Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Martes, May 6, 2025
-General Congregation ng mga kardinal, inaasahang magpapatuloy ngayong araw bilang paghahanda sa Papal Conclave
-Phl Statistics Authority: Inflation rate nitong Abril, bumagal sa 1.4%
-Motorsiklo, nabangga ng firetruck na reresponde sa sunog; rider at angkas, sugatan
-Mahigit 20 bahay sa Brgy. Manuyo Uno, nasunog; ilang residente, ninakawan pa umano
-Distribusyon ng mga balota sa Metro Manila, simula ngayong araw hanggang bukas
-Barangay tanod na napagkamalan umanong kagawad, patay matapos pagbabarilin
-WEATHER: Tatlong magkakaanak, nailigtas sa landslide sa Brgy. Buhisan
-Bahay sa Brgy. Batasan Hills, nasunog; pamilya, ligtas na nakalabas
-Mahigit 10 lalaki, nagsuntukan sa isang bar dahil umano sa singilan ng utang
-Ama ng batang nasawi, emosyonal sa sinapit ng anak; misis niya, nasa ospital pa rin
-Lalaking napagbintangang namato sa inuman, patay nang barilin ng kanyang kumpare
-Guwardiya na bumaril sa isang lalaking nakita umano niya sa loob ng binabantayan niyang
kompanya, nasa kustodiya na ng pulisya
-Barbie Forteza, Ruffa Gutierrez, Kyline Alcantara at Gloria Diaz, bibida sa "Beauty Empire"
-INTERVIEW: ANA DE VILLA-SINGSON, SPOKESPERSON, NAT'L HEAD FOR MEDIA, COMMUNICATIONS, VOTERS EDUCATION, PPCRV
-Ilang bahagi ng Iraq, nabalot ng dust storm na nagdulot ng perwisyo
-Eleksyon2025.ph, mabibisita online para sa latest na balita at impormasyon tungkol sa eleksyon
-Dagdag na pulis at sundalo, itinalagang magbantay sa Mangaldan
-Ruru Madrid, muling mapapanood sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre"
-Lalaking nagreklamo laban kay Rep. Paolo Duterte, kinumpirmang ang kongresista ang nakunan sa isang viral video
-Golden retriever, ayaw magpahalik sa fur tita dahil walang pasalubong na chicken
-Malacañang: Holiday nationwide ang May 12, 2025, araw ng eleksyon
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
-General Congregation ng mga kardinal, inaasahang magpapatuloy ngayong araw bilang paghahanda sa Papal Conclave
-Phl Statistics Authority: Inflation rate nitong Abril, bumagal sa 1.4%
-Motorsiklo, nabangga ng firetruck na reresponde sa sunog; rider at angkas, sugatan
-Mahigit 20 bahay sa Brgy. Manuyo Uno, nasunog; ilang residente, ninakawan pa umano
-Distribusyon ng mga balota sa Metro Manila, simula ngayong araw hanggang bukas
-Barangay tanod na napagkamalan umanong kagawad, patay matapos pagbabarilin
-WEATHER: Tatlong magkakaanak, nailigtas sa landslide sa Brgy. Buhisan
-Bahay sa Brgy. Batasan Hills, nasunog; pamilya, ligtas na nakalabas
-Mahigit 10 lalaki, nagsuntukan sa isang bar dahil umano sa singilan ng utang
-Ama ng batang nasawi, emosyonal sa sinapit ng anak; misis niya, nasa ospital pa rin
-Lalaking napagbintangang namato sa inuman, patay nang barilin ng kanyang kumpare
-Guwardiya na bumaril sa isang lalaking nakita umano niya sa loob ng binabantayan niyang
kompanya, nasa kustodiya na ng pulisya
-Barbie Forteza, Ruffa Gutierrez, Kyline Alcantara at Gloria Diaz, bibida sa "Beauty Empire"
-INTERVIEW: ANA DE VILLA-SINGSON, SPOKESPERSON, NAT'L HEAD FOR MEDIA, COMMUNICATIONS, VOTERS EDUCATION, PPCRV
-Ilang bahagi ng Iraq, nabalot ng dust storm na nagdulot ng perwisyo
-Eleksyon2025.ph, mabibisita online para sa latest na balita at impormasyon tungkol sa eleksyon
-Dagdag na pulis at sundalo, itinalagang magbantay sa Mangaldan
-Ruru Madrid, muling mapapanood sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre"
-Lalaking nagreklamo laban kay Rep. Paolo Duterte, kinumpirmang ang kongresista ang nakunan sa isang viral video
-Golden retriever, ayaw magpahalik sa fur tita dahil walang pasalubong na chicken
-Malacañang: Holiday nationwide ang May 12, 2025, araw ng eleksyon
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Category
🗞
NewsTranscript
00:00To be continued...
00:30Nasa Roma na ang 133 cardinal electors na magiging bahagi ng paper conclave simula bukas para maghalal ng bagong Santo Papa.
00:47At live mula sa Vatican City, makakasama natin si Connie Sison.
00:52Partner?
00:57Yes, Rafi.
00:59Buong giorno at ngayon ay alas 5 na ng madaling araw dito naman sa Vatican City, partner.
01:06Ano pang ginagawa paghahanda, partner?
01:08Yan mga cardinal, para sa PayPal conclave bukas?
01:11O, katulad ng nabanggit ko nga alas 5 na madaling araw dito ngayon, at mamayang alas 9 ng umaga,
01:23ay inaasahan naman na magkakaroon pa rin ng pinakahuli na general na congregation ng mga cardinal electors.
01:32At Rafi, ito na nga ang talagang sinasabing pinakahuli.
01:35Although, may mga nagsasabi na kung mag-request ang mga cardinal ng isa pang kongregasyon para sa kanilang pagpupulong,
01:43ay flexible naman dito.
01:45So, baka magkaroon pa ng 13th congregation sa bandang hapon.
01:49At sinasabi nga rin, partner, na itong mga kongregasyon na ito ay napaka-importante para magkaroon ng pagkakatoon ang mga cardinal na magkakilanlan.
02:01Dahil, sabi nga, napakarami nila na mga cardinal mula sa iba't ibang mga bansa, 133 o 133 ang cardinal electors ngayon.
02:12At sinasabi na ito lamang, mga panahon na ito, talagang tunay na magkakaroon sila ng pagkakataon to personally know each other.
02:21So, yan ang basihan kung bakit nagkakaroon ng ilang mga kongregasyon prior to the people conclave na magsisimula bukas.
02:30Rafi?
02:31E, bukod sa pagpapakilala kung ano ng mga cardinal, maipa ba ang pinag-uusapan sa mga pagpupulong na yan?
02:36Hmm, definitely. Alam mo, talagang maraming mga issues na kinakaharap ang ating mundo na kanilang pinag-uusapan dito sa general congregation na ito.
02:50Dito, malalaman kasi ng bawat isa sa mga cardinal kung ano yung mga position din ng bawat isa sa mga halimbawa na pag-usapan nila kahapon yung tungkol sa ethnicity o kaya yung migration.
03:02So, napakaraming issues na pangdaigdig, mga problema na kinakaharap na kailangan nilang mapag-usapan at kailangan nilang marinig yung posisyon ng isa't isa.
