Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00To me lapo na tag over the backwood ang lalaking yan sa Banate Iloilo, ang kasha ng motorsiklong sumalpok sa bakura ng isang bahay.
00:12Sugatan po siya, pero ang rider ng motorsiklo dead on arrival sa ospital dahil sa lakas ng pagkakabanga.
00:19Ayon sa pulisya, pakurbang bahagi ng kalsadang dinaanan ng motorsiklo sa barangay Alakaygan.
00:25Posible raw na nawalan ang kontrol ang rider.
00:30Kumustahin naman natin ang sitwasyon ngayong Mertesanto sa Manila Northport Passenger Terminal.
00:40Mayulat on the spot si Jonathan Andal.
00:45Jonathan?
00:48Kara kung makikita mo sa likod ko, halos wala ng mga tao kasi nakasakay na po yung mga pasaherong babiyahe papuntang Bacolod, Iloilo at Cagayan.
00:58Ang biyahe po nila ay 12.30pm. Yun po yung last trip ngayong araw na ito mula rito sa Manila Northport.
01:06At sa mga oras na ito, Kara, ay nag-iinspeksyon na yung Philippine Coast Guard doon sa loob ng barko bago ito umalis.
01:13Para po kasi maiwasan yung overloading, isang oras bago umalis ang barko,
01:18sasampa ang Coast Guard para i-check ang manipesto ng barko at ibabangga sa bilang ng mga bumili ng ticket at sa kapasidad ng barko.
01:26In-audit din nila ang mga parte ng barko para tiyak na nasa maayos na kondisyon ito para bumiyahe.
01:32Sabi ng shipping line na to go dito sa Manila Northport, hindi pa nila nararanasan yung overloading
01:36dahil katulad daw sa mga airline, ang system na ginagamit nila sa pagbook ng mga pasahero
01:42na makikita raw agad kung may mga bakante pang upuan o wala.
01:46Bukas po ang biyahe rito sa Manila ay papuntang Cebu at Cagayan de Oro.
01:50Hindi pa po fully booked, may mabibili pang mga ticket, sabi ng to go.
01:54Sa Webes, walang biyahe rito at babalik ulit ang operasyon sa Biernes Santo.
02:00Kara, pinag-iingat ng shipping line yung mga pasahero laban dun sa mga scammer
02:04na sinasalubong yung mga pasahero malapit sa gate ng pantalan
02:08tapos dadalin sa divisorya at bebentahan ng peking ticket.
02:13Kara.
02:14Maraming salamat sa iyo, Jonathan Andal.
02:17Alamin natin ang kahandaan ng Department of Transportation sa Dagsa ng Mga Bejero ngayong Semana Santa.
02:24Pausapin natin ang kalihim ng DOTR, Secretary Vince Dizon.
02:27Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
02:30Magandang umaga, Rafi. Magandang umaga, Kara.
02:34Apo. Sa mga inikutan yung bus terminal dito sa Metro Manila,
02:37anong mga major issues na inyong napansin po?
02:38At anong hakbang ng DOTR para mapabilis yung pag-resolba sa mga ito?
02:42Rafi, unang-una, ang kabigin-bigin ng Pangulo natin,
02:47kailangan siguraduhin, konbinyente at safe ang biyahe ng mga kababayan natin.
02:52Lalo-lalo na ngayon na dumadagsasiga sa kanilang mga probinsya via land, sea and air.
03:00So sa mga bus terminals natin, napakaganda nung preparasyon ng PITX.
03:07Maayos, may schedule, may mga upuan, magamig, hindi masyadong hirap ang ating mga kababayan.
03:16May mga konti tayong improvements na hinihingi,
03:19pero maayos naman overall ang sitwasyon doon.
03:25Konbinyente ang gagay ng mga kababayan natin.
03:27Pero mayroon tayong mga in-inspeksyon ng mga terminal dito lang sa Malibay, sa Maypasay, sa EDSA.
03:34Napakasama po nang gagay ng sitwasyon ng mga kababayan natin doon.
03:38Ito po, may nakita po kaming terminal dito sa MayEDSA, Malibay.
03:42Terminal ito ng Filtranco at saka ng isa pang bus company.
03:50Talagang napakasama po nang gagay.
03:53Ito po, nakikita po natin ngayon sa screens ninyo.
