• 5 months ago
Aired (July 6, 2024): Alamin ang buong kuwento sa pagiging patok ng 'samgyup in a bowl' ni David Licauco, ng bagsak presyong bilihan sa Muntinlupa at ng 'rent a phone' business na itinayo ng magkapatid na hilig ang K-pop. Panoorin ang isa na namang episode na puno ng impormasyon tungkol sa pagnenegosyo sa video na ito!

Catch the latest episodes of 'Pera Paraan' every Saturday at 11:15 AM on GMA, hosted by Susan Enriquez. #PeraParaan #GMAPublicAffairs #GMANetwork

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Sikat at in demand, yan ang bentahe ng mga negosyo aking nahanap para ngayong Sabado.
00:14Ang pangbansang ginoo, pumasok na rin sa negosyo.
00:17Hi, mga kapuso!
00:18Ano ba ang bagong business ni David Licauco?
00:21Affordable, at the same time, masarap yung chicken.
00:24Tsaka yung gap-sale.
00:25Manya, manya!
00:27Food business yung for me one of the hardest business.
00:30Pero nakikita mo pa lang na masarapan yung mga tao.
00:33Nakafulfill siya.
00:36Pura ang bilihin.
00:37Meron pa ba?
00:38Sa isang bodega sa Montiño yan, makikita.
00:41Mas nakakaminos po kami ng minsan, five pesos.
00:44Mababa lang yung ipinapatong natin tubo sa bawat paninda.
00:47Noong tubo lang ako ng maliit, okay na sa akin yun.
00:50Basta alam ko na yung paninda ko, kayang bilhin ng kahit sin.
00:54Malaki ang kinikita natin sa pagmenindol.
00:57Hindi ako bumababasa.
00:58Six digits sa isang buwan.
01:01Ang high-tech mong phone o camera, pwede maging source ng kita.
01:05Yan ang usong business ngayon ng mga gen Z.
01:08Sayan siya na partner.
01:09Yung policy rin ng photo, masulitin namin din siya.
01:12Yung phone rental, okay lang kita.
01:15It's a thing talagang, phone rental.
01:17Pagdating sa concerts.
01:18Ang ganda ng pagkakuha.
01:20Kaya bila pong nagbunan,
01:21tapos parang andaming comment,
01:22tapos andami na pong na-inquire.
01:25May isang lugar sa munti,
01:27tila laging may riot dahil hindi nauubusan ng tao.
01:30Kapag nakapasok sa lugar,
01:32siguradong huli pero hindi kulong.
01:35Huling-huli ang abot kaya at magsakpres yung mga bilihin.
01:38Kaya walang kawala ang diskwento.
01:40Yan ang gimmick sa bodega ni tatay.
01:49Sa panahon ngayon,
01:50kaunti na lang daw ang mabibili ng 1,000 piso.
01:52Tulang pa lang yun.
01:54Sa isang libo mo, tatlong kain dun.
01:57Tipid yun.
01:58Sa isang libo po, dalawang kainan lang sa apat na tao.
02:02Kung mararoon ko mag-budget, marami.
02:04Pag ang bibig mo, puro masarap, kunti lang.
02:08Well, I agree.
02:09Ang 1,000 pesos noon,
02:10kaya nga pagkasihing nga pambili ng simple hang handa
02:14para sa isang salo-salo sa bahay.
02:16Eh, ngayon kaya?
02:19Miss Susan,
02:20nabalitaan mo yung 1,000 peso challenge mo.
02:23Huwag kang magalala.
02:24Sigurado ko sa iyong kasyang-kasya yan na panghanda.
02:28Eto, spaghetti pack for 120 pesos.
02:32Pinapay for 54 pesos.
02:34Fruit cocktail for 84 pesos.
02:37Lanchon meat for 88 pesos only.
02:40Pansit bihon, 18.50 ang isa.
02:44Dilata, 28 pesos kada isa.
02:46Longganisa for 85 pesos.
02:49Meron din tayong pork tapa for only 80 pesos.
02:53Ang total po nating babayaran ay 994 pesos.
02:57May sukli pa po kayong 6 pesos.
03:02Wow, ang bigat ha?
03:03Kaya pala mabigat, ang dami laman ito, ha?
03:061,000 pesos.
03:07May sukli pa ako pan-tricycle.
03:09Diba?