03:11At napag-alaman din natin sa policy press director na si Mateo Bruni,
03:17ang sino mang cardinal daw na nais na magsalita sa harapan ng kongregasyon ay kailangan magpabuk ng kanyang oras bago siya makapagsalita
03:25at binibigan lamang ito ng limang minuto para magbigay ng kanilang peace or stand on the certain issue.
03:32E may mga matutunog na pangalan ng mga cardinal na posible raw humaliling Santo Papa o yung mga papabili.
03:38Alam ba ito ng mga cardinal dyan? At may komento ba sila?
03:40Actually, matipid siyempre ang kanilang mga sagot pero may isang cardinal mula sa El Salvador, si Cardinal Gregorio Chavez.
03:53At sabi niya, at talagang may limang matutunog na pangalan na pag-uusapan sa kanilang bawat pagpupulong.
04:01Pero, siyempre tumanggi siya magbigay ng mga detalye kung saan galing yung mga cardinal na ito.
04:07At kung ano yung pangalan mismo, siyempre ayaw nilang i-preempt yung magiging butohan.
04:12At sinasabi niya, very confident siya na talagang magkakaroon na raw tayo ng panibagong Santo Papa pagsapit siyempre ng linggong ito.
04:22So, yan partner ang inaabangan ng lahat.
04:25Talagang kailangan daw na marinig yan mismo, pagdating na mismo ng opisyal na makikita na natin yung puting usok mula sa chimney dito sa Sistine Chapel.
04:35Pero, alam mo, matipid man, yung ilang mga kardinal sa pagbibigay ng kanilang mga komento pag tinatanong ng media,
04:42ay napaka-generous naman nila mapagbigay sila pagdating doon sa mga hiling, no, ng mga nagpapabas-basa kanila,
04:48lalo na pag lumalabas sila at nakikita ng mga tao dito sa may area ng St. Peter's Square at sa Enpamanan, no, na maaaring naglinibot yung mga kardinal.
04:56So, nakikita natin yan at talagang napakaganda na makita yung mga kardinal na nagsasama-sama.
05:03At ito, paparinig ko lamang sa inyo, papakita ko yung maikling pahayag ni El Salvador Cardinal Gregorio Rosa Chavez,
05:13ukol pa rin sa kanyang nabanggit kung ano yung tingin niyang mangyayari sa mga susunod na araw.
05:18I think next Friday, you'll know who is the new Pope.
05:27Maybe Friday in the afternoon, we'll know his name.
05:34Ayan, sabi nga partner Rafi, sabi talagang baka sa biyernes meron na tayong marininig na bagong pangalan ng Santo Papa.
05:49At nagpaabot naman ang pasasalamat, ang comunicazione ay journalisti o yung communication to journalists,
05:56na isang kardinal ang nagsabi nito pero tumanggi siya magpakilala.
06:01Anya, nakakatuwa daw na napakaraming mga journalist, mga mamamahiyag, ang nagko-cover nitong PayPal Conclave.
06:08At sabi niya nga, ito ay patunay na buhay talaga ang magandang balita.
06:13Sabay giyit, siyempre, na may mga kaakibat din naman yan na responsibilidad.
06:18Kaunin na sa Santa Marta na ba yung mga kardinal na kabilang sa PayPal Conclave?
06:22Kompleto na talaga sila roon sa kanilang, ikangay, apartment?
06:29Mamayang gabi o ngayong araw, aabangan natin ang kanilang paglilipat doon sa Santa Marta, kasa Santa Marta.
06:37Ito yung itinilaga, kung matatandaan natin ni St. Paul II, na tutuluyan ng lahat ng mga kardinal habang nagkakaroon ng conclave.
06:49So, ayan talaga yung kanilang official na magiging niya tirahan habang sila nga ay nariritot na sa proseso ng pagkakaroon nitong butuhan para sa conclave.
07:00At napag-alaman natin na syempre, once na pumasok doon yung mga kardinal sa kasa Santa Marta, ay isusurrender nila ang kanilang lahat ng mga communication equipment.
07:11Ibig sabihin, bawal sila talaga na makipag-usap sa labas, pero may mga vow of secrecy pa sila na tinatawag.
07:18At nauna na rin, bago pa doon sa mga kardinal na magkaroon ng oath of secrecy, syempre, yung mga nagtatrabaho doon mismo sa loob ng kasa Santa Marta.
07:27Ayan yung mga staff, yung mga tech people. So, lahat ng yan talagang minimake sure na magiging maayos at walang makakalabas na anumang hindi dapat makalabas na mga impormasyon
07:38mula sa loob mismo ng kasa Santa Marta kung saan naroon yung mga kardinal electors.
07:43At dagdag pa ng press briefing kahapon, isang kardinal daw ang nag-request na kung po pwede sana na mismong sa loob na lamang ng kasa Santa Marta siya magkakas ng kanyang boto.
07:57Ibig sabihin ko na siya mismo magboboto, magsusulat ng kanyang pangalan ng iboboto.
08:01Pero kung papayagan yan, eh dapat magkakaroon muna ng pagpili.
08:11Ano yan eh, parang magkakaroon ng pagpili. Tapos pagkatapos noon ay papadala yung tatlong kardinal na yun sa may kasa Santa Marta para personal na kukunin yung kanyang boto at sila mismo ang maglalagak noon sa Sistine Chapel partner.
08:29Okay, so marami tayo abangan at confident ha, yung kardinal na Friday, meron ng bagong Santo Papa. Very telling yun. Maraming salamat sa iyo, Connie Cesar.
08:38Ating na natin.
08:39Abangan nga natin.
08:40May nit-init na balita sa ikatlong sunod na buwan. Bumagal ang inflation o bilis ng pagmahal ng mga produkto at servisyo sa bansa.
08:49Ayon sa Philippine Statistics Authority, 1.4% ang naitalang inflation nitong Abril. Ito ang pinakamabagal na inflation rate mula noong November 2019.
08:59Sabi ng PSA, nakaambag sa pagbagal ng inflation ang mas mabilis na pagbaba ng presyo ng bigas, ngayon din ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng mga gulay at isda tulad ng galunggong.
09:10Nakaambag din sa mas mabagal na inflation ang mas mabilis na pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel.
09:16Ang inflation nitong Abril ay pasok sa projection ng Banko Sentral ng Pilipinas na 1.3 hanggang 2.1%.
09:24Rerespond din sa sunog ang firetruck na yan sa Cebu City.
09:30Nang biglang, sumulpot sa intersection sa barangay San Nicolás ang dalawang patawid na motorsiklo.
09:37Nakapreno ang isa pero nabanggan ang truck ng bombero ang isa pang motorsiklo.
09:41Tumilapon ang rider at kanyang angkas.
09:44Sugatan sila.
09:44Ayon sa pulisya, aminado ang rider na hindi nakapagpreno kahit narinig ang sirena ng mga bombero.
09:50Sasagutin na raw ng lokal na pamahalaan ang kanilang pagpapagamot.
09:54Mahigit dalawang pumbahay sa Las Piñas ang nasunog kanina.
10:00Ang ilang apektadong residente ni Nakawan Paraw.
10:03Ang mainit na balita hatid ni EJ Gomez.
10:08Ginising ng nagnangalit na apoy ang mga residente ng barangay Manuyo Uno sa Las Piñas kaninang pasado alas 4 ng madaling araw.
10:17Pahirapan para sa mga bombero ang pag-apula sa apoy na umabot sa ikalawang alarma.
