Medical evacuation o paglikas habang nasa dagat ang pinagsanayan sa Balikatan Exercise sa Zambales. Sa gitna niyan, ilang Chinese vessel ang namataan gaya ng mga naunang pagsasanay nitong weekend.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Medical evacuation o paglikas habang nasa dagat ang pinagsanayan sa balikatan exercise sa Zambales.
00:09Sa gitna niyan, ilang Chinese vessel ang namataan gaya ng mga naunang pagsasanay nitong weekend.
00:16Nakatutok si Chino Gaston.
00:21Habang naglalayag ang BRP Ramon Alcaraz sa Zambales, ay lumapag dito ang isang helicopter ng Philippine Navy.
00:27Kunwari may napinsala sa barko, kaya ang ilang crew nito in-earlift ang helicopter papuntang La Union.
00:33Pagsasanay ito sa search and rescue operation at medical evacuation sa dagat bilang bahagi ng balikatan exercises ng Pilipinas, Amerika at Japan.
00:41Habang sinasagawa yan, may ilang Chinese vessel na namonitor sa radar pero hindi naman lumapit sa pagsasanay.
00:48Was there ever a time na parang nag-interfere sila?
00:53We are committed to the ongoing multilateral maritime exercise despite the presence of PLA Navy vessels in the area.
01:03The safety and security of all Philippine and Allied naval assets participating in the exercise remains as the Philippine Navy's top priority.
01:18Hindi tulad ngayon, noong Sabado ay sinalubong at inikutan ng isang barko ng Chinese Navy ang BRP Apolinaryo Mabini ng Philippine Navy.
01:27Linggo naman, binuntutan ang BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard.
01:31Ayon sa Philippine Navy, dalawang Chiang Kai 2 frigates, isang reconnaissance ship at isang dipatukoy na warship ng China
01:38ang nagmasid sa pagsasanay sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas sa dagat ng North Luzon.
01:44Gayon man, hindi ito naka-apekto sa pagsasanay kahapon na nilahukan ng USS Comstock at Littoral Combat Ship ng Amerika na USS Savannah
01:53na agawpansin dahil sa makanto at patulis nitong anyo.
01:57Sumali rin kahapon ang isang surveillance ship ng Japanese Maritime Self-Defense Force
02:01na kakaibang itsura dahil sa napakataas na tower sensor nito.
02:05Siyam na iba't ibang ship formation ang ginawa ng mga barko ng US at Philippine Navy
02:10at maging ng Philippine Coast Guard dito sa karagatan ng North Luzon
02:15bilang bahagi ng tinatawag na Division Tactics ng 2025 Balikatan Exercises.
02:21Ginawa ito habang nagmamasid di kalayuan ang tatlong warship ng Chinese Navy.
02:27Nitong Sabado naman ay nag-formation ang mga barko ng US at Pilipinas.
02:31Habang magkakasunod, may formation ding magkakatabi.
02:35Sa isang formation, pinagitnaan nila ang barko ng Philippine Coast Guard na tila ba ineeskortan.
02:41Biernes, nagkaroon din ang live fire exercises gamit ang mga machine gun na mga barko ng US at Pilipinas.
02:47Ilang beses ding namataan na lumilipad sa himpapawid ang mga P-8 Poseidon Surveillance Aircraft ng US at Japan
02:53habang isinasagawa ang exercise.
02:55Para sa GMA Integrated News, Chino Gaston Nakatutok, 24 Horas.