03:10Malaking bagay ho ito talaga.
03:12Makahanap tayo na kusan tayo bibili ng mura.
03:14Okay, tricycle please.
03:17Sa mga kumarikong best in budgeting,
03:19suguradong may award kayo sa tindaan ito.
03:22Mas nakakaminos po kami ng minsan 5 pesos.
03:25Ang bill ko po ngayon ay nasa 12,000.
03:27Sa iba pong grocery po iyon, naiabuting po ng 15.
03:31Sino mag-aakala na sa pagtitinda sa karito noon?
03:34Makapagtapa tayo ng grocery store ngayon?
03:37Ang bright idea ng bagsak presyong paninda,
03:39galing sa dating OFW sa Kuwait na si Alvin.
03:43Dahil sa wala akong trabaho dito noon,
03:46naisipan ko bang tinda.
03:48Kaya gumawa ko ng isang maliit na kariton.
03:51Ipinwesto ko sa harap ng munisipyo ng Muntinlupa.
03:55Nilagyan ko siya ng mga face masks, alcohol,
03:57mga nirepack na kape, asukal, at mga konting dilata.
04:01Inspirasyon ni Alvin ang nausong community pantry noon
04:04na may layuning tumulong sa mga nangangailangan.
04:07Pero dahil negosyo, kailangan pa rin kumita siyempre.
04:10Kaya ang maliit na patong sa bawat produkto,
04:12tinangpilik ng kanyang mga mamimili.
04:14Matapos lang ang walong buwan na pagtitinda sa kariton,
04:17nagkarao na ng sariling pwesto si Alvin.
04:20Yung pwesto ko na dalawang kwarto na yun,
04:23napuno ko siya ng paninda.
04:25Talagang hindi na dayo nila ko.
04:26Ibat-ibang lugar yung nagpupunta na sa akin.
04:28Ang nabalitaan nila mura ang aking mga paninda.
04:31Doon ko na naisipan na ikuha na ng mas malaking pwesto.
04:34Ito na ngayon yung bodega.
04:362022 nang magbuka sa grocery store ni Alvin
04:39o mas kilala bilang bodega ni tatay.
04:41May mga panindang mabibili ng patingit-tingi
04:43at multuhan.
04:44May mga kilala at bago sa pandinig na brand
04:46ng pagkain, toiletries,
04:48at kung ano-ano pang pangangailangan.
04:50Pero mga kumars, wag mag-alala.
04:53Mura ang mga paninda,
04:54pero malayo pa ang expiration date na mga ito, ha?
04:58Unang-una kasi kung bakit ko siya naibibigay
05:00ng mas mababang presyo,
05:02kumpara sa ibang tindahan,
05:03mababa naman talaga ang overhead ko.
05:05Nakikita nyo ang ating bodega,
05:07wala naman siyang aircon.
05:08Nakadirekta naman ako sa mga malalaking supplier.
05:11Yung mga presyong nakukuha ko sa kanila
05:13sa bultuhang pagangkat ko sa kanila,
05:15naibibigay din nila sa akin ng mas mababang presyo.
05:18Sa margin na yun,
05:19yung tumubo lang ako ng maliit,
05:21okay na sakin yun.
05:22Basta alam ko na yung paninda ko,
05:25kayang bilhin ng kahit sino.
05:28May isang lugar sa Munti
05:30tila laging may riot dahil hindi nauubusan ng tao.
05:33Kapag nakapasok sa lugar,
05:35siguradong huli,
05:36pero hindi kulong.
05:38Huling-huli ang abot kaya
05:39at magsakpres yung mga bilhin.
05:41Kaya walang kawala ang diskwento.
05:44Yan ang gimmick sa bodega ni tatay.
05:52Kung tatanungin nyo kung kumikita pa ba si Alvin,
05:55abay-oo raw.
05:57Mababa lang yung ipinapatong natin tubo sa bawat paninda.
06:00Kung gano'n naman siya kabilis na nauubos,
06:02alos nakakaparehas ko na rin yung may malalaking tubo
06:06sa bawat paninda ang ipinapatong nila.
06:08Kung kita ang pag-uusapan,
06:10malaki ang kinikita natin sa pagninigosyo.
06:13Hindi ako bumababa sa six digits sa isang buwan.
