Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
5 cardinal mula sa iba't ibang bansa, matunog ngayong isinasagawa ang conclave

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bayan, kailalanin natin ang mga kardinal na matunog na magiging susunod na Santo Papa
00:05si sinagawang conclave sa ulat ni Christian Pascones.
00:11Habang isinasagawa ang conclave o pagpili ng susunod na magiging bagong Santo Papa,
00:17bukod sa mga Pilipinong kardinal, matunog din ang ilang mga pangalan ng ilang kardinal.
00:22Isa dito si Cardinal Pietro Parolin, 70 anyos,
00:26isang matagal na diplomatiko ng Vatican na ikinuturing na hindi konserbatibo.
00:31Nagsilbi siya bilang kalihim ng Estado ni Pope Francis mula 2013
00:35at may malawak na karanasan sa internasyonal na ugnayan,
00:39tulad ng pagiging embahador sa Venezuela at pagpapalapit ng ugnayan ng Vatican sa China at Vietnam.
00:45Maari siyang maging pagbabalik ng tradisyon ng mga Italyano sa Papasia,
00:49matapos ang huling Italyanong Papa noong 1978.
00:53Si Cardinal Peter Erdo, 72 anyos, isang konserbatibong kardinal mula Hungary,
01:00itinuturing na posibleng kandidato sa Papasia dahil sa kanyang pagiging praktikal at ugnayan sa mga progresibo.
01:07Dating na italaga bilang pinakabatang kardinal,
01:10siya ay kilala sa pagsusulong ng pananampalataya sa mga sekular na bansa.
01:14Si Cardinal Peter Turkson, 76 anyos, tubong gana, matagal nang takapagsulong ng social justice,
01:24maaring maging unang Afrikanong Papa sa loob ng mahigit 1,500 taon.
01:30Itinalaga siya bilang kardinal ni Pope John Paul II noong 2003
01:35at pinamunuan ang Benedict XVI sa Pontifical Council for Justice and Peace.
01:41Kilala siya sa atihikain lawan sa kahirapan at climate change.
01:44Ngunit may konserbatibong paninindigan sa mga isyo tulad ng homoseksuality at paggamit ng contraceptives.
01:51Si Cardinal Mateo Zupi, 69 anyos, itinuturing na paborito ni Pope Francis at ginawang kardinal noong 2019.
02:01Kilala sa kababaang loob, pakikisama sa tao, pagtatanggol sa mahihirap
02:06at pagbubukas ng pintuan para sa mga LGBTQ plus community.
02:12Bilang arsobispo ng Bologna, sa halos 10 taon,
02:16madalas siyang gumamit ng bisikleta sa halip na opisyal na sasakyan.
02:19Father Mateo ang gusto niyang itawag sa kanya
02:22at may ugnayan din sa mga pinuno ng mga makapangyarihang bansa
02:25tulad ni na Joe Biden at Volodymyr Zelensky.
02:29Samantala, si Cardinal Joseph Tobi naman ay 72 anyos,
02:34isang progresibong arsobispo ng Newark,
02:37isa sa sampung Amerikanong kardinal na may karapatang bumoto sa conclave
02:41at itinuturing na may pagkakataong mahalal bilang papa.
02:45Bagamat Amerikano, ang kanyang malawak na karanasan sa labas ng US
02:49ay maaaring makahikayat ng tiwala.
02:53Malapit siya kay Pope Francis na nagtaas sa kanya bilang kardinal noong 2016.
02:58Tubong Detroit at dating mekaniko,
03:00miyembro siya ng Redemptorist Order na nagsisilbi sa mahihirap at inaabandonang espiritual.
03:06Ilan lang sila sa mga napag-uusapang pangalan
03:09habang isinasagawa ang pagpili sa susunod na magiging bagong Santo Papa.
03:15Christian Bascones para sa Pamansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended