(Aired May 4, 2025):ANG VASECTOMY JOURNEY NI BIYAHE NI DREW HOST NA SI DREW ARELLANO, IKINUWENTO NIYA SA #KMJS!
Babala: Maging disente sa pagkomento.
Ang biyahe ni Drew Arellano, hindi sa anumang tourist spot, kundi sa ospital? Si Drew kasi, nagpa-vasectomy! Marami ang bumilib sa ibinahaging ito ni Drew, lalo maraming kalalakihan pa rin ang takot itong gawin at pag-usapan!
Ano nga ba ang vasectomy lalo na’t marami na ring ibang kalalakihan ang sumailalim dito para sa pagpaplano ng kanilang pamilya.
Tara! Sama tayo! Sa biyahe ng usapin tungkol sa vasectomy.
Panoorin ang video. #KMJS
“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS
Babala: Maging disente sa pagkomento.
Ang biyahe ni Drew Arellano, hindi sa anumang tourist spot, kundi sa ospital? Si Drew kasi, nagpa-vasectomy! Marami ang bumilib sa ibinahaging ito ni Drew, lalo maraming kalalakihan pa rin ang takot itong gawin at pag-usapan!
Ano nga ba ang vasectomy lalo na’t marami na ring ibang kalalakihan ang sumailalim dito para sa pagpaplano ng kanilang pamilya.
Tara! Sama tayo! Sa biyahe ng usapin tungkol sa vasectomy.
Panoorin ang video. #KMJS
“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS
Category
😹
FunTranscript
00:00Mga ama ng tahanan, kayanin niyo ba ang kinagdaanan ng kapuso host na si Drew Arelliano?
00:08Nagpatale o vasectomy paraan ang kontrasepsyon para makontrol ang paglobon ng populasyon.
00:16Hindi na makadaan yung sperm cell.
00:18Parang nakakababa po siya ng pagkalalaan.
00:20You see the gravity ng pagpanganak ng asawa ko and you relate that to the vasectomy na sobrang maliit lang na bagay compared to that.
00:2815 minutes lang talaga at wala akong naramdaman na kahit talaga.
00:32Siya naman yung mag-a-undergo ng kontraseptives, hindi na yung babae.
00:34Dapat yung pamilya ko, yung kaya ko lang buhayin.
00:41120 milyon na tayong mga Pilipino. Lumulobo ang ating populasyon.
00:47May mga nanganganak na hindi naman kayang tustusan ang kanilang mga anak.
00:52Kadalasan, mga nanay ang pinipiling magpatali.
00:55Pero si Drew Arellano, siya ang nagpa-vasectomy.
01:02Matagal niya na tayong isinasama sa pagtuklas sa iba't ibang magagandang tanawin sa loob at labas ng Pilipinas.
01:11The T from Bubble Tea stands for Taiwan.
01:15Ibinapahagi ang iba't ibang adventure at karanasan.
01:19Pero sa linggong ito, ang biyahe ni Drew hindi sa anumang tourist spot.
01:25Kundi sa ospital, si Drew kasi nagpa-vasectomy.
01:32Happy vasectomy!
01:35Ang vasectomy, isang male birth control kung saan pinuputol ang vas deferens o daluya ng sperm mula sa scrotum.
01:45Hindi na makadaan yung sperm cell.
01:47So konting percentage lang ng fluid ang nababawas pag ginawa yung vasectomy.
01:53Marami ang bumilib sa ibinahaging ito ni Drew.
01:56Bilib po ako sa ganun para makontrol niya rin po yung sarili niya.
01:59Makokontrol na niya yung bilang nung pagdami ng anak niya.
02:02Laging maganda rin po yung respect din po niya dun sa may partner niya.
02:05Lalo't maraming mga lalaki pa rin ang takot itong gawin at pag-usapan.
02:10Parang nakakababa po siya ng pagkalalaki.
02:12Bagay na hindi naman totoo.
02:15Hindi po ako familiar sa backstasy to me.
02:18At tila hindi nag-iisa si Drew sa biyaheng ito dahil marami na rin ibang mga lalaki ang sumailalim dito para sa pagplano ng kanilang pamilya.
02:29Tara, sama tayo sa biyahe ng usapin tungkol sa vasectomy.
02:34Happy vasectomy!
02:37Tatlong araw makalipas ang kanyang vasectomy procedure, si Drew kinumusta ng aming team.
02:43Every day, I feel better but definitely I'm not yet even 90%.
02:49I still have a little bit of pain on my right lower abdomen.
