Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Miyerkules, May 14, 2025
-COMELEC Chairman Garcia: Mga panalong senador, target iproklama sa May 16 o 17
-Partial/Unofficial vote count para sa pagka-senador, as of 10:51am
-Iba pang nanalong alkalde sa Metro Manila, iprinoklama na
-WEATHER: 25-anyos na lalaki, patay sa landslide kasunod ng pag-ulan
-P0.75/kWh na bawas-singil, ipatutupad ng MERALCO ngayong buwan
-Mga nakaparadang motorsiklo, tinangay ng rumaragasang tubig kasabay ng malakas na ulan
-2 lalaking nagbebenta umano ng illegal drugs, arestado; P578,000 halaga ng umano'y shabu, nakumpiska
-10 sangkot umano sa hazing kabilang ang 4 na menor de edad, arestado
-Mga nagwagi sa ilang posisyon sa ilang lugar sa Luzon, naiproklama na
-Ilang Sparkle artists, nagwagi sa ilang posisyon ngayong Eleksyon 2025
-Takit Bersamin at Anne Bersamin, waging governor ng Abra
- llang panalong kandidato sa lokal na posisyon, hindi pa ipinoproklama dahil sa suspension of proclamation ng COMELEC
-6, sugatan sa karambola ng bus, UV Express at motorsiklo
-Krisis sa edukasyon at programa para sa iba't ibang sektor, tututukan daw ng Akbayan Partylist
-Partial/Unofficial vote count sa pagka-senador, as of 11:12am
-Ilang miyembro ng Pamilya Duterte, panalo sa mga lokal na posisyon sa Davao City
-Lalaking sangkot sa pamamaril sa headquarters ng isang mayoral candidate, sumuko; mga kasabwat, hinahanap pa
-AFP: 3, patay dahil sa election-related violence sa Lanao del Sur
-David Licauco: Siguradong magiging friends ko ang ilang PBB housemates sa outside world
-Filing ng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE ng mga tumakbo sa Eleksyon 2025, nagsimula na kahapon
-Lalaki, patay matapos pagsasaksakin ng sariling ama
-Paggamit ng official social media accounts ng Pontifex, itutuloy ni Pope Leo XIV/ Vatican: Inaugural mass kay Pope Leo XIV, sa May 18 na
-Pagbaba ng presyo ng mga bilihin, pagtaas ng sahod, at mas maayos na transportasyon, hiling sa mga nanalo sa Eleksyon 2025
-Hindi pagtanggap sa balota, naging problema sa maraming automated counting machines
-INTERVIEW: ANA DE VILLA-SINGSON
SPOKESPERSON, PPCRV
-Bulkang Kanlaon, patuloy na binabantayan ng PHIVOLCS
-58 sa 175 Certificates of Canvass, nakarating na sa National Board of Canvassers
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
-COMELEC Chairman Garcia: Mga panalong senador, target iproklama sa May 16 o 17
-Partial/Unofficial vote count para sa pagka-senador, as of 10:51am
-Iba pang nanalong alkalde sa Metro Manila, iprinoklama na
-WEATHER: 25-anyos na lalaki, patay sa landslide kasunod ng pag-ulan
-P0.75/kWh na bawas-singil, ipatutupad ng MERALCO ngayong buwan
-Mga nakaparadang motorsiklo, tinangay ng rumaragasang tubig kasabay ng malakas na ulan
-2 lalaking nagbebenta umano ng illegal drugs, arestado; P578,000 halaga ng umano'y shabu, nakumpiska
-10 sangkot umano sa hazing kabilang ang 4 na menor de edad, arestado
-Mga nagwagi sa ilang posisyon sa ilang lugar sa Luzon, naiproklama na
-Ilang Sparkle artists, nagwagi sa ilang posisyon ngayong Eleksyon 2025
-Takit Bersamin at Anne Bersamin, waging governor ng Abra
- llang panalong kandidato sa lokal na posisyon, hindi pa ipinoproklama dahil sa suspension of proclamation ng COMELEC
-6, sugatan sa karambola ng bus, UV Express at motorsiklo
-Krisis sa edukasyon at programa para sa iba't ibang sektor, tututukan daw ng Akbayan Partylist
-Partial/Unofficial vote count sa pagka-senador, as of 11:12am
-Ilang miyembro ng Pamilya Duterte, panalo sa mga lokal na posisyon sa Davao City
-Lalaking sangkot sa pamamaril sa headquarters ng isang mayoral candidate, sumuko; mga kasabwat, hinahanap pa
-AFP: 3, patay dahil sa election-related violence sa Lanao del Sur
-David Licauco: Siguradong magiging friends ko ang ilang PBB housemates sa outside world
-Filing ng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE ng mga tumakbo sa Eleksyon 2025, nagsimula na kahapon
-Lalaki, patay matapos pagsasaksakin ng sariling ama
-Paggamit ng official social media accounts ng Pontifex, itutuloy ni Pope Leo XIV/ Vatican: Inaugural mass kay Pope Leo XIV, sa May 18 na
-Pagbaba ng presyo ng mga bilihin, pagtaas ng sahod, at mas maayos na transportasyon, hiling sa mga nanalo sa Eleksyon 2025
-Hindi pagtanggap sa balota, naging problema sa maraming automated counting machines
-INTERVIEW: ANA DE VILLA-SINGSON
SPOKESPERSON, PPCRV
-Bulkang Kanlaon, patuloy na binabantayan ng PHIVOLCS
-58 sa 175 Certificates of Canvass, nakarating na sa National Board of Canvassers
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Thank you so much for joining us.
00:30To be honest, May 16 or Sabado, May 17, target na may proclama ng Commission on Elections
00:43ang 12 Senador na panalo sa Eleksyon 2025.
00:47Ayon kay Comelec Chairman George Garcia sa panayam ng Unang Balita sa Unang Hirit,
00:51hindi pa tapos ang canvassing ng mga boto at kailangan din daw ng Comelec ng ilang araw para pagandaan ang proclamation.
00:57Target ng Comelec ngayong araw na makatapos ng 100 Certificates of Canvas o COC mula sa kabuuang 175.
01:06May una ng na-canvas na 58 COC kahapon.
01:09Ngayong araw rin daw target ng Comelec na makapaglabas ng unang partial and official results ng botohan.
01:17Silipin na natin ang latest sa senatorial race.
01:20Wala pa rin pagbabago sa top 12 base sa partial at unofficial tali ng datos mula sa Comelec Media Server.
01:27As of 10.51am, nangunguna pa rin si Bongo na may mahigit 26 million votes.
01:33Pangalawa si Bam Aquino.
01:35Pangatlo si Bato de la Rosa.
01:37Parehong may mahigit 20 million votes.
01:40Pangapat si Erwin Tufo at panglima si Kiko Pangilinan.
01:43Kasunod si Narodante Marcoleta, Ping Lacson, Tito Soto, Pia Caitano at Camille Villar.
