State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Isang Pilipinong engineer na naglalayong maabot ang tuktok ng Mount Everest ang nasawip.
00:06Nangyari yan sa Camp 4 na tinaguri ang death zone dahil sa mababang oxygen level,
00:11habang naghahanda na siya para sa huling bahagi ng pagakyat sa pinakamataas sa bundok sa buong mundo.
00:17May report si Rafi Tima.
00:22Pasok marahil sa ultimate bucket list ng maraming hiker at mountaineer na maakyat ang pinakamataas na bundok sa buong mundo, ang Mount Everest.
00:29Ang taas nitong 29,000 feet, katumbas ng halos dalawang Mount Apo.
00:34Pero ang pangarap na maabot ang tuktok o summit ng Mount Everest,
00:37hindi naman tutupad ng Pinoy engineer na si Philip P.J. Santiago na binawian ang buhay sa gitna ng kanyang pagakyat doon.
00:44Kabilang siya sa Mountaineering Association of Krishnanagar Snowy Everest Expedition 2025 na nakaabot sa Camp 4.
00:52Nitong nakaraang linggo, tinamaan ang avalanche ang kanyang grupo.
00:56Nawalan siya ng malay at nasugatan sa pisngi.
00:58Matapos ang 6 na araw na pahinga, binigyan siya ng goal signal sa summit push ng kanilang doktor.
01:04Pero habang naghahanda para sa huling bahagi ng pagakyat, binawian ang buhay si Philip sa Camp 4.
01:10Ang Camp 4 ay nasa tinaguriang death zone na may taas na halos 8,000 meters above sea level.
01:15Sa altitude na ito, mas mababa na ang level ng oxygen.
01:18Kaya karaniwan ang nagsusot dito ng supplemental oxygen ng mga climber.
01:21Dagdag sa hirap ng pagakyat, ang nagiyelong temperatura at extreme weather.
01:27Sa ngayon, hindi pa malino ang dahilan ng pagkamatay ni Philip dahil hindi pa rin na ibababa ang kanyang labi.
01:32Mula sa Camp 4, susubukan sana niyang maging ika-anin na Pilipinong makarating sa tok-tok na Mount Everest.
01:38Bit-bit niya ang kanyang advokasya para sa Clean Water Philippines at paglaban sa children's cancer na nasambit pa niya bago ang kanyang Mount Everest hike.
01:45Pure children's cancer. Climbing Mount Everest is very little compared to the battles these little warriors are facing every day.
01:57We aim to give attention and awareness to their plight and for their cause.
02:05Family, friends, supporters and sponsors, we thank you. Together, let's do this.
02:12Kasama niya ang pinsang si Carl Santiago bilang base camp support staff.
02:17Base sa mga ulat, si Philip ang unang dayuang hiker na nasawi sa Mount Everest sa climbing season ngayong taon.
02:23Dahil sa overcrowding at pagkamatay ng ilang hiker doon, kamakailan inanunsyo ng Nepal na mag-iissue lang sila ng Everest permit sa mga climber
02:29na nakaakyat sa isa sa mga 7,000 meter mountain sa Nepal, bagay na tinutulan ng ilang grupo ng mountaineer.
02:36Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:43Nagtatago na umano ang lalaking walang awang nambalibag sa isang tuta sa Pasig City.
02:49Nahuli kamang pananakit sa tuta na posibleng maputulan ng paa.
02:53May report si EJ Gomez.
02:58Halos di tumigil sa pag-iyak ang tutang iyan sa barangay Santolan, Pasig.
03:04Yan ay matapos itong ibalibag sa simento ng isang lalaki.
03:08May report nito.
03:10Dahil sa lakas ng pagkakabalibag, di na maigalaw ng tuta ang isa niyang paa.
03:15Ayon sa ilang saksi, lasing noon ang lalaki sa video at biglaraw ng gulo sa lugar.