03:57Talagang napaka-init.
03:59May mono-blackman lang o electric pan.
04:03Walang binibigay itong mga bus company natin na nandyan.
04:06Yung CR, hindi ko alam kung matatawag natin yung CR yan.
04:10Nakakaawa po talaga.
04:11At naman natin, illegal itong terminal na ito.
04:15Kaya, pinapatawag po natin pagkatapos ng Holy Week itong mga bus company na ito para magpaliwanag.
04:23Pero, pinapasara na po natin itong mga terminal na ganito.
04:27At sinabihan na natin ng bagong liderato sa LTFRB.
04:31May bago tayong Executive Director dyan.
04:34Kasama na rin si Chairman Guadis na tinawagan ko kahapon right after ng inspection ko.
04:40Naipasara agad-agad itong mga terminal na ito.
04:42At nagagang hindi ko sumusunod sa mga standards na dapat meron para sa mga terminal na mga bus.
04:49Pero, Secretary ngayong Semana Santa, babiyahe pa po ba sila?
04:52Kasi may mga nakabili na nantikas dito sa mga bus.
04:55Alam nyo, yung nga po ang problema natin.
04:57Nakakaawa naman po yung mga kababayan natin na bumili po sila.
05:04Regular fare po ang kanilang binigay.
05:06Merong 1,500, 2,000. May umaabot pa ng 2,800.
05:10Yung mga babiyahe hanggang bisayas.
05:15Mahirap naman po. Kawawa naman po sila kung hindi sila makakasakay.
05:18Kaya ngayong pong ringgong to, para na lang po sa mga kababayan natin,
05:24papagampasin po natin to.
05:25Pero next week na next week, papasara na po natin lahat po mga ito.
05:28Okay.
05:29Ano naman po yung posibleng kaharapin ng bus company na nasangkot sa aksidente sa NLEX kagabi?
05:33Yung pong nga, yung Draven Bus Transport, yun ang pangalan ng bus company.
05:39Ito'y sumagpok sa bandang Valenzuela, sa NLEX kagabi.
05:45Nagpadala na po ng show cost order ang LTFRB against the operator, si Mr. Wilson Hong C.
05:52Ipapublish po namin itong show cost order na ito.
05:56Pero mabigat po ito.
05:57Kasi talagang, ang nakikita po natin, pati sa mga cameras,
06:02at saka sa mga witness accounts dun sa NLEX kagabi,
06:07na talagang napaka-grabe po ng pagmamanayong ginawa ng driver.
06:12At kailangan po tayo maparusahan both yung operator at yung driver.
06:16Hindi ba siya kaya tayo may mga limiter, yung mga bus na mga ganito?
06:19Speed limiter ang sinasabi mo?
06:23Opo, required doon ba yun, yung mga speed limiter para sa mga bus?
06:29Kung required man, I doubt it.
06:30Kung meron itong mga bus na ito ng ganong teknolohiya, I doubt it.
06:35Opo, pero yung mga ganito kasi sa ibang bansa, may ganong requirements, hindi ba?
06:39Para malimitahan yung speed ng mga bus?
06:41Merong ganong requirements, merong ganong mga teknolohiya,
06:44Pero alam naman natin, unang-una, mahal yung mga ganyang teknolohiya.
06:50At hindi naman talaga yan ini-enforce sa atin.
06:53So kung meron man, clearly, wala itong speed limiter.
06:57Kasi grabe po yung takbo.
07:00So titignan natin kung ano ang isasagot nitong si Mr. Wilson Hongsi.
07:05Pero lahat ng mga penalties na pwedeng i-impose dito at mga sanctions,
07:10pinapa-impose na natin sa LPFRB.
07:12Siguro, babala na rin yan para sa ibang mga bus company.
07:16Hindi po tayo nagbibiro.
07:18Pag sinabi po natin na mag-i-impose tayo ng mga penalties sa mga magbabiolate ng ganito,
07:22hindi po tayo nagbibiro.
07:23So inyong assessment naman po, kumusta yung kahandaan ng mga paliparan sa bansa?
07:28Right now po, ang unang-unang pinunta natin yung naiyan.
07:30Kasi dyan talaga nagpupunta, nagdadagsahan ng ating mga kababayan.