06:16Sapat na yun para masustain ko ang bodega
06:19at yung mga pangarap kong gustong abutin.
06:23Ang mga pangarap ni Alvin,
06:24unti-unti nang natutupad.
06:26Iibili ko ng sariling truck si bodega.
06:29Nakapagdagdag na rin ako ng ibang lugar
06:31para sa imbakan ng ating paninda
06:33na gagawin ating warehouse.
06:34Naipaayos ko rin yung maliit na bahay namin
06:37na napaganda rin natin.
06:38Nabili ko rin yung pinakapapangarap kong sasakyan.
06:41Maganda yung naibigay na bunga
06:42ng mga titsaga natin sa bodega.
06:45Ang naguumapaw na biyaya,
06:47bunga rin ang pagiging malaking blessing ni Alvin sa iba.
06:50Alam niyo ba na ilang sa staff sa bodega
06:52ay mga PWD, senior citizen at out of school youth?
06:57Gusto ko silang bigyan ng pagkakataon
06:59na maramdaman nila kung paano ang buhay ng may trabaho.
07:03Hindi lang yan,
07:04ang pagtulong sa kapwa
07:05extended pa sa pamamagitan ng kanyang paandar na negosyo package.
07:09Kada buwan, pumipili si Alvin
07:11ng maswerteng tatanggap ng libreng pangkabuhayan package.
07:15Kumigit kumulang sa limampu na raw
07:17ang nabiyayaan nito.
07:19Yung mga nabibigyan naman natin ng negosyo package,
07:22yan yung mga kadalasan mga nagme-message
07:24sa Facebook page natin.
07:26Tatay, meron akong anak na may sakit,
07:29meron akong magulang na may sakit,
07:31meron po akong binubuhay na anak,
07:33wala po akong hanap buhay.
07:35Nakilala namin si Robin,
07:37isa sa mga kakatok ng tulong kay Alvin.
07:39Kasi wala po ako yung permanent trabaho.
07:43Tapos yung anak po, gangay po, may sakit pa.
07:45Makilang tulong na po yun para sa amin.
07:47Napakahirap sa isang ama yung alam mong may sakit yung anak mo
07:50at wala kang pinagkukunan sa pang araw-araw na gamutan.
07:55Kailangan talaga niya ng helping hand
07:57na makakatulong sa kanyang pinagdaraan.
08:00Kaya nung nabasa ko yung mensaheng niya sa akin,
08:02sabi ko bibigyan ko siya ng isang maliit na panimulang tindahan
08:06para kahit papano makatulong din sa dalawang anak niya na may sakit.
08:11Sana rin, makatulong din at mapalagu niya para sa pamilya niya.
08:15Agad-agad, ipinahanda ni Alvin ang negosyo package worth P15,000.
08:21Itong negosyo package na ito,
08:23sana ay makatulong sa iyo at sa iyong pamilya
08:26bilang paninimula ng isang maliit na negosyo.
08:29Sana ay mapalagu mo ito ng makatulong sa iyo kahit papano.
08:34Malaking tulong para po sa aming pangaraw-araw.
08:37Sara siyang magsawang tumulong sa mga kapwa nating Pilipino na nakakailangan.
08:43Hindi lang kapwa-tao,
08:45pati mga rescued Aspen at Puspin,
08:47tinutulungan din ni Alvin.
08:49May limang shelter silang pinadadalhan ng dog food kada buwan.
08:53Kabilang ang Star in the Sky Shelter,
08:55na tumanggap ng dalawampung sako ng dog food para sa kanila mga alagang aso at pusa.
09:00Sobrang pasalamat ko lalo,
09:02pag naririnig ko sila na nagpapasalamat din sila sakin.
09:05Yun lang e, sapat na. Sobrang saya.
09:09Para makatulong sa iba, kailangan munang tulungan ang sarili.
09:13Kaya para sa mga tulad ni Alvin na minsan din nangarap magnegosyo,
09:17may tips ang ating negosyo hero.
09:20Hindi naman din talaga biro ang pagtatayo ng isang negosyo.
09:24Ang higit mo lang na kailangan ay tapang,
09:27tibay ng loob, sipag at syaga,
09:29at higit sa lahat, yung maging makatutuhanan ka sa iyong kapwa.
09:34Ang pabaryabaryang kita hindi sukatan ng tagumpay sa negosyo,
09:37dahil ang dapat binibilang ang daan-daang natutupad na pangarap.
