Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Panayam kay Spokeperson Asec. Arnel De Mesa ng D.A. ukol sa paglulunsad ng P20 rice program

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Paglulunsad ng 20 Peso Rice Program, ating pag-uusapan kasama si Assistant Secretary Arnel De Mesa,
00:07ang tagapagsalita ng Department of Agriculture.
00:09Asek Arnel, magandang tanghali po.
00:12Magandang tanghali, Asek Joey and Asek Weng, magandang tanghali sa lahat ng taga-subay.
00:18Asek, ang sinasuggest po ng COMELEC ay ituloy yung launching ng 20 Peso Rice Program sa Visayas bukas,
00:25pero between May 2 hanggang May 12, huwag muna itong ituloy.
00:32So, ano po yung final decision at ano po yung detalye ng programang 20 Pesos na Bigas?
00:39Yes, Asek Joey, for tomorrow sa Cebu ay all systems go tayo para sa official loans nitong ating programa para sa 20 Pesos na Bigas.
00:50Ito yung ating 20 Bigas, meron na, ito yung official title ng ating programa,
00:57at makakaasa yung ating mga kababayan na magsisimula na tayo.
01:01Pero tatalima tayo ang ating kagawaran sa mga tagubili ng ating COMELEC.
01:07At inasahan nga natin, ngayong araw magkakaroon tayo ng clarification.
01:12By the way, inaasahan nga natin kung sakali man na itong May 2 hanggang May 12,
01:29ang target ng papahalaan na binepesaryo nitong 20 Pesos RISE program.
01:43So, ipapilot nga natin ito, Asek Wing, dito sa Central Visayas, Western at Eastern Visayas,
01:51o yung sa kabuan ng ating Visayas area,
01:54nasa mga 800,000 households ito, o katumbas na 4 million na individuals,
02:00na pwedeng makinabang dito sa ating pilot loans dito sa buong kabisayaan.
02:05Asek, tanong po mula sa ating kasamahan sa media na si Sam Medanilla ng Business Mirror,
02:12ano po yung mga LGU na magpa-participate sa programa as of today?
02:18As of today, ang coverage nga natin itong Western, Central and Eastern Visayas,
02:25at nabanggit din ni Secretary Kiko na pwede rin natin na bigyan ng prioridad
02:31at later on, yung mga nag-participate ng mga LGUs doon sa ating Food Security Emergency Declaration,
02:38kagaya dito sa mga ilang LGUs dito sa Metro Manila, sa Bicol,
02:42meron din dito sa Mindana pagaya ng Mati, sa Bulacan, at iba pang areas.
02:48At of course, dito sa Metro Manila through our Kadiwa Systems.
02:52Asek, nabanggit po kahapon na vulnerable sector muna yung maaring makabilis sa programang ito.
02:57May sistema po ba para masiguro na tunay na nangangailangan yung mga makikinabang dito?
03:03Tama yun, Asek, Weng. Matandaan natin na hindi naman na bago sa ating itong programa na ito.
03:10Noong una pa ay na-launch na natin yung P29 para sa vulnerable sectors,
03:14kagaya ng mga membro ng 4Ps, ng PWD, single parents, at saka yung ating iba pa ng mga membro ng vulnerable sectors.
03:25At meron tayong registration at may mga ID naman sila na madali natin macheck yung kanilang pagkakakilanlan
03:33at ipagpapatuloy natin yung ganitong mekanismo.
03:37Asek, eventually, kakayanin kaya na i-extend o i-expand yung programang ito beyond the vulnerable sector?
03:45Tinitingnan na yan, pinag-aaralan na yan, Asek, Joey, ng D8.
03:51Base doon sa stocks, actually, na meron yung NFA sa ngayon,
03:54nasa 370,000 hanggang 380,000 metric tons.
03:58Kaya pa natin itong expand doon sa mga low-income families natin hanggang 10 million households yan.
04:06At pinag-aaralan din beyond December 2025, of course, at may mga pagpupulong na at paano ito i-expand from 2026 hanggang 2028.
04:19Asek, may itinakda pong limitasyon sa mabibiling bigas ng bawat pamilya sa Visayas at saka sa Kadiwa Centers.
04:25May possibility po ba na itaas itong limitasyon kung sakaling maganda yung takbo ng programa?
04:30Tsaka una po, pakipaliwanag muna itong limitasyon na ito, initially.
04:33Asek, Wayne, initially, ang limitasyon natin para doon sa Visayan area na pilot natin,
04:42nasa 10 kilos per week o 40 kilos per month per household,
04:46at doon sa mga Kadiwa areas naman ay nasa 30 kilos per household.
04:51At tama ka kung makita natin ang maganda ang response dito sa programa na ito,
04:57at dahil nga malaki naman yung stocks natin,
04:59at tuloy-tuloy yung pamimili ng NFA, actually, dahil isang malaking budget din ng NFA,
05:05nagpapasalamat tayo sa ating Pangulo at sa Kongreso,
05:08ay pwedeng umabot ng additional 500,000 metric tons yung makuha pa natin
05:14o mabili ng NFA sa ating mga magsasaka ngayong taon.
05:18So, maasahan natin na magiging tuloy-tuloy itong ating programa na ito.
05:24At yun nga, dahil meron tayong limitasyon muna at 40 kilos per month para doon sa vulnerable sector,
05:32kung malaki naman yung stocks natin, pwede natin itong magtuloy-tuloy.
