Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
-Oil Price rollback, posibleng ipatupad sa susunod na linggo






-SWS, inilabas ang resulta ng pinakahuling voting preferences survey para sa Eleksyon 2025






-GMA Network, naglabas ng opisyal na pahayag kaugnay ng cybersecurity incident






-Papel ng The European Union sa pagpapanatili ng kaayusan at maprotektahan ang sovereignty ng Pilipinas, binigyang-diin ng DFA/ 


Free Trade Agreement sa pagitan ng Pilipinas at The European Union, pinaplantsa na rin






-66 sundalo, tutulong sa pagbabantay sa seguridad sa eleksyon sa iba't ibang panig ng Nueva Ecija






-Mga botante, maiging alamin na agad ang kanyang voting precinct






-Ano ba ang hinahanap ng mga botante sa mga kandidato? Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Beep, beep, beep! Good news para sa mga motorista. May rollback ulit sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
00:12Sa estimated ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy,
00:16base sa 4-day trading, 1 peso hanggang 1 peso and 35 centavos ang nakikitang bawas presyo sa kada litro ng diesel.
00:2530 hanggang 75 centavos naman sa gasolina, habang 1 peso and 30 centavos hanggang 1 peso and 45 centavos sa kada litro ng kerosene.
00:36Yan ang magiging ikalawang magkasunod na linggo ng rollback.
00:40Isa raw sa mga posibling dahilan ng pagbaba ng presyo,
00:43ang disisyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries o OPEC,
00:48plus na magdagdag ng produksyon sa susunod na buwan.
00:55Sa Social Weather Station Survey na kinumisyon ng Strat-based Group,
01:05labindalawang pangalan ang nasa listahan ng mga posibling mananong senador sa eleksyon 2025.
01:11Ito ay sina Congressman Irwin Tulfo,
01:13Senator Bonggo,
01:15dating Senate President Tito Soto,
01:17Senator Lito Lapid,
01:18broadcaster na si Ben Tulfo,
01:20dating Senador Ping Lakson,
01:22Makati Mayor Abby Binay,
01:24Sen. Bato De La Rosa,
01:26Congresswoman Camille Villar,
01:27Sen. Pia Cayetano,
01:29Sen. Bongri Villar,
01:30at Sen. Aimee Marcos,
01:32isinagawa ang nationwide survey noong May 2 hanggang 6, 2025
01:37sa pamamagitan ng face-to-face interviews
01:39sa 1,800 na registered voters edad 18 pataas.
01:45Tinanong sila kung sino ang kanilang iboboto sa pagkasenador
01:48kung gagawin ng eleksyon noong panahon ng survey.
01:51Mayroon itong plus-minus 2.31% na error margin.
01:57JP Soriano,
01:58nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:03Naglabas ng pahayag ang GMA Network
02:05kawag na isang cyber security incident.
02:08Batay sa pahayag,
02:09nagsagawa na ng initial investigation ng kumpanya.
02:12Ayon sa network,
02:13ang mga nadamay na data ay of low value
02:15at hindi naglalaman ng anumang sensitibo,
02:18personal o confidential information.
02:20Patuloy na nagsasagawa ng investigasyon ng network
02:23sa tulong ng technology partners nito
02:25at nananatiling committed
02:27para mapanatili ang integridad at siguridad ng operasyon nito.
02:32Kasabay ng selebrasyon ng Europe Day,
02:34binigyang din ang Department of Foreign Affairs
02:36ang mahalagang papel ng The European Union.
02:38Ayon sa DFA,