07:35Nandyan po tayo last week, nandyan din po tayo kaninang umaga.
07:39Ang kagandahan mo, nasa tulong ng iba't ibang ayensya ng gobyerno,
07:43lalo-lalo na nais ko pong bigyan ng pagkilala ang ating Bureau of Immigration
07:50sa pamumuno ng ating Justice Secretary, si S.O.J. Boyeng Rimulat,
07:56ang ating Commissioner ng Bureau of Immigration, si Commissioner Joel Viado.
08:01Nung nag-usap-usap po with BI, yung ating Metro Manila Airport Authority,
08:06at yung ating private operator led by San Miguel Corporation,
08:10nakita po natin na kung mapupunung po natin lahat ng ating immigration counters,
08:17eh talaga mawala po ang pira sa immigration sa NIA.
08:20At nakita po natin na ngayong umaga.
08:23Kahit na peak are yung bandang mga aras 4.30 hanggang aras 5,
08:28na usually talaga napakahaba ng pira dyan.
08:31Dahil dagsa ang ating mga kababayan bumabayay abroad,
08:35lalo-lalo na ngayong Holy Week.
08:37Eh kanina po talagang walang pira.
08:40At ang sabi natin, nakita na natin kung ano ang solusyon,
08:44nakita na natin ano na nag-work ito.
08:46So ang kabiling-bilinginan po natin sa ating mga hensya
08:49at sa ating private operator,
08:51gawin lahat para tuloy-tuloy na po ito.
08:53Hindi gamang ngayong Holy Week,
08:55kundi tuloy-tuloy na.
08:57At siya doon, laging puno ang ating mga immigration counters.
09:01Kahit na kinakailangan, maagang pumasok ang ating mga immigration officers.
09:04Sana nga po ma-maintain yung solusyon na yan
09:07dahil talaga yan ang pangunang reklamo ng mga pasahero.
09:09Pagating naman po sa mga pantalan,
09:11paano nyo pa matitiyak na hindi makakalusot
09:12na makabiyayay yung mga overloaded ng mga passenger vessel?
09:16Sa ngayon po, dahil mano-mano po po ang sistema natin,
09:19kailangan sine-check yan ng ating Philippine Coast Guard
09:23at ng ating Philippine Ports Authority
09:25at ng ating marina,
09:26yung tatlong ayan siya na nagmamanman sa ating mga puerto
09:30all over the country.
09:31Kailangan po talaga maging stricto tayo.
09:35Meron po tayong mga nahuli.
09:38Dalawa po yan.
09:39Meron po yung Montenegro shipping lines na nahuli,
09:42nabiyahing Batangas hanggang Romblon.
09:47At meron din po nahuling shipping line.
09:49Wala pa lang po sa akin yung pangalan
09:51mula Dalahikan hanggang Marinduque.
09:55Dalahikan sa Quezon papuntang Marinduque.
09:57Nahuli po sila at pinadala na rin po ng show cost orders
10:02at mag-i-impose po tayo ng penalty
10:04laban dito sa mga shipping lines na to.
10:07Pero ultimate solution talaga natin, Raffi,
10:11kailangan na natin i-automate yung ticketing system
10:14sa ating kapat ko.
10:15Tulad ng ginagawa natin sa mga airline.
10:17Sa airline, kapag napuno na ang seats,
10:21hindi na umakabok.
10:22At siguradong walang overloading sa aeroplano.
10:24Kailangan din po ang gawin natin sa ating mga shipping lines,
10:28sa ating mga parko.
10:29Okay, laabangan po natin yung mga paggubagong yan.
10:32Maraming salamat po sa oras na binahagi nyo sa Balitang Hali.
10:35Salamat, Raffi. Good afternoon.
10:36DOTR Secretary Vince Dizon.
10:38Sa Indonesia, patay ang isang babae matapos lingkisin daw
10:47ng malaking sawa sa Southeast Sulawesi.
10:51Ayon sa kanyang anak,
10:53nagpaalam noon ang kanyang ina na mamimitats ng gulay.
10:57Ngunit hindi na nakabalik.
10:59Natagpuan niya ang kanyang ina sa talahiban na
11:02nilingkisan ng sawa na may habang mahigit dalawampung talampakan.
