Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kalaboso sa Marikina ang lalaking nagpapakalat-umano ng mga pribadong larawan ng kanyang dating nobya.
00:08Nahulihan din siya ng dahon ng mariwana at nakatutok si John Consulta.
00:16Nang makumpirmang na sa loob ng establishmento ang kanilang target, pumilos na ang mga ahente.
00:21Arrestado ng NBI Organized and Transnational Crime Division ang isang 21 taong gulang na lalaki.
00:32Ayon sa NBI, inireklamo ang suspect ng kanyang dating girlfriend.
00:36Nagkarelasyon daw ang dalawa at nang sinabihan ng babae na iwan na ang kanyang boyfriend, lumayo na ang babae sa suspect.
00:43Dito na umano, gumawa ng group chat ang suspect kasama ang mga magulang at mga kaibigan ng kompleynat
00:49saka siya nag-post ng mga pribadong larawan nito.
00:53Gusto ko talaga siyang makulong.
00:56Dapat lang din, mabulok na nga, dapat ko siya sa kulong.
01:00Mingi po ako ng tawad sa nangyari. Saanong mapatawad niya po sa mga nagkawa ko saan niya?
01:07Bukod sa reklamo, may dagdag pang kakarapin na kaso ang suspect.
01:11Chinick din yung kanyang bagahe bago mag-pull out doon sa area kung saan siya nahuli
01:15at napag-alaman at nakuha ng NBI yung sachet ng lagayan ng marihuana leaves.
01:23Kung kaya't kasamang kinasuhan siya doon.
01:26Nahanap ang suspect sa reklamong paglibag sa anti-photo-envoyeurism,
01:30dangerous drugs law, grave threats, anti-alias law,
01:33anti-violence against women and children at cybercrime prevention act.
01:37Para sa GMA Indigrated News, John Consulta, nakatutok 24 oras.
01:42Nabawasan ng bilang na mga Pilipinong walang trabaho nitong Febrero kumpara noong Enero.
01:50Wala sa mahigit 2 milyon o 4.3% ng Liverpools.
01:55Bumabayan sa 1.94 million o 3.8% batay sa datos ng Philippine Statistics Authority.
02:02Pero mahagyayang mas marami kumpara noong February 2024.
02:08Pariwanag ni PSA Chief Claire Dennis Mapa,
02:13posibleng dumami ang may trabaho nitong Febrero
02:15dahil sa mga aktibidad na may kinalaman sa eleksyon at tag-init.
02:25Mabilis na chikan tayo para updated sa Sherbiz Happenings.
02:28Palaki na ng palaki ang pamilya ng Sparkle GMA Artist Center.
02:34Sizzling hot na addition to the fam ang Filipino-American model at balikbayin heartthrob
02:40na si Anthony Constantino.
02:42It was an easiest nga raw para kay Anthony na grateful sa Sparkle
02:45dahil sa nakita raw sa kanyang potential.
02:49Nanguna sa contract signing si na GMA Network Senior Vice President,
02:52Attorney Annette Gozon Valdez,
02:54Sparkle First Vice President, Joy Marcelo,
02:56at manager ni Anthony na si Michael Labugin.
03:01It's officially the end ng Lights Love Action Tour ni Blackpink Jisoo.
03:07Sa isang post, nagpasalamat si Jisoo sa lahat ng blinks
03:10na umaten sa kanyang sampung shows all over the world kasama ang Pilipinas.
03:15Last March, bumisita si Jisoo sa bansa.
03:18Tinambangan ng anim na armadong tao ang sasakyan ng BJMP na may sakay na isang Chinese.
03:27Ibinabiyahe ang Chinese pabalik sa isang BJMP facility matapos ang hearing sa Makati
03:33ng tambangan ang sasakyan sa Paranaque.
03:35Isang jail personnel ang sugatan sa ambush.
03:39Bumanga naman sa puno ang isa sa mga sasakyan ng mga namaril habang nakatakas ang isa pa.
03:45Pero naaresto sa hot pursuit operation ang anim na suspect.
