Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:30Mandatory drug testing ng mga driver at konduktor ng mga public utility vehicles kada tatlong buwan o 90 days, pati na ang regular na road worthiness check ng mga sasakyan.
00:41Ayon kay Transportation Secretary Vince Dyson, ang manamamayaning sentimiento ng publiko ngayon ay hindi na sila ligtas sa mga kalsada.
00:48Ito raw ang iniatas ng Pangulo na solusyonan kasabay ng paghahatid ng pakiramay sa mga biktima nitong mga nakaraang road accidents.
00:56Silang pa sa mga ipatutupad na utos kara ay yung pagbabawas ng oras ng pagmamaneho ng mga long distance driver, lalo na yung mga pang probinsya na mga bus.
01:06Gagawin na lamang na apat na oras ang maximum na biyahe ng isang driver ng isang provincial bus.
01:11At kung sobra sa apat na oras ang biyahe nito ay kailangan na may karilyebo ito na driver din at hindi konduktor.
01:20Gusto rin ng DOTR na maipatutupad na ang speed limiter law.
01:24Sa kaugnay na balita, panghabang buhay na binawi ng LTO o Land Transportation Office ang lisensya ng driver ng Pangasinan Solid North Transit Incorporated na sangkot sa aksidente sa Esitex Tarlac noong Huwebes May 1.
01:38Ito ay dahil sa pagtanggi niya na magpa-drug test na bawal sa batas.
01:43Suspendido na rin ang lagpas 200 na bus ng kumpanya para magbigay daan sa drug test din ng kanilang mga tauhan at truthworthiness ng kanilang mga sasakyan.
01:52Nagpalabas ang LTFRB ng lagpas 200 na special permit sa ibang mga bus company para maservisyohan yung mga commuter na uuwi sa norte bagong mag-eleksyon.
02:03Narito naman ang pahayag ni Transportation Secretary Vince Dizon.
02:07People do not feel safe on our streets. That is the reality.
02:16This is the true justice that we can all give, that government can give to the 12 people who have died these past few days.
02:27Because the system is broken.
02:29Kara, may panawagan yung DOTR sa publiko tungkol dun sa mga abusado na mga driver at mga motorcycle vloggers.
02:41Kunan lamang daw ng kuna ng video at ipost lang ng ipost sa mga ito at pag na-monitor ng LTO ay automatiko na 90 days na suspension para sa mga yan.
02:52Joseph, so i-inspeksyonin yung Solid North na bus company, pero yung iba namang mga bus companies and bus drivers, may ganito rin bang aksyon ng DOTR para sa kanila para safe lahat ng mga bus at hindi lang yung itong Solid North?
03:08Meron Kara, ang sabi ng Land Transportation Office, maraming umuwi sa probinsya tuwing bago mag-eleksyon, di ba?
03:19So magkakaroon ng isang malawakan na mga drug testing dun sa mga public buses na papunta sa probinsya sa mga terminal nila para masiguro na hindi na mauulit yung mga aksidente
03:30at masiguro na yung mga drivers natin ay fit to drive, no?
03:36So yun yung gagawin ng LTO, magkakano sila ng drug testing several days before yung May 12 elections
03:42at para masiguro nga naligtas yung ating mga pasahero sa pag-uwi nila sa kanilang mga probinsya, Kara.
03:47Joseph, ito namang sinasabi mo tungkol doon sa mga abusado, mga riders at saka mga vloggers sinasabi mo.
03:55Bukod sa pagkuha ng video doon sa pang-abusong ginagawa, meron bang pwedeng puntahan or mag-submit ka ng iyong ano
04:04para makapagreklamo ka kung kunyari may nasaksihan kang pang-aabuso sa kalsada.
04:08May hotline naman yung LTO at saka LTFRB para dyan magsumbong, pero ang ginagawa kasi ngayon ng LTO at ng DOTR
04:20ay medyo mas proactive sila na mag-monitor ng mga ganyan mga pangyayari.
04:25So pag nag-viral yan, oras na mag-viral yan, ay makikita agad yan ng DOTR at LTO.
04:30Meron din naman ng mga Facebook page itong mga ahensya nito at pwede nyo itag doon.
04:34And I can attest na medyo active naman yung mga social media pages ng mga ahensya na ito, Kara.
04:39Alright. Maraming salamat sa iyo, Joseph Moro.
