Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 3 days ago
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kahit sa mismong balikatan kasama ang Amerika, tila hindi pa rin tinantanan ng China ang Pilipinas.
00:06Ang isa nating barko nilapitan at binantayan ang mga warship ng China.
00:10Nakatutok si Chino Gaston.
00:15Alas 8 ng umaga, biglang lumitaw sa dagat ng Northern Luzon at sumalubong sa BRP Apollinario Mabini
00:21ang Jangkai 2-class frigate ng China na may bow number 579.
00:25Umikot ito sa likuran ng barko ng Philippine Navy at tila nagmamasid ng malapitan.
00:31Sa laki ng barko ng China, nanliit ang barko ng Philippine Navy na tuloy lang ang paglalayag.
00:35Sa pagpapatuloy ng division tactic exercises kasama ang BRP Ramon Alcaraz, BRP Gabriela Silang ng PCG
00:42at US warships na USS Savannah at USS Comstock.
00:47Lumayo kalauna ng Chinese warship nang magsimulang mag-maneuver ang literal combat ship na USS Savannah
00:53para simulan ang line formation sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
00:58Dalawang iba pang barko ng China na may bow number 500 at Dongyau 2-797 Auxiliary Surveillance Ship
01:05ang dumating 8 hanggang 15 nautical miles mula sa formation ng mga magkakaalyadong bansa.
01:12Nagpalipaddaman ng helicopter ang USS Comstock na lumapit sa mga barko ng China at nagsagawa ng aerial survey.
01:18Ilang beses na radio challenge ng BRP Ramon Alcaraz ang mga barko ng China na nag-radio challenge din pabalik.
01:25Sinong subot pa namin makunan na pahayag ang Chinese embassy kaugnay nito?
01:29We will not have an effect doon sa execution ng mga event natin.
01:34We will focus on our objective which is to enhance our interoperability and cooperation with other nations.
01:41Sa isang parte ng exercise, pinagitnaan ng U.S. at Philippine warships ang BRP Gabriela Silang na tilaabang ine-eskortan habang naglalayag.
01:52Siyam na iba't ibang ship formation ang ginawa ng mga barko ng U.S. at Philippine Navy at maging ng Philippine Coast Guard dito sa karagatan ng North Luzon
02:01bilang bahagi ng tinatawag na division tactics ng 2025 balikatan exercises.
02:07Ginawa ito habang nagmamasindi kalayuan ang tatlong warship ng Chinese Navy.
02:13Hindi naman nakaapekto sa ginawang exercise ang pagdating ng mga Chinese warship.
02:21Bukas ipagpapatuloy ang pagsasanay ng mga kaalyadong bansa sa pag-refuel habang patuloy ang paglalayag ng mga barko.
02:28Para sa GMA Integrated News, sino gasto na katutok? 24 oras.

Recommended