Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isang senior citizen ang nasawi sa sunog sa Mandaluyong.
00:04Yan at iba pang insendente ng sunog sa pagtutok ni Darlene Kay.
00:13Halos hindi na makilala ang katawan ng lalaking senior citizen
00:16na na-trapped sa sunog kahapon sa Barangay Barangka, Itaas sa Mandaluyong City.
00:19Ang 87 daunggulang na biktima hindi nakalabas mula sa ikalawang palapag ng paupahang bahay.
00:25Natagpuan natin siya malapit dun sa may pintuan,
00:27So, my indication na mukhang lalabas siya ng bahay niya.
00:31So, maaaring nasupukit na siya ng usok at then doon na siya inabutan.
00:35Sabi ng isang anak ng biktima, mag-isa lang noon ang kanilang ama sa itaas ng bahay ng magkasunog.
00:40Nasa trabaho ko nun, sir.
00:42Duminating ako dito, sunog na eh.
00:45Apektado ang walong pamilya, kabilang ang ilang nangungupahan.
00:49Nasa 150,000 piso ang tinatayang danyos ng sunog na iniimbisigan pa ang sanhi.
00:54Kita naman sa drone video ang lawak at tindi ng forest fire sa Abra-Kalinga Road na bahagi ng sityo pasikad sa Likwan-Baay-Abra kahapon.
01:03Magkatuwang ang mga bumbera TNR Senro Bantay-Gubat sa pag-apula.
01:07Tuluyang napuksang sunog ka rin ng alas 8.30 ng umaga.
01:11Motorsiklo naman ang nagliyab sa gitna ng isang motocross event sa Alabel, Saranggani noong biyernes.
01:16Lupa at putik ang ginamit ng ilang rider at saksi sa pag-apula ng apoy.
01:20Rumesponde rin ang safety personnel sa lugar.
01:22Ang rider agad nakalayo sa sunog.
01:25Ayon sa isang barangay kagawad, nag-overheat ang motorsiklo kaya umapoy ito.
01:29Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay nakatutok, 24 oras.
01:35Dagsa na rin ang mga pasahero sa Batangas Port.
01:38Problema nga lang ng mga pasahero ang ubos ang tiket.
01:41Wala sa Batangas City, nakatutok live si Dano Tincunco.
01:45Dano!
01:46Ivan, gaya nga nang inaasahan, habang umuusad ang araw ngayong linggo ng Palaspas,
01:55eh lalong napupuno ng mga pasahero itong Batangas Port.
01:58Pahaba ng pahaba ang pila ng mga pasahero sa Batangas Port papunta sa Mindoro, Romblon at Visayas.
02:08Si Lisa na papuntang Odjongan, Romblon, laking pasasalamat daw na nag-advance booking siya ng tiket online.
02:14Dati kasi, bali, Wednesday, ganon. Sobrang dami. Eh ngayon po, Sunday pa lang, so wala na pong tiket.
02:23Medyo kampante talaga yan.
02:24Yes, kasi nga po, may tiket na lang. Kasi kung hindi, kinakabahan talaga pagkabal.
02:30Pero si Janet na naghahabol makarating ng Romblon para sa moving up ceremony ng Apobukas,
02:35nakapila kanina pang umaga para pala sa biyahing 5pm bukas pa Odjongan.
02:41Ang biyahe pala kasi ngayong araw, kanina pang 10am ang cut-off.
02:59Napansin nga ng pamunuan ng Batangas Port na mas maagang umalis ang mga pasahero ngayon
03:04kumpara sa Semana Santa nung isang taon.
03:06Naikipag-ugnayan na raw sila sa marina, shipping lines at sa DOTR para makapag-issue ng special permit
03:13para mapunan ang backlog sa mga biyahing pa Odjongan.
03:16Tinatrabaho rin daw na madagdagan pa ang ship calls o yung mga biyahe ng barko.