01:50Sa ngayon, binubuo ang Magic 12 ninalito lapid at Aimee Marcos.
01:56Nasa 13th hanggang 15th spots si Ben Tulfo, Ramon Bong Revilla Jr. at Abby Binay.
02:03Sunod pa rin si Benher Abalos, Jimmy Bondoc, Manny Pacquiao, Philip Salvador at Colonel Busita.
02:10Muli, partial and unofficial po yan, batay sa 97.36% ng election returns na na-transmit sa media server.
02:21Naiproklama na rin ang iba pang nagwaging alkalde sa ilang lungsod sa Metro Manila.
02:26Magbabalik sa Manila City Hall si Isco Moreno na iprinuklamang bagong alkalde ng lungsod.
02:31Si Sen. Nancy Binay naman ang mauupong bagong alkalde ng siyudad ng Makati.
02:40Siya ang ikalimang binay na magiging mayor ng lungsod.
02:45Si Maan Teodoro naman ang papalit sa asawa niyang si outgoing Marikina City Mayor Marcy Teodoro.
02:50Unopposed si Mandaluya Income Advice Mayor Menchi Abalos na iprinuklamang alkalde ng lungsod.
02:56Muling nahalal sa isang termino si Taguig City Mayor Lani Cayetano.
03:04At sa Paranaque, si 1st District Representative Edwin Olivares ang nanalong alkalde.
03:19Nagka-landslide sa Tupi, South Cotabato.
03:21Patay ang 25-anyos na lalaking natutulog ng rumagasang gumuhong lupa galing sa bundo.
03:27Nagsagawa na ng clearing operations sa lugar.
03:30Nangyari ang landslide kasunod ng ulan sa Tupi ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
03:36Ang ulan ay paong mga local thunderstorm ayon sa pag-asa.
03:40Ngayong Merkoles, posibleng muli ang mga thunderstorm.
03:43Easter Least ang umiiral sa buong bansa.
03:46Uulanin ang halos buong Mindanao at ilan pang panig ng Visayas at Luzon kasama na ang Metro Manila base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
03:55Posibleng ang heavy to intense rains na maaring magdulot ng baha o landslide.
03:59Sa linggong ito, isang low pressure area ang maaring mamuo, sabi ng pag-asa.
04:04Mababa naman ang tsansa nitong maging bagyo pero inaasang, lalapit ito sa Visayas-Mindanao area at Bicol region.
04:12Sa kabila ng posibleng ulan, magpapatuloy ang mainit at malinsangang panahon sa ilang lugar.
04:17Posibleng umabot sa danger level na 44 degrees Celsius ang heat index sa Sangli Point, Cavite,
04:23San Jose Occidental Mindoro, Pili Camarinasur, Rojas Capis at Butuan Agusan del Norte.
04:3143 degrees Celsius naman sa Coron Palawan, Masbati City, Iloilo City, Dumangas Iloilo, Tacloban, Tacloban Leyte at Giwan Eastern Samar.
04:42Posibleng umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index sa Pasay at dito po sa Quezon City,
04:48maging sa ilang pagbayan at syudad sa bansa.
04:53Good news sa mga customer ng Miralco, bababa ang singil ng kumpanya ngayong kasagsagan ng tag-init.
05:02Ayon sa Miralco, 75 centavos per kilowatt hour ang bawas singil ngayong Mayo.
05:06Katumbas yan ng 150 pesos na kabawasan sa mga pre-bill na mga kumukonsumo ng 200 kilowatt hours ng kuryente.
05:14Sabi ng Miralco, ang bawas singil ay bunsod ng bumabang generation at transmission charges.
05:23Tinangay ng ragasan ng tubig ang mga motorsiklong iyan sa barangay San Jose Rodriguez, Rizal.
05:31Nangyari yan sa kasagsagan ng eleksyon.
05:33Kwento ng kumuha ng video, nakaparada sa harap ng Rodriguez Heights Elementary School ang mga motorsiklong inanod.
05:39Ayon sa pag-asa, thunderstorm ang dahilan ng biglang buhos ng ulaan sa lugar noong lunes.
05:45Arestado ang dalawang lalaki sa Marikina dahil umano sa pagbibenta ng iligal na droga.
05:53Todo tanggi ang mga suspect na dati nang nakulong sa parehong asunto.
05:57Ang mainit na balita hatid ni EJ Gomez, exclusive.
06:03Gabi nitong May 12, araw ng eleksyon.
06:07Sinugod ng mga operatiba ng Marikina Police, ang isang madilim na bahay na ito sa barangay Fortune.
06:12Dito nila na-corner ang dalawang lalaking tulak umano ng iligal na droga.
06:18Ito pong ating mga suspect ay kabilang po sa Unified Watch List ng PNP at PIDEA, listed po as a high value individual.
06:27Nakumpis ka ng pulisya mula sa mga suspect ang walong pakete ng umano'y shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 85 grams at nagkakahalaga ng P578,000 pesos.
06:39Sa anti-Polo Rizal daw nang gagaling ang supply ng droga ng mga high value target ayon sa pulisya.
06:46Matagal na po itong talagang minamatsyagan at nagsasagawa ng surveillance yung ating mga operatiba sa ating dalawang suspect.
06:54At isa po rito ay residente po ng Marikina at isa po rito ay residente po ng San Mateo Rizal.
07:02Itinanggi na mga na-aresto na nagbebenta sila ng iligal na droga. Di rin daw sila magkakilala.
07:09Itananim lang po sa akin yun. Wala po kong alam dun. Hindi po ako nagbebenta niyan. Magamit lang po ko niyan.
07:15Hindi po ako nagbebenta ng droga. Hindi ko po hawak yun. Hindi ko po sa akin nakuha yun ma'am.
07:19Sa records ng pulisya, dati nang nakulong si Alias Bordek sa San Mateo Rizal noong 2022 dahil sa droga.
07:27Gayun din si Alias Enggol sa Marikina noong 2021 sa parehong kaso.
07:32Maharap ang mga suspect sa panibagong kaso ng paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
07:43EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:47Ito ang GMA Regional TV News.
07:54Mainit na balita mula sa Luzon hatid ng GMA Regional TV.
07:58Arestado ang sampung lalaki kabilang ang apat na minor de edad matapos umanong mambugbog sa Noveleta Cavite.
08:05Chris, anong dahilan ng pambugbog?
08:07Rafi, initiation rights down ng grupo ang nasabing pambugbog na tinatawag nilang 32nd Massacre.
08:18At ang binugbog naman ng lalaki ay isa sa mga bago nilang miyembro.
08:21Sa video, kitang pinalibutan ng ilang lalaki ang isa pang lalaki sa bakura ng isang bahay sa barangay San Rafael Tres.
08:30Maya-maya, sabay-sabay nilang pinagsusuntok at pinagsisipa ang lalaki na nasa gitna.
08:36Romes Pondes sa lugar ang mga polis matapos makatanggap ng ulat na humigit kumulang 50 lalaki ang nagtipon sa nasabing bakuran.