10:22Ibig sabihin, hindi bababa sa walong firetrucks ang kailangang rumispunde.
10:26Hirapan ho tayo dun sa pag-akyat lang dun sa area kasi napapaligiran siya ng medyo mataas na establishments.
10:34Compound kasi siya.
10:35So naglagay pa tayo ng mga ladder.
10:37And then yung isa pa is yung kuryente.
10:40Kasi hindi natin ma-access yung loob dahil may mga kuryente pa yung area.
10:45Ilan sa kanila, sugatan sa paglikas mula sa sunog.
10:48Pero sa civilian po natin may na-identify tayong tatlo.
10:52Yung dalawa ho kasi may tumalon kasi sa hagdanan.
10:56So sumabit sa mga bakal na nandun.
10:59Same din dun sa isa.
11:00And then yung isa sa mga yero.
11:02Marami siyang gasgas.
11:03May kinuha po ako yung requirements po at saka yung bag.
11:06Na pag-angat ko, pag-angat ko, nabagsakan po ako ng tela na may apoy.
11:11Kaya dali-dali po ako bumaba kasi nga sobrang init na dito sa gilid ko.
11:17Ayon sa barangay, mahigit dalawampung bahay sa isang compound ang apektado.
11:22Karamihan daw sa mga ito ay gawa sa light materials.
11:25Kanya-kanyang hakot naman ng mga gamit kabilang ang ilang appliances
11:28ang mga apektadong residente.
11:30Ilan sa kanila na nakawan pa umano.
11:33Nandun po ako sa ibang side ng kalye.
11:35Nakita ko parang familiar sa akin na gamit.
11:38So maraming salamat din po doon sa mga tumulong.
11:41Medyo nawala lang po yung alahas po.
11:45Isa po ako sa mga tumulong po doon sa mga labas po ng mga gamit.
11:49Labas lang po kami ng labas na may ibang na po pumasok na hindi po namin kilala.
11:53Dakong 7.33 ng umaga, tuluyang naapula ang apoy.
11:57Inaalam pa ng BFP ang sanhinang sunog.
12:00Gayun din ang halaga ng pinsalang dulot nito.
12:02EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:076 na araw bagong eleksyon 2025, patuloy ang distribisyon ng Comelec na mga gagamiting balota.
12:20May ulat on the spot si Sandra Aguinaldo.
12:24Sandra?
12:24Yes Rafi, maagang maaga pa nga kanina ay nagpunta na sa National Printing Office si Comelec Chairman George Irwin Garcia
12:35para nga po makita yung pagdidistribute ng mga balota sa iba't ibang syudad dito sa Metro Manila.
12:41Nasa 7.5 million po na balota ang nakalaan sa Metro Manila
12:47at nauna na pong ibinyahe yung mga mga balota nakalaan naman po sa iba't ibang region sa bansa.
12:53Pinanghuli Rafi yung Metro Manila dahil nga malapit lamang naman ito sa National Printing Office.
12:58At sa araw na ito po ay dinadalhan ang balota ang Caloocan, Marikina, Pasig, Valenzuela, Quezon City, Malabon, Navotas at San Juan.
13:08Bukas naman po ang Montinlupa, Pateros, Taguig, Manila, Makati, Pasay, Las Piñas, Mandaluyong at Paranaque.
13:17Iniimbitahan ng Comelec ang mga partido, yung mga kandidato o kaya ay mga interest groups daw na magpadala ng kanilang representatives
13:25kung gusto nilang makita ito mga balota na pinamahagi na nga sa iba't ibang syudad sa Metro Manila
13:30at ito daw po ay matatagpuan sa local treasurer's office.
13:34Pero dito po sa Quezon City, kung saan ako naririto ngayon, ay inilagay ito sa isang bagong gusali na gwardyado at nakakandado na nga ngayon.
13:43At ito po ay nasa ilalim pared ng pangangasiwa ng city treasurer.
13:49Katunayan siya po yung tumanggap ng mga balota kanina.
13:53At inaasahan Rafi na Sunday o kaya ay madaling araw daw po ng lunes ay ipapamahagi na ito sa mga teacher o yung tinatawag na electoral board
14:03para nga po sa gagawin nating eleksyon sa Mayo a 12.
14:07Ayon po sa Comelec ay on track sila, on schedule at ang kanila daw pong mabibigat na gawain ay naisagawa na nila.
14:13At sa ngayon ay isa po sa pinapaalala na lamang ng Comelec sa publiko ay talagang pag-isipan yung kanilang mga iboboto
14:22at dapat sila daw ay bumoto sa araw na eleksyon.
14:26Dahil ikang nga Rafi, napakatindi ng paghihirap, paghahandang ginawa ng Comelec para dito.
14:32Kaya umaasa sila na kung gaano karami yung nagparehistro, sana daw ay malapit doon o talagang lahat yun ay boboto po sa Mayo a 12.
14:42Yan muna po ang pinakauling ulat mula dito sa Quezon City, Rafi.
14:46Maraming salamat, Sandra Aguinaldo.
14:55Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
14:59Patay ang isang barangay tanod matapos siyang barilin sa loob ng barangay hall sa Ordaneta, Pangasinan.
15:07Chris, ano daw ang rason dyan sa nangyaring niya balitan niya?
15:09Luzon, isa raw itong insidente ng mistaken identity.
15:13Ayong sa manakasaksi, nagpapahinga lang ang 58 anyos na tanod matapos na mag-ikot sa barangay.
15:19Nang biglang pumasok sa barangay hall ang gunman at pinagbabaril siya.
15:23Agad tumakasang namaril kasama ang isang motorcycle rider.
15:27Base sa paunang imbesigasyon ng pulisya, napagkamala ng gunman ang diktima na ang barangay kagawad na hinahanap niya noon.
15:34Tumanggi magbigay na pahayag ang punong barangay kaugnay rito. Patuli naman ang imbesigasyon.
15:46Nagka-landslide sa barangay Buhisan, Cebu City.
15:50Nangyari yan, kasunod ng ilang oras na malakas na ulan.
15:53Isang bahay ang apektado ng pagguho.
15:56Tatlong magkakaanak ang nailigtas ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office.
16:02Agad silang isinugod sa ospital.
16:04Sabi ng pag-asa, ang ulan sa Cebu City ay epekto ng low pressure area.
16:08Sa ngayon, hindi na nagpapaulan sa bansa ang nasabing LPA dahil patuloy ang paglayo nito.
16:13Kuli ang namataan, 515 kilometers.
16:16Kalura ng Tanawan, Batangas.
16:19Easterness ang nagdadala ngayon ng mainit at maalinsangang panahon sa bansa.
16:23Pusibling umabot sa danger level na 45 degrees Celsius ang heat index sa Echagia, Isabela.
16:2944 degrees Celsius naman sa Tunggigaraw, Cagayan, Sanglipoyt, Cabite at Baet, Camarines, Norte.
16:3543 degrees Celsius sa Pasay at Quezon City, Dagupan, Pangasinan at 8 pang lugar.
16:4117 lugar naman sa bansa ang pusibling umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index ngayong araw.
16:47Ito na ang mabibilis na balita.
16:54Nasunog ang isang bahay na may tatlong palapag sa barangay Batasan Hill sa Quezon City kanilang madaling araw.
