Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
-Madre na naging malapit kay Pope Francis, pinayagang makalapit sa kabaong ng Santo Papa


-Doktor ni Pope Francis, ibinahagi ang mga huling sandali ng Santo Papa


-Ashley Sarmiento, gaganap bilang child-bride sa episode ng "Magpakailanman"/Alden Richards, may something groovy na revelation sa All-Out Sundays


-Pampamilyang adventures sa Doña Remediso Trinidad, Bulacan, tampok sa "Biyahe ni Drew" sa Linggo, 8:45pm sa GTV


-Larawan ng magiging puntod ni Pope Francis, inilabas ng Vatican


-Pope Francis souvenirs, patok ngayon sa mga turista sa Italy


-PNP, natukoy na may banta sa buhay ni Rizal, Cagayan Mayor Joel Ruma; PNP Chief Rommel Marbil, pinamamadali ang imbestigasyon


-Speedboat, nasunog matapos sumabog ang makina; 10, nagtamo ng paso


-Lalaki, sugatan sa pamamaril ng hindi pa kilalang motorcycle rider


-Rhian Ramos, tapos na sa kanyang taping sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre"


-121.88 meters na strawberry cake ng isang French patisserie, Guinness World Record Holder para sa longest strawberry cake


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pope Francis
00:01Sa gitna ng public viewing ng labi ni Pope Francis sa St. Peter's Basilica sa Vatican,
00:10mapapansin ang isang madre na wala sa pila at umiiyak.
00:14Siya si Sister Genevieve Jenninggros ng Ostia, Rome.
00:19Kahit labag sa protokol na lumapit sa kabaong ng Santo Papa,
00:22pinayagan siya ng mga nagbabantay bilang malapit na kaibiga ni Pope Francis.
00:27Nanatili siya roon ng ilang minuto, ilang beses nakasama ni Sister Genevieve si Pope Francis tuwing pumupunta siya sa Ostia.
00:36Kilala si Sister Genevieve sa pagtulong sa LGBTQ plus community na dati ring pinakitaan ng suporta ng Santo Papa.
00:46E kinuwento ng doktor ni Pope Francis sa mga huling sandali ng Santo Papa bago pumanaw nitong April 21.
00:51Sa panayam na isang dyaryong Italian kay Dr. Sergio Alfieri,
00:55alas 5.30 na umaga nitong lunes nang tawagan at papuntahin siya sa Vatican.
01:00Nadatlan daw niyang dilat ang mga mata ni Pope Francis.
01:04Walang nakitang respiratory problems ng doktor pero hindi raw sumasagot ang Santo Papa nang tawagin ng kanyang pangalan.
01:10Alam na raw noon ni Dr. Alfieri na nakomatos si Pope Francis.
01:15Wala na raw magagawa batay sa pagsusuri niya sa kondisyon ng Santo Papa.
01:18Sa hiwalay na panayam ng La Repubblica, sinabi ni Dr. Alfieri na may mga nagmungkahing isugod sa ospital si Pope Francis
01:25pero hindi raw daw aabot ng buhay.
01:28Bago yan, nagkita pa raw si Dr. Alfieri at Pope Francis noong Sabado de Gloria.
01:33Kwento raw ng Santo Papa, nangihinayang siya na hindi niya nagawa
01:36ang tradisyonal na paghuhugas ng paan ng mga preso sa Rome, Italy noong Huwebes Santo.
01:42Yun daw ang huling pag-uusap ni Pope Francis at kanyang doktor.
01:48Mga maret, challenging role ang pagbibidahan ni Sparkle star Ashley Sarmiento
01:57sa episode ng Magpakailanman Bukas.
02:04Tatalakayin kasi ang issue ng Child Brides sa episode na pinamanggatang
02:09Bata-bata, paano ka kinasal?
02:11Gaganap si Ashley bilang isang batang pilit na ipapakasal sa mas matanda sa kanya.