02:40mahalaga ang kooperasyon ng The European Union
02:42sa pagpapanatili ng kapayapaan sa regyon
02:44at sa sovereignty ng Pilipinas.
02:46Sabi naman ni Ambassador Masimo Santoro
02:48na delegation of The European Union to the Philippines,
02:51handa nilang depensahan ng Pilipinas
02:53alinsunod sa batas at rules-based order.
02:56Datin ang inalmahan ng EU
02:58ang mga ginagawang aksyon ng China
02:59sa West Philippine Sea.
03:01Sabi nyo ng DFA,
03:02pinaplansya na ang kasunduan
03:03para sa isang free trade agreement.
03:06Sa ilalim nito,
03:07magiging tax-free
03:08ang mga produktong i-export ng Pilipinas
03:10sa mga bansang membro ng EU.
03:12Aalisin na rin ang taripa
03:13o magiging tax-free din
03:15ang mga produktong i-import ng Pilipinas
03:17mula naman sa European Union.
03:20Kabilang sa mga dumalaw sa selebrasyon ng Europe Day
03:22ang pabasdos ng mahigit
03:23dalawampung bansang membro
03:25ng The European Union.
03:26Ito ang GMA Regional TV News.
03:36Dinagdagan pa ang mga uniform personnel
03:38na magbabantay ng eleksyon 2025
03:40sa Nueva Ecija.
03:4266 na tauhan mula sa 7th Infantry Division
03:45ng Philippine Army
03:46ang idineploy sa iba't ibang panig ng probinsya.
03:49Makakasama sila ng mga tauhan ng PNP
03:51para magbantay ng seguridad
03:53sa araw ng eleksyon.
03:54Pinaalalahan na naman ang mga sundalo at pulis
03:57na dapat manatiling non-partisan
03:59o walang kandidatong pinapanigan.
04:09Mga kapuso, alamin na ang inyong presinto
04:11para mas madali at mas mabilis kayong
04:14mahakabotos sa lunes.
04:17Pumunta lamang po sa
04:18precinctfinder.comelec.gov.ph
04:22Ilagay ang inyong pangalan,
04:24date of birth,
04:25at lugar kung saan kayo nakarehistro.
04:28I-check at baka iba
04:29ang inyong voting center
04:31kumpara nung nakaraang eleksyon.
04:33Malalaman nyo rin kung active pa ba
04:35ang inyong voter status.
04:37Kung may mga tanong o problema,
04:38pwede nyo pong i-contact
04:40ang election officers sa inyong lugar.
04:42At kung wala pa kayong listahan
04:44ng mga iboboto,
04:45pwede ninyong gamitin
04:47ang GMA MyCodigo.
04:52Sa lunes na po ang eleksyon 2025,
04:55buuna ba ang inyong listahan
04:56para sa mga iboboto nyong kandidato?
04:58Magkakaiba man sila ng katangian,
05:00magkakaiba ng plataforma,
05:02pero desisyon pa rin natin
05:03bilang mamamayan
05:04kung sino ang ating pipiliin.
05:07Ano nga ba
05:07ang inahanap nyo
05:08sa mga naniligaw na kandidato?
05:10Narito ang report.
05:12Tad-tad na mga poster.
05:18Sa bakot.
05:19Sa gate.
05:20Pati sa mga poste
05:21at maging kawad ng kuryente.
05:24Kahit sa bawal na lugar,
05:26sige lang,
05:27basta't makapangakit
05:28ng mga butante.
05:29Bukod dyan,
05:30marami pang iba't ibang gimmick
05:31para makapagpakilala
05:33at makapanligaw ng boto
05:34ang mga kandidato.
05:36Yung mga kandidato,
05:38tila ang kanilang pag-akit
05:40sa mga butante,
05:42sumasayaw na lang,
05:43halimbawa,
05:44o kumakanta.
05:45So yung mga pangangampanya,
05:47it becomes an entertainment,
05:49parang showbiz type entertainment.
05:52Ang ating halalang kasi,
05:54hindi masyadong issue-centric,
05:56na nasa inaiisan-tabi yung kalimawa,
06:02yung national issue.