16:59Ayon sa mga saksi, namataan nilang may umuusok sa unang palapag kung saan naroon ang sari-sari store ng pamilyang naninirahan doon.
17:07Mabilis na kumalat ang apoy at kumalat sa iba pang palapag.
17:10Nasa walong truck ng bombero ang rumisponde sa lugar.
17:14Ligtas namang nakalabas ang pamilyang naninirahan doon pero wala silang naisalbang gamit.
17:19Alos mag-alas 5 na ng umaga nang ideklarang fire out.
17:22Inimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection ang sahin ng apoy at kabuo ang halaga ng pinsala.
17:30Nasunog din ang isang apartment unit sa San Nicolás District sa Maynila.
17:33Ayon sa BFP, nagsimula ang apoy bago mag-alas 3 ng madaling araw at napula makalipas ang mahigit 30 minuto.
17:40Walang ibang nadamay na unit at walang nasaktan sa insidente.
17:44Inaalam pa ang San Hi ng Apoy.
17:46Huli kami yan sa Manduriao District sa Iloilo City.
17:56Sinubukang pigilan pero nagpang-abot pa rin ang dalawang lalaki sa loob ng isang bar sa barangay San Rafael.
18:02Sa ibang bahagi ng bar, may ilang pang lalaki na nagsuntukan din.
18:06Ayon sa pulisya, mahigit sampu ang sangkot sa gulo.
18:08At ang ugat umano, singilan ng utang.
18:11Tumaka sa mga lalaking sangkot sa Rumble na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.
18:14Nakatak na ipatawag ng pulisya, mga may-ari ng bar, kaugnay sa naging siguridad sa insidente.
18:21Sinubukan ng Gemay Regional TV na kunan sila ng pahayag, ngunit walang gustong humarap sa kamera.
18:26Kabilang sa mga alamin sa investigasyon, kaugnay sa disgrasya sa naian itong linggo,
18:33ay kung pasok ba sa standards ang steel baller na dapat sanay pumigil sa umarangkadang SUV.
18:39Dalawa po ang namatay roon, kabilang ang isang batang babae.
18:42Narito po ang aking report.
18:43Hindi akala ni Danmark Masongsog na sa isang iglap, mawawala ang dahilan ng pagsasumikap niya sa ibang bansa.
18:54Hindi ko po matanggap ang nangyaring.
18:58Kaya po ako nag-iibabasa para po sa kanilang dalawa.
19:01Tapos gano'n po ang mangyayari.
19:03Sa kuha ng CCTV, kita ang itim na SUV na nasa parking ng Naiya Terminal 1.
19:08Maya-maya, bigla itong umabante at inararo ang mga nasa entrance ng terminal.
19:13Kasama sa mga napuruhan ang apatataong gulong na anak ni Danmark na si Malia.
19:19Pasok ko po sa airport, mga 15 minutes.
19:2315 minutes ka po na wala sa panin ko.
19:25Bigla itong nangyari po po.
19:27May kumalapag po.
19:30Katat ko po ang kasawa ko nun eh.
19:33Sinatat ko po siya, di na po siya nagre-reply.
19:35Doon na po ako natakot, kaya po ako napatak.
19:37Tapos nung paglabas ko po,
19:39nakita ko po yung mga magulang ko,
19:41pati yung aking pamangkin,
19:43pati yung aking asawa,
19:44nasa ambulansya.
19:46Yun po ang anak ko,
19:47nahanap ko, wala.
19:48Hindi ko po makakita.
19:49Pinagtanong ko po sa mga pulis,
19:50hindi na po inaalam.
19:52Kasi hindi pa na po na na-check-check.
19:54Pero pag tingin ko po doon sa ilalim ng sasakya,
19:56hindi ko na po nakakita.
19:58Ayon kay Danmark,
19:59balak sana niyang tapusin na lang
20:00ang dalawang taon
20:01at pumirmi na sa Pilipinas
20:02para sa kanyang mag-ina.
20:03Sabi niya sa akin,
20:05Daddy, ikaw na mag-hatid sa school lang sa akin.
20:08Kasi hindi ko pa yan ano eh,
20:10hindi ko pa na i-hatid sa school yan
20:11kasi lagi ako nasa ibabansa.
20:14Kaya gusto niya,
20:15maranasan din yun.
20:18Maranasan yung
20:19yung daddy niya,
20:20i-hatid sa school.
20:21Kasi yung mga classmates niya,
20:22laging, ano,
20:24nandun ang daddy niya.
20:25Pero ngayon,
20:26wala na ang kanyang anak.
20:28Nasa ospital naman ng kanyang misis
20:29na hanggang ngayon daw
20:30ay hindi pa rin alam
20:31ang nangyari sa anak.
20:33Kasi mahina pa po siya eh,
20:34baka po paglalaman niya,
20:36baka po lalo siya,
20:36baka po ano po mangyari sa kanya.
20:40Nasugatan din sa insidente
20:41ang kanyang ina
20:42at isang pamangkin
20:43at nasa maayos ng kondisyon.
20:45Hiling ni Danmark
20:46ay hostisya.
20:47Sana po yung tulukan niyo ako
20:48na managot yung
20:49bumangga sa
20:52anak ko
20:53para talagotan niyo po ito.
20:54Tulukan niyo po ako.
20:58Sa ating buong gobyerno,
20:59tulukan niyo po ako
21:00na maparagotan ito.
21:02Sana po,
21:03hindi po siya makapagpiansa.
21:05Nagsadyarin sa burol ni Malia
21:06ang mga kinatawan
21:07ng DMW at OWA
21:08para magbigay ng tulong.
21:10Nakaburol na rin
21:11sa hagaw ni Bulacan
21:12ang isa pang nasawi
21:13sa disgrasya
21:14na si Derek Faustino,
21:15dalawang putsyam na taong gulang.
21:17Papunta rin sana noon
21:18sa Dubai si Derek
21:19para sa anim na araw
21:20na business trip.
21:21Sa kanyang burol,
21:22hindi umalis sa tabi
21:23ng kabaong
21:24ang alaga niyang aso
21:25na si Blue.
21:26Noong buhay paraong biktima
21:27ay lagi niya itong kasama
21:29hanggang sa pagtulog.
21:31Sinampahan na
21:32ng reklamang
21:32reckless imprudence
21:33resulting in two counts
21:34of homicide,
21:35multiple physical injuries
21:36and damage to property
21:38ang driver ng SUV.
21:39Yung public
21:40autonomous office po
21:40ang nag-assist sa kanya.
21:42Hiintayin pa lang natin
21:44kung ano yung magiging
21:45result ng resolution
21:46ng pasay po si Cotter's office.
21:48Hindi na nagbigay
21:49ng bagong paliwanag
21:50ang driver
21:51na dinalo ng kanyang asawak
21:52paulit-ulit daw
21:53na sinasabi ng driver
21:54na hindi niya sinasadya
21:55ang nangyari.
21:56Patuloy ang investigasyon
21:58sa disgrasya
21:58at kasama sa CCS atin
22:00ay ang suot
22:00na chinelas
22:01ng driver.
22:02Nakachinelas yung driver
22:03eh.
22:04Kapan eh.
22:05Noong kinausap ko eh.
22:10May rasan
22:10bakit pinagbabawag
22:11na nakachinelas eh.
22:14Diba?
22:14Pwede yung dumulas,
22:15pwede yung maipit,
22:16pwede yung...