08:44Ayon sa pulis siya, nagpapagaling na sa ospital ang biktima at isa pang biktima rin ng pambugbog ng grupo.
08:51Ayon naman sa anim na naaresto, lahat sila ay dumaan sa parehong initiation.
08:55Hindi raw sila sangkot sa anumang krimen.
08:58Maarap sila sa reklamong paglabag sa anti-hazing law.
09:02Nasa kustudiya naman ng Municipal Social Welfare and Development ang apat na minortidad na sospek.
09:07Samantala, naiproklama na ang ilang nagwaging kandidato sa ilang lugar sa Luzon.
09:14Nabilang dyan si Sandro Barcos na anupost bilang Ilocos Norte 1st District Representative.
09:20Ipinroklamaring gobernador o governor-elect ang kanyang tiyahin na si Cecilia Araneta Marcos.
09:26Vice-governor-elect ang pinsan niya na si outgoing governor Matthew Marcos Manotok.
09:33Muli rin nahalal bilang congressman sa ikalawang distrito ng probinsya si Angelo Barba.
09:38Ipinroklaman naman bilang Pampanga 2nd District Representative si former President Gloria Arroyo na walang kalaban sa posisyon.
09:46Nagpalitan naman sa pwesto o magpapalitan sa pwesto ang mag-inang sinapampanga governor-elect Lilia Pineda at vice-governor-elect Dennis Delta Pineda.
09:55Re-elected naman sa Bulacan ang actor-turned politicians na sinag-governor Daniel Fernando at vice-governor Alex Castro.
10:04Ipinroklaman naman bilang gobernador si Cavite o ng Cavite si Abeng o Abeng Rimulya, vice-governor si Ram Revilla Bautista.
10:13Habang sa Laguna, ipinroklamang gobernadora si Sol Aragones, vice-governor-elect ang abogadong si J.M. Carait.
10:21Nagbabalik sa pagiging gobernadora ng Batangas si Vilma Santos Recto, vice-governor niya si outgoing Governor Dodo Mandanas.
10:31Ipinroklaman naman na congressman ang anak ni Vilma na si Ryan Christian Recto sa ika-anim na distrito ng Batangas.
10:39Mga mare at pare, bukod kay Manila Mayor-elect Isco Moreno, ilang sparkle artist din ang nagwagi sa kanilang tinakbuhang posisyon sa eleksyon 2020 pa.
10:58Kabilang dyan ang anak ni Isco na si Sparkle actor Joaquin Dumagoso na wagi bilang Manila First District Counselor.
11:05Isa pang Sparkle star, si Jason Abalos Wagi naman bilang Board Member ng 2nd District ng Nueva Ecija.
11:22May mga nakalatag ng plano si Abro Governor-elect Takit Bersamin sa kanyang pagbabalik kapitolyo.
11:27Kabilang sa mga isinusulong niya ang pagresolba sa kaayusan at kapayapaan doon na makatutulong daw sa ekonomiya ng probinsya.
11:34Balit ang hatid ni Jonathan Andal.
11:40Balik kapitolyo ng Abra ang mga Bersamin.
11:43Nagbabalik gobernador si Takit Bersamin.
11:46Ang kapatid na Executive Secretary Lucas Bersamin.
11:49Vice-gobernador naman ang kanyang pamangking si Ann Bersamin.
11:53Landslide ang pagkapanalo ng mag-chewing Bersamin laban sa mother and son tandem na si Nadjoy at Kiko Bernos.
11:59Isa sa unang ginawa ni Governor-elect Bersamin, tawagan si Baguio City Mayor Benjamin Magalong
12:05para magpatulong na maayos ang prison order sa Abra na may kasaysayan na nagkarahasan at patayan.
12:11Tilo mo kami Benji, ikaw nagpatinong Abra noong 2013.
12:15Yes, sabi niya.
12:16Si Magalong kasi ang dating hepe ng PNP Cordillera Region na nagpatahimik daw sa Abra noon.
12:21At ngayon ay pinuno ng Cordillera Regional Prison Order Council.
12:25Sabi ni Bersamin, kapag naayos na ang seguridad sa Abra, mapapalakas na nila ang turismo rito para sa ekonomiya.
12:31Plano rin daw niyang gawing tertiary level hospital, ang kanilang provincial hospital sa kanyang unang taon,
12:36para hindi na ro dumarayo sa Ilocos o mga Abrenyong nagpapagamot.
12:40Ang nanalo namang kongresista ng Lone District ng Abra na si J.B. Bernos, nakalyado rin ng mga Bersamin,
12:46magpapatulong daw kay Executive Secretary Bersamin para mapaunlad ang Abra.
12:50Kahit may barila noong botohan malapit sa isang voting center sa Bangged,
12:57na ikinasugat ng dalawa, generally peaceful pa rin ang turing ng Abra Police sa eleksyon sa probinsya.
13:03Natapos ang eleksyon dito sa Abra na may mataas na voter turnout, 91%.
13:08Ibig sabihin, siyam sa bawat sampung rehestradong abrenyo, bumoto ngayong eleksyon 2025.
13:15Jonathan Nandal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:20Hindi pa ipinoproklama ang dalawang nanalong kandidato sa lokal na posisyon dahil sa suspension of proclamation ng COMELEC.
13:26Isa na riyan si Marikina Mayor Marcy Teodoro na nangunguna bilang First District Representative.
13:32Suspendido rin ang proclamation ng isa sa mga nanalong konsihal na ikalawang distrito ng Maynila na si Darwin Sia.
13:38Sinuspindi ang kanilang proclamation habang hinihintay pa ang resolusyon na nakabinbiin nilang kaso sa COMELEC Anbank.
13:45Bukod sa kanila, may labimpitong iba pang kandidato ang inisyohan din ng suspension of proclamation.
13:50Ito na ang mabibilis na balita.
13:57Nagkarambola ang apat na sasakyan sa tunnel ng Edsa Quezon Avenue.
14:01Kwento ng nakabangang bus driver hindi niya napansin na nakatigil ang dalawang EUV Express kaya niya ito nabangga.
14:08Nadamay rin ang isang motorsiklo, animang sugatan ayon sa MMDA.
14:12Hinarang ang isang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport, Terminal 1, dahil sa nakita sa kanyang check-in baggage.
14:22Ayon sa Office for Transportation Security, nakikita ang isang hugis baril na gamit sa bagahe ng pasahero.
14:28Ipinatawag siya para sa manual inspection at doon na nalaman na isa pala itong laruan.
14:35Kinumpis ka ang laruan at itinerover sa pulis siya.
14:38Pinayagan pa rin naman siyang makabiyahe.
14:42Ang balita sa unang hibit sa Akbayan Partylist First Nomination Jocno,
14:47ang gusto raw ng kanilang partido ay maging boses ng ordinaryong Pilipino.
