Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
-3, patay matapos maatrasan ng truck ang 5 sasakyan sa Brgy. Fortune; 10, sugatan/Paliwanag ng truck driver, hindi kumagat ang preno ng truck matapos nitong hindi kayanin ang paahong kalsada


-WEATHER: PAGASA: LPA, posibleng mamuo malapit sa Mindanao sa mga susunod na araw


-Public viewing sa labi ni Pope Francis, dinadagsa ng libo-libong tao


-Labi ni Pope Francis, inilipat na sa St. Peter's Basilica para sa public viewing/Mga debotong Katoliko, matiyagang pumila para masilayan ang labi ni Pope Francis/Pope Francis, ililibing sa Sabado sa Basilica of St. Mary Major sa Rome


-4-day National Mourning para kay Pope Francis, idineklara ng Malacañang; watawat sa gov't offices, naka-half-staff dapat


-Hiling ng ilang nasa NCR, dalhin din sa kanilang lugar ang P20/kilong bigas/Dept. of Agriculture: P20/kilong bigas, mabibili sa ilang lugar sa Visayas simula sa susunod na linggo


-P200,000 pabuya, alok para sa ikahuhuli ng mga suspek sa pagpatay sa Korean national sa Brgy. Anunas


-Abandonadong apartment building, nasunog


-Iba't ibang isyu, tinalakay ng ilang senatorial candidate sa kampanyaBalitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Trahedya ang inabot ng ilang motorista sa Barangay Fortune sa Marikina kagabi.
00:05Ang truck kasing sinusunda nila sa paahong kalsada ay biglang umatras.
00:11Tatlo ang patay, sampu naman ang sugatan.
00:13Ang mainit na balita hatid ni EJ Gomez.
00:18Nagkawasak-wasak at nayupi na parang lata ang limang sasakyan
00:22na nadamay ng maaksidente ang isang trailer truck sa Barangay Fortune sa Marikina City mag-aalas 10 kagabi.
00:29Kabilang sa nadaganan ng trailer truck ang dalawang pampasaherong jeep, dalawang kotse at isang SUV.
00:36Sa pool sa CCTV, ang pagdaan ng trailer truck sa pataas na bahagi ng kalsada kasunod ang ilang sasakyan.
00:43Sa isa pang CCTV, kita ang biglang pagtigil nito at pag-atras na nagresulta ng karambola.
00:49Basis sa initial investigation po, ito pong 40-footer, paakit po siya dito sa STP part po nitong kalsadang ito.
01:01Unfortunately, parang hindi po kinaya at umatras po siya hanggang sa nagsyete po yung kanyang truck
01:09at yung mga kasunod po niyang sasakyan ang naatrasan at na-damage po niya.
01:13Ayon sa Marikina MDR-RMO, tatlo ang patay habang sampu ang sugatan.
01:19Ito yung isa sa mga kotse na nagkayopi-upi dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangganan trailer truck.
01:25Dito retrieve ang dalawa sa biktimang nasawi.
01:29Mahigit anim na oras matapos ang aksidente, na-retrieve naman ang ikatlong biktimang nasawi.
01:34Siya po yung driver ng jeep na nadaganan ng tumaob na trailer truck.
01:39Pahirapan ang rescue at retrieval operations.
01:42Kasi ipit na ipit yung biktim na nakuha sa ilalim, yung nadaganan po, yung sa may jeep po.
01:48So yun lang din na nag-estabilize kami sa safety ng mga rescuer po
01:52before natin i-extricate yung biktim po.
01:56Ayaw natin na malagay siya sa alanganin or mas ma-endager pa siya.
02:01At sinubukan po namin gamitan po siya ng heavy equipment agad, pero mas naiipit po siya eh.
02:06Ikinuwento naman ng ilang nakaligtas ang nangyaring aksidente.
02:10Nakita ko na nakahinto yung container van na yan.
02:13Nung naramdaman namin ng matras, nag-atrasa na kami, ang bilis eh.
02:16Sunod-sunod na, tumarsig pa nga sa akin yung...
02:20Kasi pagbangga ng mga sakyan sa harapan ko, tumarsig na sa akin yung bubog yan eh.
02:25Tapos, umikot-ikot kami. Pumikit na ako. Kala ko sabi ko, wala na, patay na. Ganon.