22:18Diba?
22:20Pero kapalit
22:21ng buhay eh.
22:22Isa sa ilalim din
22:23sa masusing pagsusuri
22:24ang sasakyan ng suspect.
22:25Pati ang steel bollard
22:26na dapat sanay pumigil
22:28sa sasakyan
22:28na magdirediretso
22:29sa entrado ng paliparan
22:31ay iimbestigahan.
22:33Ayon sa isang road safety expert,
22:35base sa mga video
22:35at litrato
22:36ay wala sa standard
22:37ang steel bollard.
22:38Sub-standard talaga.
22:39Kita ko tinuro
22:40ang Siktari Vince Disson.
22:41Sub-standard.
22:42Parang kinabit lang igat eh.
22:44Ah, hindi siya yung bollard na...
22:46Hindi siya embedded.
22:47Dapat 300 mm
22:49ang pag-embed ng bollard
22:51na kayang titigil
22:52sa impact.
22:53Sa pinangyarihan ng disgrasya,
22:55naglagay na ng bagong bollard.
22:57Rafi Tima nagbabalita
22:59para sa GMA Integrated News.
23:02Ito ang GMA Regional TV News.
23:07Balita sa Visayas at Mindanao
23:10mula sa GMA Regional TV.
23:11Patay sa pamamarilang isang lalaki
23:14sa Lapas, Ilo-Ilo City.
23:16Saraan yung latest sa balitang yan.
23:18Susan mismong kumpare niya
23:22ang kumitil sa buhay ng biktima
23:24dahil umano sa isang bintang.
23:27Baso sa investigasyon,
23:28nasa loob ng kanyang bahay
23:29ang biktima
23:30na si Ricky Doronila
23:32na nooy umiinom ng alak.
23:34Ang kumpare niyang si
23:35Ronaldo Geruta na
23:36ang sospek sa krimen.
23:38Nasa inuman naman
23:38sa kabilang bahay.
23:40Maya-maya,
23:41nagtalo raw ang magkumpare.
23:42Pinagbintangan daw kasi
23:44ng sospek ang biktima
23:45na naghagis umano ng bato
23:46sa bubong
23:47kung saan siya nakikipag-inuman.
23:49Sinubukan silang awati
23:50ng mga naroon
23:51pero hindi napigilan
23:53ang sospek
23:53hanggang sa barilin
23:55ang biktima.
23:56Tinutugis na ang sospek
23:57na tumakas
23:58matapos ang krimen.
24:00Balita naman dito
24:02sa Mindanao.
24:03Nasa kusudiyan na
24:04ng pulisya
24:04ang isang gwardyang
24:05na maril
24:05sa Tagulwan
24:06ni Samis Oriental.
24:08Base sa inyosinusyon,
24:09nakita ng gwardyang sospek
24:10ang isang lalaki
24:11at isang kasama
24:12na nasa seaport
24:13sa loob
24:14na pinagtatrabaho
24:15ang steel company.
24:16Hindi malinaw
24:17kung bakit naroon
24:18ang dalawa.
24:19Binaril sila
24:20ng sospek
24:20sa hindi pa malamang dahilan.
24:22Tinamaan ang isa
24:23sa may kanang bahagi
24:24ng katawan
24:24na kanyang ikinasawi.
24:26Sumuko naman
24:27ang sospek kalaunan.
24:28Sinusubukan
24:29ang GMA Regional TV
24:30na makunan siya
24:31ng pahayag.
24:32Na-recover din
24:33ang shotgun
24:33na ginamit
24:34sa pamamaril.
24:35Sinampahan ang sospek
24:36ng reklamong homicide.
24:40Happy Tuesday
24:43mga mari at pare
24:45may bagong
24:46revenge drama series
24:47na dapat abangan
24:49sa Kapuso Network.
24:52Bibida sa Beauty Empire
24:53si na Barbie Forteza,
24:55Miss Rufa Gutierrez,
24:57Kailin Alcantara
24:58at Miss Gloria Diaz.
25:00Kasama rin sa cast
25:01si na Sam Concepcion,
25:02Chebomin
25:03at Chay Fonassier.
25:05Pati si Sid Lucero
25:06at marami pang iba.
25:08Iikot ang kwento
25:09ng Beauty Empire
25:10sa mundo ng
25:11beauty industry.
25:12Collaboration nito
25:13ng GMA Network,
25:14VIEW
25:15at Creation Studios.
25:17Kaya naman
25:17natanong si Barbie
25:18kung kumusta
25:19katrabaho si Kailin.
25:24Si Kailin,
25:25naka-ex-sena ko na siya.
25:27Naka-ex-sena na
25:27kaming dalawa
25:28and ang masasabi ko lang
25:30it's such a treat
25:30working with that woman.
25:33Sa cast reveal
25:34ng Beauty Empire,
25:36sinika ni Kailin
25:37sa inyong mare
25:37na isa si Barbie
25:39sa kanyang
25:40ina-admire
25:41na aktres.
25:44Like what I've said
25:46sa past interview ko,
25:47isa si Barbie
25:48sa tinitingala
25:49akong artista talaga
25:50sa henerasyon ko.
25:51So I'm excited
25:52to work with her
25:53and to learn from her.
25:54Pagsisulong ng clean,
25:57honest,
25:58accurate,
25:58meaningful
25:59at peaceful election
26:00at pakikilahok
26:01ng daandang election volunteers.
26:03Pag-uusapan natin yan
26:04kasama ang isa sa mga
26:05election 2025 partner
26:06ng GMA Network,
26:08ang Parish Pastoral Council
26:09for Responsible Voting
26:10o PPCRV.
26:12Makakausap natin
26:13si PPCRV Trustee,
26:14Spokesperson,
26:15National Head for Media,
26:17Communications,
26:18Voter Education,
26:19Anna Divilla Singson.
26:20Magandang tanghal
26:21at salamat po
26:22sa pagpapaunlak
26:22ng panayam.
26:24Magatang tanghal
26:24rin ho sa inyo.
26:26Apo,
26:26kumusta po yung kahandaan
26:27ng PPCRV
26:27sa election 2025?
26:30Ay, go na go na ho kami.
26:31Sa buong bansa
26:32ay nagkakaroon na
26:33ng mga technical trainings
26:34para sa mga poll watchers
26:35kasi unang-una
26:36nandun kami sa polls.
26:38Kaming una ninyo
26:38nakikita sa polls.
26:39So tuloy na tuloy
26:41ang mga technical training
26:42para handang-handa
26:43ang aming mga poll watchers.
26:45We're expecting around
26:46350,000 of those.
26:48Tapos kahapon,
26:49kaka-launch lang ho namin
26:50ang aming command center
26:52kung saan naman
26:52isasagawa
26:53ang aming unofficial
26:55parallel count.
26:56Dito po kami
26:57inaudit
26:58yung integridad
26:58ng transmitted vote.
27:00Nagre-recruit pa ho kami
27:01dyan
27:02last 2022.
27:04We had almost
27:0470,000 volunteers
27:07sa command center.
27:08So hoping kami
27:08na magkaroon
27:10ng gano'n kadami
27:10this time.
27:11Opo.
27:12Base po sa datos,
27:13kabataan,
27:14yung karamihan
27:14sa mga butante
27:15ngayong 2025 elections,
27:16gaano po kayo importante
27:17na magiging ambag
27:18ng mga kabataan
27:19sa clean, honest,
27:20accurate, meaningful,
27:21and peaceful elections?