14:51Ininatag din niya ang mga sektor at programang magiging prioridad nila sa Kamara.
14:59Sa gusto namin ma-address ay yung problema natin sa edukasyon.
15:03May krisis tayo dyan. Gusto namin mahalin at alagaan ng iba't ibang mga sektor na ating lipunan.
15:10Nandyan yung ating mga manggagawa, ang youth, mga mangingisda, mga magsasaka at iba pa.
15:17And meron kami yung program sa bawat sektor.
15:21Update naman tayo sa latest sa sanitorial race base po sa partial at unofficial tally na datos mula sa media server.
15:28At sa 11.12am, nangunguna pa rin si Bong Go na may mahigit 26 million votes.
15:34Pangalawa si Bama Quino at pangatlo si Bato Del Rosa, parehong may mahigit 20 million votes.
15:41Pangapat si Erwin Tulfo at panglima si Kiko Pangilinan.
15:46Kasunod si Rodante Marcoleta, Ping Lakson, Pia Cayetano at Camille Villar.
15:51Sa ngayon, binubuo ang Magic 12 ni Nalito Lapid at Aimee Marcos.
15:57Nasa 13th hanggang 15th spots si Naben Tulfo, Ramon Bong Revilla Jr. at Avi Binay.
16:04Sunod pa rin si Nabenher Abalos, Jimmy Bondoc, Manny Pacquiao, Philip Salvador at Colonel Busita.
16:11Muli, partial and unofficial po yan, batay sa 97.36% ng election returns na natransmit sa media server.
16:21Ito ang GMA Regional TV News.
16:28Mainit na balita mula sa GMA Regional TV.
16:31May mga naiproklamanang nanalo sa mga lokal na posisyon sa Visayas at Mindanao.
16:36Cecil, sino-sino yung ilan sa kanila?
16:40Rafi, si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang nagwaging alkalde sa Davao City,
16:45kahit nakakulong siya ngayon sa kustudiya ng International Criminal Court sa The Netherlands.
16:50Papalitan niya sa Davao City ang anak na si Baste Duterte, nananalo namang Vice Mayor.
16:56Mananatili namang Davao City 1st District Representative ang kapatid ni Baste na si Congressman Paulo Pulong Duterte.
17:03Hindi nakadalo ang magkapatid na Duterte sa kanilang proklamasyon.
17:06Sa 2nd District naman, kongresista ang anak ni Congressman Pulong na si Omar,
17:11habang konsihal sa unang distrito ang kapatid ni Omar na si Rigo.
17:16Dito naman sa Cebu, ipinunuklamang Governor si Pam Bariquatro.
17:20Tinalo niya ang re-electionist na si Gwendolyn Garcia.
17:24Panalo naman bilang Negros Oriental 3rd District Representative si Incomben Pamplona Mayor Janis Digamo.
17:31Nakalaban niya si Janis Tevez, ang tsahi ni na dating Congressman Arnie Tevez
17:36at dating Governor Pride Henry Tevez,
17:38na itinuturong mga sangkot sa pagpaslang kay dating Governor Ruel Digamo,
17:43ang asawan Janice.
17:46Hawak na ng pulisya ang isa sa mga sospek sa pamamaril
17:50sa sila'y Negros Occidental nitong May 12 araw ng eleksyon.
17:54Ayon sa pulisya, nitong lunes din nang sumuko ang sospek sa Negros Occidental Police.
18:00Inihahanda na ang reklamong murder at frustrated murder laban sa kanya.
18:05Tinututukan na rin ng pulisya ang paghahanap sa mga kasabwat ng sospek.
18:10Dalawa ang nasawi ng namaril ang mga gunman sa headquarters ng isang mayoral candidate sa Lungsol.
18:16Habang may pitong sugatan,
18:18hindi na humarap sa media ang sumukong sospek
18:20nang subukan siyang punan ng pahayag.
18:22Mananatiling naka-full alert ang Philippine National Police hanggang bukas, May 15, dahil sa eleksyon 2025.
18:32Kahit pa may naitalang election-related incidents, may tuturing daw na mas tahimik ang butohan ngayon kesa noong 2022.
18:38Narito po ang aking report.
18:40Nagpakawala ng warning shots sa mga sundanot polis sa ilang voting precincts sa Marawi.
18:48May nagtipon-tipon daw kasi mga taga-suporta ng isang mayoral candidate kaya kailangan nila itong palayuin.
18:53Ayon sa isa sa mga leader ng grupo,
18:55nais lang nilang puntahan ng grupo ng kanilang fall watchers na umaneng hinahara sa loob ng voting precincts.
19:00Sa kabila ng komosyon, matagumpay na naihatin sa munisipyo ang mga balota.
19:14Sa Pualas, Lano del Sur, limang lalaki ang inresto matapos umanong magpapotok ng baril sa labas ng polling center.
19:21Mahaharap sila sa reklamang paglabag sa election gun ban.
19:24Ayon sa AFP, tatlo ang namatay dahil sa election-related violence sa buong Lano del Sur.
19:28Pero unang pagkakataon daw ito na walang naitalang failure of elections sa anumang bayan ng lalawigan.
19:34First time nangyari sa Lano na walang failure of election.
19:38So maganda yung ating nagawa dito ngayon sa election ng 2025.
19:47Sana tuloy na ito.
19:48Sa maginaraw del Sur, gumamit ng chili spray o alkohol na hinaluan ng dinikding na sili
19:52ang mga sundalo ng 601st Infantry Brigade.
19:55Ginamit nila ito para maawat ang gulo sa pagitan ng mga supporter ng mga kandidato doon.
20:15Nagbukas at nagsara rin ng mga presinto na walang naitalang nasawi.
20:18Sa pangkalahatan, generally, we can still say as a conclusion na generally peaceful naman.
20:26Additional process o yung augmentation, nakatulong yun, nakakontribute yun ng malaki
20:33kaya nagkaroon tayo ng ganitong relatively successful conduct ng election dito sa ating area.
20:41Ayon sa PNP, naging maayos ang butuhan sa buong bansa.
20:44Mas tahimik daw ngayon kumpara sa mga nakarang eleksyon.
20:47Sa kabila ito nang naitala nilang 16 na patay dahil sa election-related violent incidents
20:52muna na magsimulang election period noong January 12, 2025.
20:56Wala rin naitalang failure of elections sa anumang panig ng bansa.
21:00Sa datos ng PNP na nakuha ng GMN News Research,
21:03noong 2022 elections, 27 ang naiulat na election-related incidents kung saan 4 ang nasawi.
21:09Ayon sa PPCRV, bagamat marami silang natanggap na reklamo,
21:13karamihan daw dito ay mula sa mga galit na butante.
21:16That's a good indication. People are very passionate and feel very strongly about what they're voting for.
21:21Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
21:27Nagpasalamat si Pangulong Bongbong Marcos sa lahat ng Pilipinong bumoto sa election 2025.
21:32Sabi ng Pangulo, patunay raw ito na nanaig ang demokrasya sa bansa.