11:07Kasama ang ilang kapitbahay,
11:09sinubukan nilang saklulohan ang kanyang ina
11:12ngunit sila'y nabigo.
11:14Sa galit, pinagtataga ng mga residente ang sawa
11:17na kalaunay na matay.
11:20Nagbabala ang mga otoridad sa mga residente roon
11:22na magingat dahil may malaking populasyon ng sawa
11:25sa mga gubat ng Indonesia.
11:27Kumustahin natin ang sitwasyon sa Batangas Port?
11:36May ulat on the spot si Dano Tingcunco.
11:39Dano!
11:39Raffi, hindi pa man halata sa mismong terminal sa mga oras na ito.
11:47Iramdam na natin yung unti-unti indag sana
11:49mga pasahero dito sa Batangas Port.
11:52Isang malino na sinyales nito,
11:54yung nawala naman ito mga nakaraang araw,
11:56yung mga fully booked na biyahe.
11:58Tulad halimbawa ng mga biyaheng pakatiklan
12:01na papuntang Boracay na ayon sa pamunuan ng Batangas Port,
12:05e fully booked hanggang bukas,
12:07pero hindi pa yan nakataga sa bato
12:08dahil depende pa yan sa dating ng mga pasahero.
12:12At biyaheng Parojas City Capiz via Romblon at Sibuyan
12:15na fully booked hanggang April 19 o Sabado de Gloria.
12:20Pero kahit kahapon pa ito ay nanunsyon ng Batangas Port,
12:23nagulat ng ilang nakausap namin mga pasahero
12:25kaninang alas 10 ng umaga
12:27na halos dalawang oras as of 10 a.m.
12:30na naghihintay sa pila sa biyaheng Pakatiklan at Sibuyan
12:35pero chance passenger.
12:37Nang tanongin ko sila kung hanggang gaano sila katagal maghihintay,
12:41e posible raw na hanggang tanghali
12:43at kung magkaipitan na talaga, meaning past, after lunch,
12:47e pwede raw bumiyahe sila,
12:50Pakalapan, tapos Busoban, Parojas, Mindoro,
12:53tapos doon nasasakay ng barko,
12:55Pakatiklan kung hindi pa puno doon.
12:57Hindi raw nila inaasahan o inasahan na magkakaubusan
13:01gayong kada taon naman daw pag ganitong araw
13:04e lagi silang nakakakuha ng tiket.
13:07Pero meron din naman kaming mga nakausap na nananalig
13:10na umabot sa mahal na araw
13:12para umabot sa anniversary ng kanila mga magulang sa Sibuyan.
13:16Pero kung merong tagilid ang biyahe dahil naubusan ng tiket,
13:19e meron din mga pinalad kahit papano.
13:22Tulad ng isang magbabarkada na nakausap natin
13:25na papuntang Puerto Galera at araw na raat
13:28at ayaw na rao makipagsiksikan sa Webes
13:32kaya ngayon pa lang umalis na sila.
13:34Narito yung ilan sa kanila mga naging pahayag sa atin.
13:38Eight years na po ako hindi nakausap sa amin.
13:42E mag-anniversary yung aking magulang
13:45kaya ngayon lang kami uuwi.
13:46So, surprise sana.
13:48Naku, ate, paano yan? Fully booked?
13:51Hindi ko alam kung ano pa paano.
13:53Birthday niya kasi.
13:53Happy birthday.
13:55Thank you po sir.
13:56Okay, so birthday niya tapos?
13:58Doon kami magsa-celebrate ng birthday niya.
14:01Ito talaga yung schedule namin.
14:02Kasi ayaw na namin makikisiksikan doon sa ano,
14:05yung talagang araw ng Thursday, Friday, Saturday.
14:09So, alam namin medyo punong-puno na doon eh.
14:12So, ngayon siguro hindi pa masyado.
14:15Kaya inagahan na namin.
14:16At Rafi, bukod sa bahagyang pagdami ng mga pasahero dito sa loob ng Batangasport,
14:26ay napansin din natin, napunan din natin yung panakanaka o minsan na
14:30na pagpuno ng pila sa mga roro, bagamat mabilis din naman itong napapawi.
14:36Rafi.
14:36Maraming salamat, Dano Tingcunco.