03:50Dalawa sa kanila ay Chinese.
03:52Iniimbestigahan pa kung ang ambush ay para itakas ang Chinese na ibabalik sa kulungan.
03:58Hinikayat ang Philippine Air Force na iwasan ang pagtuturoan kasunod ng bumagsak na FA-50 jet sa bukid noon noong March 4.
04:07Sinabi ni Colonel Maria Consuelo Castillo ngayong natapos na nila ang investigasyon sa insidente.
04:13Anya, marami ang sanhisa na ganap na jet crash kabilang ang inherent risk at environmental factors
04:20gaya ng night flying at paglipad sa kabundukan.
04:24Maging ang paglipad ng multiple aircrafts, visibility at wind conditions.
04:28Tanggap naman ang Air Force na kailangan nilang ayusin pa ang safety protocol at mission planning preparation
04:34para maiwasang maulit ang insidente kung saan dalawang piloto nila ang nasawi.
04:39Sa ngayon, nakakalipad ng muli ang iba pang FA-50 jets ng pansa.
04:44Sugatan ang isang gwardya sa Cebu City ng barilin sa bintig matapos nagtangkang manaksak
04:52habang inaaresto ng mga polis at SWAT.
04:56Ang suspect nagwala o mano sa pinapasukan kaya inireklamo.
05:00Nakatutok si Alan Domingo ng GMA Regional TV.
05:07Nabulapog ang kahabaan ng Osminia Boulevard sa Cebu City kaninang hating gabi
05:11nang magsitakbuhan ang ilang polis at SWAT team.
05:15Ang kanilang hinahabol isang lalaking nakauniforme na pang-security guard.
05:20Sa isang punto, muntik na siyang maabutan pero huminto at umamba.
05:25Hindi kita sa video kung ano ang itinago ng lalaki sa kanyang damit.
05:30Tumagal pa ng ilang minuto ang habulan hanggang sa mag-corner siya sa isang kanto.
05:36Sinubukan pang kausapin ng isang SWAT member ang lalaki pero imbis na sumuko.
05:41Dali-dali itong tumakbo at umaambang mananagsak.
05:48Doon na siya pinaputukan ng baril sa kanang binti kaya napahiga ang lalaki.
05:54Sa embisikasyon ng polisya, isinumbong sa kanila ang pagwawala ng lalaki sa kanyang pinagtatrabahuan.
06:01Binasa gumano nito ang salamin na nasa pintuan ng establishmento.
06:06Hinila rin umano, palabas ang kasamang babaeng nasa front desk na agad namang humingi ng saklulo.
06:12Last night meron tayong incident, reported incident of alleged robbery hold-up.
06:19Wherein our personnel assigned in an outpost nearby kung saan nangyari incident ay immediately naka-respond.
06:27But of course, nalaman ng mga polis natin yan because of the help of our citizens.
06:34Hindi na humarap sa camera ang mga kasamahan ng suspect pero ayon sa kanila,
06:39mag-iisang buwan pa lang sa trabaho ang suspect.
06:42Patuloy ang embisikasyon sa pag-aamok ng lalaki na naka-hospital arrest ngayon.
06:48Maharap siya sa mga kaukulang reklamo.
06:51Sinusubukan pa namin magkuhang panig ng suspect.
06:53Mula sa GMA Regional TV, ako si Alan Domingo, nakatutok 24 oras.
07:05Magandang gabi mga kapuso.
07:07Ako po ang inyong kuya Kim na magbibigay sa inyo ng 3 dias sa likod ng mga trending na balita.
07:11Gumawa na kasaysayan ng isang biotech company sa Amerika.
07:15Ayon sa kanila, matagumpay nilang nabuhay muli ang isang species ng lobo na mahigit 10,000 years ng extinct.
07:22Paano nila nagawa ito?
07:23Ito ang fossil ng isa sa pinakamabangis ng lobo sa North America noong unang panahon.
07:31Pero naging extinct, tinatayang 10,000 years na ang nakakaraan.
07:35Ang dire wolf.