21:36Pinasalamatan din ang Pangulo ang mga sumuporta sa iniendorso niyang mga kandidato sa alyansa para sa bagong Pilipinas.
21:42Hindi man daw nila na panalunan ang buong Magic 12, tuloy pa rin daw ang trabaho at misyon.
21:48Binati ng Pangulo ang mga nanalong kandidato.
21:51Magkakapartido man daw ay hindi, sana raw ay sama-samang umusad ng may malawak na pag-iisip at may iisang layunin.
21:58Childhood dreams do come true.
22:06Ganyan inilarawan ni David Licaco ang experience as house guest sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
22:14Pag-ami ni David, may hiyahan talaga with the housemates nang pumasok siya sa bahay ni Kuya.
22:20Pero eventually, nakabuo rin sila ng magandang relasyon.
22:23Newfound friends nga raw ang ilan sa mga housemates. Kahit pa sa outside world na sila magkita ulit.
22:30Dahil medyo na jeta sa loob ng Big Brother house, marami raw food cravings si David.
22:39Chicken, lahat po ng meat.
22:43Dahil puro gulay po yung kinakain namin sa loob.
22:46At chicharya. Opo, puro po chicharya, at saka ice cream, saka kanin, lollipop.
22:58Yun po eh. Tapos puro sabaw, ganun. Napaka-sarap po talaga.
23:03Pinilahan ng mga senior citizen ang isang pamilihan sa Navotas kung saan mabibili ang 20 pesos kada kilo na bigas.
23:16Bukod sa kaliwa centers, mabibili rin sa ilang rice retailer na partner ng Department of Agriculture sa iba't ibang palengke ang 20 pesos na bigas.
23:24Ang ilang mamimili sa Navotas Agora Complex, hindi ininda ang mahabang pila, makabili lang ng murang bigas.
23:31Dalawang pung sako ng bigas ang dinala ng DA sa nasabing pamilihan na agad naubos.
23:38Pero hindi umalis sa pila ang mga mamimili kaya't namagitan ng lokal na pamahalaan at nadagdagan ang supply.
23:44Ito na ang ikalawang araw ng pag-rollout ng murang bigas ng DA.
23:47Pagkatapos ng butohan at bilangan, nakatutok naman ngayon ang ilang LGU sa pagtatanggal ng campaign materials at sangkaterbang basura.
24:01Ang mainit na balita hatid ni EJ Gomez.
24:04Dalawang araw na ang lumipas matapos ang eleksyon at ang eksena ng mga lokal na pamahalaan ngayon,
24:13paglilinis ng sangkatutak na eleksyon para Fernelia gaya ng mga posters.
24:17Sa Marikina, mula kahapon, abala ang mga tauhan ng Barangay Barangka sa paglilinis at pagtatanggal ng mga eleksyon para Fernelia,
24:25gaya ng mga tarpulin at poster ng mga tumakbong kandidato.
24:29Sangkatutak daw na posters ang kanilang nakokolekta.
24:32Aabot daw sa tatlongpong sako ang dami ng posters na kanilang natanggal kahapon.
24:36Nakalahati raw nito ang isang dump truck na nag-pick up ng kanilang mga basura.
24:40Target daw nila natanggaling ngayong araw ang mga poster na kailangang akyatin dahil nakasabit sa mga linya ng kuryente o matataas na lugar.
24:49Actually po, sobrang dami talaga ng mga tarpulin, ng mga nakasabit, yung billboard, then yung mga nakasabit na kayo sa pader.
24:56Sa mga billboard po, ma'am, mahirap talaga dahil gagamit pa po kayo ng martilyo, ng flyers, ng hagdanan.
25:03Meron po kasi tayo mga nakasabit like sa mga wirings natin sa may poste. Yun po ang susunod namin trabaho ngayon.
25:10Puspusan din ang pagbabaklas at paglilinis ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila.
25:19Sa pagadian Zamboanga del Sur, tambak din ng basura ang naiwan sa isang paaralan matapos ang botohan, di lang sa loob ng polling precinct.
25:27Sanda makmak na campaign material din ang naiwan sa mga pader at puno.
25:32Nagsimula na rin ang mga tagalawag Ilocos Norte sa pagbabaklas ng campaign materials.
25:37Ilang grupo ang nagtulungan para i-recycle ang mga mapapakinabangan pa.
25:42Nag-clearing operations din ang Iloilo City General Services Office sa mga naiwang campaign para Fernelia.
25:48Sabay paalala ng lokal na pamahalaan sa mga kandidato na tumulong sa pagbabaklas ng posters.
25:54May panawagan ang grupong Eco-Waste Coalition.
25:57Ito ay simbolo at panawagan sa ating mga kandidato sa nasyonal at lokal na maglinis na.
26:08Ito na yung araw na kailangan ay ang lahat naman ng focus nating lahat ay sa paglilinis at pagtanggal ng lahat ng election para Fernelia.
26:18Manalo at matalo, maglinis po kayo.
26:21EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
26:27Nagsimula na kahapon ang pagtanggap ng COMELEC sa mga Statement of Contributions and Expenditures o SOSE ng mga kandidato, mga partido at party list.
26:36Ayon sa Commission on Elections, lahat ng kumandidato sa election 2025 ay kailangang mag-file ng kanilang SOSE,
26:44na nalumano na talo o nag-withdraw ng candidacy basta't nakaabot sa pagsisimula ng campaign period.
26:49Ang hindi makakapagpasa ng kanilang SOSE ay pagmumultahin o maaaring hindi makaupo sa pwesto.
26:57Sa June 11, 2025, ang huling araw ng pag-file ng SOSE.
27:01Ito ang GMA Regional TV News.
27:08Patay ang isang lalaki sa otong ilo-ilo, matapos pagsasaksakin ng sarili niyang ama.
27:14Natagpuan ang bangkay ng 36-anyos na biktima sa isang kanal sa barangay Santa Rita.
27:20Ayon sa pulisya, umamin sa mga kaanak ng sospek na siya ang pumatay sa kanyang junior.
27:25Hinuli ng pulisya ang sospek na tumangging magbigay ng pahayag.
27:30Pero hindi na raw siya sasampahan ng reklamo ng kanilang mga kaanak.
27:33Ito tuloy raw ni Pope Leo XIV ang social media presence ng Pontifex account.
27:45Pontifex po ang handle na gamit ng Santo Papa sa ex o dating Twitter.
27:51Sa ngayon, nakapangalan pa ito bilang archive ni Pope Francis.
27:54Pero sabi ng Vatican, dito rin makikipag-communicate ang bagong Santo Papa,
28:00pati na rin sa kanyang official account sa Instagram.
28:03Tuloy-tuloy naman ang paghahanda para sa inaugural mass kay Pope Leo XIV.
28:08Itinakda na yan sa May 18 sa St. Peter's Square.
28:11Sa May 21 naman, haharap ang bagong hirang na Santo Papa sa general audience.
