State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00I see you guys!
00:06Umula ng mga yellow singlaki ng holen sa Esperanza Sultan Kudarat.
00:12Ang hailstorm na yan nangyari pasado alas 4 na ng hapon at ayon sa ilang residente ay tumagan ng lagpas 5 minuto.
00:19Paliwanag ng pag-asa, posible ang hailstorm o pagulan ng yelo kapag may intense thunderstorm.
00:25Dahil sa lamig, ang mga patak ng tubig sa loob ng ulap ay nagiging hail o butil-butil na yelo.
00:34Bago ngayong gabi ang muling pag-alboroto ng bulkang bulusan na nagpaulan ng abo sa ilang bahagi ng sorsogon.
00:42Pasado alas 7.30 ng gabi nangyari ang phreatic o steam-driven eruption ng bulusan ayon sa FIVOX.
00:48Sa bayan ng Irosin, halos mamuti ang ilang kalsada, halaman at gamit sa kapal ng bumalot na abo.
00:55Kahapon lang ng madaling araw, unang nagka-phreatic eruption sa bulusan na nananatili sa Alert Level 1.
01:01Payan ng FIVOX habang may ashfall, huwag lumabas.
01:05Pero kung kailangan, magsuot ng proteksyon sa mata at huwag mag-contact lens.
01:10Takpan ang ilong at bibig gamit ang N95 face mask o basang tela para di malanghap ang abo.
01:16Ipasok ang mga alagang hayop sa loob ng bahay o kulungan.
01:20Isara ang mga bintan at binto ng bahay para hindi pumasok ang abo.
01:24Sinisilip ngayon ng NBI kung pang-e-espia ang pake ng Chinese National na dinakip nila sa labas ng Comelec Main Office.
01:35Sa kotse niya, may aparatong sumasagap ng impormasyon mula sa mga cellphone.
01:39Kaya report si John Consulta.
01:44Mga gamit sa pang-e-espia ang hinala ng NBI and CR na nasa likod ng sasakyang ito
01:50ng dalawang Chinese na limang araw nilang minatsyagan kasama nitong weekend sa Makati City.
01:56Ngayong araw, ikinasah ang paghuli sa kanila sa Intramuros, Maynila.
02:00Open the door!
02:03Ibiay!
02:04Down!
02:05Down, down, down!
02:11Down, down, down, down, down!
02:13Pusas, pusas!
02:15Down, down!
02:17Pusas, pusas!
02:19Arestado ang isang Chinese na may tourist visa.
02:22Tinutugis ang isa pang Chinese.
02:24Sa likuran ng sasakyang na pag-alamang inarkilalang, tumambad ang nakabukas pang MC Catcher.
02:30Mala cell tower ang aparatong ito.
02:33Masasagap ang mga sensitibong data, gaya ng text messages, cell phone numbers, calls at iba pa.
02:39Mula sa lahat ng malapit na cell phone.
02:42May nakuha rin tatlong SIM card, mga cell phone at iba pang gadget.
02:45Pusas nila ba?
02:47Pusas nila.
02:47Hindi nila.
02:48Open, hindi nila.
02:49Mahaharap sa reklamong paglibag sa Access Device Act at Cybercrime Prevention Act ang nahuling Chinese.
02:55Siya at ang nakumbis kang MC Catcher, isa sa ilalim sa Digital Forensic Analysis.
03:01Ito nga mga kapuso, ito yung sasakyan ng ngayon biyahe na iliharang doon sa sasakyan ng mga suspect.
03:10Ito, at kansin-pansin mga kapuso, yung location ng itong sasakyan na ito, itong konstansya na intercept ay mismo tapat ng palaasyo ng Gobernator ng Comelic.
03:24Umiikot sa mga government facilities natin.
03:27O eh napaka, ano, Comelic ang iniikutan na nila ngayon.
03:31Remember na past approaching ang ating eleksyon, ano?
03:35Hindi natin alam kung anong pakay nila.
03:36Sa pagdinig sa Senado kamakailan, isiniwalat ng National Security Council na may anilay Chinese-sponsored information operation sa bansa
03:44na nanghihimasok o nag-iimpluwensya sa ating eleksyon.
03:48Marihin niyang itinanggi ng China.