02:17Kwento ni Ashley na subok siya dahil matagal-tagal na rin ang huli niyang mabigat na role.
02:23Nakatulong daw sa kanya ang kanyang co-actors.
02:25Makakasama niya riyan si na Romnick Sarmiento,
02:28Maureen Larazaval, Aidan Beneracion, Mel Kimura at William Lorenzo.
02:33Maka panood yan bukas 8.15pm sa GMA at Kapuso Street.
02:38Ang huling hantungan ni Pope Francis sa Basilica of St. Mary Major sa Rome, Italy.
02:47Marble muna sa Italian region na Lugiria ang gamit sa puntod ng Santo Papa
02:54batay sa ulat ng Vatican News.
02:57Sa ang tangi pong inskripsyon o nakalagay sa lapida ay ang pangalang Franciscus.
03:03Alinsunod po yan sa hiling ng Santo Papa.
03:06Mayroon din cross na makikita roon.
03:08Bukas, ililibing po si Pope Francis sa Basilica of St. Mary Major
03:12na pinili niya ang huling hantungan.
03:23SOTF!
03:25Ooh, something groovy is coming!
03:28Muna kay Asia's multimedia star Alden Richards.
03:30Ang full reveal.
03:32Abangan sa linggo April 27 sa All Out Sundays.
03:38Kung bahay, kasyon ka lang nitong Holy Week at nagahanap ng destination,
03:45may recommendation ng ating favorite biyahero.
03:48Maghanda na sa mga adventure na pang-donya at pang-pamilya sa patikim ng biyahe ni Drew.
03:55Tayong mga tatay, pagdating sa mga anak,
04:03laging all out!
04:07G na tayo, Bejeros!
04:10Iba't ibang adventure, para sa buong pamilya.
04:13Bonus pa!
04:15Malapit lang!
04:16Definitely, pang-bata at pang-matanda.
04:19So yes, you can bring the whole family.
04:25Yak mag-e-enjoy ang kids sa pagpapakain ng mga kambing at tupa.
04:29Mga daddy at kuya!
04:41Let's get it on!
04:47Go! Go! Go! Go! Go! Go!
04:49Go! Go!
04:52Where's my popcorn?
04:53Green flag ang trail dito, Bejeros.
04:59Patag ang daan at mapuno ang daraanan.
05:02Yes, masarap magtampisaw din talaga kapag nararamdaman mo yung limig ng tubig pati yung init ng araw.
05:09Kapag may kasama ang baguets, dapat laging may ready na tshibog.
05:14Wow! Parang pinakula ng dalawang linggo.
05:19Sobrang lambot.
05:21Gusto ko lang malaman kung malambot na rin yung buto.
05:23Saan pa nang gala?
05:31Masumasaya ang bonding basta't tumpleto ang pamilya.
05:35Gaya na lang ng biyahe natin dito sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan.
05:44Samantana, patok ngayon ang iba't-ibang Pope Francis souvenir sa Rome, Italy.
05:50Mabentang-mabenta po ang mga ito,
05:51lalo sa mga turista na dumarayo roon para masilayan sa huling sandali ang labi ng Santo Papa sa Vatican City.
05:59Ilan po sa mga mapagbipili ang souvenir ay ang mga rosaryo na may imahe ni Pope Francis.
06:05Mga prayer cards, mga figurine o maliliit na rebuto, kahit mga kalendaryo at iba pa.
06:11Paglilinaw po ng isang shop owner, steady lamang ang bentahan.
06:15O hindi naman daw biglang tumaas ang demand sa mga Pope Francis souvenir matapos siyang pumanaw.
06:21Lumabas sa investigasyon ng Philippine National Police na may banta sa buhay ng pinaslang na alkalde ng Rizal Cagayan na si Joel Ruma.
06:37May ulot on the spot si Tina Panganiban Perez.
06:39Tina?