27:22Sobrang importante ho
27:24because they're
27:25one-third of the vote.
27:26Labis po ho,
27:27almost 35% ho sila
27:28ng vote between
27:2819 to 30 years old.
27:30Kaya naman ho
27:31namin pinagtutuunan
27:32ng pansin.
27:33Sobra ho
27:34ang pagpuntaan namin
27:35sa mga paaralan
27:36para magbigay
27:37ng voters'
27:38education
27:39based on values,
27:40yun ang aming
27:41Tibo Pinoy program
27:42para sa values.
27:43Ang sabi namin sa kanila,
27:44palagi silang sinasabihan
27:45na sila
27:46ang gift of the future.
27:47Ang challenge ko sa kanila,
27:49ang isa pang word
27:50for gift is present.
27:51They are the present gift.
27:53Huwag nang maghintay
27:53ng future.
27:54They should be the gift today.
27:56Na kung tama silang bumoto
27:58na may panunuri
27:59at base sa mga values
28:01ng isang warang Pilipino,
28:03totally mapapalitan nila
28:05ang entire political landscape.
28:07Totally ho.
28:07Magdami nila.
28:08Sa inyo pong pag-iikot,
28:10anong vibe
28:10na nakukuha nyo
28:11sa mga kabataan?
28:12Paano nyo ilalarawan
28:13yung mga kabataang butante
28:13ngayon pong midterm elections?
28:15Ay, sobrang nakakatawa.
28:17They are very passionate.
28:18They are very involved.
28:20Napaka-engaged to nila
28:21at ang lakas ho
28:24ng sense of nationhood.
28:26Hindi ko naisasabi yung pangalan.
28:28Sasabihin yung pangalan, no?
28:29But sa isang skwela,
28:31bagong magka-voter's education
28:32at pagkatapos
28:33ang voter's education,
28:34nagkaroon sila ng halalan
28:35para tignan kung magkakaiba
28:37at may pagkakaiba.
28:39Tapos nakita ko
28:40yung resulta ng halalan.
28:42Ibang-iba ho
28:43ang profile
28:43ng mga binoboto nila
28:45sa mga lumalabas
28:46sa survey.
28:47Ibang-iba ho,
28:47nakakagulat.
28:48Parang,
28:49ibang-iba ho.
28:50Nung tinanong ko,
28:51paano kayo nag-desisyon,
28:53ayon daw sa voter's education
28:54na tinuso ka nila,
28:55ang sabi nila ay
28:56nag-research ho sila
28:57sa social media
28:58kasi yung iba kong kandidato
29:00hindi nila kilala.
29:01So,
29:02nagpursigilang sila mismo
29:03ang mananaliksik
29:04tungkol sa mga kandidato.
29:06Ibang-iba ho
29:07yung profile
29:07ng kanyang pinili.
29:09And they're
29:09napaka-curious ho.
29:11At saka,
29:12ang isang tanong
29:13na nakakatuwa,
29:14in many schools
29:16sinatanong sa akin,
29:17paano namin tuturuan
29:19yung mas nakakatanda
29:21para mas mapanuri
29:22silang bumoto?
29:23Very telling po.
29:25Napaka-importante
29:26yung binahagin yung
29:27informasyon na
29:28ibang-iba
29:29sa mga lumalabas
29:30sa survey
29:30yung mga botong
29:31mga kabataan.
29:32Kasi diba sinasabi natin
29:33nakaka-influence
29:34yung mga lumalabas
29:36sa survey
29:36pero sabi nyo
29:36mga kabataan na mismo ito,
29:38sila yung majority
29:39ng mga botante.
29:39So, talagang
29:40of course,
29:42take natin
29:43with a grain of salt
29:44ika nga
29:44itong mga lumalabas
29:46ng mga survey.
29:46Anyway,
29:47ano mga survey issue
29:47po yung aasahan
29:48sa bagong bukas
29:49na PPCRV Command Center
29:50na?
29:50Actually,
29:53nag-cut kami ng ribbon
29:54kahapon
29:54at saka we're already
29:55holding office there
29:56to prepare.
29:57Dalawa po ang
29:58service na binibigay namin
29:59na inaalay namin
30:00sa aming command center.
30:01Number one ho,
30:02kami ang isa
30:03sa limang server
30:04na binigay
30:07ng...
30:07Kami ho ay isa
30:08sa limang server
30:09na re-reward
30:10ng Pomelec.
30:11Ibig sabihin,
30:12makakapuha kami
30:13ng transmission
30:14mula sa
30:15automated counting machine
30:17sa aming server.
30:18Diretso na ho,
30:19wala na hong
30:19middleman,
30:20mismo sa automated
30:22counting machine,
30:23mag-transmit
30:23ho sa server namin.
30:25So,
30:25makikita namin
30:26kaagad
30:27ang in real time
30:28yung election results
30:29na national,
30:30local,
30:31at saka party list.
30:32Ipapakita ho namin yan
30:33sa aming command center
30:34in real time.
30:36Meron ho kasi
30:36napakalaking screen,
30:37pinapakita ho namin doon.
30:39Tapos,
30:40ilalagay rin namin
30:40sa aming website,
30:41ppcrv.org,
30:43ang real time
30:44results ng audit.
30:46Yung pangalawang
30:46ginagawa ho namin
30:47sa aming command center
30:49ay ang pag-audit
30:50ng integridad
30:51ng transmitted
30:52review.
30:53Ang ginagawa ho namin,
30:54pinaghahambing namin
30:55ang physical ER
30:58na priniprint
30:59ng bawat
30:59automated counting machine
31:01bago mag-transmit.
31:02Pinapagdala ho yun
31:03sa command center namin
31:04at pinapagkumpara yun,
31:06inihahambing
31:07sa transmitted na vote.
31:09Dapat ho,
31:09magkapareha yun.
31:10Dapat ho,
31:11walang kaibahan.
31:12So early yun,
31:13talagang makikita
31:14kung merong pagkakaiba
31:15dahil real time
31:16yun yung pagkukumpare.
31:17Anong magiging mission
31:18naman po
31:18ng ating mga PPCR volunteers
31:20sa mismong araw
31:20ng eleksyon?
31:22Ay nako,
31:23marami ho silang gagawin.
31:24Silang pinakauna na doon
31:25because very early
31:26in the morning,
31:27bago nag-uumpisa pa,
31:28ay sumasama nila
31:30sa final testing
31:32and sealing.
31:33Nandun sila
31:33pag binubuksan
31:34ang ballot box,
31:35ang equipment,
31:35lahat,
31:36nagprepara pa po.
31:37Tapos,
31:38pagpasok ng polling center,
31:39kami ho,
31:40unang yung nakikita
31:41sa Voters Assistance Desk.
31:43Kasi sa Voters Assistance Desk,
31:45doon ha namin
31:45tinutulungan
31:46ang mga voters
31:48kung hindi naman
31:49alamang kanilang
31:50polling precinct,
31:52takatilang sequence number,
31:54kung may tanong sila
31:55sa proseso.
31:56Hanggang sa pagtutulong
31:57sa mga PWD
31:58at senior citizens,
31:59lahat ho,
32:00ginagampanan yun
32:01sa Voters Assistance Desk.
