Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
PIA Director-General, hinikayat ang kabataan na gamitin ang online na tinig para isulong ang katotohanan

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inigyan din ang Hepe ng Philippine Information Agency ang kahalagahan ng paggamit ng mga kabataan ng kanilang online presence para palakasin ang media literacy sa makabagong panahon.
00:10Yan naman ang malitang pambansa ni Gabrielle Andres ng Philippine Information Agency, Region 10.
00:14Nanawagan ang Hepe ng Philippine Information Agency o PIA sa mga kabataan na gamitin ang kanilang online presence para isulong ang katotohanan at palakasin ang media literacy sa digital age.
00:30Sa pagsasalita sa West Philippine Sea Youth Forum sa Finma Cagayan de Oro College kamakailan, sinabi ni Director General Catherine Chloe S. De Castro na ang mga kabataan ay may malakas na presensya at impluensya online at ginagawa silang pangunahing kalahok sa mga pagsisikap na kontrahin ang maling impormasyon.
00:48Ang mga kabataan may malaking papel sa pagtatanggol sa katotohanan. Ang kabataan, kayo pong lahat, ang may pinakamalakas na boses online. Kaya kailangan namin ang tulong ninyo para labanan ang fake news.
01:03Nagbahagi din siya ng walong hakbang upang i-verify ang impormasyon.
01:07Kabilang ang pagtukoy sa pinagmulan, pagbabasa ng buong artikulo, pagsasaliksik sa may akda, paghahanap ng sumusuportang ebidensya, pagverify sa petsa ng publikasyon,
01:18pagtiyak na hindi pangungutiya ang nilalaman, pagsuri kung may kinikilingan, at pagkonsulta sa mga eksperto o pinagkakatiwalaang organisasyong tumitingin sa katotohanan.
01:29I-dinagdag ni De Castro na ang PIA ay nakikipagtulungan sa Philippine Coast Guard o PCG at National Youth Commission o NYC para palawakin ang fact-based communication efforts sa West Philippine Sea.
01:43Ang forum ng kabataan na dinaluhan ng mahigit 600 estudyante at leader ng kabataan ay inorganisa ng PIA, PCG at NYC upang itaas ang kamalayan tungkol sa West Philippine Sea.
01:55Mula sa Philippine Information Agency, Region 10, Gabriel Andres para sa Balitang Pambansa.

Recommended