09:44Hi guys!
09:45Hi guys!
09:52Ay, ba't gano'n labo?
09:54Malabo pa sa relasyon nyo.
09:58Hindi, pero seriously, gusto kong sana ng good phone, magandang phone,
10:04dahil meron akong pupuntahang concert.
10:07Don't worry po, Ma'am Susan. Kami ang bahala sa'yo.
10:10Talaga ba? Promise ha?
10:16Meet the Makayan sisters, Step and Sally, ng Muntinlupa City.
10:22Halos isang dekada na raw silang K-pop fangirls.
10:27Kaya sa halos lahat ng concert ng K-pop idols nila,
10:30always present ang dalawa.
10:32That time po, wala pa kaming magandang quality ng phone.
10:36So sabi ko kay ate, bili tayo ng phone.
10:39Gusto namin parang mas malinaw siya,
10:41parang kahit pa paano may nakasave sa phone namin na mas okay yung kuha.
10:46Hindi raw inakala na magkapatid na ang pagiging baya sa K-pop
10:49ang maguudyok sa kanilang magnigosyo.
10:52It's a thing talaga yung phone rental pagdating sa concert.
10:56So sabi ko, pagkakitaan na din natin.
10:58Hindi tayo bibili ng phone para lang sa atin, para sa personal use,
11:03kundi gusto natin magkaroon ng extra income.
11:07Pero aminado silang kabado sa papasuking negosyo
11:10Kasi nga po, mahal yung phone and hindi biro yung ilalabas na pera.
11:15So sabi ko kay ate, sige, magre-research muna ako.
11:18Paano ba ginagawa yung phone rental naman?
11:21Katulad ng iba na nagsisimula pa lang, hirap din sila nung una.
11:25Halos one month bago kami makakuha ng renter namin,
11:29isa sa mga struggle namin is yung biyahe po talaga.
11:31So meet up lang. So ang ginagawa po namin is commute.
11:35Maghihintay na kami doon hanggang sa matapos yung event.
11:39Nawawala naman yung pagod.
11:41Kasi siyempre nakita namin si renter na masaya siya
11:44and satisfied siya doon sa pag-rent.
11:49Malaga din po na maganda yung quality.
11:51Lalo na po sa mga pag may events, ganyan po.
11:55Sayang naman din po yung mga memories na mga picture.
11:58Kung di naman po malinaw.
12:00Para souvenir naman siya.
12:02Maagang namulat sa hirap ng buhay sina Steph at Sally.
12:05Driver ang kanilang ama habang kasambahay naman ang nanay nila.
12:08Pareho silang naging working student para makatapos sa kolehyo.
12:12Kasi may mga kailangan din kami.
12:14Like kung may gusto kami, kahit pa pano may income naman na nakipuha.
12:20Ngayon, bukod sa rent-a-phone business ng magkapatid,
12:23nagtatrabaho rin sila bilang mga administrative staff sa isang kumpanya.
12:27Yung phone rental, okay yung kita.
12:30Pero syempre, hindi yun sapate para dun sa pang araw-araw na pangangilangan.
12:36So kahit may work kami ni ate, marami pa rin mga bills, ganyan, nababayaran.
12:42Hinuhulugan pa ni Steph at Sally hanggang ngayon ang dalawang cellphone
12:46na umabot ng halos P185,000 para sa kanilang rental business.
12:51Dahil bagsa ang concerts at events,
12:53kumita na agad ng P25,000 sa magkapatid sa kanilang unang buwan.
12:58Nasa P2,500 hanggang P3,000 ang renta ng bawat cellphone kada araw.
13:03Nakadepende ang rate nila sa mga lugar kung saan gaganapin ang concert o event.
13:08Bukod sa unit, may kasama na itong phone case, pouch, OTG o on-the-go adapter at power bank.
13:14May charge na P200 kada oras kung late na may susuli ang cellphone pagkatapos ng grace period.
13:20Non-refundable naman ang reservation fee na P1,000
13:24kung i-cancel ang transaksyon dalawang araw bago ang event o concert.
13:32Ngayong araw, sasamahan natin sa Steph sa kanyang meet-up sa isang kliyente na galing pang Batangas.
13:38Ma'am, Marvy po. Yes po.
13:40Para sa camera. Yes po, I'm Steph.
