Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Ika-26 na beses na ngayon ang pagdaraos ng Papal Conclave sa Sistine Chapel sa Vatican City.
00:06Ang 133 Cardinal Electors na buboboto ngayon para sa susunod na Santo Papa, pinakamarami naman sa kasaysayan.
00:14Sulya pa natin ang loob ng Sistine Chapel kung saan isinasagawa ang banal na proseso.
00:20Sa unang balita ni Ian Cruz.
00:21Sa loob ng limang siglo, sa loob ng Sistine Chapel, nagbobotohan ang Cardinal Electors para sa susunod na Santo Papa.
00:34Saksi ang mga ingranding fresko na likha ng Renaissance artists gaya ni Michelangelo.
00:40Sakisamay ng Sistine Chapel, masisilayan ang mga obrang hango sa aklat ng Genesis sa Biblia, kabilang ang sikat na creation of Adam.
00:48Nasa altar wall naman ang Last Judgment na limang taong nilikha ni Michelangelo at ipinakikita ang Second Coming of Christ.
00:58Bawat upuang nakalaan para sa Cardinal Electors may pangalan, balota at kopya ng Ordo Ritum Conclavis o Order of Conclave Rites.
01:09Nakagrupo ang pangalan ng mga Cardinal sa apat na kategorya.
01:12Cardinal Bishops, Cardinal Patriarch of the Eastern Churches, Cardinal Priests at Cardinal Deacons.
01:23Sa pagpasok ng mga Cardinal sa Sistine Chapel, nanumpas sila ng absolute secrecy at hindi susuportahan ng anumang tangkang impluensyahan ang conclave.
01:35At kung mapipiling Santo Papa, ay buong katapatan nilang tutuparin ang kanyang tungkulin.
01:40Kapag nakapasok na lahat, idedeklara ng Master Pontifical Liturgical Ceremonies ang Extra Omnes.
01:50Ibig sabihin, lahat ng di kasama sa conclave kailangan ng umalis.
01:55Susundan niya ng second meditation ni Cardinal Raniero Cantalamesa, Preacher Emeritus of the Papal Household.
02:03Pagkatapos niya na magsisimula na ang butuhan, noong unang nasilayan ng publiko si Pope Francis taong 2013, may mga iniba siya sa nakagawian para sa first appearance ng Santo Papa.
02:15Di niya sinuot ang nakagawian ang pulang moseta o kapa o ang gintong krus at sa halip ay ginamit pa rin ang silver-plated cross niya noong arsobispo pa siya ng Buenos Aires.
02:28Di rin niya sinuot ang pulang shoes of the fisherman para sa mga Santo Papa.
02:33Sa halip ay itim pa rin ang kanyang sapatos.
02:35Ngayon, buong mundo naghihintay kung kahaling tulad niya nang gagawin ang susunod na Santo Papa o kung meron din siyang iibahin.
02:56Ang hiling ngayon ng mga kardinal sa manan ng palataya, panalangin para mapakinggan nila ang Espiritu Santo sa pagpili ng susunod na lider ng simbahan.
03:07Ito ang unang balita, Ian Cruz para sa GMA Integrated News.
03:13Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
03:16Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
03:26Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.

Recommended