Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Pinagtutulungan daw ng iba-ibang ahensya ng gobyerno na sirain ang Pamilya Duterte ayon kay Presidential Sister at Sen. Aimee Marcos.
00:09Hindi sa nga ayon si Pangulong Bongbong Marcos sa mga pahayag ng kanyang kapatid dahil ng unang balita ni Tina Pangaliban Perez at Mav Gonzalez.
00:20Ang pahayag ni Sen. Aimee Marcos laban mismo sa administrasyon ng kanyang kapatid.
00:25Ang pag-aresto at pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC ay klarong may motibong politikal.
00:35Maliwanag ang pag-aresto kay dating Pangulo ay bahagi ng malawakang pagsisikap ng gobyerno na pabagsakin ang mga Duterte bago mag-2028 election pa.
00:47Sabi ng Senadora, yan ang lumabas sa investigasyon ng kanyang Senate Committee on Foreign Relations tungkol sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:56Ayon pa kay Marcos, bahagi rin ng plano ang naonang pagsulong sa People's Initiative para baguhin ang konstitusyon,
01:02ang investigasyon ng Quadcom ng Kamara sa Duterte Drug War,
01:06ang investigasyon sa Confidential Funds ni Vice President Sara Duterte,
01:10at ang pagpapapasok sa mga kinatawa ng International Criminal Court.
01:14Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, naglunsad na ngayon ang administrasyon ng isang communication plan
01:22upang ilihis ang atensyon ng publiko patungo sa mga issue ng West Philippine Sea
01:29at diumanong disinformation ng mga tinatawag na China trolls ng kanilang embassy.
01:36Rekomendasyon ng Senadora, investigahan ng Ombudsman ang mga sangkot sa tinawag ng Senadora
01:42na invalid administrative arrest sa dating Pangulo.
01:45Kabilang sina Justice Secretary Boying Remulia,
01:48ang kapatid nitong si Interior Secretary John Vic Remulia,
01:51PNP Chief Romel Marbil,
01:53at PNP CIDG Chief Major General Nicolás Torre III,
01:57false testimony at perjury naman ang gustong isampa laban kay Ambassador Marcos Lacanilaw.
02:02Ayon kay Senadora Marcos, sa umanay Oplan Horus ng Partidong Lakas CMD
02:07nakaalyado ng administrasyon,
02:09pagtutulungan aniya ng iba't ibang ahensya ang pagsira sa pamilya Duterte.
02:14Nakuha ang kinakailangan boto para sa impeachment ni VP
02:18sa pamamagitan ng paggamit ng tinatawag na soft projects
02:23katulad ng AICS, AKAP at TUPAD.
02:25Tinukoy na kailangan pabilisin ang impeachment ni VP Sara
02:30at makakuha ang boto sa Senado sa pamamagitan na naman
02:34ng pamimigay ng proyektong 4 Later Release
02:38or yung mahiwagang FLR
02:41bilang gantimpala sa tamang bumotong mga senador.
02:46Kinukuhaanan pa namin ng tugon ang Lakas CMD.
02:48Nang tanungin naman kung nagkausap na sila
02:50ng kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos,
02:53Masamang-masama ang loob ko, ngunit ang akin lamang
02:57kailanman hindi kami nag-away ng aking kapatid
03:00yung mga amuyong sa palasyo, yung mga larian, yung mga lulong
03:06ay yun, sila po ang ating kaaway.
03:11Sa graduation ceremony ng PNP Academy sa Cavite
03:14nakausap ng media si Pangulong Bongbong Marcos
03:17katatapos lang noon ang mga pahayag ng kanyang kapatid
03:21na si Sen. Aimee Marcos
03:23na politika ang motibo sa pag-aresto
03:26kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
03:28basa sa pag-iimbestigaan niya ng kanyang komite sa Senado.
03:32Ang maikling sagot ng Pangulo,
03:35may kanya-kanyang opinion at hindi siya sang-ayon
03:37sa opinion ng kapatid.
03:39Everyone's entitled to their opinion.
03:41I disagree.
03:42Nasa PNPA graduation din si Interior and Local Government
03:47Secretary John Vic Remulia
03:49na kabilang sa inire-rekomenda ni Sen. Marcos
03:53na investigahan ang ombudsman.
03:55We will have our chance to prove ourselves
03:57pero important is that Sen. Aimee believes in due process
04:01unlike the people that she follows.
04:04And you're ready to pay, sir?
04:05Of course, anytime. I have nothing to hide.
04:08Si PNP Chief Romel Marbil
04:10na kabilang din sa nais pa-imbestigahan,
04:13tumangging magkomento.
04:17Bukas naman si Diyos si Secretary Jesus Crispin Remulia
04:20sa rekomendasyong investigahan sila ng ombudsman
04:24kognay ng pag-aresto kay dating Pangulong Duterte.
04:27Sabi ng kalihim,
04:28hindi siya natatakot sa rekomendasyon ng komite
04:31ni Sen. Aimee Marcos.
04:33So welcome development.
04:35Hindi naman tayo natatakot dyan.
04:37Ginawa namin yung dapat gawin
04:38at it's for the best,
04:40it's the best,
04:41to our best judgment.
04:43What's good for the country is what we did.
04:45Sinisika pa namin kunan ng pahayag
04:47si Ambassador Marcos Lacanilao.
04:49Ito ang unang balita.
04:51Tina Panganiban Perez.
04:53Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.
04:56Igan, mauna ka sa mga balita.
04:58Mag-subscribe na sa GMA Integrated News
05:01sa YouTube
05:01para sa iba-ibang ulat
05:03sa ating bansa.
05:04Igan, mauna ka sa mga balita.
05:09Igan, mauna ka sa mga balita.
05:12Igan, mauna ka sa mga balita.

Recommended