13:42Nag-search po ko sa TikTok. Doon ko po siya nakita,
13:45medyo malayo yung hip namin, nasa taas kami bandeng.
13:49So para maganda yung zoom na lang din while watching.
13:53Kaya kami nag-decide mag-rent.
13:55Masaya siya na, full feeling din sa part na.
13:57Kasi mahal na nga yung video.
13:59Yung quality rin ng photo, masulit na namin din siya mat-research.
14:02Once na may nag-inquire, tatanungin po namin what event, kailan yung event.
14:07Doon pa lang, pinapakita na po namin yung requirements.
14:10Need po na at least 80 and above.
14:13Kailangan ng dalawang valid government IDs tulad ng driver's license, passport, UMID ID o National ID para makarenta.
14:20Pagkawala po si renter ng ganun po, automatic po sa tabihan na po namin yun.
14:26Kailangan din magpakita ng proof of billing, contact details, at ID ng kasama sa bahay.
14:31Tinitingnan din ni Steph at Sally kung legit ang social media accounts ni renter.
14:36Dapat totoong informasyon at dokumento nang AR kila ang gagamitin.
14:40Tsaka po namin siya sa senda ng reservation details.
14:44Pag nag-payment na po si renter ng reservation niya, doon po okay na kami.
14:51Once na nag-meet po kami, bibigay po yung agreement.
14:54After ng pirmahan po, papakita na po si unit.
14:57Then other inclusions po ng phone rental.
15:01After that po, kunin ko naman yung ID po niya.
15:04Once na-surrender na po yung unit, good to go na po.
15:08Then waiting time naman po ng pagtapos ng event po.
15:13Para sa meet-up po ulit, doon sa pag-return naman po ng unit.
15:18Kasama sa ibibigay sa remaining balance and security or safety deposit, the P1,500 upon meet-up.
15:24Iche-check po muna namin if wala pong nawala sa inclusions.
15:29Then kung wala naman pong nasira sa unit.
15:32Then tsaka po namin ibabalik yung safety deposit.
15:36Abba! Kayo naman pala talaga ang sagot sa problema ko, Steph and Sally.
15:41Dahil dyan, let me book one unit and I'm ready to go!
15:54Malaking tulong dawang social media sa ganitong klase ng negosyo.
15:59Nag-iinvest po kami sa boosting.
16:01Share sa mga friends, sa family po na may ganito kaming business.
16:05Meron doon yung videos sa kanya na ang ganda ng pagkakuha.
16:09Kaya bila pong nag-boost.
16:10Tapos parang ang daming comment.
16:12Tapos ang daming na pong nag-inquire.
16:14Umaatan din sa mga mall at public events sa Steph and Sally
16:17para may maipost sa Facebook page nila na magsisilbing advertisement.
16:23Bukod sa kita na ibinabaya din nila sa mga hinuhulugan pang cellphone,
16:26nakapundar na rin sila ng ilang gamit sa bahay.
16:29Meron na rin silang naipon at pang blowout sa kanilang mga magulang.
16:32So super thankful kami kasi na-adapt namin yung pagiging masipag nila
16:37para makasurvive sa araw-araw.
16:41Thank you kasi kahit pa-pano nakikita naman po ni Len.
16:44Nakasupportan naman po sila sa amin.
16:46Bukod sa pera, dapat din daw mamuhuna ng lakas ng loob.
16:50Kung gusto mong magkaroon ng ganyang business, dapat fully 100% sure ka.
16:55Kailangan lang po maging mapagmatsyag.
16:58Tsaga pong mag-post.
17:00Patience.
17:01Huwag tayo masyadong magmadali.
17:04Sa dami ng pwedeng pasukang negosyo,
17:06sa discarter ng pagpapatakburaw magkakatalo.
17:09Basta matyagang plinano ang bawat hakbang sa pagnanegosyo,
17:12magiging one click away lang ang pag-asenso.
17:19Ang kapuso star ng si David Licauco, marami ng nagampanan na roles in life.
17:25Mula sa kanyang iconic role bilang Fidel sa GMA hit series na Maria Clara at Ibarra,
17:30magbabalik primetime siya sa upcoming series na Pulang Araw.
17:36At sa darating na July 10,
17:38mapapanood siya sa simihan sa pelikulang That Kind of Love,
17:41kasama si Barbie Fortezza.
