Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Kaliwa’t kanan ang mga insidente at disgrasya dahil sa pagmamaneho! Kaya naman ang LTFRB— hihigpitan na raw ang proseso sa pagkuha ng lisensya! Panoorin ang video.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Dahil sa sunod-sunod na aksidente at disgrasya sa kalsada,
00:05ang hot topic ngayon, lisensya.
00:07Maraming araw sa mga driver sa daan hindi qualified na mabigyan ito.
00:12Sabi ng Department of Transportation o DOTR,
00:15mas hihigpitan na ang pag-issue ng mga lisensya
00:18sa mga driver ng pampubliko at pribadong sasakyan.
00:23Pero ano nga mag sinasabi ng batas tungkol sa pagkakaroon ng lisensya?
00:27Ask me, ask Attorney Gabby.
00:30Attorney, sa batas ba natin?
00:37Sino ang mga pwedeng kumuha ng lisensya at ano ang requirement?
00:41Well, para sa mga Pinoy, kasi actually ang mga foreigners pwedeng mag-apply,
00:45napakadaling mag-apply for a driver's license.
00:48Unang-una, dapat ay 17 years old.
00:51Marunong magbasa at magsulat sa Filipino and or English
00:55para mga kandidato lang natin sa eleksyon.
00:57Dapat ay merong student driver's permit for at least one month,
01:01physically and mentally fit to operate a motor vehicle.
01:06Walang unsettled traffic violation.
01:08Dapat ay nag-attend ng practical driving course mula sa LTO Drivers Education Center
01:14o sa isang LTO Accredited Driving School or LTO Accredited Testa Training Center.
01:20Tapos na po yung mga araw na tinuturuan lang kayo sa tabi-tabi dyan.
01:24And of course, dapat pumasa sa Automated Theoretical Examination and Practical Driving Test ng LTO.
01:30Siyempre, kasama sa mga requirement, dapat kayong mag-submit ng medical certificate mula sa isang LTO Accredited Clinic.
01:39Unfortunately, alam naman po natin na hindi naman nakikita sa mga medical exam na yan.
01:44Kung talaga bang mentally fit, kung mainitin ba ang ulo ng driver na to,
01:48o kung may predisposition sa road rage.
01:51So, napaka-basic ng ating mga requirements para po makakuha ng lisensya.
01:57Attorney, issue sa pagkuhan ng lisensya, yung mga hindi dumadaan sa tamang proseso at nagbabayad lang sa fixer.
02:04Ano ba ang pwedeng kaharaping kaso kapag ganito ang ginawa mo?
02:08Naku, dati talaga lagana pa mga fixers sa mga kumuha ng mga lisensya.
02:13Many decades ago, I think nung kumuha ako ng lisensya.
02:16Parang pati yung sagot sa exam, ibinibigay o kung minsan, ako wala nang exam-exam pa.
02:22Ganon din sa practical driving exam, wala nang exam dahil may nag-aareglo.
02:27Pero ever since then, actually, krimen na ngayon.
02:30Ang pag-aareglo o paggamit ng fixer dahil ginawa ng iligal ang fixer
02:34sa ilalim ng Republic Act 9485 na may anti-fixer provisions.
02:39Sa ilalim po ng batas na to ang isang fixer,
02:42eh ito nga yung isang tao na nag-aareglo ng mga transaksyon sa mga governed agencies
02:47for a fee or some other consideration.
02:50Maaaring empleyado din ito, isang taong tagalabas na may kakilala sa loob.
02:55Eh yan naman ang palaging linya ng fixer, di po ba?
02:58Na may kakilala sa loob.
03:00Kaya mabibilis ang papel o maaareglo ang lisensya kahit na kulang o walang requirements.
03:06Pero may criminal liability for fixers hanggang 6 na taon po na kulong
03:11at may fine na hanggang 200,000 pesos.
03:14Kung may kasabwat sa loob na government employee,
03:17dagdag sa liabilidad na to,
03:19ang government employee may permanent disqualification pa from public service.
03:24So alam na natin, dapat po, stricto po tayo.
03:27Hindi lang sa pagkuhan ng lisensya,
03:29pero yung pag-drive, di ba?
03:31Yung pag may stop sign.
03:33Yung yellow does not mean bilisan pa.
03:35Lahat ng mga yan.
03:36Anyway, bumalik kayo at mag-learn mula sa mga driving regulations natin.
03:42Mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
03:45Para sa kapayapaan ng pag-iisip,
03:47huwag magdalawang isip.
03:49Ask me, ask attorney Gabby.
03:51Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GME Public Affairs YouTube channel?
03:57Bakit?
03:58Mag-subscribe ka na, dali na!
04:00Para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
04:03I-follow mo na rin yung official social media pages ng unang hirit.
04:07Salamat ka puso!

Recommended