28:16May pawarm welcome ang Sparkle GMA Artist Center sa kanilang stars na sinag-Josh Ford at Winwin Marquez mula sa kanika nilang journeys.
28:32Si Josh nagbalik outside world matapos lumabas sa bahay ni Kuya nitong May 10.
28:37Napamahal sa maraming fans si Josh bilang survival lad ng United Kingdom sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
28:44Kabilang kasumalubong kay Josh ang ilang naging co-stars niya sa Maka.
28:51A welcome, fit for a queen din ang salubong kay Winwin Marquez na may solid performance sa Miss Universe Philippines 2025 nitong May 2.
29:02First runner-up si Winwin sa nasabing kompetisyon at nanalo rin ang maraming special awards.
29:08Nagkaroon ng Carabao Race sa Barangay Cabo sa Kabanatuan City.
29:15Nasa anim na pong kalabaw ang sumali mula sa iba't ibang lugar sa Nueva Ecija at mga karating probinsya.
29:28Pasasalamat daw yan ang mga magsasaka para sa kanilang magandang ani.
29:33Nakapag-uwi ng 50 hanggang 25,000 pesos ang winners sa magkaibang categories.
29:38Matapos ay proklamang ilang nanalo sa eleksyon 2025,
29:52ano nga ba ang panawagan ng mga butanting naglukluk sa kanila sa pwesto?
29:56Alamin sa Balitang Hatid ni James Agustin.
29:58Pasado las 4 pa lang na madaling araw nagsisimula na ang biyahe ng jeepney driver na si Catalino sa rutang UP Campus SM North.
30:09Sa taas daw ng presyo ng produktong petrolyo ngayon,
30:12maswerte na kung makapag-uwi siya ng 500 pesos hanggang 700 pesos.
30:16Kaya panawagan niya sa mga nanalong kandidato ngayong eleksyon.
30:20Sana makisabi naman sila na babaan nila yung presyo ng gasolina.
30:23Para naman kami maghinhawa rin sa biyahe kasi sa tumal nga ng patayero ngayon.
30:27Para mayroon din kaming maiuwi na sapat din sa pamilya namin.
30:31Ganyan din ang tingin ng taxi driver na si Tony,
30:34na 12 oras kumakayod araw-araw para maitaguyod ang kanyang pamilya.
30:38Dapat yung pangangailangan, tulad ng gasolina, ganyan.
30:46Mga bigas, bilihin.
30:50Ang empleyadong si Kimberly, dalawang beses kailangan sumakay ng jeep
30:53mula sa bagong silang sa Kaluokan para makarating sa kanyang trabaho sa Cubao, Quezon City.
30:58Alas tres pa lang daw na madaling araw ay gumigising na siya
31:01para hindi ma-late dahil pahirapan ng pagsakay.
31:04Yung MRT dito, senior high school pa lang po ako ginagawa na to.
31:07Tapos hanggang ngayon hindi pa rin po siya tapos.
31:09So sobrang traffic. Ang hirap po lalo po sa akin na nagkatrabaho.
31:13Kahit nightship po ako, ang hirap pa rin po sumakay.
31:16Tapos ang dami pong nangyayari, may mga jeepney, ano pa po, phase out.
31:20So hindi na rin po natutuloy.
31:22So for me, kailangan talaga bigyang aksyon na yung transportation ng mga tao.
31:27Hiling naman ang minimum wage earner na si Rowena
31:29mabigyang prioridad ang sahod na mamanggagawa.
31:32Saan natin tumastay ang sahod ng mga ano,
31:35mas kailangan natin tumastay ang kiliin.
31:37Yun sa mga senior, sana patunan din nila na pansin
31:40para mas kailangan din ng mga senior.
31:43James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
31:56Sa kabila ng ilang aberya,
31:57iginate ng Commission on Elections na
31:59nagampanan ng mga Automated Counting Machines o ACM
32:02ang trabaho nito sa eleksyon 2025.
32:06Balit ang hatid ni Maki Pulido.
32:07Sa labing pitong minuto ni Luis sa loob ng presinto kung saan siya bumoto,
32:15sampung minuto ay naubos lang sa paghihintay sa sinusundan niyang butante
32:19na hindi maipasok-pasok ang balota sa makina.
32:23Sabi ng mga electoral board kung madumihan ang balota,
32:25hindi na binabasa ng ACM.
32:27Ultimo si Pangulong Bongbong Marcos,
32:30sa ikalawang pag-feed lang pumasok ang balota.
32:33Problemang maraming beses naranasan sa buong bansa.
32:36May mga bumarang balota tulad sa Naga City
32:39at may ilang nag-iwan na lang ng shaded na balota
32:42at ipinasuyo na lang ang pagpasok nito sa electoral board
32:45dahil sa tagal ng pag-aayos sa makina tulad sa Batangas.
32:49Pero giit ng Comelec,
32:51nagampanan ng mga Automated Counting Machine ang trabaho nila.
32:55Kung noong 2022 elections,
32:57halos dalawang libong vote counting machine ang pinalitan
32:59dahil sira na.
33:01Ngayon nasa 311 lang at dahil lang sa minor issues ayon sa Comelec.
33:06Pinalitan naman naman ito para hindi na maantala ang butuhan.
33:09The ACM and the Automated Election System performed well.
33:13In fact, more than our expectations,
33:16nagpakalat kami ng 16,000 contingency machines.
33:19And yet, 311 lang yung nagamit.
33:23So ganun po kaganda ang performance ng ACM.
33:26Sabi pa ng Comelec, kahit naman daw bago,
33:29hindi ibig sabihin wala ni isa rito ang magkakaaberya.
33:32To me, thus, for an object,
33:34lilinisin lang sana yan yung scanner.
33:36Pero ang sabi niya namin kung magtatagal pang linisin,
33:38eh palitan na natin.
33:40Sa inisyal naman na assessment ng election watchdog na lente,
33:43nagampanan naman ng ACM ang papel nito sa butuhan at bilangan.
33:47Pero maibibigay lang daw nila ang kanilang full assessment
33:50pagkasagawa ng random manual audit
33:52kung saan manumanong bibilangin ang ilang balota
33:55at ikukumpara sa mga binilang na boto ng makina.
33:58I think it's a good direction na dapat naman talaga ready tayo for contingencies.
34:03Hindi naman talaga 100% yan in terms of equipment.
34:07But I guess the contingency plans are actually working right now.
34:12Para sa Miro Systems, maliban sa minimal technical issues,
34:16maging hawang naidaos ang 2025 elections.
34:20Naging standard na nila ang naganap na eleksyon
34:22dahil natugunan agad lahat ng mga issue
34:25na nagresulta sa uninterrupted voting.
34:28Sa natanggap anilang report,
34:30mas mabilis ang pagboto dahil sa kanila
34:32anilang mga makinang PWD-friendly,
34:35mas kaunting kaso ng paper jamming
34:37at mas mabilis na processing.