03:50Whether they will use the data to influence the outcome of our election, we cannot say for sure.
03:56But we are going into that direction.
03:58Pagtitiyak ni Comelic Chairman George Garcia, walang election data sa Comelic headquarters,
04:03kaya wala raw dapat ikabahala.
04:05Hindi rin daw na kompromiso ang automated election system.
04:10John Consulta, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:14Idinadawit sa pagdukot at pagpatay sa isang Chinese businessman na nakita sa Rizal noong April 9 ang kanyang sariling anak.
04:25Batay sa isinumiting referral ng PNP Anti-Kidnapping Group sa Department of Justice noong April 19,
04:31kabilang ang isang Alvin K sa aning na pangalang inirekomenda para sa preliminary investigation.
04:37Ayon sa isang source sa PNP, siya ang nag-iisang lalaking anak ng biktimang si Anson Tan.
04:43Naka-detalya rin sa affidavit ng sumukong sospek na si David Tan,
04:47yaw, ang alok na umunoy patrabaho ni Alvin.
04:51Pebrero nang mag-offer daw sa kanya si Alvin ng 100 million pesos para dukutin umano ang amang si Anson.
04:58Si Alvin din anya ang nabigay ng ghost signal na patayin si Tan at driver nito.
05:03Tumaging magbigay ng pahayag ang pamilya Tan.
05:06Pero sa preliminary investigation kahapon, sinabi ng kanilang abogado na gusto nilang maimbestigahan ng mabuti ang kaso.
05:13Kinukuha pa ng GMA Integrated News ang panig ni Alvin K.
05:17Ang DOJ naman, kumingin ng konting panahon para matukoy ang mastermind at ang motibo ng krimen.
05:23Huli kang sa Sampaloc, Maynila, ang walang habas na pamamaril sa nominee ng isang tumatakbong party list.
05:40Ilang beses pinaputokan ng gunman si Leninsky Bakud,
05:44dating barangay captain at third nominee ng Ang Bumbero ng Pilipinas o ABP party list.
05:49Sumaknolo ang isang off-duty na polis pero maging siya nabaril sa paa.
05:54Kinamaan din ng gunman, kaya nagkasanang dragnet operation ang polis siya.
05:59Bumuna ng Special Investigation Task Group ang Manila Police at patuloy ang kanilang backtracking.
06:05Inaalam pa kung may bahid politika ang krimen.
06:07Labing tatlong araw bago ang eleksyon 2025, patuloy ang pag-iikot ng mga tumatakbo sa pagkasenador
06:16para ilatag ang kanilang mga plataforma.
06:19May report si Rafi Timo.
06:20Halaga ng pananampalataya sa pamumuno ang idiniinima ni Pacquiao sa Davao.
06:30Pagpapalakas sa sektor ng agrikultura ang itinulak ni Kiko Pangilinan.
06:36Pagbibigay ng oportunidad at trabaho ang inihayag ni Ariel Quirubin.
06:40Si Danilo Ramos isinusulong ang pagpapalakas ng lokal na produksyon ng pagkain.
06:45Si Jerome Adonis, karapatan ng mga manggagawa ang advokasya.
06:51Si Arilandamo, o mento sa sahod ng health workers ang itinutulak.
06:57Si Ronel Arambolo, binigyang diin ang karapatan sa edukasyon.
07:02Karapatan ng mga kababaihan ang isinulong ni Congresuman Ardyn Brosas.
07:08Pagtutol sa political dynasty ang inihayag ni Teddy Casino.
07:11Maayos na alokasyon sa pondo ang nais ni Congresuman Franz Castro.
07:18Tutol sa korupsyon si Mimindo Ringo.
07:24Ayon ni Modi Floranda sa jeepney phase-out.
07:29Karapatan ng mga moro at katutubo ang inilalaban ni Amiral Idasan.
07:34Si Liza Masa, binigyang diin ang halaga ng aktibismo.
07:37Nag-i-call sa Valenzuela si Willie Rebillame.
07:42Kasama niya si Nabato de la Rosa at Senador Bongo,
07:45na binigyang diin sa bataan ang basic medical services.
07:49Kasama niya roon si na-attorney J.D. Hillo.
07:55Atterni Raul Lambino.
07:56Dr. Marietes Mata.