03:21Ilang beses pa raw nitong pinagpapalo ang tuta bago ito ibinalibag.
03:25Napatabi na lang po siya sa isang gilid, tas di na makatbangan sa sobrang hilo.
03:31Siyempre nang hina.
03:31Kwento ng amo ng tutang si Kikyam, pinsan niya ang nahulikam na lalaking nanakit sa alaga niya.
03:46Matapos ang insidente, nagsumbong pa raw ang kanilang pinsan sa barangay dahil nakagat daw siya ng aso.
03:53Pero ayon sa barangay, wala naman silang nakitang bakas ng kagat sa katawan ng sospek.
03:58Nagpa-blatter siya. Ang sabi niya, nakagat siya ng aso. Lasingan siya, nang muta rito.
04:03Ang dating nga dito, parang siga pa nga dating eh kasi sabi niya, ayaw doon sagutin ng mayari.
04:09Siya na lang daw magpapasaksak sa sarili niya.
04:11Naisugod naman sa veterinaryo ang tuta, pero posibling maputulan ito ng isang paa dahil sa tinamong crack sa buto.
04:19Ito ay clearly act of cruelty. Ito yung exact act na pinagbabawal ng animal welfare.
04:27Itong pangyayari na ito, nakakagalit dahil napaka-defenseless nung aso.
04:34Kung mapatunayang lumabag sa Animal Welfare Act, posibling makulong ng isa hanggang dalawang taon ng sospek na isang tricycle driver.
04:42Ipinatawag siya ng barangay pero hindi sumipot.
04:44Nung makita po nila yung tricycle, iba na po yung bumibiyahe.
04:49At ang sabi po nung tiyahin, eh wala na raw doon. Umalis. Nagtago. Nagpunta na po ng pampanga.
04:56Itutuloy rin daw ng may-ari ng tuta ang paghahain ng reklamo.
05:00Mas maganda pong sumuko na po siya. Huwag na po siya magtago.
05:03EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:07Tapos na ang pagbibilang ng boto ng National Board of Canvassers para sa pagkasenador.
05:20Sa inilabas ng COMELEC na National Certificate of Canvass, pasok sa Magic 12 si Nabongo, Bam Aquino, Pato De La Rosa, Erwin Tulfo, Kiko Pangilinan, Rodante Marcoleta, Ping Lakson, Tito Soto, Tia Cayetano, Camille Villar, Tito Lapid at Aimee Marcos.
05:41Pasok naman sa top 6 na party list groups ang Akbayan, Duterte Youth, Tingog, For Peace, Act CIS at Ako Biko.
05:49Ayon sa COMELEC, alinsunod sa proseso, dadaan pa ito sa audit, kaya hindi pa ito matatawag na full and official count.
05:56Hindi pa man na ipoproklama, pagiging bahagi na ng House Prosecution Panel sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte,
06:06si na incoming party list representatives Laila de Lima at Shell Diokno.
06:10Ang Senado na Tatayong Impeachment Court, naghahandaan na rin.
06:14May report si Tina Pangaliban Perez.
06:16Malinaw mang makaduterte ang ilan sa mga kasalukuyan at papasok na senador,
06:24hindi raw masasabi ni Senate President Cis Escudero kung baboto sila para i-acquit si Vice President Sara Duterte.
06:32Yung mga in-endorse dati, kinakalaban na nila ngayon yung mga nag-endorse sa kanila.
06:35Ayokong pangunahan, ano man ang magiging resulta ng impeachment, hayaan natin tumakbo ang proseso.
06:41At kahit magharap-harap ang magkakalabang paksyon, inaasahan ni Escudero na hindi magiging sirkus ang impeachment trial.
06:50Mga veterano, batikan sa legislation, sa parliamentary rules ang mga ito.
06:55We will maintain order and we will keep order within the impeachment court.
07:00Ang nagbabalik Senado na si Kiko Pangilinan, titignan daw ang ebidensyang ilalapag ng prosekusyon.