14:44Kumuha po tayo ng update sa latest na sitwasyon sa Paranaque Integrated Terminal Exchange
14:49na nauna ng ininspeksyon ni Transportation Secretary Vince Dizon.
14:54Kabilang sa mga nasita, ang kakulangan ng palikuran doon.
14:57May ulat on the spot, si Marise Umali.
15:02Marise!
15:06Kara, puno na nga ng mga pasahero dito sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX
15:11na nga mga uuwi sa kanilang mga probinsya kahit ngayong Martesanto pa lamang.
15:21Biyaheng dahit ka, Marines Norte, ang math teacher na si Gurley Pajarin
15:25na sabik na sabik na raw makapiling ang apat na taong gulang na anak na naroon.
15:29Kaya matapos ng school graduation kahapon, ay naschedule niya agad ang pakasyon ngayong araw.
15:34Buti na lang daw, ay nakakuha pa siya ng ticket online dahil pahirapan na raw ito kahit dalawang linggo pa ang nakalipas nang bumili siya.
15:42Magkakasama naman ang magkakapatid na Binos na uuwing Tabako Albay.
15:47Pati ang kanilang alagang aso kasama rin.
15:50Ngayong Martesanto sila bumiyahe para mas mahaba raw ang bakasyon.
15:53Dito sa gate 4 na aking kinaruroon na nag-aabang ang mga biyaheng Bicol, Baguio, Dagupan, San Carlos, Tuguegaraw at Olonga po.
16:01Nasa ibang gate naman ang iba pang mga biyahe.
16:03Kada 30 minutos ay may dumarating na bus pero sa ngayon ay fully booked na raw po ang ilang mga bus lines hanggang bukas.
16:11Paliwanag naman ang pamunuan ng PITX.
16:13Bagamat fully booked, ay fully booked lamang ito sa partikulang na oras pero meron pa rin naman daw na makukuha kung mag-book online o kahit mag-walk-in.
16:21Bukas naman Cara inaasahan yung bulto ng mga pasahero na inaasahang aabot ng mahigit 200,000 ng mga pasahero para sa Miercoles Santo.
16:31At tuloy-tuloy naman ang operasyon ng PITX kahit pa sa Biyernes Santo hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay.
16:37Yan muna ang latest o pinaksariyong balita mula rito sa PITX.
16:42Balik sa iyo Cara.
16:43Maraming salamat sa iyo, Maris Umali.
16:45Ang literal na out of this world dreams, nagkatotoo para kay E.T. singer Katy Perry.
17:02Okay, I'm gonna show you the capsule.
17:07Here I am.
17:09Seat number two.
17:11It's a woman's world ang eksena ng pop star kasama ang lima pang babae sa isang historic flight.
17:20Kasama rin si Nakerian Flynn, Gayle King, Aisha Ball, Amanda Nguyen at Lauren Sanchez.
17:29Sakay sila ng rocket na nilaunch kahapon sa Texas, USA.
17:34Pasado alas 9 ng umaga, tagumpay itong nag-lift off.
17:41Nakarating ang rocket nila, mahigit 300,000 feet ang layo mula sa Earth.
17:47Welcome to space, ladies!
17:50Habang nasa space, nakarana sila ng zero gravity sa loob ng apat na minuto.
17:56Take off space!
18:00Enjoy sila habang palutang-lutang.
18:04There we go.
18:06Kung breathtaking ang pag-launch, makapigil hininga rin ang bawat segundo nila pabalik sa Earth.
18:13Just free falling right there until there's...
18:14Dinig ang sigaw ni na Katy habang humihiwalay sa main rocket ang capsule.
18:20Ligtas namang nakapag-landing ang buong crew.
18:23Sa tuwa, umeksena si Katy nang I Kissed the G, as in ground o lupa.
18:37This experience is right, is second to being a mom.
18:43And to go to space is incredible and I wanted to model courage and worthiness and fearlessness.
18:53Tumagal ng 11 minutes ang space flight ni na Katy.
18:58Sila ang first all-female crew na nakarating sa space in more than six decades.
19:031963, nang magka-solo space mission, ang kosmonaut na si Valentina Tereskova.
19:12This whole journey is not just about going to space.
19:17It's the training, it's the team, it's the whole thing.
19:22I couldn't recommend this experience more.
19:24War Santiago, nagbabalita para sa GMA Integrated News.