34:39Mackie Pulido, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
34:45Sa puntong ito, makakausap natin si Anna de Villa-Singson
34:48ang tagapagsalita ng Parish Pastoral Council
34:51for Responsible Voting o PPCRV.
34:54Magandang umaga po.
34:56Good morning, Hawk.
34:57Opo, naroon pa rin yung election violence.
34:59May mga makinang pumalya.
35:00May mga butateng hindi makita yung kanilang pangalan sa listahan.
35:04Pero ano po yung overall assessment nyo sa election 2025?
35:07Well, mas maparang overall assessment.
35:09We'll get on with our final report,
35:11pero qualitative lang mo ito ngayon.
35:13Parang mas mapaya pa siya kesa sa election in 2022.
35:17There was no failure election like in failure elections
35:20in any area in the Philippines,
35:21katulad rin noon ng 2022.
35:23At parang base sa mga report na sa amin,
35:26there were less incidences of violence,
35:29lalong-lalo na po sa Barma at saka sa Maguindanao,
35:31kung saan palaging there's a concentration of violence during elections.
35:35In terms of the machines,
35:38meron hong mga complaints.
35:39Yun madalas mag-complaint sa amin is,
35:41after feeding three ballots,
35:43it will stop or nadudumihan,
35:45and it would stop.
35:46Pero nare-resolve naman po yun ang mabilis
35:48kasi parang mas malakas ang technical support ngayon
35:52versus in 2022.
35:55Like,
35:55pag may nagre-report ko dito,
35:57may taga-comolec ko sa amin,
35:58kung marim center,
35:59pag tumatawag ang mga tao,
36:01inescalate namin ka agad sa comolec.
36:03At ang comolec naman,
36:04inescalate agad sa field.
36:06At parang lahat naman ang tinawag sa amin,
36:09na ayos,
36:11na tugunan,
36:12maliban sa isa.
36:13Oo,
36:13maliban sa isa,
36:14sa may datood din,
36:16pero okay na rin yun.
36:183 p.m.,
36:18nakastart na rin sila mag-vote sa Basilan.
36:20So,
36:21lahat ng pinasok na complaints dito,
36:23na tugunan ho,
36:25ng NSTP at ng comolec.
36:27Kasi may comolec na rin ho dito.
36:29So,
36:29inescalate niya agad sa field.
36:31Tapos,
36:32yun sa vote counting machine ho,
36:34meron ho naiibang comments na pumasok dito
36:36na hindi ever namin na-encounter
36:38ever since nag-start ang automated elections in 2010.
36:43Marami ho report na pumasok
36:44from different parts of the country,
36:46from voters,
36:47and also from our own coordinators.
36:49Sinasabi nila
36:50na yun machine,
36:52parang,
36:53ito yung reports ha,
36:54yun machine,
36:55parang nagbilang ng mas marami
36:58nang na-shade.
36:59Kunwari,
36:59mayor,
37:00nag-shade ako ng isa,
37:01tapos dalawa,
37:03naging over vote.
37:04Ibig sabihin,
37:04more than one ang nabilang ng machine.
37:06Now,
37:07we have to be very careful.
37:08We have to tell you very clearly
37:10that these are reports.
37:12These are,
37:13we don't know if they're facts
37:15because wala ka rin nakikitang malota.
37:17So,
37:18makikita naman natin po,
37:20if there's area of concern
37:21kasi meron tayong random manual audit
37:23kung saan magbubukas
37:25ng 763 precincts,
37:27balota sa 763 precincts,
37:30tapos yung pagkukumpara
37:31yung manual na evaluation
37:33sa transmitted,
37:34pareho ba?
37:35So,
37:36yun ang isang kaiba-ibang
37:38na napansin po namin sa eleksyon na ito.
37:40Nayparating nyo na po ito sa Comelec?
37:41Itong concern na ito?
37:44We have not given our final report
37:46to Comelec,
37:46but meron mga taga-Comelec po dito.
37:48Sa lahat ng feedback
37:49ng pumapasok sa aming command center
37:52through our call center
37:53and through coordinators,
37:54we did give it to the Comelec representatives
37:56at ano naman po yung pinaka na-impress kayo
38:00ngayong election 2025?
38:02Mabilit siya yung transmission.
38:04I think that's very impressive
38:05because like,
38:0666% na at around 8.30pm pa lang.
38:11So, after one and a half hours,
38:12nakaabot na ng 66%
38:15ang transmissions
38:17nakikita sa Comelec server.
38:20Namang, yung problema,
38:21habang nandun na siya sa Comelec server,
38:23wala pa po sa mga server namin
38:25kasi may five organizations
38:27na may servers rin.
38:29Hindi pa po rin namin nakita.
38:30But, natugunan rin yun.
38:32We started receiving data
38:34at around 9pm po.
38:36And then after that naman,
38:37we've been getting data.
38:39As of now,
38:40we already have transmissions worth
38:4397.28%.
38:47Obviously, marami pa pong
38:48kailangan improve dito sa ating makina.
38:50Pero, pagating po sa mga butante,
38:52meron mo ba kayo napansin improvement?
38:55Oh, you know what?
38:56This is a pattern.
38:57Kaiba-iba rin to ha.
38:59Based on our estimations,
39:00we think the border turnout
39:01was 80.27%.
39:03And that's very good
39:05because it's a midterm election.
39:07That presidential election ho
39:09in 2023,
39:10umabot siya ng 83%.
39:11So, less than 2% ho
39:13ang gap.
39:15Usually,
39:16mas malaki ho yung difference
39:17kung midterm.
39:17And so excited ho
39:19at tamo gumoto.
39:20Tapos,
39:21sa mga pictures
39:22na pinapadala
39:22ng coordinators
39:24nationwide
39:25during election day,
39:26as early ho
39:27as 7.15,
39:28mataas pa ho yung araw,
39:30ang dami na ho
39:30pumipila.
39:31So,
39:32people were excited
39:33to vote.
39:34Usually kasi,
39:35ang nakikita namin
39:36in the past elections,
39:37people would vote
39:38yung peak ho
39:40nangyanyari
39:41between two,
39:42mga after 2pm.
39:42Sa hapon na,
39:43oho.
39:45Ngayon,
39:45ang aga-aga pa,
39:47sobrang haba ho
39:47ng mga pila.
39:48So,
39:48excited ho yung mga
39:49voters.
39:51Okay.
39:52Sana po,
39:52masustain yan
39:53sa mga susunod na eleksyon.
39:54Sana po.
39:54Maraming salamat po
39:55sa oras na binahagi nyo
39:56sa Balitang Halik.
39:57Thank you so, so much.
39:59Ana Divilla-Singson
40:00ng PPCRV.
40:03Libong-libong
40:03individual ang nanatili
40:04sa evacuation centers
40:05dahil naman sa pagputok
40:06ng bulkan kandaon
40:07at may ulat on the spot
40:08si Aileen Pedreso
40:09ng GMA Regional TV.