03:21Kung hindi mapabawasan ang pasahero na tatawi pa punta ng Odjongan,
03:25tuloy-tuloy yan para kulang tayo ng isang barko palagi hanggang Rebe Santo.
03:29Sa tala ng Batangas Port, nasa labing siyam na libo ang mga pasaherong dumaan sa pantalan kahapon.
03:35Tanghali ngayong araw, nakakasampun libo na.
03:38Malaking bagay raw ang mas malaking passenger terminal na mas komportable para sa paghihintay ng mga pasahero,
03:44lalo na yung mga maiiwanan ng barko.
03:46Nasa 8,000 passengers at any given time ang kapasidad ng passenger terminal.
03:51At ibang tulad kanina, dalawa magkaibang sitwasyon yung nandito sa Batangas Port.
04:08Maluwag at halos walang pila dun sa mga pabiyahing Mindoro,
04:11particularly yung Calapan at Occidental Mindoro area.
04:15Pero ang mga papuntang o djongan, nandun ang mahabang pila at pati na rin sa ibang bahagi ng Romblon.
04:23Sa datos ng Batangas Port, nasa 15,000 na inabot ngayong araw yung mga disembarking passengers
04:30o yung mga paalis papunta sa iba't ibang lugar mula rito sa Batangas Port.
04:35Nasa 5,000 naman yung embarking o yung mga parating dito mula sa ibang lugar.
04:40Ivan.
04:41Maraming salamat, Dano Tingkungko.
04:43Naka-code white ngayon ng Department of Health bilang alerto sa mga emergency sa Semana Santa.
04:51May mga biyahero na rin sa Manila Northport para sa mahal na araw at sa eleksyon.
04:56Mula sa Maynila, nakatutok la si Jamie Santos.
05:01Jamie?
05:01Pia, may mang ilang ilang na tayong kababayan ang nagtungo rito ngayong linggo ng Palaspas dito sa Manila Northport.
05:12At kahit mainit ang panahon, hindi nila ito alintana, makauwi lang sa kanika nilang probinsya.
05:17Ngayong Semana Santa, bukas, luna santo, inaasahan ng unti-unti ang dagsa ng mga pasahero.
05:23Kaya naman, naka-high alert na ang lahat ng transportation facility sa bansa.
05:31Sunod-sunod na ang dating ng mga pasaherong pauwi ng Dumaguete, Dipolog at Zambuanga ngayong hapon.
05:37Ilan sa kanila, piniling mauna kaysa sumabay sa dagsa ng mga pasahero sa Mierkoles Santo.
05:43Bakas yun sa mga baapo.
05:45Iiwas sa gulo.
05:46Pagkaman mamayang gabi pa ang biyahe ng barko, maagang pumunta ang mga biyahero sa port para iwas hasel.
05:53May ilan March pa lang bumili na ng tiket.
05:56Susuliti na raw nila ang pag-uwi sa probinsya para sa Semana Santa at makasyon at eleksyon.
06:02Sama-sama, Holy Week at saka buboto po doon.
06:04Fiesta rin po.
06:05Todo bantay ang security officials sa palibot ng port.
06:09Panay din ang ikot ng kawali ng Philippine Coast Guard.
06:11Gamit ang canine, may at maya ang ikot at inspeksyon sa mga dalang bagahe ng mga pasahero.
06:17May nakaantabay ding ambulansya.
06:20May apat na shipping lines na hindi pinahintulutan ng marina bumiyaheng ngayong Semana Santa
06:24dahil sa ilang paglabag tulad ng walang life jacket at mga sirang sirena ng barko.
06:29Patuloy ding minomonitor ang mga kolorum.
06:32Kaya pakiusap ni DOT or secretary sa publiko.
06:35Sana, huwag na nating gawin yun.
06:38Kasi ano yan, very risky yung ganyan.
06:41At your own risk po yan sa mga kababayan natin.
06:46Sinusugog nila ang buhay nila.
06:47Kasi syempre, unang-una, pagka kolorum, huwag ang insurance yan.