02:30Malakas po. Kumbaga parang pinilit ko na lang ilikho yung monibela
02:35para lang makaiwas kami sa git-gita ng sasakyan na tumama sa amin.
02:40Buti na lang nakaligtas kami lahat eh. Kala ko talagang patay na kami.
02:43Pasado ala sa is kaninang umaga nang maalis ang truck mula sa pagkakahambalan sa kalsada.
02:49Gayun din ang mga damay na sasakyan sa aksidente.
02:53Hawak na ng Marikina City Police ang driver ng trailer truck.
02:57Nararamdaman ko po na medyo pain na yung tunog yung truck po.
03:03Tapos, hindi na kayang umahon.
03:07Kahit anong apak ko po sa prino po, wala talaga po.
03:10Umatras po ako doon. Yung sumusunod na kutsi at saka akuan, doon, naagip po.
03:18Hindi ko po talaga sinasadya po talaga yan.
03:21Aksidente po talaga yan.
03:23Maharap siya sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide
03:27and multiple injury with multiple damage to property.
03:31EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:34Isang low-pressure area ang posibleng mamuo malapit sa Mindanao sa mga susunod na araw.
03:44Base po yan sa mga datos na nakuha ng pag-asa mula sa ilang weather models.
03:49May chance ang pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang posibleng LPA.
03:54Gayunpaman, mananatiling mababa ang posibilidad nitong maging bagyo.
03:58Paglilinaw po ng pag-asa, maaari pang magbago ang datos ukol dyan, kaya tumutok lagi sa weather updates.
04:05Hindi rin naman iniaalis ang posibilidad na magkaroon ng low-pressure area kahit sa tag-init.
04:11Sa ngayon po ay Easter Lease at Intertropical Convergence Zone ang mga weather systems na nakaka-apekto sa ating bansa.
04:18Ngayong Webes, posibleng umabot sa danger level na 45 degrees Celsius ang heat index sa Tuguegrao, Cagayan.
04:2544 degrees Celsius naman sa Dagupan, Pangasinan, Echage, Isabela, Baler at Kasiguran sa Aurora, Iba, Zambales at Sangley Point sa Cavite.
04:34Labing tatlong lugar naman ang posibleng umabot sa 43 degrees Celsius ang damang inip.
04:39Posibleng umabot sa 42 degrees Celsius na heat index ang walong lugar sa Luzon, kabilang ang Pasay City.
04:48Dumagsa mga tao sa unang araw ng public viewing sa labi ni Pope Francis sa St. Peter's Basilica sa Vatican City.
04:59Mahabang pila na umabot ng oras-oras ang hinarap ng mga deboto para sa ilang sandali ng team team na pagdarasal sa harap ng labi ng Yumaong Santo Papa.
05:08Ayon sa takapagsalita ng Vatican, umabot na sa mahigit 11,000 tao ang pumasok sa Basilica para magbigay ng huling pamamaalam.
05:16Kabilang sa mga pumila ang ilang Pilipino na naghintay rin ng ilang oras para masilayan ang Santo Papa.
05:23Inasahan magtatagal ito hanggang bukas, April 25, bago ang libing sa Sabado.
05:31Ilang seremonya ang isinagawa sa paglilipat ng labi ni Pope Francis mula sa Casa Santa Marta patungong St. Peter's Basilica.
05:38Balitang hatib ni Ian Cruz.
05:40Dinasalan at binasbasa ni Cardinal Kevin Farrell ang kamerlengo o tagapangasiwa ngayon ng Vatican ang labi ni Pope Francis.
05:53Mula ka sa Santa Marta kung saan nanirahan si Pope Francis, inilipat ang kanyang labi patungo sa St. Peter's Basilica.
06:00Bukas ang kabaong sa buong prosesyon na dinaluhan ng mga kardinal.
06:06Kabilang si Cardinal Luis Antonio Tagle.
06:09Pagdating sa St. Peter's Square, sinalubong ang kabaong ni Pope Francis ng palakpakan.
06:17Sa loob ng Basilica, nagkaroon ng Liturgy of the Word.
06:20Fratelli et Sorelle.
06:22Nagbigay pugay ang mga kardinal.
06:28Bago binuksan ang public viewing.
