Eleksyon na sa Lunes!
At patuloy ang paalala ng COMELEC para matiyak na sa paggamit ng mga voting machine, mabibilang ang inyong mga boto.
Alamin sa voter education special report ni Sandra Aguinaldo.
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
At patuloy ang paalala ng COMELEC para matiyak na sa paggamit ng mga voting machine, mabibilang ang inyong mga boto.
Alamin sa voter education special report ni Sandra Aguinaldo.
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Election na sa lunes at patuloy ang paalala ng Comelec para matiyak na sa paggamit ng mga voting machine, mabibilang ang inyong mga boto.
00:16Alamin sa Voter Education Special Report ni Sandra Aguinaldo.
00:20Kahit datihan ka ng bumaboto o first time pa lang, ang gusto natin ngayong eleksyon, mabasa at mabilang ang ating boto.
00:34Dapat alam natin ang tamang proseso ngayong eleksyon 2025.
00:39Sa lunes, May 12, alas 7 na umaga simula na ang regular voting hours. Patatapos yan alas 7 ng gabi.
00:47Pag may nakapila, lampas ng alas 7 na 30 metro doon sa lugar kung saan sila boboto, makakaboto pa rin po sila.
00:55Pero may early voting hours na 5 a.m. hanggang 7 a.m.
00:59Para sa mga senior citizens, mga buntis at PWDs, pati na yung mga kaanak na aalalay sa kanila sa eleksyon.
01:07Ipatanong niyo po saan po ba yung PPP, Priority Falling Precinct, sapagkat wala pong nakatatanda ang boboto sa second floor o third floor.
01:17Doon po kayo lahat boboto sa PPP para po hindi kayo nanghihirapan sa inyong pagboto.
01:24Oras na makarating sa lugar ng botohan, hanapin ang mga nakapaskil na computerized voters list.
01:31Kung hirap, magpatulong na sa voters assistance desk.
01:35Pwede rin ma-access online ang precinct finder ng COMELEC.
01:39Susunod na step, pumunta sa inyong presinto at lumapit sa electoral board.
01:44Beberipikahin nila ang inyong pagkakakilanlan at titingnan kung may marka ng indelible ink ang inyong kuko.
01:51Maganda rin, may dala kahit na anuman lang pagkakakilanlan.
01:54Hindi man ito inahanap, hindi man ito kailangan.
01:56Meron kasing mga watchers sa loob ng presinto na pwede kayong i-challenge kung talagang kayo yun.
02:01Kung walang problema, ibibigay na sa iyo ang balota, secrecy folder at marking pen.
02:07Tiyaking malinis at walang marka ang balota.
02:10Ang bawat balota ay precinct specific.
02:13Ang ibig sabihin, hindi siya magagamit sa ibang presinto.
02:17At yung mismo makina, precinct specific din.
02:20Nangangulagong kung ang balota ay pang precinct 2A,
02:24hindi po yan basta-basta pwedeng dalhin doon sa precinct 3A, hindi rin po babasahin.
02:27Pagkatapos ay maaari ka ng pumunta sa voting area at bumoto.
02:33Payo ng Comelec, isulat na sa papel ang mga ibobotong kandidato bago pa man pumunta sa presinto.
02:40Is-shade ang oval o bilog na nasa unahan ng pangalan ng kandidatong na isiboto.
02:45Huwag ding mag-overvote.
02:47Ayon sa Comelec, mas kaya na mga automated counting machine o ACM
02:52na magbasa ng mas mababang kalidad ng pagkakashade kumpara sa mga ginamit na makina nung mga nakarang eleksyon.
02:59Pagtuldok lang, hindi po pinuno ng shade.
03:04Yung mismong bilog, mabibilang po yan.
03:07Sapagkat ang ating shading percentage ngayon, yung threshold na tinatawag ay 15% lamang.
03:16Pero kung hindi mo nalagyan ng bilog ng kahit na ano sa loob, yan po ay hindi po boto.
03:21Dapat po, hindi linya, hindi guhet, hindi star, hindi square, o hindi dapat shading.
03:28Huwag po kayo magdodrawin ng kahit ano.
03:30Pag po nagsulat kayo ng kahit ano dyan, yan po ay pwede maging marked balot
03:35at pwede pong makasuhan yung mismong botante.
03:39Kung tapos ka ng bumoto, ipasok ang balota sa ACM.
03:43Hintayin na lumabas ang resibo at tingnan sa screen ang balot image ng inyong balota.
03:48Pwede nyo po siyang i-scroll, i-touch, i-scroll.
03:5115 seconds ang harap.
03:53Yung party list na nasa likod, 5 seconds naman.
03:56Para kahit paano, komportable ka, ito nga yung balota ko.
03:59Bawal picturean yung screen, bawal picturean yung resibo, bawal picturean yung balota na hinuhulog natin.
04:04Suriin ang resibo bago ihulog sa nakatakdang lagayan.
04:09Tsaka ibalik ang folder at marking pen.
04:11Sa puntong ito ka naman lalagyan ng indelible ink sa kuko ng kanang hintuturo.
04:16Pagkatapos mong bumoto, ay pwede ka na lumabas ng polling place.
04:21May pag-asa ang ating bayan sa pamamagitan ng ating balota.
04:25Ang pinag-uusapan dito, ano ang gagawin mo sa balota mo?
04:29Mababaliwala ba yan?
04:31O gagamitin mo ang balota para sa pagbabago?
04:33Magpapago.
04:37Sandra Aguinaldo nagbabalita para sa GMA Integrated News.