Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday

In returning to Quezon City for the final stop of his Luzon Caravan, former senator and senatorial candidate Kiko Pangilinan walked down memory lane about the city that molded his political life and brought him seeking a fourth term in the Senate. (Video courtesy of Kiko Pangilinan | FB)

READ: https://mb.com.ph/2025/05/10/kiko-pangilinan-ends-campaign-caravan-with-return-to-quezon-city

Subscribe to the Manila Bulletin Online channel! - https://www.youtube.com/TheManilaBulletin

Visit our website at http://mb.com.ph
Facebook: https://www.facebook.com/manilabulletin
Twitter: https://www.twitter.com/manila_bulletin
Instagram: https://instagram.com/manilabulletin
Tiktok: https://www.tiktok.com/@manilabulletin

#ManilaBulletinOnline
#ManilaBulletin

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa pag-ibig sa bayan, dito rin ako sa Quezon City, nag-uumpisa.
00:05Bilang UP Student Council President, ako'y naging student leader dito sa UP Diliman.
00:15Bilang student leader noong panahon ng diktadura,
00:19dun ko nakita na mulat sa katotohanan ng kawalan ng katarungan, ng kahirapan, ng pang-aapi.
00:27Kaya dun pa lang, nag-uumpisa na tayo dyan sa UP, dito sa Lungsod, Quezon.
00:34Dito ko natutunan din, mahalin ang inang bayan.
00:40Salamat, Quezon City.
00:42Dito ako una rin nahalal bilang elected official ng 4th District ng Quezon City bilang konsehal.
00:53Nag-lingkod sa inyo sa Lungsod mula 1988 hanggang 1992 at nag-lingkod ng tapat at totoo.
01:04Tayo po ang naging panukalang batas at pangunahing nag-akda ng Department of Social Welfare ng Lungsod, Quezon.
01:15Dati po kasi office lang yun.
01:18Noon pa man, inuuna na po natin ang mga kapos, ang mga kinakailangan ng tulong ng gobyerno.
01:28Tayo ang principal author na itinatag ang Department of Social Welfare ng Quezon City Government.
01:35Sino rito ang nakikinabang ngayon sa mga social welfare at social assistance programs ng ating Pamalang Lungsod?
01:45Taas ang kamay.
01:46Ayun.
01:48Kahit paano sinimula po natin yan nung ako'y konsihal.
01:53Pinakabatang konsihal ng Quezon City mula 1988.
01:57Salamat ulit, Quezon City.
02:00Dito ako natuto ng eleksyon, paano tumakbo, paano mangampanya, at paano manatiling tapat at totoo sa aking panunungkulan.
02:13Hindi po ba?
02:13Dito rin sa Quezon City, tatlong beses na akong tumakbong senador, tatlong beses din niyo ako hinalal dito sa ating lungsod.
02:27Maraming salamat, Quezon City.
02:30Maraming salamat sa inyong naging tiwala at suporta.
02:34Lagi akong nananalo, laging nasa top 12 pagka sa lungsod, Quezon, ang pinag-usapan.
02:41Maraming salamat.
02:41Maraming salamat at dahil doon, tatlong beses kayong nagtiwala sa akin, tatlong beses akong naglingkod, sa tatlong termino natin bilang senador, wala kayong narinig na anumang kasong katiwalian na ako'y nasangkod.
03:04Ang pagkakampanya natin, matatapos na mamayang hating gabi.
03:10Siyam na pong araw ng pagkukumbinsi, hindi biro mangampanya sa buong Pilipinas.
03:20Kung kaya ko lang hatiin ang aking katawan sa isang daang piraso para lang maabot ang ating mga kababayan, gagawin ko.
03:31Nung tinanong sa akin, paano ba ang pakiramdam ng nangangampanya sa buong Pilipinas sa loob ng siyamnapong araw?
03:41Ang sagot ko, hindi mo nanaisin sa pinakamasama mong kaaway.
03:49Hindi madali.
03:51Bakit ko nga ba ginagawa ito?
03:54Nahihiwalay sa aking misis.
03:57Nahihiwalay sa aking pamilya.
03:59Puyat, walang tulog, nagugutong, bilad sa araw.
04:04Bakit ko ba ginagawa ito?
04:09Dahil nakikita ko na ang ating bayan nagkukulang ang mga lider na may kiging tapat at totoo para sa taong bayan.
04:20Nakikita ko na ang ating bayan kulang na kulang ang mga lider na tunay na maglilingkod, hindi sa sarili kung hindi paglilingkuran ang bayan.
04:36Nung ako po'y tumakbo bilang Vice President ni Lenny Robredo noong 2022,
04:42ang ating isinulong gobyernong tapat.
04:45At ang nakikita natin ngayon,
04:50magulo,
04:52bangayan,
04:55patuloy pa rin,
04:58ang nakawan,
05:01hindi tama.
05:03Kaya kung kinakailangan makampanya ng siyamnapot araw
05:06para hikayatin ang ating mamamayan
05:10na sama-sama na natin gawin ng paraan para maayos na ang ating bansa,
05:16gagawin natin.
05:18Hindi tayo aatras,
05:20hindi tayo nagbitiw,
05:22tuloy-tuloy ang laban dahil kayo,
05:25ang ating mga anak,
05:26ang ating mga mahal sa buhay,
05:28ang ating minamahal na bayan,
05:30yan ang ating pinaglalaban.
05:32Hindi natin maaaring talikuran ang ating mga anak.
05:39Anong klaseng magulang ang siyang magtatalikod,
05:42o kaya ipagtataksil,
05:44o kaya iiwanan sa ere ang kanyang mga anak.
05:47Hindi,
05:48lalaban tayo.
05:51Lalaban tayo.
05:53Ngunit hindi ko ito kaya ng mag-isa.
05:56Kailangan ko ang tulong ninyo.
06:01Maraming salamat.
06:02Kaya natin
06:05kumilos,
06:08tumindig,
06:09manindigan.
06:11Pagka ang taong bayan na ang tumataya,
06:14pag taong bayan na ang kumikilos,
06:16kasama ang mga leader na merong paninindigan,
06:19walang anumong politika,
06:22wala ang umampuwersang politika,
06:24ang maaring maging hadlang.
06:25Ang lahat ng pagod,
06:31ang lahat ng luha,
06:34ang lahat ng pawis,
06:36ang dugo,
06:37lahat yan
06:38ay pangdidilig
06:40sa ating mga pangarap
06:42na mas magandang kinabukasan.
06:55Kaya natin

Recommended