Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Kasunod ng malagim na aksidente sa NAIA nitong Linggo ay binago na ang sistema ng pagparada sa NAIA Terminal 1 at 2. Pinaiimbestigahan din kung tama ba ang disenyo at pagkakakabit sa mga bollard o harang doon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kasunod ng malagim na aksidente sa Naia nitong linggo ay binago na ang sistema ng pagparada sa Naia Terminal 1 at 2.
00:10Pinayimbestigahan din kung tama ba ang disenyo at pagkakabit sa mga bollard o harang doon.
00:18Nakatutok si Ian Crone.
00:22Dahil ayaw ng maulit ang pag-ararong ito ng SUV sa Naia nitong linggo na ikinasawin ng dalawang tao,
00:29ipinagbawal na ng Department of Transportation ang pagpaparada ng paharap sa Terminals 1 and 2.
00:36Sa halip, gagayahin na lang ang ginagawa sa Terminal 3 kung saan kumihinto lang ang mga sakyan para magbaba o magsakay.
00:43Nag-usap na kami ng San Miguel Corp. at ng IA, papagawin na nila. Inaayos na nila yung traffic flow.
00:52Parallel unloading na yan ayon sa Nunaiya Infra Corporation o NNIC.
00:56Ibig sabihin, pahilera yan o kalinya ng bangketa na anilay mas ligtas,
01:02imbis na ang kasalukuyang palihis na pagpwesto ng mga sasakyan.
01:06Kasabay niya ng reinforcements o pagpapatibay sa bollards o yung mga harang.
01:11Pero patuloy pa rin iniimbestigahan ng Transportation Department ang mga pinalitan ng bollard.
01:17Ang nasa Terminal 1 kasi, nakaturnilyo at bahagyang nakabaon lang kaya itinumba ng nakabanggang SUV sa halip na maharang nito.
01:25Mababaw, nakita ko kasi nung natanggal eh, pinapaaral natin sa mga nakakaintinding mga engineer
01:30at nakakaintindi ng mga international standards sa airports kung substandard nga ba ang disenyo at pagkakabit nito.
01:38Nakakalungkot po, may mga nasawi dahil sa diumanon depektibo na bollards na nainstall po sa NIA Terminal 1.
01:45At ito po ay nainstall sa panahon po ng dating administrasyon at sa panahon po ni Transportation Secretary Arthur Tugade.
01:59Ngayon po ay pinag-iimbestigahan. Ito po ay July 2019 nung nainstall po ang mga ito.
02:048 million pesos ang inilaang budget noong 2019 para sa mga bollards sa mga terminal ng NIA.
02:10Sa isang pahayag sa GMA News Online, sinabi ni Nooy Transportation Secretary Arthur Tugade na supportado niya ang pag-iimbestiga sa mga bollards.
02:19Dapat anyang managot kung sino man ang may kasalanan o pagkukulang.
02:25Ganito ang mangyayari kung hindi depektibo ang isang bollard base sa demonstrasyon ng isang kumpanyang may ganyang produkto.
02:31Hindi nasira o nabunot ang stainless bollard na 0.6 meter ang taas at nakabaon ng 0.4 meters.
02:40Kahit tinamaan ng 6,800 kilo truck na tumatakbo ng 65 kilometers per hour mula sa matarik na lugar.
02:48Samantala, bukod sa naunang tulong sa ama ng batang nasawi,
02:52ay pinaalalayan din ang kanyang physical and mental health ni Pangulong Bongbong Marcos sa Migrant Workers Department.
02:58We have surrounded him and the family with personnel who are equipped in providing psychosocial counseling.
03:05Nasa postodial facility pa rin ng Mobile Patrol Security Unit ng PNP Aviation Security Group ang driver ng SUV na nagnegatibo na sa alcohol at drug test.
03:16Kahapon siya na inquest para sa mga reklamang reckless imprudence resulting in two counts of homicide, multiple injuries and damage to properties.
03:25Kabilang sa iniimbestigahan ay human error.
03:27May mga factors ano, pag yung mga drivers natin is hindi na-concentrate.
03:36Minsan, pag tuliro, maraming iniisip.
03:41Minsan yung cellphone is tinitignan yung cellphone.
03:45Isa rin po yan, sa factor.
03:46Tumanggi na magpa-interview ang driver ayon sa mga polis.
03:49Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz, Nakatutok, 24 Horas.

Recommended