Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nakapili na ba kayo ng inyong iboboto?
00:02Talakayin natin ang kahalagahan ng fundasyon sa matalinong boto
00:06kasama ang isa sa mga election 2025 partner ng GMI Network,
00:10ang Manila Bulletin, represented by former communications secretary
00:13at kasalukoyang publisher ng Manila Bulletin na si Herminio Sonny Coloma Jr.
00:18Magandang umaga at salamat po sa pagpapaunlak ng panayam dito sa Balitang Hali.
00:22Magandang umaga, Rafi.
00:23Ano po ba yung mga fundasyon ng matalinong boto ngayong election 2025?
00:27Mahalaga dito yung masiglang paglahok ng mga mamayan
00:34sapagkat batid natin na eternal vigilance is the price of liberty.
00:39Kinakailangang mulat at nakatutok ang mga mamayan sa lahat ng kaganapan
00:44patungkol sa eleksyon sapagkat ito ay may mahalagang impact
00:48sa kanilang araw-araw na kabuhayan.
00:51Sa dami yung pinagkukunan ng impormasyon sa internet,
00:53paano ba dapat ginagawa ng media yung trabaho nito para magkaroon ng payapang eleksyon?
00:59Mahalaga yung pagtiyak na ang impormasyon na kinakalap ng mass media
01:04ay makatotohanan, makabuluhan, at hindi inimbento o hindi fake news.
01:11Kaya sa aming galaw, sa aming mga kautusan, sa mga correspondence at staff ng aming pahayagan,
01:20tinitiyak namin na ang kanilang fact-checking ay ginagawa sa pinakamainam na paraan
01:27para hindi makalusot yung peking balita.
01:29Laman po ng balita ay yung mga kontrobersyal na pahayag mula sa ilang politiko.
01:35May mga pinagpaliwanag na ngayong Comelec.
01:36Paano po ba natin matitiyak na magkaroon ng ika nga'y respectful discourse?
01:41Para sa amin po, sa Manila Buletin,
01:43hindi po namin binibigyan kahalagahan yung mga sensational na balita.
01:48Hindi po kami bumabanda doon sa lugar na naglilikha lang sila ng panggulat
01:57o gusto lang nilang mapansin.
01:59Ang aming tinitiyak ay ang aming mga balita ay makabuluhan.
02:04Meron po itong saisay at makatutulong sa pagunlad ng kabuhayan.
02:08So yun po ang aming ambag sa pagtitiyak na mahusay magiging diskurso
02:13na tutulong din sa ating mga mamamayan na gumawa ng mga matalinong pagpili
02:19ng kandidatong iboboto nila sa darating na halalan.
02:23So sa inyo pong palagay, ito mga ganito nagbibigay ng pahayag na kontrobersyal,
02:26sinasadya lang ito para mapansin ng mga butante?
02:30Kasi kung tutunghayan natin kung sino sila, Rafi, sila ay nandun sa hanay ng kulelat,
02:38ika nga, hindi naman sila doon sa mga nangunguna.
02:42Dahil yung mga nangunguna ay yung mga kilala at yung mga naglalahad na mga makabuluhang pahayag.
02:49Kaya hindi dapat na bigyan pa ng buwelo o bigyan pa natin sila ng espasyo.
02:54Ang kinakailangan ay bigyan ng mga mamayan ng pinakamalawak na pagkakataon
03:01na tunghayan ang mga matitino at seryoso mga kandidato na tiyak na maglilingkod ng tapat sa kanila
03:08kung mahalal sa darating na Mayo a 12.
03:12E sa mga kababayan nating ang butante naman po, ano yung dapat gawin at tandaan
03:16para hindi mabiktima ng maling impormasyon?
03:19Kailangan po nilang pag-aralan yung mga kwalifikasyon ng kanila mga kandidato.
03:25Kinakailang kilatisi nila saan ba ito nanggaling, ano ba ang karanasan nito, ano ba ang kahandaan nito.
03:32Importante kasi yung integridad ng kandidato
03:36sapagkat kung may integridad ay tiyak na magpaglilingkod ng tapat.
03:40Marami naman dyan ay humahanap lang ng atensyon o nagsasamantala lang ginagamit yung eleksyon
03:51para tuntungan nila para sa iba pa nilang mga layunin, maaaring sa negosyo, sa putintabing o iba pang larangan.
04:00Ito ay dapat makilatis ng mabuti ng ating mga mamayan
04:03at matiyak nila na ang kanilang iboboto ay mga seryosong kandidato na gusto talaga maglingkod ng tapat.
04:11Okay, maraming salamat po sa oras na ibinahagi nyo sa Balitang Hali.
04:15Maraming salamat, Rafi.
04:16Manila Buletin Publisher Herminio Sonny Coloma Jr.
04:18Maraming salamat, Rafi.

Recommended