32:03Tapos,
32:03mismong sa polling precinct,
32:04pagpasok nyo ho,
32:06kami ho ang authorized
32:07na volunteer
32:08na pinakamalapit ho
32:09sa automated counting machine
32:10para talagang
32:12mamasid namin
32:13at matignan
32:14kung tama ba yung
32:14mga prosesong
32:15nasusunod.
32:16At kung hindi,
32:17nagchachallenge po kami.
32:18Okay.
32:19Maraming salamat po
32:20sa inyong serbisyo
32:20at sa inyong mga volunteers,
32:22Anna Divilla-Singson
32:23ng PPCRV.
32:25Thank you so much.
32:25Nagkulay kahelo orange
32:34ang paligid ng Kirkuk,
32:35Iraq.
32:36Dahil yan sa makapal
32:37na alikabok o dust storm.
32:39Halos sandaan na naiulat
32:40na nakaranas ng hirap
32:41sa paghinga
32:41dahil diyan.
32:43Apektado rin ang dust storm
32:44ang ilang regyon
32:45sa Iraq.
32:46Naging pahirapan din
32:47ang biyahe ng mga motorista
32:48dahil halos nag-zero
32:49visibility sa kalsada.
32:50Mga kapuso,
32:54pwede na bisitahin
32:55ang website ng
32:55GMA Integrated News
32:56para sa latest na balita
32:58at informasyon
32:58tungkol sa eleksyon 2025.
33:01Search sa inyong web browser
33:02ang eleksyon 2025.ph.
33:05Nariyan ang mga update
33:06mula sa CAMELEC
33:07at informasyon
33:07tungkol sa mga kandidato.
33:09Pwede rin balikan
33:10ang mga debate
33:11para mapag-aralan
33:12ang mga platformang
33:13isinusulong
33:14ng mga kandidato.
33:15Meron ding iba't ibang gabay
33:17at paalala
33:17sa mga butante
33:18pati ang late test
33:20sa bilangan ng boto
33:21at iba pang update
33:22sa mismong araw
33:23ng eleksyon
33:23sa May 12.
33:26Ito ang
33:27GMA Regional TV News.
33:32Ngayong papalapit
33:33ang eleksyon 2025
33:35nagpakalat
33:36ng dagdag na tauhan
33:37ng Philippine Army
33:38at Philippine National Police
33:40sa Mangaldan, Pangasinan.
33:4150 polis
33:42ang inatasang magbantay
33:43sa mga voting precinct
33:44at sa mga gagamiting
33:46automated counting machines
33:47o ACM
33:48kapag naipadala na
33:49ang mga ito.
33:50Katuang naman
33:51ang mga sundalo
33:51sa pagpapanatili
33:53ng kapayapaan
33:53sa Mangaldan
33:54na nasa
33:55Yellow Category
33:56Area of Concern.
33:58Ayon sa Comelec,
33:59Yellow Category
33:59ang isang lugar
34:00kapag may naitalang
34:01election-related incident
34:03sa nakalipas
34:04na dalawang eleksyon
34:05o kaya
34:05ay may matinding
34:06away politika.
34:08Sa Davao City naman,
34:10naipadala na
34:10sa ilang voting centers
34:11ang mga gagamiting
34:12ACM
34:13para sa final testing
34:14and sealing
34:15ngayong araw.
34:16Ang mga ACM
34:17naman na gagamitin
34:18sa malalayong barangay
34:19dinala muna
34:21sa sentro ng lungsod.
34:22Itutuloy ang delivery
34:23ng mga makina
34:25kapag tapos na
34:26ang final testing
34:27and sealing.
34:27Avisala Encantadix
34:35hindi lang
34:36ang 2016 Sangres
34:37ang magbabalik
34:39sa Encantadia
34:40Chronicles Sangre.
34:43Sige, Ate Obri,
34:44sa iyong inaikokonfirm,
34:45yes,
34:46makikita niyo po ako
34:47dyan sa Sangres.
34:49Nag-taping ako
34:49kasama ko
34:50yung mga dating Sangre,
34:52si Kylie,
34:52si Gabby.
34:53It's confirmed!
34:56Rama Ibrahim
34:56is back in the series.
34:58Kaya naman
34:59dapat abangan
34:59kung anong twist
35:01ang hatid niya
35:02sa series.
35:032016 nang gampanan
35:04ni Ruru
35:05ang role
35:05ni Ibarro
35:06at Ibrahim.
35:07Siya ang love interest
35:08ni Alena
35:09played by Gabby Garcia
35:10at ni Amihan
35:12played by Kylie Padilla.
35:14At health update
35:15na rin kay Ruru.
35:16Almost fully recovered
35:17na raw siya
35:18sa tinamong
35:19hamstring injury
35:20habang nasa taping
35:21ng lolong
35:22pangil ng Maynila.
35:24Mas nakakalakad na raw siya
35:25ngayon
35:25ng maayos
35:27at mas nakakakilos
35:28sa fight scenes.
35:30Asahanan niya
35:31ang mas pinaigting
35:32na aksyon
35:33sa series.
35:36Ikinuwento
35:36ng nagreklamo
35:37labant kay
35:38Congressman Paolo Duterte
35:39na si Christone
35:40John Patrias-Juan
35:42sa GMA Integrated News
35:43ang pinag-ugatan
35:44ng manipananakit
35:45at pagbubanta
35:46sa kanya
35:47ng kongresista.
35:48Natagalan daw siya
35:49maghahin ng reklamo
35:50para kumalap
35:51ng ebidensya.
35:52Balitang hatid
35:53ni Emil Sumangil.
35:57Sa kuha ng CCTV
35:59na kumakalat
36:00sa social media
36:01makikita
36:02ang isang lalaking
36:02nakapolo shirt
36:03na dinuduro
36:04ang isang lalaking
36:05nakasumbrero.
36:07Ang lalaking nakapolo
36:08itinaas pa ang kamay
36:10ng may hawak
36:10na kutsilyo.
36:12Eksklusibong
36:13nakausap
36:14ng GMA Integrated News
36:15ang lalaking
36:15nakasumbrero
36:16sa video
36:17na si Criston
36:18John Patria
36:19Sean.
36:20Ayon sa kanya,
36:21si Davao City
36:22First District
36:23Representative
36:23Paulo Pulong Duterte
36:25ang nasa video.
36:26Sinampakan niya
36:27ng mga reklamong
36:28physical injuries
36:29at grave threats.
36:30Sa kumakalat na video,
36:32ilang beses
36:32hinedbat si Sean.
36:35Sinuntok din ito
36:35sa tagiliran
36:36habang may hawak
36:37na kutsilyo
36:37ang nanuntok.
36:39Ang video
36:39isinumite ni Sean
36:41sa Department of Justice
36:42pero hindi raw siya
36:43ang nagpapakalat
36:44ng video
36:44sa social media.
36:46Nasa kustodya
36:47ngayon ng PNP
36:48si Sean.
36:49Dami yung
36:49nagano sa akin
36:50sa Facebook.
36:51Gusto ko lang
36:52i-clear sa napat
36:53na yung video
36:54hindi yun siya
36:55planted
36:56or AI.
36:57Aminadong bugaw
36:58si Sean
36:59na taga
37:00Davao City Rear.
37:01February 22.
37:03Kinontak daw siya
37:03ng isang regular
37:04na kliyente
37:05na kaibigan umano
37:06ni Congressman Duterte.