17:45Pero sa likod ng mga kamera, may mahalagang role din si David.
17:49Ang tinaguri ang pambansang ginoo kasi,
17:52isa ring successful negosyante.
17:54Hi, mga kapuso.
17:56Dito tayo sa kuya Corina.
18:01Samgyup in a bowl, yan ang bentahin ng negosyo ni David.
18:04Ang mga Korean food, dinibelo para maging pasok sa panlasang Pinoy.
18:08Pero alam niyo bang para masimula ng kanyang negosyo,
18:11kinailangang humiram ni David ng pampunan?
18:18Habang nagbibigay ng Resto Tour si David,
18:21mas kinalanin pa natin siya ngayong umaga.
18:23Mula sa kung paano siya nagsimula sa kanyang negosyo,
18:26pagbibigay ng business tips,
18:29at may bonus round pa for personal questions.
18:32Gaya ng ano ba ang hinahanap ni David sa kanyang dream girl.
18:38Pasok kayo.
18:40Tara.
18:43Ang seating capacity niya ito is 80.
18:46So ginawa natin 80 para mas manami ng makakain,
18:50dahil yung sa first branch namin medyo kulang.
18:52Okay David, ito ang aming first question.
18:55Bakit nga ba food industry ang naisipan mong negosyo?
18:58Dahil may ilig ako sa pagkain,
19:00I think food business yung for me one of the hardest business.
19:04Dahil marami na kailangan gawin eh.
19:07Service, product base, marketing heavy, operations heavy,
19:16pero fulfilling.
19:19I think pag nakita mo palang na nasarapan yung mga tao,
19:24nakafulfill siya.
19:26Ano ba ang paboritong pagkain mo?
19:29Sisig, pinasal.
19:31Ano naman ang paborito mo sa inyong menu?
19:34Gusto ko yung bulgogi with rice,
19:37tsaka yung Korean fried chicken namin.
19:42Homemade ang marinate ng kanilang beef bulgogi.
19:45Ipiprito ang marinated beef ng 3 minuto.
19:51Sa isang bowl ng kanin, ilalagay ang napritong karne.
19:54At saka lalagyan ng spring onion at sesame seed.
19:59Ang kanilang bestseller bulgogi nagkakahalagan ng Php 215.
20:05Bukod sa rice bowls, meron din silang noodles,
20:08sandwiches, Korean chicken,
20:10at mga panghimagas na bingsu at milk tea.
20:13Ang mga ito na ibebenta nila mula Php 120.
20:18Mababanga na kasi kami.
20:20So, malapit kami dito, dito in white linen.
20:23So, affordable at the same time.
20:25Masarap yung chicken.
20:26Mabigas sa tiyan yung bibimbab nila.
20:28Tsaka yung jap sa iba.
20:30Pati yung fries, masarap.
20:32This is my 6th time being here.
20:34The food is very much affordable.
20:36And it's delicious, yummy.
20:39Manya, manya!
20:41David, bakit kuya Korea?
20:43Ang naisipan mong pangalan ng negosyo?
20:46Dahil ba ikaw ay madalas sa Korea
20:48at napapagkamalang kang kuya?
20:52Dahil fusion siya ng Filipino and Korean food,
20:57yung taste profile is pasok sa Pinoy.
21:00So, hindi talaga siya super authentic.
21:02But of course, doon pa rin dapat yung authenticity
21:04ng pagka-Korean.
21:06So, mixed.
21:08Naisip daw ni David ang konsepto ng kanya negosyo
21:11habang naglalakad lang sa isang mall.
21:14At that time, super into meditation.
21:19I was in this state na super focused, super creative.
21:23And para maging ganun ka, kwento ka nalang din.
21:25Kailangan mo mag-workout, mag-meditate,
21:28don't use your phone too much.
21:30Kasi nga information overload yung cellphone.
21:33So, at that time, I was in that, you know,
21:35I call it meditative state.
21:37I came across this concept na sanggyup in a bowl.
21:40Sabi ko sa lili ko na,
21:42I think pwede ko siyang gawin.
21:46So, ayun.
21:48E kaso lang pagtingin ko nung bangako,
21:50sigurado hindi kakayaanin.
21:52Diba? So, ayun, ang hirap ako.
21:56Hindi raw nahihiyang umutang si David.