07:36Na-inspirasyon pala ng mababangis at maalamat ng lobo sa seryeng Game of Thrones.
07:40Pero ang mga lobo sa seryeng mapapanood, maaari na rin nating nakita sa totoong buhay.
07:48Ito yung nang binalita ng US-based biotech company na Colossal Biosciences.
07:52Na matagumpay sila nakabuo ng tatlong pup o tuta na ang itsura kawalis ng extinct na dire wolf.
07:58Para mabuo ang tinuturing ngayong World's First Successfully De-Extincted Animal,
08:02ang mga eksperto mula sa Colossal Biosciences.
08:04Gumamit ang Asian DNA na na-extract mula sa dalawang dire wolf fossil.
08:09Sa mamamagitan naman ng cloning at gene editing technology,
08:12nabago nila ang genes ng isang grey wolf na siyang pinakmalapit na kamag-anak ng dire wolf.
08:16Ang resulta, mga hybrid species na may katangian ng extinct na lobo,
08:21gaya ng mas malaking katawan, mas makapal na balahibo, at mas malalakas na panga o jo.
08:26Those slight modifications seem to have been derived from retrieved dire wolf material.
08:32Does that make it a dire wolf? No.
08:34Does it make a slightly modified grey wolf? Yes.
08:37Pero sa mga nagtatanong, may mga lobo ba dito sa Pilipinas?
08:47Huwag tayo masyado maingay, baka tumakbo at mabugaw.
08:51Ang mga wolf o lobo matatagpuan lamang sa mga lugar na may manamig na klima,
08:55gaya ng mga tundra sa kagubatan sa hilagang bahagi ng ating planeta.
08:59Hindi nila natural habitat na mga tropical na lugar gaya ng Pilipinas.
09:03Hindi angkop ang kanilang katawan sa napaka-init nilang klima.
09:07Ang mga lobo sa ating bansa, makikita lamang ngayon sa isang zoological park sa Pampanga,
09:11kung saan kontrolado ang kanilang kapaligiran.
09:14Napitan natin?
09:17Baka makaganda yan.
09:19Samantala, para malaman ng trivia sa likod ng Barad na Balita,
09:21ipost o i-comment lang,
09:22Hashtag Kuya Kim, ano na?
09:24Laging tandaan, kimportante ang may alam.
09:27Ako po si Kuya Kim, at sagot ko kayo, 24 hours.
09:31Isang sunog ang sumiklab sa residential area sa Taguig City.
09:35Nasa siyam na pamilya ang apektado na sunog sa barangay Pembo kanina.
09:40May isa namang isinugod sa ospital matapos magtamo ng paso sa braso.
09:44Iniimbestigaan pa ang pinagmula ng apoy na tumupok sa aabot 2 milyong pisong halaga ng ari-arian.
09:51Binigyan ang Department of Education ng mga public school teacher
09:57ng tatlumpong araw na uninterrupted flexible vacation.
10:03Matay sa updated guidelines ng Depred,
10:05pinaintulutan ng mga guro na ischedule ang kanilang 30-day uninterrupted break
10:10mula April 16 hanggang June 1.
10:13Pwede itong tuloy-tuloy o kaya'y staggered basis o paputol-putol.
10:19Sakot din ito ang mga alternative learning system teachers
10:22at yung mga nagtuturo ng Arabic language and Islamic values education classes.
10:29Ayon kay Education Secretary Sani Angana,
10:32ang break na ito ay well-deserved opportunity
10:35para makapiling ng mga guro at mag-aaral
10:38ang kanilang pamilya matapos ang academic year.
10:42Hindi kasama sa benepisyo ang mga school head
10:45pero may karapatan pa rin sila sa vacation at sick leave credits sa panahong ito.
10:52Tuloy-tuloy ang success sa sports career
10:55ni Pinay tennis superstar Alex Iyala.
10:58Umakyat ulit ang ragging ni Iyala sa World Tennis Association o WTA
11:02mula sa number 75 ngayon'y nasa number 73 na.
