Muntik nang tangayin ang bahang isang motorista sa Center Minoy Aquino Sultan, Kudara.
06:54Agad tumulong ang mga nakasaksing residente at ligtas na naitawid ang rider at kanyang motorsiklo.
07:01Umulan siya ng malakas, bali hindi makadahan yung aming motor kasi...
07:04Sa bayan naman ang Esperanza, stranded sa bahang ilang motorista at residente.
07:09Ayon sa pag-asa, walang bagyo at lalong wala pa tayo sa tag-ulan.
07:13Inter-Tropical Convergence Zone o ITCZ at thunderstorms ang nagpabaha sa ilang bahagi ng Mindanao.
07:20Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali Nakatutok, 24 Oras.
07:25Nabalian at posibleng maputulan ng paa ang isang tuta na walang awang binalibag at pinagpapalo ng isang lalaki.
07:33Lasing umano ang suspect na nagpa-blatter pa sa barangay dahil kinagatlaw siya ng tuta pero wala namang nakitang sugat.
07:40Ang nahulikam na pananakit sa pagtutok ni E.J. Gomez.
07:47Sa pulsa video, ang pagbalibag ng lalaking ito sa isang tuta sa barangay Santolan, Pasig.
07:57Ayon sa may-ari ng tuta, pinsan niya ang lalaking nahulikam na nangabuso sa kanyang alagang si Kikiam.
08:04Kwento pa ng ilang saksi, bigla na lang daw ng gulo sa lugar ang nakainom na sospek.
08:09Hindi na nakuna ng video pero bago raw ang pagbalibag sa tuta, ilang beses pa raw itong pinagpapalo ng sospek.
08:16Tapos po, sabi niya, ay nangangagat ka.
08:19Bigla niya pong pinaghahabol po ng chinelas, nampas-ampas niya pong sinipas.
08:24Sinipa niya pa po yun eh.
08:25Matapos ang insidente, nagsumbong parawang nalaki sa barangay na nakagat siya ng aso.
08:43Pero ayon sa barangay, wala silang nakitang kagat sa sospek.
08:47Noong una, nagpa-blatter siya. Ang sabi niya, nakagat siya ng aso. Lasinga siya, nang muta rito.
08:53Ang tuta, isinugod sa veterinaryo.
08:56Kapag di daw gumaling, nakuha sa gamot, baka potulin yung sampaan niya. Kasa may crack, kasa may buto.
09:04Sinubukang ipatawag sa barangay ang sospek na isa raw tricycle driver pero hindi siya sumipot.
09:09Itutuloy raw ng may-ari ng tuta ang pagsasampa ng reklamo.
09:13Nung makita po nila yung tricycle, iba na po yung mabibiyahe. At ang sabi po nung tiyahin, eh wala na raw doon. Umalis. Nagtago. Nagpunta na po ng Pampanga.
09:25Ito ay clearly act of cruelty. Ito yung exact act na pinagbabawal ng Animal Welfare Act.
09:33Ang sino mang mapapatunay ang lumabag sa Animal Welfare Act ay posibleng makulong ng isa hanggang dalawang taon.
09:41Nananawagan sila sa sospek na sumuku na.
09:44Para sa GMA Integrated News, EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
09:50Dalawa ang nagpapakilalang oposisyon.
09:55Bagaman ayon sa isang political scientist, e malabo ang kahulugan niyan sa Pilipinas.
10:00Kung saan mahigit sa dalawa ang mga partido?
10:03Walang problema sa palasyo kung may oposisyon.
10:06Masta, hindi pan sarili lang ang ipinaglalaban.
10:10Nakatutok si Maki Pulido.
10:12Sa 20th Congress, tila may nabubuong dalawang kampo ng oposisyon.
10:20Sa isang banda, mga pro-Duterte na sumusuporta kay Vice President Sara Duterte
10:24na nagsabi ng bubuo ng malakas na oposisyon laban sa Marcos Administration
10:29at ang oposisyon noong Duterte Administration,
10:32kabilang ang presumptive senators na sinadating Sen. Bam Aquino at Kiko Pangilinan
10:36at kasalukuyang Sen. Risa Ontiveros.
10:39It's independent opposition kung isalarawan ang grupo nila ni Laila Delima
10:43na inaasahan rin pasok sa Kamara bilang ML Partylist Representative.
10:48Gusto namin yun na ganun ang magiging role namin,
10:50independent opposition as fiscalizers.
10:55Ayon kay UP Professor Jean Franco,
10:57tila mahalaga kina Delima na maihiwalay ang kanilang grupo
11:01sa mga kaalyado ng mga Duterte.
11:02The reason perhaps why Delima said that they're going to be the independent opposition
11:08is because they want to veer away from the Duterte opposition.
11:16Ayon naman kay UP Professor Aris Arugay,
11:19maaring ang aayaw sa anumang kolaborasyon ay mga kakampi ni Duterte.
11:23Ang pagiging opposition daw kasi ng grupong ito
11:25ay dahil nag-away ang mga Marcos at Duterte
11:28at hindi dahil sa prinsipyo.
11:30Once that unity team broke up,
11:32naririnig na natin noon pa na
11:34yung mga Duterte-based or yung mga Duterte loyal politicians,
11:41they started behaving like the oppositions.