06:53Wala siga makukuha kahit anong ano kung may mangyari.
06:55Mas istrikto rin ang pag-checheck sa mga barko para maiwasan ng overloading.
07:00Paalala naman sa mga pasahero ng ilang ferry operator.
07:03I-check ang inyong tiket at dumating ng maaga o apat na oras bago ang departure time support para sa maayos na boarding process.
07:12Ang cut-off time daw ay isang oras bago ang biyahe.
07:16No physical ticket, no entry.
07:18Samantala, ang Department of Health nagdeklara ngayong araw ng Code White Alert para sa Semana Santa
07:24bilang paghahanda sa mga posibling insidente na maaring mangyari habang marami ang bumibyahe.
07:33Pia, tuloy-tuloy din naman ang operasyon dito sa Manila Northport ngayong Semana Santa.
07:39Maliba na lamang sa Bierne Santo na may temporary suspension sa yard, gate and vessel operation.
07:45Pero, tuloy-tuloy ang operasyon ng disembarkation and embarkation ng mga pasehero.
07:50Balik ang kanilang 24 oras na operasyon sa Easter Sunday.
07:54At yan ang latest mula rito sa Manila Northport. Balik sa Iupia.
07:58Maraming salamat, Jamie Santos.
08:05Biglang bumigay ang malaking tent na yan sa isang eskolahan sa Davao del Norte sa gitna ng graduation rehearsal.
08:11Ayon sa school principal, bumuhon sa malakas sa ulan at naipon daw ang tubig sa tent na bigay ng LGU.
08:18Agad pinalikas ang mga estudyante sa paligid kaya walang nasugatan sa pagbagsak ng tent.
08:23Inayos at pinatibay na raw ng LGU ang tent at gagamitin daw ulit ito sa practice sa graduation.
08:29At sa mga magbibisita Iglesia, kayong Simana Santa, isa sa mga maaaring dayuhin ang Padre Pio Mountain of Healing sa Bulacan.
08:43Ipinatayo raw ito ng mag-asawang nakatanggap ng biyaya sa tulong ni Padre Pio.
08:48Tinutukan niya ni Von Aquino.
08:50Sa San Jose del Monte, Bulacan, maaaring mag-milay at mag-Simana Santa sa Padre Pio Mountain of Healing.
09:01Kailangan maakit ang 115 steps ng hagda nito para maakit ang rebulto at kapilya sa taas.
09:07Naging tradisyon na raw ng mga pilgrims dito sa Padre Pio Mountain Healing na bumili ng dalawang rosaryo.
09:15Yung isa ilalagay nila doon sa paana ng rebulto ni Padre Pio at yung isa naman ay iuwi nila sa bahay.
09:23Habang pakya at saglit kaming humihinto para manalangin sa Stations of the Cross.
09:29Kahit may mga edad na, hindi nila alintana ang init para sa kanilang pamamanata.
09:34Sa tuktok, kung nasa ng higanteng rebulto ni St. Padre Pio, nakamamangha ang kabundukan at lunti ang tanawin sa paligid.
09:44Sobrang saya. Sobrang saya talaga kasi parang naheal. Naheal kami.
09:49Ito yung fulfillment na mararamdaman. Yes. God is good all the time.
09:55Si St. Padre Pio ay isang paring Italyano na kilala sa kanyang paiti at charity.
10:00Nagkaroon siya ng stigmata o mga sugat sa mga kamay at paa, nakatulad ng mga sugat ni Yesu Cristo nang siya'y ipaku sa krus.
10:09Mismong ang mag-asawang nagpatayo ng Mountain of Healing, nakatanggap daw ng biyaya mula sa Diyos nang humiling sila ng intercession ni St. Padre Pio.
10:19After nilang humiling na masundan yung panganay nila, naging deboto po sila ni Padre Pio.
10:25Naisipan nilang ipatayo ang imahe ni Padre Pio.
