Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
The GMA Integrated News' 32-hour special coverage for #Eleksyon2025. 

Panoorin dito ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025!

WATCH: https://ow.ly/cEFT50VQHix

Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news.

Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews

Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/

Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews

Category

📺
TV
Transcript
00:00Welcome to the situation at Iloilo City at nagbabantay roon.
00:05Zen Kilantang Sasa ng GMA Regional TV.
00:14Connie, paraminang-paramina ang mga bumoboto dito sa Baluarte Elementary School
00:20na pinakamalaking voting center sa Iloilo City na may 26 clustered precincts.
00:27Dito ay nasa hangboboto ang 20,085 na mga botante mula sa siyam na barangay.
00:34Sa gitna ng botohan, may isang senior citizen na botante na lumapit sa news team na nagreklamo
00:39matapos umano nitong makita na sumobra ang bilang ng kanyang mga ibinoto base sa lumabas sa voter receipt.
00:46Ayon sa botante ang lumapit sa news team, sa senatorial candidates,
00:50apat ang kanyang binoto ngunit lumabas sa resibo na anim.
00:54Sa city councilors naman, apat din ang kanyang binoto, subalit lima ang lumabas.
00:59Agad namang tinugunan ng Electoral Board ang reklamo at iniligay sa minutes ang insidente.
01:04Ayon sa Iloilo City Comelec, mahalagang idulog sa mga miyembro ng Electoral Board ang ganitong mga issue.
01:10Maaari rin silang magreklamo sa oras ng canvassing.
01:13Ayon kay Atty. Pinky Tantativa, election officer ng Iloilo City Comelec,
01:17mahalagang maging mabusisi ang mga abatante sa pag-review ng official ballot bago ilagay sa mga automated counting machine.
01:25Connie, yan ang latest.
01:26Mula rito sa Iloilo City, ako si Zen Kilantang Sasa ng GMA Integrated News.
01:30Dapat totoo para sa eleksyon na 2025.
01:33Oo, Zen, na-explain ba nung mga nadyaan na election board of inspectors kung paano magiging proseso?
01:39Kung halimbawa, yung mismong nag-re-reklamo, kailangan ba siyang humarap doon sa Comelec para sabihin na talagang meron siya na encounter na sobra doon sa binoto niya?
01:52Paano ba yun?
01:56Yes, Connie, according sa Comelec, kapag may mga ganitong pagsobra sa boto, maaari silang magreklamo during canvassing.
02:06Pero for the meantime, habang nagpapatuloy yung eleksyon, ay kailangan na ilagay lang muna ito sa minutes at magpapatuloy naman ang eleksyon para hindi na maabala yung iba pang mga botante.
02:18Connie?
02:19Pero ito ay mangyayari after na, kumbaga talagang pag-iimbestigahan na, saka sila ipapatawag. Ganun ba, Zen?
02:28Yes, Connie, if yung complainant ay ready o handa na magreklamo sa board of canvassers.
02:35Alright, maraming salamat sa iyong update sa amin, Zen Kilantang Sasa ng GMA Regional TV.

Recommended