08:04At Philip Salvador.
08:06Tamang pasahod sa delivery riders ang nais ni Sen. Francis Tolentino.
08:11Suporta sa turismo sa buhol ang pangako ni Congresuman Camille Villar.
08:16Pondo sa mga programang suportado ang mga magsasaka ang pangako ni Bam Aquino.
08:21Suporta sa mga katutubo sa Palawan ang inihayag ni Roberto Balion sa pulong sa Quezon City.
08:27Pag-alis ng taxa, overtime at bonus ang nais ni Mayor Abby Binay.
08:32Proteksyon sa karapatan ng indigenous people ang pangako ni Congresuman Bonifacio Pusita.
08:37Importansya ng inklusibong pamahalaan ang idiniin ni Sen. Pia Cayetano.
08:43Pagpaparami ng Korte ang nais ni Atterna Angelo de Alban para mapabilis ang mga kaso.
08:48Lalabanan daw ni Caliode de Guzman ang politiko ng mga trapo at dinastiya.
08:53Pagpapalago ng turismo sa buhol ang isa sa mga tututukan ni Ping Lakson.
08:58Suporta sa mga magsasaka ang itinulap ni Congresuman Rodante Marcoleta sa Nueva Ecija.
09:03Patuloy naming sinusunda ng kampanya ng mga tumatakbong senador sa election 2025.
09:08Rafi Pima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:11Bigas na 20 pesos per kilo, sinaing at kinain na Department of Agriculture.
09:22Yan ay para raw ipakita ang kalidad nito bago simulang ibenta sa May 1 sa Visayas.
09:28Hindi ito gaano maputi at mas maraming basag na butil pero wala namang kakaibang amoy at lasa.
09:33Mahigit 200,000 trabaho sa Pilipinas at abroad alok sa nationwide job fairs ng Labor Department sa May 1.
09:42Kabilang ang mga trabaho sa mga industriya ng manufacturing, retail, BPO at accommodation of food service.
09:49Inutos naman ni Pangulong Bongbong Marcos ang libreng sakay sa MRT at LRT Lines 1 at 2 mula April 30 hanggang May 3.
09:57Ito ay ang bilang counting pagkila sa sakripisyo at ang kontribusyon ng ating mga panagawa.
10:06Senadora Amy Marcos, sinabing ang pagdakip kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at pagdala sa kanya sa International Criminal Court,
10:14bahagi raw ng plano ang Administrasyong Marcos na pabagsaki ng mga Duterte bago ang 2028 elections.
10:22Yan daw ang lumabas sa investigasyon ng kanyang Committee on Foreign Relations tungkol sa pag-aresto kay Duterte.
10:28Pinalagan niya ni Pangulong Marcos na kapatid ng Senadora.
10:31Ayon sa Pangulo, lahat ay entitled sa kanilang opinion pero hindi raw siya sangayon sa opinion ng kapatid.
10:38Aktor na si Archie Alimania, not guilty ang tugon sa kasong acts of lasciviousness na isinampalaban sa kanya ni Rita Daniela.
10:48Tumangging magbigay ng pahayagang kampo ni Alimania.
10:52Sabi naman ni Daniela nang makaharap si Alimania sa arraignment, nagtitiwala siyang lalabas ang katotohanan.
10:58Brunadette Reyes, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:02Dalawa sa 135 Cardinal Elector ang hindi lalahok sa Concliffe o pagpiling ng magiging kapalit ni Pope Francis na magsisimula sa May 7.
11:13Inanunsyo ng Italian Cardinal na si Giovanni Becciu ang pag-atras niya bilang pagsunod daw sa utos ni Pope Francis.
11:21Si Becciu ay pinagbitiw ng Santo Papa noong 2020 dahil sa aligasyon ng korupsyon sa Vatican.
11:27Kinasuan siya at noong 2023 nahatulang guilty sa embezzlement at fraud.
11:32At sinintensya hang makulong ng lagpas limang taon.
11:35Pero iaapelan niya ito.
11:37Dahil naman sa kalusugan, kaya hindi lalahok ang Spanish Cardinal na si Antonio Cañizares Llovera.
11:47Naparalisa ang Spain at Portugal dahil sa malawakang blackout na itinuturing na pinakamalala sa Europa.