04:44Panawagan ng Provincial Government ng Bulacan palitan na lahat ng rubber gate ng Bustos Dam.
04:49Kasunod yan ang pagtasira ng rubber gate 3 ng dam noong May 1.
04:52Ayon sa Bulacan Provincial Government, baka magdulot pa ng mas malaking disgrasya
04:56nakapagsabay-sabay nasira ang 6 na rubber gate.
04:59Hiniling na rao nila ito sa Regional Director ng National Irrigation Administration.
05:04Gusto nilang mas matibay na materyales na ang gamitin sa ipapalit na rubber gate.
05:08Ayon naman sa NIA, substandard ang rubber gate ng Bustos Dam.
05:12May ginagawa na rao silang hakbang dito, pero talian nilang kanilang kamay dahil sa usapin ng pondo.
05:21Sa unang pagkakataon nagsalita si Jackie Lublanco ilang araw,
05:25matapos ang pagpanaw ng ex-husband niyang si actor-director Ricky Davao.
05:33It's particularly hard for my children because they lost their dad and their mamita at the same time.
05:40So, is it difficult? Yes, it is difficult.
05:43We are just trying to draw strength from each other
05:46and just praying for God's strength that we are able to go through this together.
05:53Itong biyernes, kinumpirma ng kanyang anak ang pagpanaw ni Ricky sa edad na 63
05:59dahil sa komplikasyong may kinalaman sa cancer.
06:02Nakaburol na sa Heritage Memorial Park sa Taguig ang labi ni Ricky.
06:07Ngayong araw, may viewing doon mula alas 2 ng hapon hanggang alas 11 ng gabi.
06:11Magtatagal ang viewing sa labi ng namayapang aktor hanggang Merkoles, May 7.
06:17Kani-kanya rin pagpupugay at pag-alala si Nading Dong Dantes,
06:21Heart Evangelista, Cocoy De Santos at Benjamin Alves.
06:25Isa sa mga huling serye kung saan napanood si Ricky ay sa GMA at View Series na Love Before Sunrise noong 2023.
06:33May bagong labas na Senatorial Preferences Survey ang Pulse Asia.
06:41Labing-apat na Senatorial Candidate ang may statistical chance na manalo
06:44kung nag-eleksyon na nang gawin ang survey noong April 20 hanggang 24.
06:48Sila ay Senador Bongo, Congressman Erwin Tulfo,
06:53Dating Senate President Tito Soto,
06:55Incoming Senators Bato de la Rosa at Bong Rivilla,
06:58Dating Senador Ping Lakson,
07:00Broadcaster na si Ben Tulfo,
07:02Senador Lito Lapid,
07:04Makati City Mayor Abivinay,
07:06Senadora Pia Cayetano,
07:07TV host na si Willie Rivillame,
07:10Kagwasuman Kamil Villar,
07:12at mga dating senador na Sinamani Pacquiao at Bam Aquino.
07:16May margin of error ang survey na plus-minus 2%.
07:18Sa face-to-face interviews,
07:20tinanong ang 2,400 registered voters sa buong bansa
07:23kung sino ang iboboto nila kung ang eweksyon na ginawa noong survey period.
07:28Ayon sa Pulse Asia, walang nagkomisyon ng naturang survey.
07:32Ang pag-iisang dibdib na magkasintahan ay talaga namang espesyal.
07:45Hindi lang dapat iyan para sa mismong couple, kundi maging sa kanilang mga bisita.
07:50Gaya na lang ng newlywed sa Borawin Leyte na may memorable souvenir para sa kanilang principal sponsors.
07:57Sa halip kasi ng mga nakasanayang figurines,
08:01basket ng gulay ay ibinigay ng bagong kasal na sina Eric at Jelly sa kanilang mga nino at ninang
08:07na ikasal nitong April 29.
08:09Kabilang sa gift basket ng newlyweds,
08:12ang lettuce, repolyo, bell peppers, at sealing haba.
08:16Uy, pwede na mag-chopso.
08:17Uy, uy, uy.
08:17Ako, sa presyo nga dito sa Metro Manila, talagang memorable at masustansya
08:22ang mga wedding souvenir na yan.
08:26Ang galing.
08:27Creative.
08:28Oo.
08:29Nagyan na rin kaya nila ng mga hipon, gano'n.
08:32May sakug na yung chopso.
08:34Ulam na.

Recommended