11:45Pero punto ni Professor Franco,
11:47sa Pilipinas nagiging malaburaw ang depinisyon
11:49ng terminong oposisyon.
11:51In two-party systems, malinaw yun.
11:55Kung ang incumbent, hindi mo kapartido,
11:59ikaw yung opposition.
12:00Pero sa sistema natin na ang nangyari,
12:04marami masyadong political parties,
12:06talagang ang mangyayari,
12:08iba't iba yung magiging opposition.
12:12Ang Malacanang naman may tinukoy na dalawang mukha ng oposisyon,
12:15ang legit o legitimate opposition
12:17at opposition obstructionist
12:20o yung sadyang nanghaharang ng mga programa
12:22o hakbang ng administrasyon.
12:24Inaasahan din po ng administrasyon
12:26ang presensya ng legitimong oppositionist.
12:31Pero lalabanan po ang mga obstructionist
12:33na nagtatago sa pangalan ng oppositionist.
12:38Mga obstructionist na maaaring pansarili lamang
12:41ang kanilang ilalaban.
12:43Walang tinukoy si Undersecretary Claire Castro
12:45kung sino-sino ang tinutukoy niya.
12:47Sa tingin ni Arugay,
12:48opposition man,
12:49makikipagtulungan pa rin si Delima
12:51at mga kaalyado niya sa Administrasyong Marcos,
12:53depende kung nakaliniyang isyo sa prinsipyo nila.
12:57Tulad halimbawa ng pagtanggap ni na Delima,
12:59Chell Jocno,
12:59na maging bahagi ng prosecution panel
13:01sa impeachment trial ni Vice President Duterte.
13:04Hindi naman natin pwedeng sabihin na
13:06lahat ng polisiya,
13:08lahat ng posisyon ng Marcos Jr. administration,
13:13agreeable sila.
13:14So may tinatawag tayong areas
13:16where they can work together,
13:18but they will continue to be opposition
13:21and criticize the administration,
13:24fiscalize the Marcos Jr. administration
13:26if necessary.
13:27Ayon mismo kay Atty. Chell Jocno
13:29na inaasa ang papasok sa Kamara
13:31bilang Akbayan Party List Representative.
13:33Hinihinga namin ang reaksyon
13:58ng mga kabilang sa Duterte faction
14:00sa sinabi ng Malacanang.
14:01Para sa GMA Integrated News,
14:03makipulido na katutok, 24 oras.
14:09Good evening mga kapuso!
14:12Booked and busy ngayon si Kelvin Miranda
14:14na bibida sa episode ng Magpakailanman
14:16this Saturday, May 17.
14:18At very excited na rin si Kelvin
14:20para sa Encantadia Chronicles Sangre.
14:23Makichika kay Lars Anciago.
14:24Masalimuot ang buhay ng karakter ni George,
14:31ang role na ginagampanan ni Sparkle star Kelvin Miranda
14:35sa Magpakailanman episode na may pamagat
14:39na Three Sisters and One Lover.
14:42Sa kwento, magkakaroon siya ng relasyon
14:46sa tatlong babae na magkakapatid pala
14:49na ginagampanan ni Naara San Agustin,
14:53Lizelle Lopez at Thea Tolentino.
14:56Sa kwento, ang sabi,
14:58hindi sila talaga magkakakilala.
15:01Aksidente, minakal ko silang magkakapatid.
15:04Yun yung nasa story.
15:06Pero sino nga ba talaga yung makakatuluyan sa dulo?
15:10Kumusta naman kaya na tatlong babae
15:12ang kasama niya sa set?
15:14Awkward kasi unang-una si Ara,
15:19ate ko siya dati sa isang show.
15:23Tapos parang dito, naging lover kami.
15:26Pero since mabayat si Ara at madali siyang katrabaho,
15:30hindi naman ako nahihirapan para kumonecta saan niya.
15:34Ganun din naman si Thea.
15:35Si Lizelle, first time ko siyang naging partner on screen.
15:39Samantala, ngayong malapit nang ipalabas
15:43ang Encantadia Chronicle Sangre.
15:45Tumataas ang nararamdamang excitement ni Kelvin,
15:49lalo na kapag napapanood niya ang mga trailer.
15:52Natutuwa po ako.
15:55Parang lahat po nung pinigihirapan namin,
15:59unti-unti nang nakikita ng mga audience
16:01and maraming natuwa sa mga nakapanood
16:05and nakakakita ng mga lumalabas na promo ng Sangre.
16:11Maging si Kelvin nga raw ay nagugulat
16:13sa nakikita niyang teasers ng Sangre,
16:17katulad ng pagkakaroon ng snow sa EDSA.
16:20Unexpected siya nung promo.
16:23Hindi ko iniisip na ganun klase yung gagawin nilang atake
16:28pagdating sa pagpapromote ng Sangre.
16:31Sobrang effort, sobrang talagang pasok sa story.
16:38Kaya talaga mako-curious ka ano nga ba talaga yung
16:41meron sa Encantadia.
16:43Ano ba yung nababalot sa Encantadia ngayon?
16:46Bakit ganun?
16:47War Santiago updated sa showbiz happening.