02:55Noong nakaraang taon pa raw nila, plinano ng kanyang misis na si Iya na mag-family planning.
03:00We already had that thought when we had our fourth kid.
03:03Wala naman akong takot sa procedure, sa totoo lang.
03:07You see the gravity ng pagpanganak ng asawa ko and you relate that to the vasectomy na sobrang maliit lang na bagay compared to that.
03:16Kaya nung isinilang ni Iya ang kanilang bunso nito lang Pebrero, nagpasya na si Drew.
03:22Minessage ko na nga yung urologist ko, we already set a date.
03:26At yung date ngayon ay last Monday which was April 28.
03:29May dalawang taraan ng vasectomy.
03:31Ang conventional vasectomy, kung saan gumagawa ng maliit na hiwa sa scrotum para maputol ang vas deferens.
03:39At ang NSV o no-scalpel vasectomy.
03:44Sa prosesong ito, hindi na raw kailangang hiwain pa ang scrotum.
03:49May instrumentong ginagamit para gumawa ng maliit na butas sa palat.
03:54Si Drew, NSV, ang napiling procedure.
03:58You just feel a bit of pressure but not much pain.
04:02There are no regrets.
04:03Para sa amin, happy na kami sa lima at ito yung kailangan namin gawin para sa aming pamilya.
04:08Hopefully, tama din yung mga choices namin.
04:12Ang vasectomy, isa lang sa napakaraming paraan ng family planning.
04:16Pero hindi ito ang madalas piliin ng mga mag-asawa dito sa Pilipinas.
04:20Kadalasan, ang mga babae ang nagpapatali o yung tinatawag na tubal ligation.
04:27Sa prosesong ito, ang fallopian tubes ng babae o yung mga tubo na nagdadala ng egg cells
04:33mula sa ovaryo patungo sa matris, pinuputol o hinaharang para hindi magtagpo ang itlog at similya.
04:42Si Naeman at Marifel, may tatlong anak.
04:45Dahil ito na raw ang gusto nilang bilang ng kanilang mga anak,
04:49naisip ni Marifel na magpa-ligate na.
04:52Yung kakailanganin na anesthesia ay medyo mabigat.
04:57So kailangan ko ng magpa-confine.
04:59May trabaho po ako nun.
05:00So medyo naging ano ako, nag-isip muna kami.
05:03Hanggang naisip ni Naeman ang isa pang paraan na sinabi sa kanila ng doktor.
05:08Baka may gusto niyong i-considered sir na pwede kayo for vasectomy.
05:11Kasi sa misis mo kailangan niya mag-bedrest for a month, di siya magtatrabaho.
05:16Yung procedure ng bagation is mas medyo ma-proseso kesa sa vasectomy.
05:20Ayoko i-impose sa kanya na magpa-vasectomy siya kasi ayoko naman ma-ano na pinipilit ko siya.
05:26Nung araw na ng operasyon ni Marifel, biglang nag-iba ang ihip ng hangin.
05:31Nakita ko yung isang nanay doon, naka-wheelchair na palabas.
05:34Kumbaga parang grabe yung bog-bog.
05:36Nag-desisyon si Eman na siya na lang ang magpa-opera.
05:40Napaka-dali lang na proseso.
05:4215 minutes lang talaga at wala akong naramdaman.
05:44Yung anesthesia lang.
05:45Sa amin lalo na mag-asawa, di na namin kailangan mag-contraceptives.
05:49Yung maliit na bagay na yun yung napatunayan ko na nagbunga na napaka-laki para sa kanya.
05:53Gusto ko na magpasalamat sa kanya kasi nga doon sa ginawa niya.
05:58Kasi nga sabi rin naman niya sa akin,
06:00responsibilidad naman po niya yun as padre de familia
06:03na masagurado na matutugunan namin yung pangangailangan ng mga anak namin.
06:07Ang hindi pagplano sa pamilya, kadalasa nagiging problema,
06:11lalo na sa mga mag-asawang kapos sa buhay.
06:15Bagay raw na naranasan ni Joe na galing sa malaking pamilya.
06:19Walo kasi silang magkakapatid.
06:21Namumulot kami ng basura, nanghihingi pa nga kami ng pagkain sa mga taong dumadaan.
06:26Dumating kami sa point na namamalimos na kami.
06:28Kaya si Joe, sa murang edad, nagsumikap.
06:31Kailangan kong pagsabayin lahat.
06:33Sa umaga, nasa school ako, pagdating naman ng gabi, call center agent ako.