11:53Taranasan nito ng isa nating kababayan sa Espanya.
11:56May report si Ian Cruz.
11:58Ang normal na araw kahapon sa Madrid, Spain, na bago ang haling tapat kung kailan nag-blackout.
12:06Namatay ang signal ng mga cellphone.
12:09Tumirik ang mga high-speed train.
12:11Bumper to bumper ang traffic.
12:14Nahinto ang mga trabaho at negosyo.
12:16Ang mga pasahero ng subway, literal na nangapa sa dilim.
12:20Bumaba ang mga commuter mula sa mga humintong tren at nilakad ang madilim na tunnel para makaalis.
12:28Isa sa mga apektado ng blackout, ang Pilipinang English Language Assistant sa Madrid na si Ana Navarro.
12:34Nawalan ako ng kuryente, 12.30 yun.
12:37Nasa klase kami, namatay yung ilaw.
12:39Tapos nawalan na rin kami ng wifi.
12:42Ang mga nagkumagala lang ata ay yung mga radio.
12:45Nag-panic buying ang ilang residente.
12:48Hindi lang Madrid per wisyo ang blackout.
12:53Sa Bilbao, napilitan din bumaba sa matarik na bundok ang mga sakay ng tumirik na cable train.
13:00Tigil operasyon din ang mga ospital gaya sa Barcelona.
13:03Kahit sa Portugal at ilang bahagi ng France,
13:07tiis-tiis ang mga residente sa kawalan ng kuryente.
13:12Inabot ng gabi ang blackout.
13:14Kaya nagbunyi ang marami ng undi-unting nagkailaw.
13:18Ay, may ilaw na!
13:20Woo!
13:22Woo!
13:23Paman!
13:25Na-restore na ang kuryente sa halos buong Spain at Portugal.
13:30Patulay investigasyon sa dahilan ng pinakamalalang power outage sa Europa.
13:35Di-roll out na ng otoridad at electricity operator sa Spain at Portugal
13:39ang posibilidad na dahil ito sa cyber attack.
13:43Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:48Tinuyog ang riding in tandem sa Cebu City na nang snatch umano sa bag ng isang babae.
13:56Hindi nakapalagang dalawang sospek sa panununtok ng mga humuli.
14:00Nakatakbo ang isa pero nahuli rin.
14:03Ayon sa mga saksi, sumigaw ang babaeng biktima ng hablutin ng mga sospek ang kanyang bag.
14:08Agad rumesponde ang mga tao hanggang sa na-corner ang dalawang sospek na isauli sa biktima ang bag.
14:15Hawak na ng pulisya ang dalawang sospek pero hindi na sila pinagsalita sa media.
14:19Kapuso stars at iba pang celebrities nagpakailig sa Kim Son Ho Trent.
14:30Kasama riyan ang ex-PBB housemates na sina Michael Sager at Emilio Daez.
14:35Sinabi ng Tim Millie na grateful sila sa unique experience at overwhelming support ng fans.
14:41Grabe po yung surprise ko and nagulap po talaga ako sa pagmamahal ng tao sa akin.
14:47Nung paglabas namin, ang dami namin nakita.
14:49Doon talaga naiya kasi sumisigaw sila, may malaking sign na Millie.
14:53It was so heartwarming.
14:57As an unbothered queen naman, si Kailin Alcantara sa kanyang recent IG post na happy 4.9 million followers.
15:05Tila walang bakas sa pinagdaraan ng breakup with Kubi Paras ang atake ng Sparkle Star.
15:11Wala pa rin siyang direktang sagot sa mga pahayag ng nanay ni Kubi na si Jackie Forster.
15:18Ayon naman sa Sparkle GMA Artist Center, nais na raw ni Kailin na mag-move on sa issue.
15:25Pinili raw ng aktres na panatilihin ang kanyang piece at ang respeto niya sa mga taong naging bahagi ng kanyang buhay.
15:34Expect an overload of K-pop sa Manila.
15:37Si Nashumi ng XO at G-Dragon, pati si Naopasong Jungi at Anboion na magpapakilig this May.
15:46Gayun din si Park Sojun sa July.
15:49Obri Carampel nagbabalita para sa GMA Integrated News.
16:07Obri Carampel na magpapakilig this May.