The GMA Integrated News' 32-hour special coverage for #Eleksyon2025.
Panoorin dito ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025: https://ow.ly/cEFT50VQHix
Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews
Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/
Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews
Panoorin dito ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025: https://ow.ly/cEFT50VQHix
Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews
Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/
Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews
Category
📺
TVTranscript
00:00At ngayon po, kamustahin natin ang botohan sa Bacolod City at nag-uulat live si Adrian Prietos ng GMA Digital TV.
00:07Adrian!
00:11Yes, Pia, mga kapuso, isang mainit na umaga, literal na mainit na umaga mula rito sa Bacolod City.
00:18Patuloy nga mga kapusong pagdagsa ng maboboto dito sa Jose R. Torres Elementary School
00:23kung saan inaasahan ang nasa may 13,000 registered voters.
00:27Kabilang itong mga kapuso, sa may 20,800 voters mula sa Barangay Singkang Airport,
00:32ang top two barangay na may highest number voters across 61 barangays sa City of Smiles.
00:39Dahil dagsangang mga tao dito sa J.R. Torres Elementary School,
00:42nang hina at nahilo ang ilang mga botante dito sa J.R. Torres Elementary School sa Bacolod City
00:47dahil nga sa matinding init ng panahon.
00:50Kahit medyo umaga pa nagtungong ang ilan nating mga kapuso sa voting centers kanina,
00:56naging pahirap pa naman ang pila.
00:59Dahil sa tagal ng pila, kasabay ng matinding init ng panahon,
01:02may mga nahilo, may ilan ding nang hina at halos nakimatay na.
01:08Naabutan nga ng news team ang isang 73-anyos na lola na sumama ang pakiramdam.
01:13Nadulas ito sa kanyang bahay kahapon,
01:16ngunit bumoto pa rin kaninang umaga.
01:19Dahil sa tindi ng init ng panahon at iniindan itong sakit,
01:22sumama ang pakiramdam nito.
01:23Kaagad namang rumisponde ang rescue team at pinauwi na lang itong lola.
01:28Ang ilang mainan naman ako, may dala pang sanggol habang pumipila.
01:33Ang ilang senior citizen mga kapuso,
01:35sa ilalim ng puno na muna nagpahinga,
01:38may ilang nagdala naman ng rechargeable fan,
01:41parang SOP na magbitbit ng rechargeable fan sa Ereksong 2025.
01:47Mga kapuso, nananatili namang pahirapan,
01:48ang paghahanap ng polling precincts ng mga butante dito sa Bacolod City.
01:54Mabuti na lang ang kaagapay natin o kaagapay ng mga butante,
01:57ang mga volunteers, mga Gen-C volunteers natin,
02:00mula naman sa PPCRV mga kapuso.
02:04Kakaunti lang rin ang namataan nating bumotong vulnerable sector
02:08sa early voting window na nagsimula naman kaninang 5 a.m.
02:14Payo ng COMELEC at payo ng PPCRV at syempre ng mga lideres dito sa Ereksong 2025 sa Bacolod City.
02:25Nako, kung boboto ngayong oras,
02:28magdala ng payong, magdala ng pamaypay at magdala ng tubig na maiinom.
02:35Pia, Mel, mga kapuso, yan muna ang latest mula rito sa Barangay Singkang Airport.
02:40Mula rito sa Bacolod City, ako si Adrian Prietos ng GMA Integrated News.
02:44Dapat totoo para sa Ereksyon 2025.
02:49Maraming salamat, Adrian Prietos ng GMA Regional TV.
02:53At siguro magdala na rin ng imahabang pasensya.