06:36Hanggang unti-unti nga raw na iaho ng sarili sa hirap.
06:41Kalaunan, nakilala niya si Kreja na naging misis niya.
06:45Dapat yung pamilya ko, yung kaya ko lang buhayin,
06:48ipinapangako ko sa sarili ko na mapaprovide ko lahat.
06:51Ang mag-asawa, nabiyayaan ng dalawang anak.
06:54Hanggang nagdesisyon na silang magbirth control.
06:57Ang time na nagpipils ako, sabi ko nga na palagi ako nahihilo.
07:01Parang pilin ko palagi, buntis ako.
07:03Parang napakalaw ng energy niya.
07:05Mas maraming effect dun sa sexual function and other functions sa katawan ng babae
07:11since it has its hormonal effects talaga.
07:15Kaya si Joe, naghanap ng ibang paraan hanggang nalaman niya ang tungkol sa vasectomy.
07:20Tinignan din namin kasi yung history ng family namin.
07:23Yung side ko, walo kami.
07:25Yung side niya, they are seven.
07:27It was part of the consideration.
07:29Para makamenos gastos, lumapit siya sa isang grupong nag-aalok ng libreng vasectomy.
07:34Nadyan po ang aming mobile clinic.
07:36Pumupunta po sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas
07:39para po magbigay ng libreng servisyo katulad po ng ligation,
07:44vasectomy, at iba't iba pa pong mga methods ng family planning.
07:48Kung libreng vasectomy, para ma-avail siya sa DKT Philippines Foundation,
07:52meron po kaming registration link na ibinibigay sa lahat po na nagbe-message sa aming Facebook page.
07:59Kaya na kailangan lang na wala siyang previous scrotal operation.
08:04Ang operasyon, hindi raw umabot ng isang oras.
08:07Pag uwi ko, nag-drive pa nga ako ng motor.
08:10Yung 4 to 5th day after ng procedure, yung pakiramdam is parang nasipay.
08:14Pero wala naman siyang kirot.
08:15In 2 weeks, okay na siya.
08:16Karamihan ng mga Pilipino, ayaw magpagawa ng vasectomy kasi akala nila mawawala yung desire.
08:23Hindi rin totoo yun.
08:24Hindi siya nakaka-apekto dun sa pagkalalaki.
08:28Reversible naman siya.
08:30Reversal ng vasectomy, ipagdudugtong ulit yung vas deferens.
08:35Nagagawa siya, microscopically, but the results are not 100%.
08:42We are still expecting that population numbers will continue to grow.
08:47Responsible parenthood and family planning is key to a better quality of life.
08:53Pero ang simbahang katolika, hindi pabor sa tubal ligation o vasectomy.
08:59Ang family planning, talagang dapat gawin.
09:02Hindi talik kayo ng talik, hindi mo niisip yung kinabukasan.
09:05Sa pagtatalik ng mag-asawa, alam din nila na nagbubuka sila sa bagong buhay.
09:11Ngayon, siyempre isipin mo, paano ko alagaan ito?
09:15Kaya nga, okay naman ang family planning.
09:17Ayaw lang ng simbahan yung mga contraceptives.
09:20Kasi hindi natural sa pananaw ng simbahan.
09:24Talagang importante ang pagpaplano ng pamilya
09:27upang magkaroon sila ng sapat na oras ang isa't isa,
09:32mga anak nila, and mapag-aaral sila ng mabuti.
09:36Sa mga tatay, considered nila yung vasectomy.
09:38Walang mawawala sa pagkalalaki mo.
09:40It is happier kung napaprovide mo yung needs ng family na binuom mo.
09:45Sa patuloy na paglobo ng populasyon ng Pilipinas,
09:48mas nagiging mahalaga ang bukas at matalinong usapan
09:52tungkol sa family planning.
09:54Sa natural mang paraan o sa hindi.
09:56Dahil ang sakripisyo sa loob ng tahanan,
09:59hindi lang responsibilidad ng mga babae.
10:02Ito'y dapat pagpasyahan ng mag-asawa,
10:05nang magkasama, magkapantay,
10:08at may malasakit sa isa't isa.
10:10At sa bawat ama na marunong umunawa,
10:13magparaya at tumindig.
10:15Para sa kinabukasan ng kanyang pamilya,
10:18naroon ang tunay na kadakilaan.
10:21Thank you for watching mga kapuso!
10:30Kung nagustuhan niyo po ang videong ito,
10:32subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel!
10:36And don't forget to hit the bell button
10:39for our latest updates!