06:40Profit tutungo sa Cagayan ngayong araw ang liderato ng Philippine National Police sa pangunguna ni PNP Chief General Romel Francisco Marvill
06:49para alamin mismo ang update sa investigasyon sa pagpatay kay Rizal Cagayan Mayor Joel Ruma.
06:55Basa sa paunang impormasyon, wala raw banta laban sa re-electionist na alkalde na binaril habang nangangampan niya.
07:02Nadamay ang tatlo niyang kasama sa insidente.
07:05Pero ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Randolph Tuanyo, lumalabas sa pagbulong ng imbesigasyon na may iniulat palang banta sa buhay ng alkalde.
07:15Wala nang kaanong detalyang ibinigay si Tuanyo dahil magiging bahagi raw ito ng updates na ibibigay ng PNP mula sa Cagayan.
07:23Pero iniutos na anya ni PNP Chief Marvill sa pulisya na huwag baliwalain at bilisan ng security assessment sa anumang reklamo o sumbong ng banta sa sino mang individual.
07:35Balik sa'yo Rafi.
07:37Maraming salamat, Tina Panganiban Perez.
07:41Ito ang GMA Regional TV News.
07:46Nilamon ng apoy ang isang bangka sa dagat na sakop ng Zamboangas City.
07:51Nabalot ng makapal at maitim na usok ang paligid dahil sa nasusunog na speedboat.
07:56Base sa embesigasyon ng Bureau of Fire Protection, sumabog ang makina ng bangka nang subukan itong paanda rin.
08:02Dahil dyan, nagsitalunan palabas ang dalawampung sakay nito.
08:07Nagtamo ng paso sa katawan ang sampu sa kanila.
08:10Tinatayang isang milyong piso ang halaga ng pinsala ng sunog.
08:14Patuloy pa rin ineimbestigahan ang insidente.
08:17Sugatan sa pamamaril ang isang lalaki sa Malasiki, Pangasinan.
08:26Sa CCTV, kitang huminto ang isang tricycle sa Barangay Gomez.
08:30Kasunod nito tumigil ang isang motorsiklo.
08:33Maya-maya pa, tumumba ang tricycle driver.
08:36Binaril na pala siya ng hindi pa kililang rider na agad tumakas.
08:40Nagpapagaling ngayon sa ospital ang biktima.
08:42Kwento niya sa pulisa, wala naman daw siyang kaalitan.
08:46Inibestiga na ang motibo sa pamamaril.
08:48Latest para sa mga mare at para nating Encantadix.
08:59It's a wrap na para kay Rian Ramos sa taping ng karakter niya sa Encantadia Chronicles Sangre.
09:07Please take your final bow.
09:11Nagbow na si Rian sa production team bilang si Mitena sa serye.
09:15Chill mode na nga siya sa set habang kumakain ng ice candy.
09:20Abah, hint kaya yan sa eksena ng karakter niya bilang ice queen at kambal ni Kasyopeya.
09:28Aabangan natin ang mga yan sa sangre na mapapanood na soon.
09:40Ito na, saktong panghimagas for this week.
09:43Ang tampok nating story, ah?
09:44May creation na isang patisserie sa France na siguradong hindi kayo mabibitin.
09:49Abah, tikma na yan.
09:53The dessert is on the table.
09:56Yan ang strawberry cake na isang French pastry shop na halos 122 meters ang haba.
10:01Matapis ang ngiti ng mga chef dahil yan na ang Guinness World Record holder para sa longest strawberry cake.
10:07Nahigitan niya ng 2019 record ng Italy sa strawberry cake na may habang mahigit 100 meters.
10:12Kabilang sa ingredients niyan, ang sandamakmak na asukal, itlog, cream at 350 kilos ng strawberry.
10:20Isang slice naman dyan ang cake na wow na wow!
10:26Paabutin niyo na yan hanggang dito.
10:28Intay niyo ang bagyo.

Recommended