37:08Sabi niya,
37:09chat yun siya po
37:09sabi niya,
37:10Sean pa,
37:11dala ka ng
37:12babae.
37:13Yung okay
37:13tapos hindi maarte
37:14kasi pupunta si boss.
37:17Gabi noong
37:18February 22,
37:19dinala daw niya
37:20ang limang babae
37:21sa baki ng kaibigan
37:22ni Duterte.
37:23Doon daw niya
37:23nakita ang kongresista.
37:25Lumipat sila
37:26kasama ang mga babae
37:27sa isang bar
37:28pasado alauna
37:29ng madaling araw
37:29ng February 23.
37:31Sabi ni Sean,
37:32nag-ibah
37:33ang timplan ni Duterte
37:34nang malamang
37:35hindi lahat
37:36ng kanyang mga kasama
37:37ay nabigyan
37:38ang babae.
37:39Mas nainisan niya
37:40ang kongresista
37:40nang nagka-issue
37:42sa bayad.
37:43Dito raw siya
37:43kinumpronta
37:44ni Duterte.
37:45Ano man siyon,
37:46pinapirahan mo ba ako?
37:48Yun din,
37:50papalit-ulit lang
37:51niya sinasabi niyon.
37:53Isang saksak niya
37:54na anuan ko,
37:57yung tawag nga yun,
37:58plus yung na,
38:00then nag-attempt na naman
38:02siya ng isa,
38:02din tumakbo na
38:03may CCTV sa taas.
38:05Kaya yun,
38:06pina-off niya.
38:08Kaya yung clip na yun,
38:09medyo short lang.
38:11Kasi putol na yung video eh,
38:12pinakat niya.
38:14Natagalan daw si Sean
38:15na lumutang
38:16dahil kumakalap siya
38:17ng ebidensya
38:18at na-tiempo lang
38:19na malapit na ang eleksyon.
38:21Ang kalaban ko kasi
38:22medyo mahirap eh,
38:23kaya pinag-isipan ko
38:24talaga na mabuti.
38:25Wala nang hihibang usap sa'yo
38:26na kasuhan mo.
38:28Wala.
38:28Idadrap ko yung
38:29kasi mong child traffic.
38:30Wala, wala.
38:31Medyo na trauma ba din,
38:32stress,
38:33naghalohalo na talaga ba.
38:35Wala naman po.
38:38Ikaw lang ito?
38:39Ako lang po ito.
38:41Sinusubukan namin kunan
38:42ang pahayag si Congressman Duterte.
38:44Pero nauna na niyang sinabi
38:45nitong weekend
38:46na ino-authenticate pa
38:47ng kanyang mga abogado
38:49ang kumakalat na video.
38:51Emil Sumangil,
38:52nagbabalita
38:53para sa GMA Integrated News.
38:55Sabi naman ni Palace Press Officer
38:58Claire Castro,
38:59hindi naman itinanggi
39:00ni Congressman Paolo Duterte
39:01ang video.
39:02Bakit ibinibintang ito
39:04sa administrasyon?
39:05Mas mainam daw
39:06na sagutin na lang
39:06ni Congressman Duterte
39:07ang reklamong
39:08pananakit laban sa kanya.
39:10Sagot yan ang palasyo
39:11sa pahayag ni Vice President
39:12Sara Duterte
39:13na paninira
39:14ng administrasyon
39:15ang naturang reklamo
39:17sa kanyang kapatid.
39:18Good vibes for today
39:26ang hatid ng isang
39:27Golden Retriever
39:27sa Albay.
39:29Ang aso
39:30nag-action star.
39:31Makaiwas lang sa lambing.
39:33Aba?
39:34Eh, bakit naman?
39:37Shadow Kiss Titani
39:39ay
39:40Kiss on!
39:43Simbolist ng anino
39:44kumakailag sa halik
39:45ang asong si Shadow.
39:47Eh, mukhang wala yata
39:48sa mood
39:48para sa affection
39:49ng kanyang Titani.
39:50Ay, hindi naman daw
39:51maarte o laway conscious
39:53ang Golden Retriever.
39:55Ang say ni Fur Mom,
39:56no two kisses
39:56ang alaga
39:57dahil walang pasalubog
39:59na chicken si Tita.
40:00Ano naman pala eh.
40:02Kinabukasan,
40:03nag-promise
40:04ang Fur Tita
40:05na mag-uuwi na
40:06ng paboritong treat.
40:08Kaya itong si Shadow
40:09for the go
40:11ng mahalikan.
40:12Ang kulitan video,
40:13more than
40:14600,000 na
40:15ang views.
40:17Ay, naman pala eh.
40:18Talaga, alam mo naman
40:19ang ano?
40:19Trending!
40:22Ay talaga
40:22na mga mga
40:23pet.
40:24Ayan, pag meron kang
40:25treat sa kanila,
40:26ay talaga
40:26very ano sila.
40:27Pero nga,
40:28ngayon ako nakakita
40:29na magtatampo
40:30pag walang treat.
40:32No?
40:32Usually,
40:32hindi nila pinapansin.
40:33Matampuin pala
40:34ito si Shadow.
40:35Matampuin eh.
40:36Tinan mo naman
40:36kung makaiwas
40:37na mga.
40:37Makaiwas ganap.
40:39Naku, wagas.
40:40Ang pag-iwas.
40:41O, dapat merong
40:42follow-up video
40:43pag nabigyan na ng treat,
40:44anong gagawin?
40:45O, kung nakapakiss,
40:47o, talagang ayaw niya.
40:48Ayaw niya talaga.
40:49Sobra yung pagkakaiwas niya,
40:51di ba?
40:51Yung ganyan,
40:52aalis na lang.
40:53Wala lang,
40:53hindi lang siya makawala
40:54sa pagkakayakap sa kanya.
40:56Ano na nasa upuan?
40:57Tama kaya,
40:58sweet din kasi siya talaga.
40:59O, yan na ba yung
41:00follow-up video?
41:00Pag ganyan na nagtatampo.
41:01Ito na yung video,
41:02may chika na.
41:03O, ayun.
41:04Ayun,
41:04makapait naman.
41:05O, may chika na.
41:06Kaya nagpa-kiss na siya.
41:07Ang galing.
41:09Hintanin namin yung
41:09follow-up video niya na.
41:12Samantala mainit-init na balita,
41:14opisyal na pong
41:15idiniklara ng Malacanang
41:16na holiday
41:16sa May 12,
41:17araw ng eleksyon.
41:19Inunusya ni Palance Press Officer
41:20under Secretary Claire Castro.
41:22Ngayong araw daw,
41:23maglalabas ng proklamasyon
41:24ang Malacanang.
41:25Hiniling ito ng
41:26Commission on Elections
41:27para makaboto sa lunes
41:28ang million-milyong butante.
41:31Mahigit 68 million
41:32assembled voters
41:32ang inaasahang boboto
41:34sa lunes.
41:35Ito po ang balitang hali, bahagi kami ng mas malaking misyon, Rafi Tima po.
41:41Sa alam po ni Connie Sison, ako po si Susan Enriquez.
41:44Kasama niyo rin po ako, Aubrey Caramper, para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
41:49Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Filipino.
42:05Mula sa GMA Integrated News
42:35Mula sa GMA.
43:05Mula sa GMA.