06:31Matyagang pumila ang mga Katolikong naismasilayan ang labi ng Yumaong Santo Papa.
06:36Kabilang ang ilang Pilipino.
06:37I was lucky enough to have been for the first mass of the Pope for the health workers.
06:45Nandito ako naman noon.
06:46And then Palm Sunday.
06:48And then Easter Sunday.
06:49And then his last mass nga.
06:51And then now for this one, sadly.
06:53We were here before the Pope died.
06:55So sad na nandito kami na he passed away.
06:59But it wasn't the original plan.
07:01The original plan was to come here to visit.
07:03And then maybe to see him still.
07:05But hindi na namin napuntaan unfortunately.
07:08Hindi naman namin in-expect na ngayon din mangyayari yung sun news.
07:14Sa Sabado, ililibing ng Santo Papa.
07:17Mula St. Peter's Basilica,
07:19dadalhin ang labi ni Pope Francis sa Basilica of St. Mary Major.
07:23Kung saan niya hiniling na mailibing.
07:26Nagkumpirmang dadalo sa funeral ang ilang world leader at personalidad.
07:32Ian Cruz nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:35Nagdeklarang Malacanang ng apat na araw na period of national mourning para kay Pope Francis.
07:42Bulayang kahapon hanggang Sabado kasabay ng nakatakdang funeral ng Santo Papa.
07:47Alinsunod sa proklamasyon na kahal staff dapat ang watawat ng Pilipinas sa lahat ng Philippine government offices sa bansaman o abroad.
07:54Ayon sa Malacanang, si Pope Francis ay isang simbolo ng pagpapakumbaba, compassion at kapayapaan.
08:01Kahapon, inianunsyo ng Malacanang na dadalo ang Pangulo at si First Lady Lisa Araneta Marcos sa funeral service ng Santo Papa sa Sabado.
08:08Simula po sa susunod na linggo, mabibili na sa piling lugar sa Visayas ang 20 pesos na kada kilo ng bigas ayon sa Department of Agriculture.
08:23Sabi naman ng ilang taga-metro manila, sana raw meron din yan dito sa lugar natin.
08:29Balitang hatid ni James Agustin.
08:30Araw-araw dumaraan sa bilihan ng bigas ng security guard na si Glad bago pumasok sa trabaho.
08:3842 pesos per kilong bigas ang binibili niya.
08:41Malaki na raw na tapya sa presyo niya nito mga nagdaang buwan mula sa dating 52 pesos per kilo.
08:46Siyempre po, sir, masaya po. Dahil sa taong mamayan po nakakatulong po sa atin, sir, sa pang-araw-araw natin pamunguhay.
08:55Si Sally na may-ari ng karinderiya sa Santa Cruz, 42 pesos per kilong bigas din ang binibili sa palengke.
09:01Malaking bagay sa akin yun, saka sa mga kumakain. Kasi iba, walang pera, budget lang.
09:09Sa tindahan ito sa Blooming Treat Market sa Maynila, 42 pesos hanggang 45 pesos ang presyo ng kada kilo ng imported rice.
09:18Pasok sa itinakdang Maximum Suggested Retail Price o MSRP ng gobyerno.
09:23Sa local rice naman may mabibiling 36 pesos per kilo hanggang mahigit 50 pesos depende sa klase.
09:30Ang gobyerno ilulun sa dam program ang 20 pesos per kilo na bigas sa susunod na linggo.
09:35Pero sa ilang piling lokal na pamahalaan pa lang sa Visayas.
09:38Ayon sa Department of Agriculture, kalaunang target din itong maipatupad sa buong bansa.
09:44Magkakaroon daw ng subsidiya ang gobyerno para maabot ang ganyang presyo.
09:47Sabi ng mga mamimili, sana ngayon makarating ito sa mga pamilihan sa Metro Manila.
09:52Katulad ko sir na nagtitipid po ng budget. Nakakatulong po yan sir para sa amin po sir.
09:58Pero bibili po ba kayo kung sakali mo yung 20 pesos na bigas?
10:02Tipinti po sir.
10:03Sa quality?
10:03Sa kapo.
10:04Pabor sa akin yun.
10:06Kaya lang kung sa 20 pesos.
10:08Kung baga sa ano, mga ganda ba yung kalidad ng 20 pesos na yun?
10:12Kasi misan sa halagang 20 pesos hindi mo makakain.