05:35Opo. As ek tanong mula kay Ivan Mayrina ng GMA Integrated News,
05:40initially kasi sinasabi na kapag may LGU na gustong lumahok dito sa 20 peso rice program,
05:45hihingi lamang po ng exemption permit mula sa COMELEC.
05:49So, sa pagkakaalam nyo, meron na po bang nag-apply for this exemption?
05:52Ang nabalitaan namin ay nag-apply na ang Cebu ngayong araw at inaasahan natin na ma-actionan din ito ng COMELEC.
06:04So, abangan din natin, makibalita rin kami sa COMELEC kung sino pa yung ibang LGUs na nag-submit ng application.
06:12As ek, para naman po sa mas maayos na pagpapatupad nitong programa,
06:16plano ng inyong department na maglungsad ng software system at mag-issue ng card
06:20para nga naman sa mga binipacharyo, kung kailan po ito posibleng maisa katuparan
06:27at saka paano po yung monitoring nito?
06:31Kagayon yung ginagawa natin sa ating mga RSVSA, meron na tayong mga interventions monitoring card.
06:37Nabanggit din ang ating kalihim na towards the end of the year,
06:41meron din tayong gagawin ng mga ganitong registry system
06:45para ma-insure natin na yung ating teknolohiya magamit
06:50para masigurado talaga na kung hindi man totally mawala o mabawasan yung mga leakages kung meron man.
06:57As ek, Arnel, ano naman po yung role ng Food Terminal Incorporated sa pagbili ng bigas mula sa National Food Authority?
07:07As ek, Joey, ang Food Terminal Incorporated yung makakareceive ng pondo na magkukuha ng subsidiya.
07:15So, sa ngayon ay meron siyang 5 billion pesos.
07:18Yung 4.5 billion pesos, siya yung sasalo ng kalahati ng 13 pesos or 6 pesos and 50 centavos.
07:25At yung 500 million naman ay gagastusin para doon sa logistics, sa packaging at iba pangangailangan
07:32para maayos na ma-implement itong ating programa.
07:36So, ang FTI yung bibili ng bigas mula sa National Food Authority at FTI din yung makikipag-coordinate sa mga lokal na pamahalaan
07:47para masigurado nga na tuloy-tuloy yung programa nito at ma-insure din yung tamang partisipasyon nila.
07:56As ek, paano naman po sinisiguro na mataas pa rin ang kalidad nito mga bigas kahit ito ay galing sa aging o soon-to-age stocks?
08:03As ek, matandaan nga natin na matagal na itong programa na ito at natutuwa naman tayo na more than 6 months na yung ating implementasyon.
08:14Walang tayong nare-receive na mga complaints regarding dito sa ating Rice for All, doon sa ating P29.
08:21At makakaasay yung ating mga kababayan doon sa quality dahil ito ay galing mismo sa ating mga magsasaka na tanim nila at harvest din nila.
08:31At yung ating namang National Food Authority, meron na silang established systems and procedures ng warehousing, ng distribution, ng release.
08:42At yan din ay dumadaan sa tinatawag natin ng mga laboratory tests.
08:46At yung mga resulta niyan ay bago i-dispose ay pinapaalam talaga at makakasigurado tayo ng quality.
08:56At yun nga, wala tayong i-release ng mga stocks na may problema.
09:02At kung sakali man, inaasahan naman kasi meron ding mga nasisira, yan naman ay ano, talagang hindi napapayagan ng NFA na ma-release.
09:11As initially po, ang plano is hanggang December 2025 ang programa, pero hiniling ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na i-extend ito hanggang February 2026.
09:24Pero hiniling din ng Pangulo na bumalangkas ng roadmap para ma-sustain ito hanggang 2028.
09:31So, kaya po ba at meron tayo nga sapat na pondo at saka logistics para sa hanggang 2028 ito?
09:42Yes, nagkaroon na ng pagpupulong agad ang ating kalihim sa mga stakeholders at saka dito sa amin sa kagawaran
09:49para maibalakas na agad yung mga pangailangan na pondo at yung mga necessary arrangement para ma-implement nga ito hanggang 2028.
09:58So, for this year, hanggang December 2025, ay sigurado na yung ating budget at yung mga arrangement para sa pamimili ng NFA sa distribution.
10:11So, makakaasa tayo na yung ating mga hakbangin ay masigurado na tuloy-tuloy itong 20 bigas meron na na programa hanggang matapos ang termino ng ating Pangulo.
10:24Panghuli na lang po, Asik Arnel, mensahe o panawagan nyo na lang po mula dyan sa Department of Agriculture para sa suporta at maiwasan yung paninira sa nasabing programa.
10:34Maraming salamat ulit, Asik Weng, para sa ganang panawagan.
10:39At muli po kami ay nananawagan sa ating mga kababayan na i-suportahan po itong ating programa na ito
10:45at makakatiyak po tayo ng quality o kalidad ng bigas ng ating National Food Authority
10:52at ang kilinkin po natin yung bigas ng ating mga magsasaka.
10:57Muli po, ito ay galing mismo sa ating mga magsasaka itong bigas na ito.
11:02At sila po ay sinusuportahan natin, sila rin ang makikinabang sa programa na ito
11:07at kasama yung mga milyong-milyong Pilipino rin po na makikinabang para sa murang bigas.
11:13Maraming salamat.
11:15Maraming salamat rin sa inyong oras, Assistant Secretary Arnel De Mesa,
11:19ang tagapagsalita ng Department of Agriculture.

Recommended