Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Sako-sakong bigas mula NFA Region 7, sisimulan nang hakutin para dalhin sa iba’t ibang LGU sa Cebu

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inakot na kagabi ang mga sako-sako ng bigas mula sa warehouse ng NFA Region 7
00:05papunta sa iba't ibang LGU sa lalawigan ng Cebu.
00:09Bawat sako sinuri para matiyak na dekalidad ang mga ibibentang bigas sa lalawigan.
00:14Ang detalye sa Balitang Pabansa ni Jesse Atienza ng PTV Cebu.
00:21Ilang araw bago ang nakatakdang pagbibenta ng 20 pesos kada kilong bigas,
00:26nagsidatingan na ang mga tracts sa warehouse ng NFA sa Region 7 sa Cebu City.
00:32Matapos makakumpleto ang mga requirements, sinimula na ang paghahakot ng mga NFA RISE.
00:38Pagdating dito, dapat ipipresent nila yung kanilang identification card
00:43to make sure na sila yung authorized representative na authorized from FTI na mag-withdraw ng ating stocks.
00:52At sa kumakikita nga natin, bago inabas itong mga sako-sako ng mga NFA RISE,
01:01ay nagsasagawa ng mga kubat sampling itong mga kawaning ng NFA.
01:08Ang purpose talaga nito is masuri nila yung laman ng sako ng NFA RISE.
01:15Una-una dyan, yung discoloration. Pangalawa naman, kung may infestation.
01:20So, chinchek nila kung may peste ba sa laman ng bag.
01:24At yung mga sako ng NFA RISE na may discoloration o kaya may nakita silang mga insekto o mga peste ay nalagay dito.
01:34Nagsasagin, hindi sila sinasama sa pagkarga papunta sa mga truck.
01:39At itong mga sako-sako ng mga bigas na ito ay siyang gagamitin para sa pagbibenta ng 20 pesos kada kilo ng bigas
01:50na programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magsisimula ngayong May 1 dito sa lalawigan ng Cebu.
01:59Paliwanag ng NFA Cebu, mahigpit ang pagsusuri na kanilang ginagawa sa mga sako ng bigas bago ipalabas.
02:10Ito ay para masiguro na ligtas at dekalidad ng mga bigas.
02:14Bawal po talaga kami mag-issue ng infested stocks.
02:17So pag may nakitang infestation, so hindi pwede yung i-issue.
02:23At tsaka yung discoloration naman, pag mataas yung level of discoloration ng ating bigas,
02:31sinesegregate namin, hindi namin ini-issue to the LGU.
02:35So yun lang talagang good quality na stocks yung ini-issue namin to avoid complaints sa mga consumers natin.
02:45Inaasahan ang pagdagsa ng mas maraming tracks sa NFA Warehouse sa Cebu City ngayong araw.
02:50Ito ay para matiyak na sapat ang murang bigas sa May 1.
02:54Mula sa PTV Cebu, Jesse Atienza para sa Balitang Pambansa.

Recommended