10:28Iba't iba ang hiling na mga nagpumunta rito.
10:33Nanay namin may sakit na hindi siya makakalakad.
10:36Nahihiling namin sa kanya sana pagaling niya.
10:38Hindi na mag-sirok na rin po ako.
10:41Half na body ko paralyzed.
10:43Kaya pinapuntahan ko talaga itong ganitong mga lugar.
10:49Libo-libong rosaryo ang nakasabit sa paanan ng reboto ni St. Padre Pio.
10:53Sa kapilya sa tuktok, nakalagak ang third-class relic ni St. Padre Pio.
10:59Ipinahid daw ito sa incorrupt heart relic ni St. Padre Pio.
11:04May souvenir shops at mga kainan din sa lugar.
11:08Sa mahal na araw, bukas ang Padre Pio Mountain of Healing, 6am hanggang 5pm.
11:13Para sa GMA Integrated News, Fona Kino Nakatutok, 24 Horas.
11:24Naging intense ang Game 2 ng NCAA Season 100 Juniors Basketball Finals ngayong araw po yan.
11:31Wagi po ang Benil Lasal Green Hills, Quanta Perpetual Help Junior Altas.
11:39Nakahabol sila ilang segundo bago matapos ang fourth quarter ng laro at nanalo sa score na 95-91.
11:45Kaya may tingisang panalo ang Greenies at ang Altas.
11:48Ang magiging kampiyon sa NCAA Season 100 Juniors Basketball, malalaman sa Do or Die Game sa April 15.
11:56Halos abot tuhod ang baha sa National Highway sa Sharif Aguac, Maguindanao del Sur dahil sa lakas ang ulan.
12:08Pahirapan ang pagtawid ng mga sasakyan habang sinuon ng mga residente ang baha.
12:12Pinasot na rin ang tubig ang maraming asablisimiento at bahay.
12:16Mansalan, Davao del Sur, nagkalat ang mga putik at bato sa isang kalsada.
12:22Dahil yan sa naging landslide matapos ang malakas sa buhos ng ulan.
12:25May mga nabuwal na puno at poste.
12:28Agad nagsagawa ng clearing operations ang mga otoridad.
12:31Ayon po sa pag-asa, Easterly sa nagpapaulan sa Zamboanga Peninsula, Barm at Palawan.
12:37Nagdadala kayong araw na maulap na panahon na may kasamang pag-ulan sa Batanes at Mabuyan Islands ang frontal systems.
12:44Yan din ang nakaapekto sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa.
12:49Sa rainfall forecast ng Metro Weather,
12:50posibleng makaranas bukas ng light to moderate rains sa Mountain Province, Isabela, Ifugao at ilang lugar sa Palawan.
12:58Light to intense rains naman ang posibleng maranasan bukas sa malaking bahagi ng Mindanao.
13:03Mataas din ang chansa ng pag-ulan bukas sa Metro Manila.
13:06Matapos mahuli sa Malaysia, nasa Pilipinas na ang itinuturong mastermind sa pagpatay sa isang negosyante sa Olonga po noong 2018.
13:17Patutunayan niya raw sa konti na hindi siya ang nagpapatay sa sariling kapatid.
13:23Nakatutok si Jomer Apresto.
13:24Naibalik na sa bansa ang 51 anyos na si Alan Dennis Setin,
13:32ang itinuturong mastermind sa pagpatay sa kanyang kapatid na presidente at founder ng United Auctioneers Incorporated na si Dominic Setin oong 2018.
13:41Kabilang sa mga sumundo sa Naya Terminal 3,
13:43si Police Brigadier General Jean Fajardo,
13:46ang hepe ng Police Regional Office 3 at tagapagsalita ng PNP.
13:49Ayon kay Fajardo, napagalaman nilang nagtatago siya sa Malaysia at gumagamit pa ng iba't ibang pangalan.
13:55Agada niya silang nakipag-ugnayan sa Police Attaché doon at sa Royal Malaysia Police kaya nahuli si Setin noong March 22.