11:06Noong isang buwan, umabot si Iyala sa semifinals ng Miami Open
11:10kung saan tinalo niya ang ilang top 10 players.
11:13Sa isang press conference ngayong araw,
11:15sinabi ni Iyala na masaya at proud siya sa kanyang tagumpay
11:19at sa naging impact nito sa bansa at Philippine tennis.
11:24Nagpapasalamat din siya sa patuloy na suporta ng mga kapwa Pinoy.
11:28Sa ngayon, naghahanda si Iyala para sa 2025 French Open sa susunod na buwan.
11:36The next step is to be able to repeat this
11:38and for my body to handle this kind of intensity repetitively.
11:45Higher ranking means that you have more possibilities to get into higher tournaments.
11:49But of course, with that comes tougher opponents and more problems, obstacles.
11:58Time will tell and all I can do for now is prepare.
12:03Inusisa sa pagdinig ng Senado ang ilang insidente ng bullying sa bansa
12:08at ang posibleng mga pagkukulang kaya nangyari ang mga ito.
12:12Nakatutok si Mav Gonzalez.
12:13Kabilang ang naganap kamakailan sa isang public school sa Paranaque
12:21sa mga mitsa ng pag-imbestigan ng Senado sa mga pambubuli sa mga paaralan.
12:26Sinaksak ng isang estudyante ang kaeskwela kaya namatay.
12:29Paliwanag ng sospek sa pulisya, binubuli umano siya.
12:33Habang sabi ng magulang ng biktima, siya ang binuli.
12:36Kabilang sa gustong malaman ng Senado ay kung anong mga posibleng kakulangan
12:40na dapat punan para maiwasan yan.
12:42Ano ba yung lapses ng school?
12:47So, siyempre po, nagme-meeting kami.
12:50So, unang-una po, sa dami ng estudyante,
12:54at meron po akong 11 na watchmen, hindi po security guard.
12:59Sabi ng principal, sa hallway lang may CCTV at wala sa mga classroom.
13:04Kulang-aniya ang seguridad at guidance counselors
13:06para sa halos 4,000 nilang estudyante.
13:09Dapat po, specialize doon para na ili-lead yung bata.
13:15Meron din doon na register pero ayaw niya pong maging counselor.
13:21Bakit po?
13:21Maaari po yung sweldo kasi teacher one lang yun.
13:25Tapos yung responsibility po, napakalaki.
13:27Nausisa rin ang sinapit ng isang high school student sa Quezon City
13:30na kinaladkad at iwinasiwa sa sahig habang sinasabunutan ng mga kaeskwela.
13:36Walang tumulong o kahit nagsumbong kahit maraming estudyante sa classroom kung saan ito nangyari.
13:41Sabi ko sa mga bata nung kausap ko sila, bakit wala man lang ni isa sa inyo na pumunta sa teacher
13:49para sabihin na sinasaktan ang kaklase nyo.
13:54Tapos yung isa po, nakumuha ng video, tinitignan lang po niya yung ibang kasama niya.
13:59Dalawang beses ding napagkaisahan ng estudyante.
14:02Noong 3pm break time at noong uwian.
14:05Bakit itong dalawang incidents hindi na detect ka agad?
14:08Hindi po kasi namin nakita agad yung video.
14:10Pinatawan ng community service ang mga nambuli.
14:13Sasa ilalim din sila at ang biktima sa counseling.
14:16Sa datos ng Department of Education,
14:19mahigit 80,000 ang nireport na insidente ng bullying sa buong bansa mula 2019 hanggang 2025.
14:25Dagdag naman ang Senate Committee on Basic Education.
14:27Tayong pinakamataas na bullying incidents across, again, 70 plus nations.
14:33So, 2 years in a row na tayo or 2 pieces in a row na tinaguruan tayong bullying capital in the world.
14:39Sabi ng grupo ng mga pinuno ng public schools,
14:43hirap sila, lalo't inire-reklamo ang mga guro kung nagdi-disiplina ng mga naglulokong estudyante.
14:48School discipline versus child protection policy.
14:52Noong mga nag-aaral tayo, meron tayong face the wall.