07:06So, tingnan natin ano ang magiging ebidensya, etc. We will just have to uphold the rule of law.
07:15Sa susunod na linggo, patadalan na ng Senado ang Kamara ng Notice na kailangan nilang ipresenta sa Senado ang impeachment charges laban sa vice.
07:25Ang prosecution panel mula sa Kamara, nagsimula na rin paghandaan ang nalalapit na impeachment.
07:30Magiging bahagi ng prosekusyon, sinadating Sen. Laila Delima at Atty. Chell Jocno, mga partyless nominee na inaasahang papasok sa susunod na kongreso.
07:42Di pa man naipoproklama, tinawagan na sila ni House Speaker Martin Romualdez.
07:47Ayon kay Romualdez, kasama sina Delima at Jocno sa mga pinakarrespetadong abogado sa bansa.
07:54Magiging ambag daw nila ang kredibilidad, balanse at lalim sa proseso ng impeachment.
07:59Ayon kina partyless nominee Laila Delima at Chell Jocno, hindi pa napag-uusapan kung anong articles of impeachment ang gusto nilang hawakan o itatalaga sa kanila.
08:11Pero siguradong paghahandaan daw nilang mabuti ang impeachment trial.
08:15Paglilinaw naman ni Delima, hindi niya tinanggap ang pagiging prosecutor para gumanti sa mga Duterte.
08:22Si Delima ay isa sa pinakamatinding kritiko noon ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa ilalim ng Duterte administration,
08:30nakulong siya ng halos 7 taon hanggang sa ibinasura kalauna ng mga korte ang lahat ng kaso laban sa kanya.
08:37I'm not the kind of person who does things out of personal vendetta or vindictiveness.
08:45It's all about really contributing to the attainment of justice and accountability.
08:55Si Jocno naging bahagi ng impeachment trial ni Pangulong Joseph Estrada noong 2001 bilang private prosecutor.
09:03Tulad ng naging karanasan ko noong dati sa impeachment process,
09:09kailangan ayusin at tibayin ang ebidensya, ang mga testigo at ang i-represent ang mga exhibit.
09:20Si Congressman Joel Chua, naniniwalang malaki ang may tutulong ni Delima at Jocno sa kaso laban kay Vice President Duterte.
09:28Well, malaking bagay po silang dalawad. Considering yung kanilang credentials, experience,
09:34alam naman po natin na mga batikang abogado yan, malaki may tutulong nila sa uusad na impeachment.
09:43Tina Pangaliban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:50I'm lying if hindi ko sasabi na medyo nasasaktan ako minsan sa social media, sa mga nababasa ko.
09:56Miss Universe Philippines' first runner-up, Winwin Marquez, aminadong apektado ng bashers sa Fast Talk with Boy Abunda.
10:04Sinabi niyang sa pamilya siya, humuhugot ng lakas.
10:08Sila yung nagsasabi na, huwag ka maniwala dyan, ito ka, dito tayo, this is your core. And that is very important.
10:17Barbie Forteza, busy sa back-to-back projects.
10:20Kagagaling lang ni Barbie from South Korea kung saan nag-taping siya ng Beauty Empire na isang revenge drama series kasama si Kailin Alcantara.
10:30Ay, naku, sobrang saya, sobrang saya. Challenging.
10:34Dumiretsyo agad si Barbie sa last shooting day ng horror suspense movie niyang P77.
10:40Pag mumalaki niya, makapanindig balahibo ang maraming eksena sa pelikula.
10:47Kapuso reality singing competition na The Clash, muling magbabalik with a brand new season na puno ng twists.
10:56Makakasama pa rin bilang Clashmasters, sina Julian San Jose at River Cruz.
11:02At ang OG judges mula pa noong season 1 na sina Ayay de las Alas, Lani Misalucha at Christian Bautista.
11:10Aubrey Carampel, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:26Terima kasih telah menonton!