14:02Mayroon pong violation po ng immigration laws po ng Malaysia so he has to pass through the normal channel po
14:09and tinulungan po tayo ng ating embahada sa Malaysia para bigyan po siya ng travel documents kasi wala po siyang passport kasi kinansel na po natin.
14:18Sabi pa ni Fajardo, iniimbestigahan na ng PNP kung paano nakalabas ng bansa noon si Setin.
14:24Una nang naaresto ang gunman sa krimena si Edgardo Luib na itinuro ang nakababatang Setin bilang mastermind sa krimen.
14:31March 22 nang mahuli si Adrian Rementilla na tumatayong middleman at kasabwat.
14:36Well, ang kwento ng gunman pati na kinitong middleman, di umano, allegedly, ay may kinikimkim na galit di umano itong si Dennis Setin sa kanyang kuya na doon sa kumpanya nila.
14:49Itinangginis si Setin ang krimen.
14:51Tawag patunahin namin sa trial. Tawag patunahin namin. Sa trial, kung gusto niyo malaman, pumunta ko kayo.
14:59Umiwas naman si Setin sa tanong kung paano siya nakalabas ng bansa noon.
15:03Dinala sa Camp Oliva sa Pampanga si Setin habang hinihintay ang commitment order ng Korte na nag-issue ng arrest warrant para sa kanyang kasong murder.
15:11Nakatakda rin siyang ipresenta sa Campo Crame sa dunes.
15:14Ito po ang pagpapatunay na sa kabila ng mahabang pagtatago ay mahahanap at mahahanap po po sila.
15:20Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok, 24 oras.
15:26Posibling itaas sa orange category ng PNP ang Albuera Leyte.
15:31Kasunod ang pagbaril kay Albuera Mayoral Candidate Kerwin Espinosa ayon sa Comelec.
15:35Nakatutok si Ian Cruz.
15:41Hinihintay pa ng Leyte Provincial Police ang resulta ng forensic investigation sa 7 police or mock na tinukoy nilang persons of interest sa pamamarin.
15:50Calbuera Leyte Mayoral Candidate Kerwin Espinosa.
15:53Pero sabi ng Leyte PPO, hindi pwedeng idaan sa inquest proceedings ang mga POI.
15:59Base raw ito sa konsultasyon ng Special Investigation Team sa legal team ng pulisya.
16:04Technically, wala sila sa crime scene at wala pong directang evidence sa atin ngayon at wala rin pong directang testimony na magturo kung sino sa kanila ang involved sa crime.
16:17Inaasahang lalabas bukas ang forensic results gaya ng ballistic examination at parafin test.
16:23Magiging gabay ito sa posibling pagsasampan ng reklamong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition at Frustrated Murder laban sa mga POI.
16:32Nagpapagaling pa si Espinosa na nahagip ng bala sa itaas ng dibdib na lumabas sa kanang balikat.
16:39Tinitiyak naman ang Police Regional Office 8 at Leyte Police Provincial Office na walang whitewash sa pagsisiyasat na ginagawa nila.
16:47Ang Leyte Police Provincial Office ay it is committed sa thorough evidence-based and impartial investigation based for or established policy.
16:59Sinagot ni Espinosa ang sinabi ni Leyte 4th District Representative Richard Gomez na scripted at ambush miraw ang nangyari at hindi maganda ang kanyang acting.
17:09Hindi naman ito acting, hindi naman ako tulad sa kanya na artistay. Bakit nandoon ang mga kapulisan niya, City Director pa ang nandoon at ang mga intel?
17:24Sagutin mo yung Richard Gomez, bakit nandoon? Inutusan mo ba?
17:28Wala raw komento si Congressman Gomez sa pahayag na ito ni Espinosa.
17:31Pero una na niyang sinabing nangangalap siya ng mga impormasyon at inaalam ang timeline o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
17:40Sinusubukan pa namin kunin ang panig ng Malacanang.