14:57Nag-i-squat po ako.
14:59Ngayon po ang bata pag napagalita.
15:02Kinabukasan may 888 na ako.
15:05Monthly, sumasagot po kami ng mga anonymous complaints.
15:09Not just in the performance of our duty.
15:12Sa pagdinig na ungkat ang hindi pagpapatupad ng GMRC at Values Education Act,
15:18kung saan mas nakatoon ang curriculum sa mabuting asal.
15:21Bakit tayo nagkaroon ng delay in terms of implementation of the good manners and right conduct?
15:27Well, in fact, sa IRR, nakasulat doon by 2022, 2023, implemented na,
15:33nandiyan na yung bata eh, ganyan na yung ganyang pananaw eh.
15:36Gusto natin maaga pa lang palitan na yung ganyan na pananaw eh.
15:39Hindi na tayo pwedeng mag-antay pa ng isang mamatay dyan na bata
15:43dahil hindi natin natuturoan sila ng maaga.
15:47Hindi na rin itinanggi ng DepEd ang kakulangan ng guidance counselors o guidance designates.
15:52Sa ngayon, maaaring magsumbong ang mga nabubuli sa DepEd helpline
15:55na Pound Sign DepEd o Pound Sign 33733.
15:59Para sa GMA Integrated News,
16:01Mab Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
16:05Nagpapala ang Food and Drug Administration o FDA
16:09sa mga Pilipinong tumatangkilik sa ilang wellness at beauty products online.
16:16Ayon sa FDA, marami pa rin sa mga online beauty products
16:20ang hindi pa reyestrado kaya peligrosong gamitin.
16:25Noong isang taon lang, mahigit pitong daang unregistered beauty products online
16:30ang nasabat nila.
16:31Pero may ila na mabilis nakakabalik sa pagbibenta online
16:36kahit na sinabihan na raw sila ng FDA.
16:39Bukod dyan, paalala ng FDA sa mga nagmamadaling pumuti.
16:44Dapat may abiso muna ng doktor bago magpaglutatayan drip.
16:50Pina-cite and contempt ng House Strike Committee
16:54ang apat na social media personality
16:57na inibestigahan kaugnay sa mga naglipa ng fake news online.
17:01Sa kabila ng paulit-ulit na summons,
17:05hindi pa rin dumalo sa pagdinig ngayong araw
17:07sina Sass Sassot, Jeffrey Celis at Lorraine Badoy.
17:11Ipinagutos ng kumite na i-detain sila sa batasang pambansa
17:15hanggang matapos ang pagdinig ng kumite.
17:18Sampung araw namang i-detain si Mark Anthony Lopez
17:21na bagaman dumalo sa nakarang pagdinig,
17:24excited and content pa rin dahil sa mga pahayag na umaatake sa tricorp.
17:29Itinahilan naman ni Lopez na di siya dumalo sa pagdinig ngayong araw
17:33dahil tumestigo na siya sa nakarang pagdinig.
17:37Pina-verify ni Congressman Stephen Paduano
17:39sa Department of Foreign Affairs at Bureau of Immigration
17:43kung nasaan sina Sassot at Celis.
17:45Si Badoy naman nagsumite ng travel documents na siya ay nasa Hong Kong.
17:51Wala pang pahayag ang apat na personalidad.
17:54Samantala, pinangalanan naman ng influencer na si Vicente Bencalo
17:58Pebbles Kunanan
17:59ang anyay mastermind sa viral na pulvoron video
18:03na iniuugnay kay Pangulong Bongbong Marcos.
18:07Naniniwala siya na si Atty. Harry Roque
18:09ang pinagmulan ng pulvoron video.
18:13Iniimbestigahan noon ng mga otoridad
18:14ang video at sinabing ito ay ginawa
18:17gamit ang artificial intelligence.
18:19Sa kanyang sworn affidavit, sinabi ni Kunanan
18:26na nangyari ito sa private dinner sa Hong Kong
18:29noong July 7, 2024, matapos ang rally.