40:11Aileen?
40:17Go ahead, Aileen.
40:18Aileen?
40:18P-walk patuloy
40:20na min-monitor
40:21ang mga aktividad
40:22ng gulitan.
40:23Patuloy ang pagbabatay
40:24ang book
40:25sa aktividad
40:26ng mga sa laon
40:26at tapos
40:27kung pumuto kahapon
40:28ng madaling araw
40:29na nag-wisinta sa Asport
40:30sa ilang lugar
40:31sa paligid nito.
40:32Sa ngayon ay wala namang
40:34naitalang babong pagbuga
40:35ng abo
40:35na may tasamang usok
40:36sa Wurtan
40:37ngunit hindi pa rin
40:38inaalis ang posibilidad
40:39na muli itong sumotoka.
40:41Sa huling tala
40:41ng DSWD,
40:431,711 na pamilya
40:45o 5,472
40:47ng mga individual
40:47na nanatili pa rin
40:49sa evacuation centers
40:50sa bayan ng
40:51Lakosunana,
40:51La Carlota City
40:52at Balos City
40:53sa Negros Oksidental.
40:55Karamihan sa mga ito
40:56may hindi tatlong buangan
40:57na nasa loob
40:58ng evacuation
40:58ngunit wala nang
41:00nagdagdag sa pagkutat
41:01ng bukan sa hapong.
41:02Patuloy naman
41:03ang paghahati ng tulong
41:04sa mga ito
41:04agaya na lang
41:05food at non-food items.
41:07Nananatili naman
41:08sa Alert Level 3
41:09ang mgaon sa naon.
41:10Patuloy pa rin
41:11na ipinagpo tayo
41:12ng health authorities
41:14sa mga apektadong residente
41:16na magsot pa rin
41:16ng face masks
41:17at umiwas
41:18sa mga outdoor activities
41:19laban sa bantana
41:20ng school.
41:21Maraming salamat,
41:23Aileen Pedreso
41:24ng GMA Regional TV.
41:25Update naman tayo
41:28sa binangan
41:28sa National Board of Canvassers
41:30sa Manila Hotel.
41:30May ulat on the spot
41:32si Sandra Aguinaldo.
41:33Sandra?
41:34Yes, Rafi,
41:37nagpapatuloy ka po
41:38ang canvassing
41:39dito sa National Board
41:40of Canvassers
41:41dito na ginagawa po
41:42dito sa
41:43The 10th Manila Hotel.
41:45At Rafi,
41:4658 na po
41:47na Certificate of Canvas
41:48ang nabilang
41:50at wala pa ito
41:51sa kalahati
41:51nung kabuang bilang
41:53ng 175
41:54na COC
41:55na dapat bilangin.
41:57Sa 58 po
41:58na na-canvas
41:59kahapon
42:00at ngayong araw
42:00ay kasama na dyan
42:02yung mga boto
42:02mula sa iba't ibang bansa.
42:04Sa lokal naman
42:05ay pumasok na
42:06yung Baguio,
42:07Ifugao,
42:08pati yung
42:08Local Absentive Voting,
42:10Batanes,
42:10The Bota City,
42:11San Juan City,
42:12Las Pinas City,
42:13Bataan,
42:14Mandaluyong City,
42:15Kamigin,
42:16Lapu-Lapu,
42:17General Santos City,
42:18Zambales,
42:19Montedlupa City
42:20at Catanduanes.
42:21Ayon po kay
42:22Comolec Chairman
42:23George Erwin Garcia
42:24ay gusto nilang
42:25targetin
42:25na makapag-canvas
42:26ng 100
42:27na COC
42:28ngayong araw na ito.
42:29Kung matutupad po yan,
42:30eh alos makukumpleto na nila
42:32yung 175
42:33na COC
42:34na kailangang
42:35i-canvas.
42:36Pero,
42:36Rafi,
42:376 na COC pa
42:38dito sa lokal
42:39na mula sa mga probinsya
42:40ang hindi pa pumapasok
42:42at inaantabayanan
42:44ng NBOC.
42:45Samantala,
42:46sinabi po
42:46ng Comolec
42:47na posible pa rin
42:48na sila po
42:49ay makapag-proclama
42:51ng 12 senators
42:52sa biyernes
42:53o kaya ay sa sabado.
42:55At doon naman po
42:56daw sa party list
42:57ay kailangan nila
42:58ng mas mahabang panahon
42:59kasi kailangan muna
43:00pumasok
43:01yung kabuang
43:01bilang ng boto
43:03bago nila makwenta
43:04yung 2%
43:05na nakamit
43:06na mga
43:07bawat isang party list
43:08na papasok
43:09po dito sa eleksyon.
43:11At Rafi,
43:12maidadag ko na lamang
43:13na pinapaalalahanan po
43:14ng Comolec
43:15yung mga teachers natin
43:16na makipag-ugnayan
43:17na sa local Comolec
43:18sa kanilang lugar
43:19para po
43:20sa kanilang honorarium
43:21dahil sa pagsisilbi
43:23sa nagdaang eleksyon.
43:24Yan muna po, Rafi,
43:25ang pinakahuling ulat
43:26mula dito sa NBOC
43:28sa Manila Hotel.
43:29Rafi?
43:29Maraming salamat
43:30Sandra Aguinaldo.
43:35Kaya Rafi,
43:36di ba sabi nila
43:37kapag sawa nang gawin
43:38ng isang bagay
43:39e itigil mo na.
43:41Maraming hugot, ano?
43:41Pero para sa isang nanay
43:43sa Marikina,
43:43parang hindi opsyonal
43:44yung tumigil.
43:45Airwalker pa more
43:52kay Marivik Obina.
43:54Sinubukan daw niya ito
43:55habang nagpapalipas oras
43:57sa isang playground.
43:59Nasubukan naman daw
44:00ni Marivik
44:00ang iba pang exercise
44:01sa playground
44:02kaya G
44:03na di siyang nag-airwalker
44:04kahit first time niya.
44:06E napasobra nga lang
44:07ang pag-swing ni Marivik
44:08kaya hindi na niya alam
44:09kung paano
44:10hihinto.
44:11Buti na lang
44:12to the rescue
44:13ang kanyang mister
44:14at pamangkin.
44:16Ang videos ni
44:16Mami Marivik
44:17pahigit 6 million na
44:19ang combined views online.
44:22Uulit mano hindi
44:23si Marivik sa airwalker
44:24abay walang duda
44:25na siya ay
44:26trending.
44:29Ito po ang balitang hali
44:30bahagi kami ng
44:31mas malaking misyon.
44:32Rafi Timo po.
44:33Kasama niyo rin po ako
44:34Aubrey Carampel.
44:35Para sa mas malawak
44:36na paglilingkod sa bayan
44:37mula sa GMA Integrated News
44:38ang News Authority
44:39ng Filipino.
44:41Sous-titrage Société Radio-Canada