06:05Isa kasi sa mga nakikitang dahilan
06:07ng ilang election watchdogs
06:08kung paano nananalo ang mga kandidato,
06:11name recall.
06:12Iba't iba ang factors
06:14para manalong isang tao
06:17o isang personalidad.
06:18Pero lagi at lagi,
06:20importante na magpakilala
06:22ang isang tao.
06:23So either artista,
06:25influencer,
06:26or parte sila
06:27ng isang political family
06:28na matagal na sa politika
06:30at eleksyon sa Pilipinas.
06:32Ang daming recycling
06:33sa ating halalan.
06:34Yung mga pangalan
06:35ng mga liderato natin
06:36at ng mga kandidato,
06:38palagi na lang
06:39nare-recycle.
06:40Bakit pare-pareho na lang
06:41ang mga taong tumatakbo?
06:44Ngayong eleksyon,
06:45ano bang hinahanap
06:46ng mga butante
06:47sa mga kandidato?
06:47Pinahanap ko po sa isang kandidato
06:50yung matino,
06:53tapat,
06:53at may paninindigan.
06:55Yung mapagkakatiwalaan po sana natin
06:57at yung totoo sa mga sinasabi niya po,
07:00hindi lang po sabi-sabi,
07:01dapat ginagawa din po.
07:03Yung ano,
07:04sinusunod niya yung mga
07:05plataforma niya,
07:08yung may isang salita.
07:11Kailangan yung maayos na
07:13politiko.
07:15Walang kurakot.
07:15Yung nakikinig po sa hininakit
07:19ng mga kababayan po.
07:22Unang-una po yung character,
07:23at syempre po yung past,
07:24yung background po ng mga educational,
07:26yung ganun po.
07:27Yung nasa magandang servisyo,
07:30yung nakikita natin
07:31yung magandang performance niya,
07:34at saka hindi yung maraming publicity.
07:37May tip din ay ilan
07:38para sa mga kapobotante.
07:40Dapat po,
07:41hindi lang tayo makinig
07:42sa mabubulaklak na salita po.
07:45Huwag tayong ala sa mga
07:48nakikita lang
07:49na agad-agad
07:50na iniwala,
07:50di ba?
07:51Siyempre,
07:52dapat alamin pa rin natin
07:53na may nagagawa talaga sila.
07:56Meron ding mensahe ng
07:57sana sa election 2025.
08:00Sana,
08:01yung mga pangako nila,
08:02binibitawan nila
08:03habang sila'y,
08:04habang sila'y nangangampanya,
08:07sana ito pa rin naman nila.
08:08Eh para sa election watchdog,
08:10ano nga ba sana
08:11ang hinahanap natin
08:12sa mga iboboto?
08:14Ang dapat tignan talaga
08:15ay kung ano yung programa
08:17o plataforma ng kandidato niya,
08:19lalo na sa mga problema natin
08:21kinakaharap
08:22sa pang-araw-araw.
08:24Sa pagpili ng kandidato
08:25sa isang posisyon,
08:27kailangan maging mapanuri
08:29ang ating mga botante,
08:30alamin yung background,
08:32alamin yung kakayanan
08:33ng kandidato
08:34at angkop ba
08:36yung kaalaman ng kandidato
08:37dun sa posisyon
08:38na tinatakbuhan.
08:40Tayo'y maging mapanuri,
08:41huwag na lang personalidad
08:43ang tignan natin.
08:44Tignan natin
08:45kung ang kandidato
08:46at tayo
08:47ay makadyos,
08:48matapat,
08:49matulungin,
08:49masipag,
08:50makabayan
08:51at mapanuri
08:52at magalang.
08:54Magkakaiba man tayo
08:55ng hinahanap
08:56sa mga kandidato,
08:57hindi man pare-pareho
08:58ang mga suliranin
08:59na nais nating unahin
09:01ng mga nakaupo sa pwesto.
09:02Sa huli,
09:03ang mga pipili nating kandidato
09:05dapat para sa bayan,
09:07dapat tama
09:08at dapat totoo.
09:10Rafi Tima nagbabalita
09:12para sa GMA Integrated News.

Recommended