18:34Sinabi umano ni Roque na may natanggap siyang screenshot
18:37kung saan makikita umano ang pangulo
18:39na gumagamit ng iligal na droga.
18:42Bagaman, hindi ipinakita ni Roque ang screenshot
18:44na pag-usapan daw kung paano ito ikakalat.
18:49Sa isang Facebook Live,
18:50hindi direktang sinagot ni Roque ang issue
18:53pero giit niya,
18:54bahala na ang publiko kung maniniwala o hindi.
18:57Abala nang naghahanda sa kanilang challenging roles
19:05ang cast ng upcoming Kapuso series na Akusada.
19:08Ang isa sa kanila,
19:09nakatakdang bag-immersion bilang magtatahong.
19:13Makichika kay Aubrey Karampel.
19:18Getting into their characters na ang cast
19:20ng upcoming Kapuso Afternoon Prime series na Akusada.
19:24Bukod sa story conference at script reading,
19:26nag-lock test na rin ang cast.
19:28Ang bida na si Andrea Torres,
19:31labis na pinagahandaan ng role bilang si Carolina
19:33na isang magtatahong.
19:36Magkakaroon daw siya ng immersion
19:37para mas mapag-aralan ang buhay ng mga magtatahong.
19:41Meron po ako nakausap na yun ang trabaho niya.
19:44So thankfully naman pumayag siya na ma-interview ko siya,
19:47mag-observe ako and matry ng konti.
19:49Napumunta talaga dun sa palaot.
19:52Kasi gusto ko makita yung life nila
19:53and based din kasi dun mabubuo mo yung
19:56kung ano ba yung kinalakihan ng karakter.
19:59Makakatambal ni Andrea si Benjamin Alves
20:01na sinurpresa ng cast na nag-birthday noong March 31.
20:06Excited daw si Ben to take on another challenging role
20:08matapos gumanap bilang si Basil sa Widow's War.
20:12I think naman with the title of Akusada
20:14parang more or less may in-expect ng kapuso
20:16na this is very gripping,
20:18ano siya talagang may suspense, may thrill.
20:22Pero saan na makuha rin po bilang kasi afternoon siya
20:24na may hopefulness,
20:27especially sa karakter ni Ada.
20:28Back to pagiging kontrabida naman si Lian Valentin
20:31na excited makatrabaho si Andrea for the first time.
20:36Straightforward siya sa pagiging maldita niya.
20:38Walang preno, pasmado yung bibig.
20:40So, alam mo yun, exciting.
20:43Kasama rin sa cast si Ronnie Liang
20:45na isa ring tahong farmer.
20:48In real life, trained lumangoy si Ronnie
20:50bilang piloto at army reservist
20:53na magagamit daw niya sa kanyang karakter.
20:56Yung training na tinake ko before,
20:58ngayon na apply ko din sa trabaho dito sa Akusada.
21:02Si Marco Masa hiwalay raw muna sa kanyang makalove team
21:05na si Ashley Sarmiento para sa seryeng ito.
21:09Pero happy raw siya na muli siyang sasabak sa heavy drama.
21:14Dito magkakaroon po talaga ng touch-off yung mga heavy scenes.
21:17Kung baga mas, mas, I'm gonna be trying to connect with, you know, people more
21:22para mas matouch ko yung feelings nila.
21:25Kasama rin sa cast ng Akusada,
21:27si na Princess Alia at Jennifer Maravilla
21:29sa direksyon ni Dominic Zapata
21:32na mapapanood na soon sa GMA Afternoon Prime.
21:36Aubrey Carampel, updated to showbiz happenings.
21:40At yan ang mga balita ngayong Martes.
21:44Ako po si Mel Tianco.
21:45Ako naman po si Vicky Morales para sa mas malaking misyon.
21:48Para sa mas malawak na paglingkod sa bayan.
21:50Ako po si Emil Sumayo.
21:52Mula sa GMA Integrated News,
21:54ang News Authority ng Pilipino.
21:56Nakatuto kami 24 oras.
21:58Nakatuto kami 24 oras.

Recommended