21:58At katulad ng karamihan sa atin,
22:00naging motibasyon ni David ang kumayod
22:02para sa kanyang bills.
22:04Alala ko nung nagawa kay Kuya Korea,
22:07laman nalang bangako, konti nalang talaga eh,
22:09parang 20,000 na lang.
22:10I think before Maria Clara ni Vara,
22:12I wanted to stop na sa showbiz.
22:15Because I wanted to focus on my business, kanyan.
22:19Pero I think the reason why I continued with showbiz,
22:24kaya ako tinanggap yung Maria Clara,
22:26which naging super blessing sa akin,
22:29na for sure kung wala yung Maria Clara ni Vara,
22:32wala rin ito, diba?
22:35Matapos ang walong buwan, nakapag ROI,
22:38o return on investment na si David.
22:40Ang kanyang hiniram na pampuhunan,
22:42fully paid na.
22:44Alam mo, minsan nga, inisip ko na ano eh,
22:46katanungan sa sarili ko kung ano ba yung pinasok ko eh.
22:49Kasi, ano siya eh, tedious siya eh,
22:51dahil mong nakapagod talaga siya.
22:53Like kahapon galing akong taping,
22:55ngayon nandito ako.
22:56I think if mahal mo yung ginagawa mo,
22:59lahat naman gagawin natin para sa mahal natin eh, diba?
23:03Kunwari, sinasaktan ka na nga.
23:06Game ka pa rin eh, diba?
23:08So, feeling ko gano'n lang din talaga eh.
23:10Suwerte lang ako na nakanap ko yung mahal kong gawin.
23:13David, ito ay medyo mahirap na katanong.
23:16Ano ba sayo, ang definition ng success?
23:20Anto ah, pang Miss Universe ah.
23:22Success is when you are willing to help others become successful also.
23:30Sa laob ng dalawang taon, may limang branch na ang Kuya Korea.
23:35Ito yung ano namin, manager namin na masipag haiga.
23:41Cute nyo.
23:43Ba't yung hihiya?
23:45Tapos ito yung ano, kitchen.
23:49Dito naguluto.
23:51Pagkara, pasok tayo.
23:53So, ito yung chef namin, si Mike Victorioso.
23:58Magaling siya magluto.
24:00Hi team!
24:02Sino yung pinaka-pogi?
24:03Ito.
24:04This one, Javi Veluz.
24:06Okay, eto na.
24:07Break muna tayo sa usapin ng negosyo, sa mga question natin kay David about na negosyo.
24:11Eto na yung ating bonus round.
24:13Mga personal question natin kay David.
24:16David, sino ang top 3 favorite performers mo?
24:19Taylor Swift, Justin Bieber.
24:23Actually, lately namin kinigaw sa Bini.
24:27Ano ang morning routine ni David Licauco?
24:30Usually wake up mga 7, tapos mag-workout, mag-meditate, ganyan, kakain, may ligo, tapos mag-work na.
24:40Ano ang top 3 favorite projects mo?
24:43Maria Clara, Ulang Araw, maging sino kuman.
24:47Ano ang dream role mo?
24:49Siguro sports-oriented na show na makapag-inspire ng mga bata.
24:58Lastly, describe your dream girl.
25:01Dream girl.
25:03Yung simple lang, may pangarap sa buhay, alagaan ako.
25:09Open for franchising na rin ang negosyo ni David.
25:12Bukod sa paraan ng franchising para mas lumago ang negosyo, may mas malalim parao siyang dahilan.
25:18I think yung vision ko naman dun why I wanna franchise it out is for me to help others din sa pag-ninegosyo.
25:25So pati yung mga franchises ko, parang really talk to them na parang oh ganito yung gagawin.
25:31Saan naman ako nanggaling, hindi naman dun talaga given lahat eh.
25:35So for me to be able to help them, inspire them na magkaroon ng negosyo through Kuya Korea, magagawa ko yung dream ko na yun.
25:46Minsan talaga magugulat na lang tayo sa mga biyayang darating sa atin.
25:50Itong si David, hindi lang sinikap alagaan ng kanyang biyaya.
25:54Dahil ngayon, mithiin niya pa itong ibahagi sa iba.
25:57O ha, iyan ang tunay na ginaw in real life.
26:15Subtitulado por Jnkoil

Recommended