10:16May amoy, may lasa.
10:18Siyempre bibili ka rin naman kahit namumurahin.
10:20Yung may kalidad ang kakainin mo.
10:23James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:26Ito ang GMA Regional TV News.
10:33Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
10:38May alok ng pabuya ang Korean Association Community sa Angeles, Pampanga para sa ika-aresto ng mga suspect sa pagbatay sa isang Koreyano roon.
10:46Chris, ano ba ang update natin sa kaso?
10:51Bonnie, pang-hold up pa rin ang tinitingnang motibo sa krimen.
10:56Sa kuha ng CCTV, nakatayo ang mga biktima at kanyang kaibigan sa tapat ng isang bangko sa barangay Anunas nitong Easter Sunday.
11:04Dumating ang mga sospek na sakay ng motorsiklo at kinablot ang bag na may lamang 5,000 pesos, cellphone at passport.
11:12Nagtangka ang mga biktimang bawiin ang bag hanggang sa binaril na isa sa mga sospek ang Koreyano.
11:18Tinamaan siya sa dibdib.
11:19Tinutugis pa rin ang mga sospek na ngayon ay may patong nasa ulo na 200,000 pesos.
11:25Nag-aling ng bulaklak si South Korean Consul General Sang Seung-man sa crime scene sa Korean Town.
11:33Nasunog naman ang isang abandonadong apartment building sa San Carlos City dito sa Pangasinan.
11:39Natupok ng apoy ang gusali na may tatlong palapag sa barangay Palaris.
11:44Hindi naman kumalat ang apoy sa mga katabing gusali nito.
11:47Walang nasaktan sa insidente.
11:49Inimbestigahan na ang pinagmula ng apoy at kabuang halaga ng pinsala.
11:53Inaalam din kung sino ang may-ari ng abandonadong gusali.
12:03Pagpaparawo ng turismo ang diniini Sen. Lito Lapid sa Pampanga.
12:13Pati si Manny Pacquiao na pagpapaunlad ng kanayunan ng nais.
12:18Si Dito Soto pagsasabatas ng 14-month pay ang isinusulong.
12:23Sinabi naman ni Sen. Francis Turentino na ipaglalaban niya ang Pilipinas.
12:27Pag-standardize ng sweldo ng mga barangay tanod ang gusto ni Congressman Erwin Tulfo.
12:33Nagpasalamat naman si Congresswoman Camille Villar sa suporta ng mga kapampangan.
12:39Isa sa binigyang diini Benjar Abalos ang libring pabahay.
12:43Pag-alis sa tax sa overtime pay at bonus ang isinusulong ni Mayor Abibinay.
12:48Ibinida naman ni Sen. Bong Revilla ang mga naipasanyang batas.
12:53Matibay na ugnayan ng nasyonal at local government ang ininiini Sen. Pia Cayetano.
12:58Sa kay Tarizal na ngampanya, si na Congressman Rodante Marcoleta, Jimmy Bondoc at Philip Salvador.
13:05Si Sen. Bonggo isinusulong ang pinalawak na PhilHealth Benefits.
13:10Nag-ikot sa palenggis sa dagupan si Sen. Aimee Marcos.
13:14Cash gift sa mga mag-asawang aabon sa 50th anniversary na is ni Sunny Matula.
13:20Dumalo sa forum na mga magagawa si Liza Masa.
13:26Nars Alin Andamo.
13:31Congresswoman Franz Castro.
13:36David De Angelo.
13:41At Atty. Luke Espiritu.
13:43Nag-motorcade sa Pampangas si Kiko Pangininan.
13:50Land reform ang binigyang diin ni Danilo Ramos.
13:551,200 pesos na daily living wage ang isinusulong ni Jerome Adonis.
14:00Pas mataas na pondo para sa libreng kolehyo ang ipinangako ni Bam Aquino.
14:04Ligtas at regulat na trabaho ay pinapanukalan ni Congresswoman Arlene Brosas.
14:10Oportunidad sa loob ng bansa ang gusto ni Teddy Casino para sa mga Pinipino.
14:15Nakipagpulong si Angelo de Alban sa PWD Leaders and Advocates sa Bacolod City.
14:21Patuloy naming sinusundan ang kampanya ng mga tumatakbong senador sa eleksyon 2025.
14:27Ian Cruz nagbabalita para sa GMA Integrated News.
14:30Patuloy naming sinusundan ang kampanya ng mga tumatakbong senador sa Bacolod City.

Recommended