Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 3 days ago
Ilang oras na lang ang botohan! Sa mga first time na hahabol, panoorin ang aming voter's guide!


The GMA Integrated News' 32-hour special coverage for #Eleksyon2025. 

Panoorin dito ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025!


WATCH: https://ow.ly/cEFT50VQHix

Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news
.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews


Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/


Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews

Category

📺
TV
Transcript
00:00Samantala sa mga papunta pa lamang sa mga voting center para bumoto, may mga bawal pong gawin ha.
00:06Ang mga hindi dapat gawin ngayong election 2025 at kung paano ang tamang pagboto, alamin natin sa dapat totoo.
00:13Election 2025 report ni Mark Salazar.
00:20Handa na ba kayong bumoto? Narito ang mga dapat niyong gawin at tandaan.
00:25Una, alamin muna kung saan presinto ka boboto.
00:28Makikita yan sa precinct finder ng COMELEC.
00:31Pagdating sa inyong voting precinct, pumunta sa electoral board at sabihin ang inyong pangalan, precinct number at sequence number.
00:39Titignan ng electoral board ang inyong pangalan at litrato sa voters list at kung may indelible ink sa inyong kuko.
00:46Matapos ang verification, bibigyan ka na ng balota, ballot secrecy folder at marking pen.
00:52Sunod, punta na sa voting area at pwede ka nang bumoto.
00:55Paalala po ha, ingatan ng balota dahil isang balota lang ang nakalaan katapotante.
01:01Huwag maglagay ng anumang marka sa balota liban sa pagshade sa bilog.
01:05Huwag din mag-overvote para hindi ma-invalidate ang boto.
01:09Halimbawa, sa senador, hindi dapat lalampas sa labing dalawa ang ishishade.
01:14Pagdating naman halimbawa sa mayor, dapat isa lang ang iboboto.
01:18Pwede mag-undervote o mas kaunti ang iboto, pero huwag sobra o mag-overvote.
01:23Pagkatapos bumoto, ipasok na ang balota sa automated counting machine o ACM.
01:28Hintayin ang resibo at tingnan sa screen ang ballot image.
01:32Suriin ang resibo at ihulog sa nakatakdang lagayan.
01:36Huwag punan ng litrato ang balota, voters receipt o ACM screen.
01:41Ibalik ang ballot secrecy folder at marking pen sa electoral board at magpalagay ng indelible ink.
01:47Bawal pong ilabas ang balota, voters receipt, marking pen, ballot secrecy folder.
01:53Para sa malinis na eleksyon, maging responsabling butante.
01:57Huwag ipagbili ang boto.
01:59Vote buying ang pagbibigay, pag-aalok o pangangako ng pera, posisyon o anumang bagay na may halaga para iboto o hindi iboto ang kandidato.
02:09Kasama rito ang pagbibigay ng pera gamit ang digital wallets o online banking transactions.
02:15Bawal din ngayong araw ng eleksyon ang pagbibigay o pagtanggap ng libreng sakay, pagkain, inumin at iba pang bagay na may halaga.
02:24Pamimigay ng sample ballots o anumang propaganda para o laban sa kandidato o partido.
02:30Bawal na rin mga panya.
02:31Pati pagdaraos ng mga palaro kung saan namimigay ng papremyo ang mga kandidato o tagasuporta.
02:37Ang lalabag pwedeng makulong, madisqualify at mawala na kanapat ang bumoto.
02:42Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, dapat totoo sa eleksyon 2025.

Recommended