17:43Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz nakatutok, 24 oras.
17:49Sa 24 na araw, bagong eleksyon 2025, tuloy ang pag-iikot ng mga kandidato sa pagkasenador.
17:56Nakatutok si Dano Tingkungko.
18:01Isinulong ni Sen. Pia Kayatano ang advokasya niya sa kalusugan.
18:06Paglaban sa fake news ang binigyan diin ni David D'Angelo.
18:11Mas maraming hukuman ang mungkahi ni Atty. Angelo de Alban.
18:16Nasa campaign rally sa Caloocan si Naliody de Guzman at Atty. Luke Espiritu.
18:22Nag-motorcade sa South Cotabato si Atty. Raul Lambino.
18:27Suporta para sa mga magsasaka ang itutulak ni Sen. Lito Lapid.
18:31Hanap buhay para sa mayihirap ang isinulong ni Congressman Rodante Marcoleta.
18:37Pagprotekta sa kababaihan at OFW ang binigyang diin ni Lisa Maza.
18:42Mas mababang singil sa utilities ang itinulak ni Sen. Francis Tolentino.
18:47Nag-motorcade sa Caloocan, malabon at nabota si Benher Abalos.
18:51Universal Social Pension for Senior Citizens ang isusulong ni Bamaquino.
18:56Isusulong ni Mayor Abibinay ang libreng maintenance medicine.
19:01Promotion ng MSME isang isa sa mga adbukasya ni Ping Lakson.
19:07Kasama nila si Nami Pacquiao at Tito Soto.
19:12Si Rep. Bonifacio Bosita ay pagtatanggol daw ang tricycle drivers.
19:16Patuloy naming sinusunda ng kampanya ng mga tumatakbong senador sa eleksyon 2025.
19:22Para sa GMA Integrated News, Dano Tingkungko Nakatutok 24 Horas.
19:25This whole week, I will be with my family.
19:31Tuwing Semana Santa, nakaugalian na rao ni Samaha ng mga Amakasalanan star David Licauco
19:37at ng kanyang pamilya na magbisita iglesia.
19:41We will do the seven churches, bisita iglesia.
19:47Yan kasi yung family tradition namin the past years.
19:51Bisita iglesia rin with Julian San Jose, ang planong gawin ni River Cruz.
19:56Gwisit namin magbisita iglesia and spend time lang with the family and her family.
20:04Si Betong Somaya, sa beach ang destination kasama ang pamilya.
20:09Usually kasi ang ginagawa namin, nagsas-staycation kami sa hotel.
20:13Pero ngayon, beach naman for the family.
20:15Magkakasama naman ang Dante Squad ngayong Holy Week.
20:18Nalala pang plano masyado so minsan, alam mo, mahili kami sa last minute.
20:22So tignan natin kung saan kami dadalhin ng mga bagay-bagay.
20:27Ganyan din ang Holy Week plans ni Camille Prats, na excited ng makasama ang kanyang buong pamilya.
20:34This coming Holy Week, we've made plans with my family.
20:38So it's a big family.
20:39Si Barbie Forteza naman, susulitin ang quality time this Holy Week.
20:44I-ma-maximize ko ang Holy Week break ko and I'll spend time with my family sa bahay lang.
20:49Out of the country naman ang balak ni Lise Lopez.
20:53I'm planning to go sa Bali.
20:55Mas malapit sa beach para mas relaxing.
20:58Not one song.
21:05I'm planning to go sa Bali.
21:05I'm planning to go sa Bali.
21:07привет calling.
21:08You have a lovely life.
21:09Does this bring to the table?
21:12Do.
21:12Look at the table?
21:12You have a lovely wife and her family.
21:14It's not as chce emir.
21:14Do.
21:16GeorgesICH 민1
21:17PeopleveET
21:19I'm fighting
21:21A le sport that's always republican
21:23then in China,
21:24do hun que
21:25be younger.
21:26It's like a ser CBD

Recommended